Dark blue
Pinanood ko ang marahas na paghampas ng alon sa dalampasigan. Umabot iyon sa walang sapin na paa ko. Ang kalawakan ng dagat sa harap ko ay halong asul at berde ang kulay. Pero ang mga hampas ng alon nito ay puting-puti na bumubulabog sa pinong buhangin na aking tinatapakan.
The waves are harsh and strong. Na kung hahayaan ko ang sarili na magpadala rito ay hihilain ako nito at muling itutulak, hindi sigurado kung saan ako dapat ilugar. I'll be in between the waves, for sure. Grasping to breath.
But that thought is not scaring me anymore. Matagal na akong nilulunod at pumapalag sa pagitan ng alon ng buhay.
"Hoy, nagse-senti ka?" Narinig ko na tanong ng pamilyar na boses.
Sinikup ko ang buhok na sumasabog dahil sa hangin. Nilingon ko si Diana Rose at inilingan siya.
"Iniisip ko lang kung paano kaya kapag naging isda ako," sagot ko sa kaniya at ngumisi.
Inirapan niya ako. "Ano na? Sa amin ka na kumain! Tanghali na, oh?" aniya. She scanned my body. "Nagpapa-tan ka ba? Ang init-init, nandito ka!"
"Hindi ko naman maramdaman masyado ang init ng araw dahil sa preskong hangin," I answered and shrugged. Tinalikuran ko ang dagat at naglakad na. "At huwag ka na mag-alala. May kakainan ako ngayon," saad ko at napahagikhik nang maisip ang gagawin.
"Ha? Saan naman? Bwesit kasi 'yang magnanakaw na 'yan, ikaw pa pinagnakawan. Pero 'di bale, nasa laot si Tatay. Bibigyan ka no'n kaya may maibebenta ka ulit," aniya.
Naglakad na kami pabalik sa mga kabayahan. The majority of the houses here are made of light materials. Ang bubong ay pawid tapos ang mga pader ay kawayan, kahoy o 'di kaya ay manipis na plywood. Kaya kapag bumagyo, nililipad talaga madalas ang mga bubong. Malas din sa panahon na gano'n 'yong may mga puno ng niyog sa tabi ng bahay kasi kapag bumagsak ang bunga, butas.
The trees and the sea here are both advantage and disadvantage. Pero mas pinipili ng lahat na makita ang positibo na epekto ng mga 'to.
"May feeding program ang purok natin. Magvo-volunteer ako," saad ko.
Nang maisip ang posible na oras na ay napatakbo ako. I heard Diana Rose calling me but I just waved my hand to acknowledge her. Tinakbo ko ang daan papunta sa maliit kong bahay.
"Oh, Salacia! Bakit ka tumatakbo?" tanong sa akin ni Mang Andoy.
"Mali-late na po ako!" sigaw ko at nagpatuloy na sa pagtakbo.
Ang bahay ko ay nasa dulo, malayo sa mga kabahayan. Ako lang mag-isa ro'n pero wala naman nangingialam sa akin dahil mababait ang mga taga-rito. Kaninang umaga lang talaga sa may bayan, nanakaw ang wallet ko.
Bumagal ang takbo ko nang matanaw na ang maliit kong bahay. Sa harap no'n ay dagat at magandang rock formation. Gusto ko kapag sunset dito dahil mistulang nagpapahinga ang araw sa mga batuhan na 'yon.
Kinalas ko ang kadena at binuksan ang pinto na gawa sa kawayan. Pumasok ako sa loob at hinanap ang tsinelas ko. Naghilamos ako ng mukha bago humarap sa salamin. Beads of water trickled on my face. I smiled at myself before tapping the towel on my face.
Sinuklay ko ang buhok. Mistulang umaalon ito nang maliliit mula sa tuktok. Natural na medyo brown ang buhok ko pero lumala dahil sa madalas na pagligo ko sa dagat. I think the water of the sea has an effect on hair. Nakaka-dry din kaya naman inaalagaan ko gamit ang niyog.
Tinupi ko ang panyo at ginawa kong headband. Inayos ko ang suot na puting off-shoulder na pinaresan ko ng bohemian skirt. I stared on my face and smirked.
I sighed and brushed my eyebrows with my finger. "Manatiling mapagkumbaba, Salacia," paalala ko sa sarili.
I have a pair of almond eyes. Brown iyon at napapalibutan ng makapal at malantik na pilikmata. My nose is pointed. Medyo pouty ang pula na labi ko na isa rin sa laging pinapansin sa akin dahil nakakaakit daw. Maliit ang mukha ko at perfect ang structure. At kahit medyo morena ay namumula ang pisngi ko.
Stay humble lang.
"Hi po!" bati ko sa mga volunteer na naroon.
"Nandito ka pala, Salacia!" bati sa akin ni Nanay Rowena na siyang tila leader doon.
Ngumiti ako at tumango. "Magvo-volunteer po sana ako," saad ko.
Nanlaki ang mata niya at napangiti. "Mabuti! Kulang kami!" Hinawakan niya ako sa balikat at lalong napangiti. "Naku, hulog ka talaga ng langit. Mukha na ngang anghel, napakabait pa!" aniya.
I tucked the imaginary strand of hair behind my ear and laughed softly. Gusto kong sumagot na maliit na bagay pero dapat stay humble, eh.
And honestly, hindi dahil sa kabaitan kung bakit magvo-volunteer ako. Dahil sa gutom na sikmura!
Nakakahiya kasi makikain kina Diana Rose. Doon na lang ako lagi kumakain kapag wala akong makain! Ang dami na nga nilang magkakapatid, sisingit pa ako.
Nagsimula na ang feeding program. Hindi ko akalain na mae-enjoy ko rin pala kumausap sa mga bata at mag-serve sa kanila. Tapos ang lakas nila kumain dahil tinola na manok ang ulam. Lalo akong nagugutom habang nakikita silang kumain.
"Ate, pahingi pa ng kanin," sabi ng bata na tatlong beses na akong tinawag kanina para manghingi ng kanin.
Napangiwi ako at hilaw na ngumisi sa kaniya. Yumuko ako saka ngumiti habang nakalapit ang mukha ko sa kaniya.
"Neng, hindi 'to fiesta. Feeding program 'to," saad ko habang nakangiti pa rin.
Inosente naman itong nakatingin sa akin saka tumango. "Oo nga. Kaya nga pakainin mo pa ako."
"Bawal na. Marami pang nagugutom, huwag kang patay-gutom be," I said and smiled fakely.
The girl glared at me. Luminga ako saglit at nang makita na abala lahat, nilingon ko muli ang bata at sinamaan ng tingin.
"Ano? Aangal ka?" mariin kong tanong.
Kinabahan ako nang makita na mukhang iiyak na siya. Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya at kunwari ay inalo siya.
"Bebe, huwag na umiyak. Ang pangit mo lalo, sige ka!" bulong ko ulit.
The kid cried loudly. Napatayo ako nang tuwid at kumabog ang dibdib. Maraming napatingin sa amin. Tumayo ang bata at tinulak ako nang malakas bago tumakbo palayo. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Atleast, 'di siya magsusumbong sa ibang volunteers.
"Ano'ng nangyari do'n?" tanong ni Nanay Rowena.
Napakamot ako. "Gusto pa kumain. Pang-apat niya ng kanin 'yon kung sakali," alanganin kong turan.
Natawa ang matanda at napailing. "Mabuti at hindi mo na pinagbigyan. Ang feeding program na 'to ay para manatiling malusog ang mga bata. Ang batang 'yon, nagiging obese na dahil pinapabayaan ng nanay na kain nang kain at hindi healthy ang gano'n."
Nakahinga ako muli nang maluwag. "Opo nga 'Nay, eh. Lalo na, paano naman 'yong ibang nagugutom..." katulad ko. Peke akong ngumisi.
The feeding program ended successfully. It is exhausting yet fulfilling kasi ang sarap mang-asar ng mga bata nang pasimple. May inihandang pagkain din para sa aming mga volunteer kaya nakakakain ako ng aking late lunch.
"May sayawan mamaya. Tiyak na marami naman ang sasayaw sa'yo niyan," saad ni Lindsay na kasama ko sa mga volunteer.
Naghuhugas kami ng mga plato na ginamit. Parang bundok 'yon sa harapan namin pero ayos lang, hobby ko naman ang maghugas ng plato.
"Para saan ang sayawan?" tanong ko at inalala kung ano'ng araw ba ngayon.
Hindi pa naman fiesta, kaya bakit may sayawan na?
"May mga dayo kasi, galing Maynila. Alam mo naman si Kapitana, pasikat masyado."
Kumunot ang noo ko. "Bakit magpapasikat siya sa mga 'yon? Mga turista ba?"
"Hindi. May ginagawa sa pier ng Sta. Monica, 'di ba?" aniya. Napatango ako nang maalala ang proyekto sa kalapit na barangay. "Ayon, mga professional ang team na naro'n. May mga engineer at kung anu-ano raw. Kasabwat ni Kapitana ang mga SK members."
Napairap ako. Pasikat nga talaga si Kapitana. Sa kabilang barangay naman 'yon, pero bakit dito magkakaroon ng sayawan? Sabagay, kaunti lang ang tao sa barangay na 'yon at puro komersyal structures ang naroon. At isa pa, gusto ko rin ng sayawan.
"Baka may mabingwit ka na professional, Salacia, ha?" Lindsay uttered then giggled.
Nagkibit-balikat ako at napangisi. Hindi malabo.
"Tignan natin," saad ko at napahagikhik.
Hindi ko na naman kailangan mamroblema sa pagkain ko para mamayang gabi. For sure, may pagkain do'n sa sayawan at kung walang handa, marami naman ang manlilibre sa akin.
Napailing ako sa naisip. Mahirap kasi talaga ang buhay para sa akin. Maybe I am to be blamed for it. Pero mas pipiliin ko na lang ang ganito kaysa sa may maayos na nakakain pero tila hayop naman kung ituring. I would rather choose this life.
"Bukas ang dating nina Tatay. Ano, gusto mo ng isda?" tanong ni Diana Rose habang tinutulungan akong pumili ng damit ko para sa susuotin ko mamaya.
Agad akong tumango. "Oo naman. Maglalako ako bukas ng umaga. Manghihingi rin ako sa iba pang darating galing sa laot," saad ko.
Tinignan ko ang kulay pula na off-shoulder ko. It is going to show my waist dahil na rin crop top iyon. Tinanguan iyon ni Diana Rose kaya 'yon ang napili ko. Ibinigay niya naman sa akin ang dark bohemian skirt.
"Ganito talaga halos ng damit mo. Off-shoulder tapos mahahabang palda," puna niya.
"Gustong-gusto ko ang ganito," I answered and smiled.
Kinuha ko ang mga gagamitin ko mamaya at inilagay sa plastic bago kami umalis ni Diana Rose. Sa kanila na lang ako magbibihis at maghahanda.
We are talking about our excitement for the event later while walking on the shore. Ang lakas ng boses ni Diana habang tuwang-tuwa sa pagkekwento. Napalingon ako sa dagat at natahimik habang pinapanood ang pag-aagawan ng liwanag at dilim. My life here is peaceful, just like what I want. I am free.
"Diana Rose... Salacia!"
Kapwa kami natigil sa paglalakad nang humarang sa amin si Luigi. The color of the sky reflected on his tanned skin. Ang medyo may kahabaan niyang buhok ay sumasayaw dahil sa hangin.
"Luigi," bati ni Diana Rose.
He smiled at her then glanced at me. Bahagya akong nag-angat ng tingin para magsalubong ang paningin namin. Mas ngumiti siya.
"Pupunta ka sa sayawan mamaya?"
Tumango ako at ngumiti. "Oo, siyempre. Doon na ako kina Diana Rose maghahanda," saad ko.
Napatango rin siya at ngumisi. "Sayaw tayo, ha?"
"Oo naman!" sagot ko agad.
He bit his lower lip and stared at me intently. "Ipangako mo! No'ng nakaraan, hindi na kita nahagilap sa dami ng sumayaw sayo!" May himig ng pagtatampo na saad niya.
"Magpa-reserve ka ng chance, insan," natatawang saad ni Diana Rose.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ngayon ay napaggitnaan na ako ng magpinsan.
"Hindi na kailangan!" I laughed a bit. "Promise, sasayaw tayo mamaya."
"Mabuti naman," saad ni Luigi at bumuntong-hininga. "Baka naman pwede na ako ang gawin mong first dance."
"Ang daming request!" litanya ni Diana Rose.
Natawa ako at napailing. "Tignan natin," saad ko at tumawa.
Ang ganda ko sa part na 'to.
Alas-siete ay naghanda na kami ni Diana Rose. Ang mga batang kapatid niya ay kanina pa nasa plaza. Bale, para sa bata muna ang sayawan at mamayang pasado alas-otso, sa mga nakatatanda na.
I brushed my hair gently. I put it in a low ponytail. Ang pulang scarf ko naman ay ginawa kong headband. May iilang hibla ng buhok akong itinira sa gilid ng aking mukha para may arte, kahit papaano.
Nasa kultura na ng lugar dito na paghandaan ang sayawan. Kaya rin malalapit sa isa't isa ang mga tao rito dahil sa mga ganitong klase ng event. Hindi man marangya ang buhay ay madalas may kasiyahan, tulad nga nitong sayawan. This is the time that we are gonna have some bonding.
Naglagay ako ng kaunting pulbo sa mukha. I gently bit my lips to make them redder. Sinuklay ko ng daliri ang kilay ko. I smiled at myself on the mirror.
Nilingon ko si Diana Rose na handa na. Fitted na blouse ang suot niya at skirt na hanggang tuhod. Nakalugay ang tuwid niyang buhok. Katulad ni Luigi ay medyo singkit ang mata niya. She looks simple yet pretty. Nagpahid siya ng manipis na lipstick sa labi maging sa pisngi.
"Lipstick?" alok niya.
Umiling ako at muling nilingon ang sarili sa salamin. Inayos ko ang off-shoulder. My very pretty and sexy collarbone is showing. I smirked and stood.
Yumuko ako para ayusin ang pwesto ng mga anklet ko na gawa sa beads. Isinuot ko na ang tsinelas bago kami tuluyang lumabas ni Diana Rose. Sa medyo malayo pa lang ay naririnig ko na ang malakas na tugtog. I am sure that some houses are vibrating because of the loud music.
Pagdating sa plaza ay maingay at buhay na buhay ang paligid. Iilang matatanda ang naroon na binabantayan ang mga bata na nagsasaya. May mababa na mga bakod na gawa sa kawayan at pawid sa paligid ng plaza. May magkakapatong na malalaking speaker at sa itaas ay may mga neon lights na malilikot ang galaw. Sa may maliit na stage ay inihahanda ang mga pagkain at alak na pagsasaluhan mamaya kapag malalim na ang gabi.
Lumipas ang oras ay wala na ang mga bata. Unti-unti ng dumarami ang mga matatanda. May mga table na sa gilid-gilid kung saan may mga kumpol na ng mga magkakaibigan. Some elders pulled us to dance when a chacha song was played.
"Pagalingan tayo, Salacia!" tumatawang saad ni Nanay Rhea.
I giggled and nodded. Magkatapat kaming sumayaw kasama ng iba pang mga nakatatanda. Ang mga malalapit din sa akin na matatandang lalake ay sinayaw ako sa tugtog ng chacha. Ang mga matatandang babae naman ay hinahamon ako ng kompetisyon. Favorite ng matatanda ang mga ganitong sayaw. Ako naman ay kahit ano. I really love to dance.
Kahit sa tango ay hinahamon din nila ako na pinagbibigyan ko naman. Kapag mga ganitong event ay ako ang bida, kaya nga tinawag akong reyna ng sayawan.
"Naku, dati ganiyan din ako katulad sayo, Salacia. Matagal bago mapagod. Ngayon ay, hay naku!" humihingal na saad ni Nanay Mariel.
Nginitian ko siya at inalalayan na makaupo dahil hinihingal na siya at pagod.
"Naku, pagod na ang mga matatanda. Pinagod mo, Salacia," tumatawa na bulong sa akin ni Diana Rose matapos alalayan din ang isang matanda sa pag-upo.
Nagkibit-balikat ako. "Para sa mga nanay at tatay 'tsaka mga binata at dalaga na ang mga oras na 'to. Pagod na nga sila," I said and smiled.
"Ikaw, hindi pa pagod?" tanong niya.
I smirked at her. Matagal ang energy ko at punong-puno pa rin.
Dumating na sina Kapitana. Napalinga ako at tinignan ang pagpasok niya. Kasunod niya ay ang grupo ng kalalakihan na may kasamang dalawang babae. My lips parted when I scanned them. Sa pananamit pa lang ay ibang-iba na sila. Halatang mga dayo at galing sa Maynila.
Humina ang tugtog at halos ng mga naroon ay napalingon na rin sa mga bagong dating. Dinala sila ni Kapitana sa may mahabang mesa na nakahanda sa harap ng stage.
"Salacia, nandito ka na pala!"
Nilingon ko si Luigi. Nakasuot siya ng shirt, kupas na pantalon at tsinelas. Kahit mukhang luma ang mga 'yon, dahil na rin sa makisig siya ay nadadala niya 'yon nang maayos.
"Oo, kanina pa!"
Nilingon ko muli ang mga dayo. The men are wearing nice shirts and jeans. Ang mga sapin nila sa paa ay maaayos at magaganda. Pamilyar na ako sa mga gano'n. Alam ko na mga mamahalin ang mga 'yon. Tapos ang dalawang babae ay naka-dress.
"Sayaw na tayo kapag binalik na ang tugtog."
One man caught my attention. Nakatagilid siya at medyo nakaharap sa stage. Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang galing pa siya sa trabaho. He's wearing a white longsleeve top. He's rolling the sleeves up to his forearm. Itim ang slacks niya at itim din ang pormal niyang sapatos. Napatayo ako at napahakbang nang medyo humarap siya. Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang itim na itim na buhok dahil humaharang ang ilang hibla noon sa kaniyang noo.
"Salacia? Hey!"
Halos mapatalon ako nang may kumalabit sa akin. I realized that it was Luigi. At napagtanto ko rin na tila tumigil ang oras para sa akin kanina. I heaved a sigh.
"Ano 'yon?"
"Sayaw na tayo kapag binalik na ang tugtog," aniya.
Napakurap ako at tumango. "Oo, sige."
"Salacia, tawag ka ni Kapitana!" sabi ni Diana Rose na kararating lang. Ni hindi ko napansin na umalis siya.
"H-huh?"
"Bakit daw?" tanong ni Luigi.
Diana Rose grinned. Halos mawala ang mata niya dahil sa halos pagpikit noon nang ngumisi siya.
"Tulungan mo yata siya i-entertain ang mga dayo."
"Huh? Entertain? Bakit si Salacia?" Napahakbang palapit sa akin si Luigi at humawak sa braso ko.
Ako naman ay nanlaki ang mata at nakaramdam ng excitement. "T-talaga?"
"Siyempre, Luigi. Muse ng lugar natin si Salacia. Kapag may dayo, dapat lang ibida natin 'yong mga magaganda na maipapakita natin," nakangisi niyang saad.
"Ite-table nila si Salacia ro'n? Hindi niya nga mga kilala 'yon!" mariin na saad ni Luigi at humigpit ang hawak sa akin.
Hilaw akong ngumisi at marahan na tinanggal ang hawak niya sa akin.
"Kakausapin ko lang naman, gano'n."
"Oo nga! Ang pangit naman ng term mo na ite-table!"
"Gano'n sa Maynila. Kapag sumasama sa table, sumasama sila sa lalake para sa gabing 'yon. Baka 'yon ang isipin nila!" kontra ulit ni Luigi.
I chuckled. "Iyon man ang isipin nila, marunong naman ako tumanggi. Ano ka ba, Luigi? Chill!" I said and glanced at their table again.
Nagtatalo pa sina Diana Rose at Luigi ay umalis na ako papunta roon. My eyes focused on the broad back of the man. Siya ang nakaupo sa puno ng mesa kaya hindi ko makita ang mukha niya. Some men from their table glanced on my way.
"Salacia!" Sinalubong ako ni Kapitana at agad humawak sa braso ko. Pawis na pawis siya at nanlalaki ang mata. "Tulungan mo 'ko asikasuhin sila!" aniya.
"Okay!" masayang sagot ko at sumulyap muli sa nakatalikod na lalake.
Nilapitan namin ni Kapitana ang mga case ng beer. Binuksan ko ang mga alak. Binuhat ng mga binatilyo na naroon para sa akin ang mga case at dinala palapit sa table ng mga dayo. Ang mata ng iilang mga lalake na naroon ay nasa akin na.
"This is my assistant for tonight. She's Salacia," pakilala sa akin ni Kapitana.
"Hi!" maligayang bati ko.
Pito ang lalake na naroon at dalawa ang babae. Tatlo sa lalake na 'yon ay naglahad agad ng kamay. They are so approachable pero ramdam ko rin na may mga sinabi 'to sa buhay. They look professional even with their simple clothes.
"Aaron! Aaron ang pangalan ko!" saad ng isa na nangunguna sa pagpapakilala.
I accepted his hand and shook it.
"I am Colt. Nice to meet you Salacia!" pagpapakilala ng isa at humalik pa sa likod ng kamay ko.
"Call me Ferdie."
Ramdam ko ang pasimpleng pagkurot sa akin ni Kapitana. Ngumisi lang ako at tinanggap ang pagpapakilala nila kahit malaki ang chance na makakalimutan ko rin sila.
I swallowed hard and glanced at the silent man. My lips almost parted in awe when I saw his face.
Ang gwapo!
Even with his head bowing a bit because he's focused on his food, I am sure that he's handsome. With his jaw tightening as he chew, the perfection of his nose and the thickness of his eyelashes, I am drawn.
"Ehem! I am Lambert!"
Nag-angat ng tingin ang lalake. Tuluyan ng umawang ang labi ko nang magsalubong ang mata namin. He has a pair of the most beautiful eyes I have ever seen. Its dark blue shade reminds me of the mysterious and deep sea.
Tumahimik ang paligid para sa akin. Ang paghinga ay naging mahirap. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga titig niya.
"Salacia, kinakausap ka!"
Halos mapatalon ako sa mariin na pagkurot sa tagiliran ko. Sinimangutan ko si Kapitana at hilaw na ngumisi sa mga nagpapakilala pala sa akin. The girls rolled their eyes to me and I smiled at them. Nilingon ko muli ang lalake na ngayon ay tutok na muli sa pagkain.
"Hi! Nice to meet you guys!" I enthusiastically said. "How about him? Ano'ng pangalan niya?" tanong ko.
Some of the men groaned in disappointment when I asked about the man with dark blue eyes. Nanatili akong nakangiti at tinitigan lamang ang lalake na hindi na muli ako tinapunan ng tingin.
"Poseidon, the gorgeous girl is asking for your name," said the guy beside him then nudged at him.
"Hi, Poseidon!" bati ko matapos marinig iyon.
Well, it suits him. Nabasa ko noon na si Poseidon ang diyos ng karagatan. Bagay na bagay sa kaniya na parang malalim na dagat ang kulay ng mga mata at mala-diyos ang kakisigan.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. I displayed my most beautiful smile just for him. Umugong ang asaran sa table na 'yon. Lalong lumaki ang ngiti ko nang marinig ang kasunod na tugtog. Lumapit ako sa kaniya.
"Hi! Boy you just caught my eye. Thought I should give it try. Get your name and your number..." Nginisihan ko siya at nilahad ang kamay ko. "Can I have this dance?" I asked.
Lalo silang nag-ingay. Samantalang siya ay seryoso lang ang mukha, tila hindi natutuwa. Pero ako ay malaki pa rin ang ngiti habang nakatitig sa kaniya.
"Damn so confident, girl!" I heard one of them said.
I just smiled and stared at him. His jaw clenched like he's annoyed. My heart beat erratically. Poseidon sighed and stood before accepting my hand. Naghiyawan sila at alam kong naaagaw na namin ang atensyon ng iba. Lalo akong napangisi. Hinila ko siya sa gitna at tuwid lang siyang tumayo roon habang ako ay nagse-sway-sway sa harap niya.
"Sige na, huwag ka na mahiya!" saad ko.
The neon lights gave fancy color to him. He is so tall and he's towering over me. Matangkad ako kumpara sa maraming babae rito pero mas matangkad talaga si Poseidon. His rough hand feels harsh on my palm, especially when he pulled it from my hold.
"You shouldn't have forced me here," mariin niyang saad.
I gasped when I heard his voice. Cold and manly. Napangiti ako at umiling sa kaniya.
"Dapat sinabi mo na ayaw mo. Pero sumama ka," saad ko at nagkibit-balikat.
"Because they are pushing me and they are cheering for you."
Tumaas ang kilay ko. "You could say no, Poseidon. Hindi naman ako namimilit."
He stared at me coldly and smirked sarcastically. "Then what? You will be embarrassed and your confidence will die down?" The sarcasm is very evident on his voice.
I chuckled and shook my head. "Oh, no, no, Poseidon. Naagaw mo ang pansin ko, mukhang gusto kita. And I am making a move. But if you turn me down, I'll move on and I'll invite another man to dance with me," natatawa kong saad.
Naningkit ang mata niya at nagtiim-bagang. "What are you, playgirl?" May galit sa tinig niya.
Humagikhik ako at humakbang palapit sa kaniya. I saw how his adam's apple moved harshly when he swallowed hard.
"Playgirl? Nope. So, may chance ba ako sayo?" diretsa kong tanong. His eyes widened a bit. I smiled wider. "Kapag nagkagusto ako, gumagawa agad ako ng move. So, may chance ba ako sayo? Para tumigil agad ako kung sakali," bulong ko.
"And what, you'll play with my other workmates?"
My eyes widened a bit. "Oh no, may gusto ka na ba sa akin at nagseselos ka na agad?" nakaloloko kong tanong.
He glared at me. "I would never like a girl like you."
"Like me? Na confident? Bakit? Takot ka ba na baka hindi mo ako ma-handle?"
Masama lang ang tingin niya sa akin at hindi kumibo. Para siyang puno sa gitna at ako lang ang gumagalaw sa saliw ng tugtog. Napangiti ako.
"May chance ba ako sayo?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at malamig lang ang titig sa akin. Maya-maya ay nagwalk-out na rin siya at bumalik sa table nila. Alam kong inasar siya pagbalik niya. Napailing ako habang nakangiti.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Kung wala, mabilis lang sabihin na wala. Pero hindi niya nagawa.
Natawa ako. Ang pabebe at suplado naman no'n.