Chapter 2

2870 Words
Knight I was happy for the rest of the night with that small encounter. Ang dami agad pumasok sa isip ko. Saan nga ba sila nagtatrabaho? Sta. Monica? Hmm, isang sakay lang ng tricycle ang papunta roon. Bisitahin ko kaya siya palagi? "Uy, sino 'yon, ha?" nakangisi na tanong sa akin ni Diana Rose paglapit ko sa table nila. I smirked. "Poseidon. Isa 'yon sa nagtatrabaho do'n sa may pier sa kabilang barangay," saad ko. She poked my waist with a grin on her lips. Napailing-iling ako dahil alam ko na ang naiisip niya. "Ano? Hindi ka na kailangan ni Kapitana ro'n?" Umiling ako. "Malamang hindi na. Nandiyan na mga alipores niya." Ang iba naming kasama sa table ay panay ang pagtukso sa akin. Ako naman ay kinikilig lang lalo na kapag naaaalala ko ang mukha ni Poseidon. Nilingon ko ang table nila at napangiti nang makita na nagkakasiyahan ang mga kasama niya, samantalang siya ay tahimik lang at pormal na nakaupo habang hawak ang isang bote ng beer. A built blocked my view. I looked up and saw Luigi. Malamig ang titig niya sa akin. Ngumiti ako. "Ano? Sayaw na tayo?" tanong ko. Gumalaw ang panga niya na tila nagtitimpi. Kumunot ang noo ko nang makita ang galit sa mukha niya. "Ano? Sino 'yon? Customer mo ngayong gabi?" I chuckled. "What?" "Dahil mukha bang mayaman at galing sa Maynila, game ka na sa kaniya? Ano, Salacia? Iaalay mo ang sarili mo para sa desperasyon mong 'yan? Ang daming nakakita sa kalandian mo, ano ang iisipin nila sayo?" "Luigi!" Diana Rose shouted. Natahimik ang ibang nasa table namin. Natawa ako at umiling. "Ewan ko sayo, Luigi. Kung anu-anong sinasabi mo!" I laughed again and hit him on his arm jokingly. Hinuli niya ang palapulsuhan ko at mahigpit na hinawakan iyon. Natigil ako sa pagtawa ngunit nanatili ang ngiti ko. "Luigi, ano ba? Bitawan mo nga si Goddess!" mariin na saad ni Diana Rose. Her voice is raising, desperate to be heard amidst the loud music. "Hindi kasi nakatutuwa! Lumapit siya roon at kitang-kita nang marami kung paano niya nilandi ang dayuhan na 'yon. Tapos sabi mo pa na first dance tayo sa gabing 'to!" Mula sa kaniya ay inilipat ko ang tingin sa beer na nasa harap ko. Kinuha ko 'yon at agad na tinungga. Binawi ko mula sa hawak niya ang aking palapulsuhan. Napangiti ako matapos inumin 'yon at malasahan ang alak. Nilingon ko muli si Luigi. "Bakit ba galit na galit ka?" tanong ko muli. He looks fuming mad. Mukhang gusto niya ako sigawan pero pinili niya na iwan ang lugar na 'yon. Mabibigat ang yabag niya paalis. Natawa ako at nahagip ng tingin ang table ng mga dayo. In a split second, I saw Poseidon looking at me. Pero hindi ko rin sigurado dahil nang mag-focus ang paningin ko ay nakatalikod naman siya sa gawi ko. Baka assuming nga lang ako. But anyway, I really like him. "Salacia, pasensya ka na sa pinsan ko..." nahihiyang saad ni Diana Rose. I glanced at her. She looks apologetic. Ang ibang nasa table ay tahimik at ang iba ay nagbubulungan. Tumaas ang kilay ko at napailing. "Wala 'yon," I uttered and smirked. Uminom muli ako ng beer at bumuntong-hininga. His words did not affect me. I am not expecting to be respected anymore. Sa pamilya ko nga ay hindi ko 'yon naranasan, bakit ko pa aasahan na matanggap 'yon sa mga hindi ko naman kadugo? If they respect me, I'll be happy and I would appreciate it. And if other people would throw ill words to me, it's fine. It won't hurt me. Because I don't need validation from them. Ang respeto at halaga ko para sa sarili ay hindi nakadepende sa ibang tao. And if you reach this point, you'll be indestructible. Madilim pa ay gising na ako kinabukasan. Nag-asikaso ako sa sarili at hinanda ang bilao at maliit kong balde. Halos patakbo akong umalis ng bahay at pumunta sa may dadaungan ng mga bangka na galing sa laot. Nang makarating na ako sa dalampasigan ay huminga ako nang malalim. May mga kasama na ako sa pag-aabang, karamihan ay pamilya no'ng mga mangingisda. Si Nanay Aileen na ina ni Diana Rose ay katabi ko, inaabangan din ang kaniyang asawa. May dala siyang lampara na nagbibigay ng munting liwanag sa kadiliman ng paligid. "Bibigyan ka no'n ni Domeng," aniya. Tumango ako at napangiti. "Marami ang nangako sa akin na bibigyan nila ako ng isda. Pero pwede rin naman na ako ang magbenta ng isda nila tapos lalagyan ko lang nang kaunting tubo para sa akin," saad ko. Maya-maya ay natanaw na namin ang dalawang malaking bangka na parating. Napangiti ako at pinagmasdan sila. Madilim pa rito at hindi pa masyado naaaninag ang mga tao sa bangka. Pero sa malayo, tanaw na ang papasikat na araw. Tila umaahon ito mula sa ilalim ng dagat. It gave a dramatic lighting to the back part of the coming boats. I sighed in contentment while watching the beautiful scene. I really love this place. Maaga pa man ay maingay na sa daungan. Unti-unti na ring sumabog ang liwanag sa kaninang madilim na kalangitan. Maybe the best part of the scene is watching the wives of the fishermen hugging them. Ang ibang bata ay gising na rin at sumalubong sa kanilang ama. Ang masasayang pag-uusap nila ay sumasabay sa tunog ng mapayapang alon ng dagat. Ang mga nangako sa aking mangingisda ay binigyan nga ako ng isda. Inayos ko 'yon sa aking bilao. Ang maliit na balde ko ay may mga isda rin na mas malaki ang halaga. Ipinapabenta sa akin at papatungan ko na lang nang kaunti. Ipinatong ko ro'n ang mga plastic na gagamitin ko pati ang maliit na timbangan. "Saan ka magbebenta, Salacia?" tanong ni Diana Rose na naghahanda na rin dahil magbebenta rin siya. "Sa dati pa rin. Ang dami ko ng suki roon," sagot ko. She nodded. Nagpaalam na ako at umalis. Sumakay ako sa tricycle ni Mang Andoy. Sa kaniya ako lagi sumasakay tapos mamaya ko na babayaran kapag may benta na ako. Malakas kasi ako sa mga tao rito. Habang nasa biyahe ay namilog ang mata ko nang may mapagtanto. Ang pupuntahan ko ay malapit na malapit lang sa Sta. Monica! Lalo akong na-inspire magtinda nang maisip na makikita ko si Poseidon. Inaabangan na ako ng mga suki ko pagdating ko. Magiliw kong ibinenta ang mga isda na dala ko.  Some of them paid me with tip. May pa-tip sila dahil tuwang-tuwa sa akin. "Aling Melo, isda, you want?" sigaw ko habang kumakatok sa pinto niya. Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang nakasimangot at malaking mukha ni Aling Melo. I flashed my million dollar worth smile. Sinimangutan ako nito at tinignan ang dala ko. "Ayang galunggong! Isang kilo," aniya. "Aga-aga, imbyerna na," saad ko habang hinahanda ang binibili niya. "Aba't! May gana ka pang mang-asar! Hindi ako imbyerna!" sigaw niya. Tumango ako at inabot sa kaniya ang plastic na may isda. "Ah! Ganiyan nga pala talaga ang mukha mo, Aling Melo!" Pinanlakihan niya ako ng mata bago nagbayad. I just smiled sweetly and accepted the money. Binilang ko 'yon at may sobra na bente, as usual. Lalo akong napangiti. "Thank you, Aling Melo!" "Sige na, sige na! Umalis ka na sa harap ng bahay ko!" iritado niyang saad. I smirked and picked up my things. Nagkatinginan kami at naabutan ko pa siyang nakangiti pero agad na sumimangot nang magsalubong ang paningin namin. Napangisi ako lalo. "Bye! Don't forget to smile!" Inirapan niya ako at pabagsak na sinara ang pinto. Umalis na ako at naglakad na para magpatuloy sa pagbebenta. "Isda! Isda kayo diyan!" I shouted. "Hoy, huwag kang mambulabog!" "Isda kayo diyan!" Lalo ko pang nilakasan ang sigaw ko. Nadaanan ko ang Sta. Monica pero wala naman akong nakita na gwapong nilalang. Sabagay, sa may dulo pa ang pier. Saan kaya siya natutulog? Sana naman maayos ang tulugan ng baby ko. Pero for sure mas masaya ang tulog no'n mula kagabi at habambuhay. Siyempre, na-meet niya na ako! Napangisi ako sa naisip. Maaga ko naubos ang paninda. Hiniwalay ko ang tunay na kita ko sa pera na ibibigay ko sa nagpabenta sa akin. Dumiretso ako sa palengke para mamili ng mga kailangan ko. Tumaas ang kilay ko nang makita ang mga binebenta na isda roon sa wet market. "Ay, 40 lang sa akin 'yan, oh!" puna ko sa isda na 55 pesos ang benta roon. Napatingin sa akin ang bumibili. Ang tindera ay nanlisik ang mata sa akin. I just smiled and walked away. "Ang mamahal ng isda rito! Mas mura sa akin!" pagpaparinig ko. Kaya naman ang daming nakasimangot sa akin na tindera. Umalis na ako roon at pumunta sa ibang parte. Trip ko lang umepal sa kanila para maasar. Bumili ako ng iilang de-lata at tatlong kilo ng bigas. Pati na rin ng sabon, shampoo, tissue, at napkin. Naglalakad-lakad pa ako habang tumitingin sa mga paninda nang makakita ng magagandang beads. Lumapit ako roon at tumingin ng iba pa. I want to make another anklet. "How much is this?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang malamig at baritonong boses na 'yon. My eyes widened when I saw a familiar perfect built. Ang maputi niyang balat ay agaw pansin lalo na ang asul niyang mga mata. Natulala pa ako habang nakanganga. Ang gwapo niya! He's just wearing a v-neck shirt and a faded jeans. Hapit ang pang-itaas niya kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang katawan niya. Ang suot niyang boots ay medyo putikan na. Napakurap ako nang naglakad siya palayo. Namilog ang mata ko at agad pinulot ang mga dalahin ko at halos tumakbo para mahabol siya. Palabas na siya ng palengke! Hindi ko inalintana ang talsik ng mga putik sa aking bohemian skirt, basta mahabol ko lang siya. But I lost him! Hinihingal ako nang nakalabas nang tuluyan sa palengke. Ibinaba ko ang dala ko at luminga-linga, hinahanap siya. I sighed heavily when I failed to see him. Dalawang lalake ang tumigil sa harap ko na hindi ko naman kailangan. Halos mapairap ako dahil iritado pa rin na hindi ko siya nakita. "Hi, Salacia!" bati ng isa. Naningkit ang mata ko at tinignan sila. Pamilyar ang mga mukha pero hindi ko kilala. I smiled at them, not wanting to be rude. "Hi! Sige na, kailangan ko na umalis!" saad ko at akmang pupulutin ang mga dala ngunit hinawakan ako ng isa sa braso. He eyed the things with me and smirked. "Mukhang tiba-tiba ka sa customer mo kagabi, 'no?" aniya. I scoffed and raised a brow. "What?" Natawa ako nang bahagya. "Dayo raw 'yon, Darwin. Mukha ngang foreigner at pagkakaalam ko, engineer daw 'yon." Namilog ang mata ko at napagtanto kung sino ang tinutukoy nila. "Woah? Engineer si Poseidon!" I exclaimed. Lumipad ang isip ko kung saan at na-imagine ang medyo bata niyang version, noong nag-aaral pa. "Ang talino no'n, for sure..." mangha na bulong ko. "Kaya nga mukhang mayaman si Salacia ngayon! Ano, nasarapan ka naman?" Tulala pa rin ako at inalala ang hitsura ni Poseidon. Ang gwapo niya, mukhang mayaman, tapos engineer pa! Nasa kaniya na ang lahat, ako na lang ang kulang. Napahagikhik ako sa naisip. "Sa amin ka naman ngayon. Sige na, magkano ka ba?" Napakurap ako at napatingin muli sa kanila. Napatawa ako sa tanong ng isa at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Magkano ako? Hmm... halaga 'yon na 'di mo afford, for sure," sagot ko. Nanlaki ang mata niya na tila naiinsulto. Ang kasama niya ay hinawakan ako ulit sa braso nang mahigpit. Nilapit niya ang mukha sa akin kaya tinaasan ko siya nang kilay at hindi nagpatalo sa tagisan. "Ang arte-arte mo, 'di naman virgin. Eh, sabi ng maraming binata rito, laspag ka naman na raw. Ang luwag-luwag mo na nga raw." Natawa ako ulit bago pabalya na inalis ang hawak niya sa akin. "Sino ang mga nagsabi? Ah! Mga manliligaw ko no'n na basted, kaya naninira na lang. Kayo rin, alam ko naman may gusto kayo sa akin pero basted na rin kayo. Kadiri pagmumukha niyo!" saad ko bago sila inirapan at kinuha ang mga dalahin ko. Nilampasan ko sila pero malakas ang boses nila at kung anu-ano ang sinasabi sa akin. "Arte mo! 'Di naman na virgin, ang landi!" Umirap lang ako at dire-diretso sa lakad pero napahinto nang sumulpot sa harap ko si Poseidon. Namilog ang mata ko at halos mapanganga. Parang maliwanag masyado ang pwesto niya at kumikislap-kislap pa sa paningin ko. "Hi!" bati ko. Naalala ko na amoy isda ako pero keri lang. Inayos ko ang off-shoulder ko at ngumiti sa kaniya. Lumampas lang ang tingin niya sa akin at naglakad paalis. I pouted. Sinundan ko siya ng tingin. Maldito talaga 'to. Napanganga ako nang bigla niyang sinuntok ang dalawang lalake na naroon pa pala. Nabitawan ko ang mga dala ko at napatakip ang kamay sa bibig habang namimilog ang mata. The way his muscles flex with his every move attracts me more. Tig-isang suntok lang sa dalawa at walang kahirap-hirap niyang hinawakan ang mga kwelyo nila. I saw how he clenched his jaw harshly. Ang dalawang lalake na payatot ay walang-wala sa laki ni Poseidon. "Disrespect that woman again, I'll send the both of you to the jail. Huwag na huwag kayong mambastos ng tao lalo na kung wala namang ginagawa sa inyo." Putlang-putla ang dalawa na para bang hindi mayayabang kanina. The moment that Poseidon let them go, they ran away fastly. Napangiti ako at pinagmasdan ang lalake na nagtanggol sa akin kahit 'di ko naman kailangan. He glanced at me with his cold expression. Akma siyang aalis ngunit tumakbo ako palapit sa kaniya. "Thank you!" masaya kong saad. He just nodded with his stern expression. Tatalikuran niya sana ako muli ngunit humarang agad ako sa daraanan niya. "Salamat talaga. Pero okay lang naman 'yon. Sanay na ako, 'tsaka, ang alam kasi nila 'di ako virgin ka—" "Shut up. Virgin or not, you shouldn't be disrespected like that. Hindi masusukat ang pagkatao sa ganoong kababaw na bagay." Natameme ako at namangha na naman lalo sa kaniya. Mababaw na bagay? Wow! This man isn't just handsome. Hindi lang siya mukhang mayaman at engineer. I got to see a glimpse of his principle and it is superb. This is rare. "So, virgin man ako o hindi, okay lang sayo?" Mula sa malamig na ekspresyon ay masungit niya akong tinignan, tapos tinalikuran niya ako. "Virgin or not, I don't like you." He walked out. Tulala akong pinanood ang papalayo niyang pogi na bulto. Napatili ako at napatalon-talon nang nawala na siya sa paningin ko. "Total package! Grabe!" bulong ko sa sarili habang nasa biyahe, sakay ng tricycle. Ilang beses akong napailing at hindi pa rin makapaniwala. Ang gwapo niya talaga, professional, gentleman, at ang paniniwala? Oh man! Rare talaga 'yon. Kasi sa panahon ngayon, issue madalas sa mga tao ang purity! Grabe. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi pa rin makapaniwala. Ang swerte ko naman! Halos lutang pa rin ako habang naglalakad dahil sa pangyayari na 'yon. Ilang beses pa ako muntik madapa dahil sa mga bato na nagca-camouflage sa buhangin. Pinilit ko na mag-concentrate sa paglalakad, pero mangha na mangha pa rin ako kay Poseidon kaya lumilipad ang isip ko. "Salacia!" Nahinto ako nang makita si Luigi. I smiled at him while he looks nervous. "Oy, hi, Luigi!" bati ko sa kaniya. Tumikhim siya at napayuko. Maya-maya ay tumitig siya sa akin na may malamlam na mga mata. "Pasensya na pala kagabi, nabigla lang ako. Medyo nakainom na rin ako. Pasensya na talaga, hindi ko 'yon sinasadya," aniya. Tumango ako. "Ayos lang, walang problema, Luigi!" pag-alo ko sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumabay siya sa akin at sinubukan na kunin ang mga dala ko ngunit hindi na ako pumayag. Kaya ko naman. "Pasensya talaga, Salacia." I just smiled and thought of Poseidon. "Wala 'yon." "N-nag-aalala kasi ako, baka ayaw mo na sa akin..." alanganin niyang saad. Nanlaki ang mata ko at napatawa. "Ano ka ba!? Malabo 'yon mangyari, Luigi. In the first place, hindi naman kita gusto," saad ko at tumawa muli. Napatigil siya sa paglalakad at natulala. I smiled at him and shrugged. Nagpatuloy ako sa paglalakad, iniwan na siya. Binigay ko na ang mga kita sa pagbenta no'ng isda roon sa nagpabenta sa akin. Binigyan pa ako ng tip kaya masayang-masaya ako sa pag-uwi ko. Bumili rin muna ako ng luto na ulam kasi tinatamad na akong magluto. Pag-uwi ko ay naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago kumain. Then I put the supply that I bought on the place where they should be. Dumating si Diana Rose at agad kong kinwento sa kaniya ang nangyari. Napatakip ako sa tenga dahil sa pagtili niya. "Grabeng tili 'yan, na-disturb ang mga coral reefs," natatawang saad ko. She slapped my arm. "May knight in shining armor ka na!" I just smiled and shrugged. "Hindi naman ako damsel in distress." "Sabagay. Hindi ka naman nagpapaapi," aniya at tumawa. I sighed dreamily. Natulala muli ako habang nakangiti. "Gusto ko talaga siya..." bulong ko. "Gusto ka ba?" Lumaki ang ngiti ko at tinignan ang matalik kong kaibigan. "Gugustuhin din ako no'n. No one can resist Goddess Salacia Loyola!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD