Hindi gaya ng una kong punta rito, ngayon ay saya at excitement lang ang nararamdaman ko, walang kaba. Nasa kotse pa lang kami ay nakaabang na ang mag-asawa sa malaking pintuan ng mansion. Nakakainit ng puso na makita ang ngiti at excitement sa kanila lalo na ang alam lang nila ay ako lang naman ang kasama ni Poseidon. Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang pagtanggap nila sa akin. Tinignan ko si Azul at hinaplos ang ulo niya. "Bless ikaw anak, ha?" saad ko. Nilingon niya ako at ang inosente niyang mga mata ang sumalubong sa akin. "Yes, Mama. But how am I going to call them?" Inakbayan siya ni Poseidon. "Whatever you're comfortable with. It's okay if it's Lola or—" Umiling siya. "I don't want Lola and Lolo," aniya. Napalunok ako nang mapagtanto kung bakit negatibo iyon sa kaniya. Tumiti

