Myth
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan sa may umpukan. Ang mga chismosa ay nagbubulungan, ang aga-aga pa. Inayos ko ang paghawak sa bilao ko na may iilan pang isda at ang maliit na timba ko na wala ng laman.
"'Yong iba raw na dayo ay nasa barangay, ah?"
"Talaga po?" singit ko at nanlaki ang mata.
Napatingin sila sa akin at ang mukhang leader ay napangiwi sa biglaan kong pagsingit. Ngumiti ako nang matamis.
"Totoo ba 'yan?" tanong ko muli.
Umirap siya. "Oo! Totoo naman lagi ang mga balita ko!"
Napangisi ako nang maisip na may posibilidad na naroon si Poseidon ko. I raised my brow to the leader of the group.
"Laging totoo? Nasaan pala ang anak ko kung totoo 'yong chismis mo no'ng nakaraang taon na buntis ako?"
Hindi siya nakaimik at umismid lang. I giggled and walked away from the group. Babalik na ako sa may purok namin! Malapit lang do'n ang barangay. Do'n na ako magbebenta ng isda, pero may bibili ba ro'n kung halos mangingisda ang mga naroon?
But nevermind! I need to see my future boyfriend!
Malalaki ang hakbang ko pauwi. A lot of people greeted me. Karamihan sa mga bumabati sa akin ay may mga edad na. Ang mga ka-edad ko kasi ay madalas ako inaaway. Ang mga dalaga, karamihan ay mukhang insecure kasi siyempre marami ang nakakainggit sa akin. Sa mga binata naman, 'yong mga hindi pa sumubok sa akin manligaw at hindi pa nakaranas sa akin na ma-basted, sila ang mababait pa sa akin. But once I turn them down, they would join the team to hate me.
Gano'n ako ka-famous dito, maraming basher.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga tao sa labas ng barangay hall. Bumilis agad ang t***k ng puso ko nang masipat ang pamilyar na tindig. His arms are crossing while standing in front of Kapitana. May dalawa pa siyang kasama na medyo pamilyar, malamang ay kasama niya no'n sa sayawan kung saan ko siya unang beses na nakita. My eyes focused on him and my smile grew wider. Ang gwapo!
I made sure that I look presentable. Inayos ko ang off-shoulder ko, pati ang mahabang palda saka ang scarf ko sa ulo.
"Kapitana! Bili ka ng isda!" sigaw ko habang papalapit.
Napatingin silang apat sa akin. I smiled sweetly as my greeting. I stared on Poseidon and winked at him.
"Nandito ka pala, mahal ko. Isda, you want?" alok ko sa kaniya.
Napaubo ang dalawa niyang kasama. Nginitian ko sila na mga mukhang natatawa. Ang future boyfriend ko naman ay malamig lang ang titig sa akin, na parang isa akong mababang nilalang.
"Salacia! Umayos ka nga," bulong sa akin ni Kapitana at alanganin na tinignan ang tatlo. "Magpormal ka!"
I just smirked. The other two are just wearing shirt and jeans. Si Poseidon ko ay professional talaga ang datingan sa suot na black longsleeve polo at black slacks. His fair skin was emphasized by the darkness of his clothes. Kaya mas lalo ring kapansin-pansin ang pagiging asul ng mga mata niya. I sighed dramatically.
Nilingon ko si Kapitana. "Bili ka na kasi, Kapitana. Sige na. Hindi ka kuripot, 'di ba? Maawa ka sa akin na mamamayan mo na naghihikahos para lamang mabuhay." Napangiwi sa akin si Kapitana.
I heard someone cleared his throat. "Ako na lang ang bibili, Salacia. Magkano ba 'yan?"
Napalingon ako sa nagsalita, isa sa kasama ni Poseidon. My eyes widened. "Wow! Talaga? Sige, eighty pesos na lang 'to lahat!"
"Mahilig ka pala sa isda, Colt?" natatawang tanong ng isa.
"Oo!" sagot niya at pinasadahan ang medyo kulot na buhok.
Napangisi ako. "Sa wakas, ubos na. Narito ako para lumandi pero 'di ko dapat kalimutan ang business ko!" Tumitig ako kay Colt at lalong ngumiti. "Salamat, pogi!"
"Tss..." Umatras si Poseidon at mukhang iritado sa sitwasyon.
Pasimple akong kinurot ni Kapitana. "Ikaw talaga, nag-uusap kami rito, nanggugulo ka!"
Napangiwi ako. "Sorry na!"
"Colt won't take that. We already have our food on the site," malamig na sabi ni Poseidon.
Napalabi ako. Nagkatinginan kami ni Colt na nukhang natameme rin sa sinabi ng future boyfriend ko. Hays! Ang sungit niya talaga!
"We need to go. Babalik kami rito sa susunod na araw, Kapitana," saad ni Poseidon.
Nanghinayang talaga ako nang naglalakad na sila paalis. Hindi ako naka-damoves. Mukhang nagalit sa pagsingit ko sa usapan nila about sa trabaho!
"Mr. Poseidon is a very professional man, Salacia. Baka nairita 'yon sa pagsingit mo bigla-bigla," sabi ni Kapitana at napailing-iling bago umalis.
I sighed and sat on the wooden chair. Napapitik ako sa noo dahil sa katangahan. Ang careless ko talaga! Paano kung ma-turn off 'yon at medyo mabawasan ang pagkagusto niya sa akin? Hindi pwede!
"Ate, bilhin ko po ang isda niyo!"
Napaangat ako ng tingin at nakita ang bata sa harap ko na bigla na lang lumitaw.
Tumaas ang kilay ko. "Huh? Seryoso ka, bata? Inutusan ka ba ng nanay mo?" tanong ko.
Napakamot siya at inilahad na sa harap ko ang buong two hundred. Mukhang bago iyon dahil wala man lang gusot at matingkad pa ang kulay.
Napangiti ako at tumango saka binalot na agad ang isda. Inabot ko 'yon sa kaniya. Hindi ko pa siya nasusuklian ay tumakbo na siya palayo. Naiwan sa ere ang kamay ko na mag-aabot ng kaniyang sukli.
"Keep the change daw po!" the boy shouted.
My eyes widened. Napatingin ako sa pera at namangha. Ang madalas na natatanggap ko na tip ay bente o 'di kaya sampo. Minsan lima. First time ko makatanggap ng tip na one hundred twenty! Yayamanin, huh?
Umuwi ako sa bahay at nagbilang ng kita ko. Nag-budget na ako tapos nagtabi ng maliit na halaga, idadagdag sa ipon ko.
I really want to finish my studies. Natigil kasi ako sa kalagitnaan ng taon ko sa pagiging grade 10 at wala akong nagawa roon. I just turned 19 last January kaya dapat ay second year college na ako sa darating na pasukan kung hindi lang ako natigil.
I sighed. Wala namang tama at maling edad sa pag-aaral. Ang mahalaga ay makatapos ako! And that's my goal.
Nag-iipon ako para matustusan ang pag-aaral ko. Ngayong darating na pasukan kaya ay kakayanin ko na ipagpatuloy ang pag-aaral? April pa naman kaya may halos dalawang buwan pa ako para makapagdagdag pa sa ipon ko.
Baka pwede na magtrabaho ako sa barangay para maliban sa pagtitinda ng isda ay meron pa akong ibang source of income?
Napaangat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto ng bahay ko na gawa sa kawayan. Tumayo ako at sinilip ang nasa labas. Nang makita na si Diana Rose ay agad ko siyang pinagbuksan.
"Malapit na ang fiesta, Salacia. Tinatanong ka ni Ate Darcy kung pwede ka raw ba maging instructor ng sayaw sa grupo nila?" saad niya habang naglalakad papasok.
Lumapit kami sa mesa kung nasaan ang mga pera ko. Napangiti siya nang makita 'yon.
I nodded. "Sige! Kailangan ko rin ng pera. Ano ba ang tema ng competition ngayon?" tanong ko.
"Mga uso ngayon!"
My eyes widened and I immediately nodded. "Okay! Okay! Ang requirement ko, dapat marunong sila mag-twerk!"
Humalakhak si Diana Rose at hinampas ako. Napahagikhik ako.
"Malaki ang points ng audience impact, Diana. Kaya kapag pina-twerk ko sila at iba pang sexy moves, sure na magsisigawan ang mga tao," saad ko.
"Mas marami ang magsisigawan kung ikaw ang nasa gitna no'n!" aniya.
I smirked and shook my head. Ayoko sumali. Hindi nila ako babayaran nang tama sa pagtuturo ko kapag sumali ako. I need money!
"Dami mo ng pera! Makakapag-aral ka na," puna ni Diana Rose.
I sighed and stared on my savings. "Baka first grading pa lang, ubos na 'yan sa dami ng projects at requirements. Bibili pa ako ng uniform ko at sapatos. Kailangan ko talaga nang maraming pera..."
Kapag nag-aral na ako, maraming gastusan. Plus pagkain ko pa at pambili ng pangangailangan. Kaya kailangan ko talaga paghandaan dahil ayokong mahinto... hindi ako pwede huminto muli, kahit ano pa ang mangyari.
Bandang hapon ay may dumating muli mula sa laot kaya may ibebenta na naman ako. Sumakay ako sa tricycle papunta sa lagi kong ruta. Hindi ko alam kung may bibili pa ba lalo na't pagabi na rin. Kaunti lang rin naman ang ibebenta ko.
Paano kaya kung sa may palengke ako magbenta? Mas mura sa akin ng limang piso o sampu! Pero hindi naman kaya masama 'yon dahil aagawan ko ang mga naka-pwesto ro'n?
Sinubukan ko pa rin sa dati kong ruta. And I am lucky that some are still buying. Dahil kaunti lang naman ang isda ko ay mabilis lang din na naubos. Nilakad ko na lang ang papunta sa palengke kahit medyo malayo para hindi na mabawasan ang pera ko. Bibili ako ng sitaw para ia-adobo ko, ulam ko ngayong gabi at hanggang bukas na.
Habang namimili ay nakita ko si Poseidon. Namilog ang mata ko nang makita siya. Angat talaga ang presensya niya. Halos lahat ay napapatingin sa kaniya. Sa paningin ko ay may sparkling effect ang paligid niya.
Agad akong nagbayad at pumunta sa kaniya. Nasa harap siya ng nagbebenta ng mga karne at mukha siyang nag-aalangan. I scanned him. He's wearing a moss green shirt and a dark jeans. Even with his confused expression, he still look so manly and virile.
"Hi!" bati ko sa kaniya at ngumiti.
He glanced at me coldly and focused on staring at the meat again. Tumaas ang kilay ko.
"May staring contest kayo ng baboy?" natatawa kong tanong.
Hindi siya kumibo at gumalaw lang nang bahagya ang panga. Pikon agad?
"Ano ba ang hanap mo? Pagmamahal? Nandito na ako, hindi na kailangan hanapin..." bulong ko.
His jaw clenched again. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakatitig lang talaga siya sa mga karne at mukhang nalilito. My eyes widened a bit when I realized something. I giggled because of his cuteness.
"Hindi ka ba marunong pumili?"
"Sariwa 'yan lahat, pogi. Huwag ka mag-alala," singit ng matandang tindera.
Pinandilatan ko siya. "Moment ko po 'to, Nay. At fake news po, hindi lahat sariwa." Nilingon ko si Poseidon na tahimik pa rin. "Tulungan na nga kita, Poypoy!" maligayang saad ko.
Nilingon niya ako gamit ang masusungit niyang titig. "What did you call me?"
Hindi ko siya pinansin at pumili na ng sariwang karne ng baboy. "Ilang kilo ba?" tanong ko.
"Five kilos," aniya.
"Ang dami, ha? At ang sarap ng ulam niyo! Ito... sariwa ang mga ganito. Ganiyan din dapat ang kulay at hindi slimy kapag hinawakan."
Inilagay ko ang mga napili sa timbangan. Humugot ng wallet si Poseidon at nakita ko na ang kapal ng cash niya, lahat mukhang bago. Hindi lang yata 'to mukhang mayaman, talagang mayaman.
Bumuntot na ako sa kaniya habang namamalengke siya. He looks so out of place. I watched him awkwardly standing in front of the vegetables.
"2 bunch of kangkoy, please," he politely said to the vendor.
Nakagat ko ang labi at pinigilan ang matawa.
"You mean, kangkong?" singit ko.
He glanced at me with his emotionless face. Nang makita niya na natatawa ako ay halos irapan niya ako. Sumiksik ako sa tabi niya at pumili ng bibilhin niyang gulay.
"Kapag bumibili ka sa wet market, mahalaga na alam mo ang binibili mo. Huwag 'yong sabi ka lang nang sabi sa tindera. Baka mamaya pag-uwi mo, may halong mga bulok pala ang binigay sayo!" pangangaral ko.
"Hindi naman ako gano'n, ate!" defensive na saad ng tindera.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kausap ka bhie? Pinapangaralan ko ang kasama ko, 'di ka kasali! At 'di rin ikaw tinutukoy ko." Halos mapairap ako.
Tinulungan ko siya sa ibang pinamili. Mukhang anak mayaman talaga 'to, ang inosente niya tignan habang namimili.
Dumaan kami sa mga isda at tama-tama na binasa ng ale ang mga isda niya. Agad kong pinatabi ang parang tuod na si Poseidon kaya ako lang ang natalsikan. Napangiwi ako dahil nabasa rin nang kaunti ang mukha ko. Ang lansa!
"Do you really need to throw a bucket of water with that force?" Kunot-noong tanong niya sa matanda.
Hilaw akong napangisi at hinila na siya paalis doon. He glared at me. Binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ko.
"I was still confronting her!"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ano ka ba? Gano'n talaga 'yon."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "And what are you? A hero? Tinulak mo 'ko para ikaw ang mabasa at hindi ako?"
Napairap ako. "Nag-iinarte ka pa, Poypoy. Ako nga, chill lang. Malansa naman na ako dahil sa pagtitinda ko kaya no problem na kung mabasa ng malansang tubig na 'yon."
He just glared at me and did not say a word. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumayo siya nang tuwid at napailing. May dinukot siya sa bulsa niya at pinindot 'yon kaya tumunog ang magarang kotse sa may gilid namin. Tinignan ko 'yon at namangha. Mukhang mamahalin at out of place. Karamihan nang kasama nito sa parking area ay lumang motorsiklo at mga bicycle.
"I need to go."
Tumango ako. "Sige! Ako lalakarin ko ang pauwi sa amin, eh. Ingat ka!"
Kumunot ang noo niya kaya napansin ko ang makapal niyang kilay. I saw him swallowed hard before turning his back. Ang sexy ng adam's apple. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse niya. Nang makalayo na siya ay napatingala ako sa langit.
Madilim na, kailangan ko na umalis para makauwi agad. Medyo malayo pa ang lalakarin ko.
Huminga ako nang malalim at nagsimula ng maglakad. Marami ang nag-aalok sa akin na tricycle driver pero tumanggi ako. Sayang din ang kinse pesos kapag sumakay pa ako. Malaking halaga na 'yon pandagdag sa ipon ko.
Napakurap-kurap ako nang makarinig ng tunog ng sasakyan. Pagtingin ko sa gilid ko ay pamilyar na kotse ang aking nakita. Mabagal ang andar nito, kasabay ko sa paglalakad. I stopped from walking and knocked on the window. It rolled down. I saw Poseidon staring in front of him with his emotionless face.
"Hop in. May kailangan akong sabihin sa Kapitana niyo," his cold voice said.
Nanlaki ang mata ko at napatango. Agad kong binuksan ang pinto ngunit nag-alangan nang may maalala.
"Malansa pala ako, Poseidon. Nakakahiya naman sa mabango mong kotse."
"Tss..."
He didn't move and just stared at nowhere. Nagkibit-balikat ako at pumasok na.
"Okay, pinipilit mo 'ko, eh."
He glanced at me with his cold eyes. I smiled at him cutely.
Napangiti ako. Feeling ko talaga wala naman siyang gagawin sa barangay namin, eh. Gusto niya lang talaga ako ihatid para makasama niya pa ako nang matagal. Alam ko ang mga ganiyang damoves.
"Saan ka sa Metro Manila nakatira?" tanong ko at nilingon siya.
His jaw moved when he clenched it. Katahimikan ang pumainlang sa amin. Akala ko ay hindi na siya sasagot. I heard him sigh like it's hard for him to do something.
"Makati, Quezon City, and Taguig."
"What? Ang dami naman! Palipat-lipat ka ro'n o may bahay kayo sa bawat city na 'yon?" I excitedly asked.
He nodded. Napangiwi ako sa sagot niya na tango lang. So, alin do'n?
"Ano'ng engineer ka? Civil? Electrical?"
"Marine."
Nakanganga ako habang tumatango. Ang galing naman. His name is like the god of the sea from greek mythology and the line of his work is also on the sea.
"Alam mo ba, si Salacia ay counterpart ni Amphitrite na reyna ni Poseidon sa greek myth?" Nakangisi na tanong ko.
Hindi siya kumibo at nag-focus lang sa pagmamaneho. He held the wheel with his right hand. Ang isa niyang braso ay nakatukod sa may bintana sa tabi niya. He's kissing the back of his hand with his emotionless face.
"We are meant to be. Tuparin natin ang greek myth! Deal?"
He didn't talk. I pouted and watched him, driving magnificiently. Ang gwapo naman nito.
"Poypoy..." malambing kong tawag sa kaniya.
Malapit na kami sa barangay pero wala pa rin kaming matino na usapan!
His brows furrowed. Sinulyapan niya ako nang masungit niyang mga titig. "Why are you calling me Poypoy?"
I grinned when I got a reaction from him.
"Wala, trip ko lang. You are so manly, pati ang pangalan mo. I want to call you with a cute name."
"Ayoko."
I giggled. "I don't care if you don't like it! Basta ako, tatawagin kitang Poypoy! Isn't it cute?"
Umigting lang ang panga niya at hindi siya kumibo. Nakita ko na ang barangay hall namin. Napatuwid ako ng upo nang mukhang doon niya ako ida-drop.
"Poy, pwede ba roon na lang sa mas malapit sa amin? Doon mo na ako ihatid! Ituturo ko ang daan. Pagod na kasi ako. Ang sakit ng mga paa ko." Hinilot-hilot ko ang binti ko. "Aray, aray!" Pag-arte ko pa.
I heard him sigh. Hindi ko napigilan na mapangiti at itinuro na ang daan. Napanguso ako nang malapit na talaga kami.
Paano ba kami magkakaroon ng maraming time para sa isa't isa? In a relationship, a couple needs some quality time!
Huminto na ang kotse dahil hanggang dito na lang ang pwede. I sighed and picked my things.
"Ayan, 'yang daan na 'yan pasukin mo lang 'yan. Tapos bubungad na sayo ang dalampasigan at mga kabahayan. Tapos kanan ka at lakad hanggang dulo, naroon na ang bahay ko," pagke-kwento ko.
He stared at me boredly. I smiled again.
"Bisitahin mo 'ko minsan, ha? Maganda ang view roon. May rock formation, white sand, tapos nandoon pa ako kaya perfect talaga. What do you think?" I smiled sweetly.
"No," he answered and looked in front of him again.
Tinulak ko na ang pinto at lumabas. Yumuko ako para silipin siya.
"Sabi mo 'yan, ha? Bibisitahin mo ako! Thank you, Poypoy. Nag-insist ka pa talaga na ihatid mo ako kahit ayaw—"
Naputol ang sasabihin ko nang hinila niya ang pinto at sinarahan na ako. Napagtanto ko na marami ang nanonood sa amin. I smiled sweetly and waved at his car.
I sighed tiredly and shook my head. "Ganda problems," I said.
Ang mga chismosa ay nakatingin na sa akin at nagbubulungan.
"Hehe, mukhang type ako no'n!"
"Si Poseidon ba 'yon, isa sa mga dayo?" tanong ni Madonna, ang leader ng mga chismosa sa lugar namin dito.
At bakit kilala niya ang jowa ko?
Taas-noo akong tumango at naglakad na. "Oo, hinatid ako!"
She rolled her eyes. Madonna is pretty. Morena at katulad ko ay matangkad na babae. Maikli ang buhok niya na humahalik ang dulo sa kaniyang leeg at laging naka-lipstick na kulay pula. Ang sama ng ugali at trying hard na b***h.
"Nilalandi mo, 'no?" Tila nandidiri niyang saad.
Huminto ako sa harap niya. Kasama niya ang tatlo niyang alipores. They covered their nose, maybe because of my smell but I don't care.
I tucked my hair at the back of my ear. "Medyo lang. Dalagang Pilipina ako."
She scoffed. "Hindi ka nababagay sa tulad niya. Ang lansa mo, eh."
I smirked. "At sino ang tingin mo na nababagay sa kaniya? Ikaw?" I scanned her from head to toe. "Oh, please, mas lalong hindi pwede. Walang mapapala 'yon sayo, kung hindi mga chismis mo at mga paninira sa ibang tao. Eww."
She gritted her teeth and she looks so irritated because of me. I just smiled sweetly and winked at her before walking away.
Masaya akong naglakad pauwi sa bahay ko. Feeling ko, pakakasalan na ako ni Poseidon! Oh my gosh!