Chapter 4

4179 Words
Cellphone I am smiling the whole time I am writing. Nanghingi ako ng lumang notebook at ballpen sa kapatid ni Diana Rose. Na-miss ko magsulat ng pangalan ko. And I am also writing a list of steps to make Poseidon like me. "Number one, never pretend. Be yourself," saad ni Diana Rose, binabasa ang ginagawa ko. I smiled at her. "Ano sa tingin mo? Okay naman, 'di ba? Hindi ko kailangan magkunwari na mahinhin o ano." She smirked at me and nodded. "Okay naman ugali mo. Prangka, madaldal, at makulit. Kaso, sa tingin ko kay Poseidon na masyadong parang tuod, siguro mas gusto niya ng babae na mahinhin or atleast, tahimik." I stuck my tongue out and shook my head. "E'di I will make him like a loud and talkative lady which is me!" Humagikhik siya. "Confidence mo, girl. Kaya minsan naiilang sayo ang mga lalake. Karamihan kasi sa kanila, gusto ng babae na mako-kontrol nila. Ikaw, malabong maging under!" Napairap ako at natawa. "Duh!" I stared on the paper again and think of another step. "Gusto ko siya ipagluto lagi lalo na mapapadalas na ako sa Sta. Monica next week. Kaso wala akong budget. Ano kaya kung manghingi ako sa kaniya ng pera pambili ng ipangluluto ko?" tanong ko. Dina Rose laughed hard and even hit me. Tinaasan ko siya ng kilay. Is that a silly idea? 'Di naman na lugi si Poseidon, masarap ako magluto. Ako rin, masarap. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya dahil sa sobrang pagtawa. Nangalumbaba ako at hinintay siya na makabawi. Pinigil niya ang tawa at maya-maya ay naging seryoso. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos. "Gusto mo siya ligawan pero natanong mo ba kung may girlfriend na 'yon?" tanong niya. Her face turned into a concerned expression. "Paano kung may jowa 'yon sa Maynila?" Natahimik ako at napaisip. Oo nga, 'no? I should ask him then. "At gusto mo ba talaga siya na as in may tendency na mahalin mo? O attracted ka lang kasi ang gwapo, matangkad, maganda ang katawan, at mayaman?" Nangalumbaba ako at napaisip sa mga sinasabi ni Diana Rose. What do I really feel for Poseidon? Tama, attracted ako sa kaniya dahil sa physical appearance niya. Lalo na sa asul niyang mga mata na pakiramdam ko ay nalulunod ako kapag nagkatitigan kami. Tapos maliban do'n, pogi siya. 'Yong katawan, perfect. Ang bango niya pa at mayaman. I am just like the other girls crushing on him. But I learned one thing about him that made me more drowned to him. His principle is just so good. Kahit maliit na parte lang 'yong nalaman ko, if it is that good, I think the rest are the best. Imagine a guy like him that looks so perfect and hot. Tapos hindi arrogant alpha ang datingan. He doesn't think about the purity as the basis of a woman's worth. Napangiti ako at bumuntong-hininga. "I think my attraction would go deeper, Diana Rose. Hindi lang 'to mananatili sa atraksyon ko sa anyo niya." I am really sure of that. So I have to make sure that Poseidon would like me, too. Hindi lang pwede na ako lang. Bahala siya, it is his loss. Char. The following days are just like my normal day. Kaya lang, may nadagdag na sa routine ko. May hinahanap-hanap ako at sino pa ba? Siyempre, ang future husband ko. I haven't seen him for three consecutive days. Hindi man lang siya napadaan sa barangay. Naiinis na nga sa akin si Kapitana dahil tanong ako nang tanong. Gusto ko talaga siya makita. Miss ko na ang gwapo niyang mukha. Pero hindi pa naman ako gano'n kadesperado para puntahan siya sa Sta. Monica. Isa pa, next week ay lagi akong naroon dahil do'n kami magpa-practice ng tuturuan ko ng sayaw. Ako talaga pumili ng lugar do'n. Ang dahilan ko ay malawak do'n at may privacy. Pero ang totoo, kalandian ko ang dahilan. Hapon na nang naubos ang paninda ko. Bago dumiretso sa maliit kong bahay ay naligo muna ako sa dagat kasama ang mga bata. I really enjoyed it. Tapos umuwi ako sa bahay para maligo at mag-ayos. Then I left again to relax. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. I really enjoy the peace brought by the sound of the sea and the caress of the wind. Pinanood ko ang paghampas ng alon sa paa ko. The white fine sands were disturbed by the harsh waves. Huminto na ako at tinanaw ang kalawakan ng dagat. The blue sky is slowly turning to orange as the sun is readying to set. Napangiti ako at pinanood iyon. "Salacia!" Napangiwi ako nang may bumasag sa kapayapaan na nararamdaman ko. Nilingon ko si Diana Rose at inirapan. She made a peace sign on her fingers. "Ano?" "May sasabihin ako!" aniya at pinagmasdan ang mukha ko, tila nananantiya sa mood ko. I raised my brow. "Make sure that it is worth it," pagsusungit ko kunwari. Hilaw siyang ngumisi at napakamot. "Pumunta kasi ako sa computer shop kanina at may nakita akong balita sa facebook." I crossed my arms and narrowed my eyes. "Oh, tapos?" I saw her swallowed hard. "N-na interview 'yong dating beauty queen, 'yong dating Miss Universe, si Liana Fauzia Figueroa." My lips parted. Pakiramdam ko bigla ay masyadong malamig sa kinatatayuan ko. I blinked consecutively before looking away. "A-ano naman?" I asked with my lips shaking a bit. "Malapit na sila umuwi rito sa Pilipinas ni Mr. Salem Figueroa mula Spain. 'Di ba, 'y-yon ang tatay mo?" Natulala ako sa karagatan. My chest turned cold with the sudden anxiety that I am feeling. I swallowed hard. I gasped for air and I tried to calm myself. "Thank you, Diana Rose. Pero wala naman akong pakialam," sagot ko. "G-gano'n ba? Okay ka lang ba?" I felt her touch on my arm. I flinched and I immediately stepped away from her. Nanlaki ang mata namin pareho. Umiwas ako ng tingin at umiling. "Gusto ko muna mapag-isa." I heard her sigh. Nagtagal pa siya ng ilang minuto bago tuluyang umalis. Walang lakas akong naupo sa buhangin. Pinanood ko na lang kung paano ako nabasa ng dagat. I watched it attacked my feet and then my long skirt. Naagaw ng mga anklet ko ang aking atensyon. Hindi maayos ang pagkakalagay at may espasyo kaya nakita ang itinatago kong peklat. Marka na mula sa tanikala ng nakaraan ko. I swallowed hard and fixed it with my shaking fingers. Marka mula sa kadena na pilit kong tinakasan noon nang paulit-ulit. I can't even look at it for too long. Kapag tinititigan ko 'yon, pakiramdam ko ay nakakulong ako muli at hindi makahinga. I hugged my knees and buried my face on it. Hindi na dapat ako nakararamdam ng takot at lamig, pero bakit pangalan pa lang nila ay nanginginig na muli ako? Malakas na ako at kaya ko na ang sarili ko. I forced myself to be this strong and independent. Hindi dapat ganito ang nangyayari sa akin. Tumingala ako at pinanood ang papalubog na araw. I smiled bitterly when the scene warmed my heart. Gusto kong umiyak dahil sa biglang nararamdaman ko na takot. But I am already done with that phase. Hindi na dapat ako iiyak. Gusto ko na lang na may yumakap sa akin ngayon para pawiin ang nararamdaman ko na lamig at takot. "Salacia! Salacia, ikaw ba 'yan?" Someone came and broke the silence with her high-pitched voice. I swallowed hard. Gusto kong sumagot pero pakiramdam ko ay hinang-hina ako para kumibo pa. "Pinapahanap ka sa akin ni Kapitana para sabihin na nasa barangay ngayon si Poseidon. Support ka raw niya sa kalandian mo." Humagikhik pa siya. I closed my eyes tightly. I am not feeling good. Baka nga hindi ko kaya ngumiti. Baka ma-turn off sa akin si Poseidon. "Sabihin mo kay Kapitana, salamat," sagot ko at hindi siya nilingon. "Huh? 'Di ka sasama sa akin pabalik?" I shook my head. But I realized that it is already dark and she can't see my movement. "Hindi." "Ows? Sige na! Ngayon mo lang ulit makikita si blue eyes mo!" I sighed and closed my eyes. "No." I am feeling so drained and tired. Kahit gustong-gusto ko siya makita, kaya kong iisantabi ang kalandian ko. Ano ba ang magagawa niya sa mabigat kong pakiramdam ngayon? "Okay! Parang hinahanap ka pa naman no'n!" Napamulat ako at agad na nilingon siya. "Weh?" "Hmm, bahala ka. Ayaw mo pala pumunta. Sige, sasabihin ko sa kanila na ayaw mo!" aniya at tumakbo paalis. Napatayo ako at agad tumakbo para humabol sa kaniya. "Hoy! Sasama na ako. Kawawa naman ang my loves ko kapag 'di ako nakita. Baka mawalan ng gana mabuhay!" I shouted. I heard her laugh. Nang madaan siya sa liwanag ay napagtanto ko na si Aira pala siya, ang SK chairman. I am feeling down tonight and maybe, if I see a glimpse of my future husband, I'll feel light. Hinawakan ko ang laylayan ng mahaba na palda ko para mas mabilis na tumakbo. Ngayon ko lang din naalala na basa nga pala 'yon. "Here she is, Kapitana. Ayaw pa kanina, eh," bungad ni Aira pagpasok sa barangay hall. Dumiretso din ako sa loob at agad luminga. Nakita ko si Kapitana na umiinom ng softdrink. Naroon sila sa may sofa. Sa harap niya ay si Poseidon na may softdrink at ensaymada sa may kaharap na mesa pero 'di ginagalaw. He's busy reading a book. Maliit akong napangiti at marahan na umupo sa tabi niya. "Hi!" pagbati ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. He looked at my face for few seconds before focusing on his book again. "Are you okay?" he asked with his usual cold voice. Kumunot ang noo ko. Why did he ask that? Halata ba sa mukha ko na marami akong iniisip? But I have a small smile on my lips. "Oo naman," sagot ko. Hindi na siya kumibo at nakatutok lang sa libro. Tumikhim ako at umusog palapit sa kaniya, kunwari ay curious sa binabasa niya. He smells nice. "Ano'ng binabasa mo?" nilapit ko ang mukha sa kaniya at sinilip ang libro na kaniyang hawak. "Ehem!" I heard Kapitana's fake cough. "Pride and Prejudice by Jane Austen," he answered. Namilog ang mata ko at nilingon siya. His dark blue eyes are focused on the book. Seryoso ang kaniyang mukha at bahagyang kunot ang noo. While on the other side, I am shock! Sinasagot niya ang mga tanong ko at mukhang hindi napipilitan. Hindi siya ganito! "Ikaw, okay ka lang?" tanong ko, hindi makapaniwala sa asta niya ngayon. Maldito 'to sa akin. Kaya naninibago ako na ang bait niya ngayon? Our eyes met. I saw his eyes looked at my lips for few seconds before he looked back at the book. "Yeah." "Ang bait mo sa akin!" saad ko na parang himala ang sinabi. He glanced at me, now with his irritated eyes. Napangiti ako dahil do'n. Halos irapan niya ako bago muling tumingin sa libro niya. "Tss..." "Salacia, kain ka muna rito. Hindi ka mabubusog ng kalandian," rinig kong sabi ni Kapitana. Humagikhik naman ang ibang mga SK members na naroon. I smirked. "Gano'n ba? Bakit nakita ko lang si Poseidon ko, busog na ako?" tanong ko habang nakatitig sa katabi kong lalake. Naghiyawan ang mga naroon. Poseidon just clenched his jaw and he doesn't look affected. "Sige, letse ka. Huwag ka kumain, ha?" Napatayo ako at agad nilapitan si Kapitana. Nginisihan ko siya tapos minasahe ko ang likod niya. "Eto naman si Kapitana, 'di mabiro. Oh, asan na ba ang food ko? Dapat masarap 'yan at marami, ha?" Inirapan niya ako. Si Aira ay binigyan ako ng naka-plastic na ensaymada at maliit na bote ng softdrink. Bumalik ako sa tabi ni Poseidon at pinagmasdan lang siya habang kumakain ako. I enjoyed eating while watching him. Halos nakalimutan ko na rin ang mga iniisip ko kanina. His side profile just emphasized how good looking is he. Kitang-kita ang tangos ng kaniyang ilong, ang mahabang pilik-mata at ang labi niyang pulang-pula. Malinis ang gupit niya sa gilid tapos may iilang hibla ng itim na itim niyang buhok ang humahalik sa kaniyang noo. His jaw looks prominent and his sexy adam's apple is eye-catching. Nakita ko muli ang asul na asul niyang mga mata nang magkatitigan kami. Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya na nagmula sa diyos ng karagatan dahil mala-diyos din ang kaniyang kakisigan. Tinaasan niya ako ng kilay at masungit na nag-iwas ng tingin. I giggled and sipped on my drink. "Magandang gabi, Kapitana!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses na 'yon. My eyes widened a bit when I saw Ashton. Our eyes met and his dimple immediately showed up when he smiled. "Oh, kagawad, dumating ka na pala!" rinig kong saad ni Kapitana. "Hey, Goddess, you're here!" he greeted and walked towards me. Tumayo ako para salubungin siya. Akala ko ay yayakapin niya ako ngunit inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Medyo nag-blush naman ako ro'n kasi feeling ko kagalang-galang ako. "Ash, hi!" "Nice to see you here." He is smiling widely then he tucked some strands of my hair behind my ear. "Napadalaw ka?" tanong ko. "Ehem!" Kapitana faked a cough. Napatingin kami sa kaniya at naniningkit ang mata sa amin, lalo na sa akin. Tinignan niya si Ashton. "Narito ka ba kasi may kailangan ka sa barangay o para manligaw na naman kay Salacia?" I laughed because of that. Dati ko pang masugid na manliligaw si Ashton kaso laging basted sa akin. Ngunit kumpara sa iba kong manliligaw, he is still kind to me. Hindi siya katulad ng iba na sinisiraan agad ako kapag binasted ko. Kaya kaibigan na talaga ang tingin ko sa kaniya. "Pwedeng both?" he joked and laughed. "Ay, 'di nakakatuwa, Ashton," masungit na saad ni Kapitana pero sanay na kami sa kaniya dahil mahilig naman siya sumakay sa mga biruan. "I have to go, Kapitana." Natigil ang biruan nang magsalita si Poseidon. Nanlaki ang mata ko at nilingon siya. I pouted. "Uuwi ka na?" tanong ko. He eyed me coldly and did not answer my question. Ay, masungit na ulit. Hindi pa nakakapagsalita si Kapitana ay umalis na ang future jowa ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas. "Mukhang badtrip. Ngayon lang 'yon 'di nagpaalam nang maayos sayo, Kap, ah?" rinig kong saad ni Aira. Napangiwi ako. "Mukhang naingayan sa atin." I heard Ashton cleared his throat. Nilingon ko siya at naabutan na nakatingin sa akin. "Sino 'yon?" he asked gently to me. I smirked. "Si Poseidon. Isa sa team ng mga dayo na nasa Sta. Monica," sagot ko. He nodded but his gaze never left my face. I shrugged and sat on the sofa. Napatayo ako nang may maupuan. It is a cellphone that looks so expensive. Nang mahawakan ko ang screen ay umilaw iyon at nakita ko ang mukha ni Poseidon bilang wallpaper nito. He's wearing a suit and tie there, looking so dashing and professional. Nakaupo siya sa swivel chair at nakasandal do'n habang ang daliri ay nasa kaniyang labi. Napangisi ako. I did not know that he's vain. Wallpaper niya ang sarili niya. Hindi halata sa kaniya. Halos mapatawa ako. Not so manly but this is so cute! Nang mapagtanto na maaaring nahulog ito mula sa bulsa niya ay napatayo ako at tumakbo palabas. Agad akong luminga ngunit hindi ko na siya nakita. Even his car is nowhere to be found. Napanguso ako at tinignan muli ang phone niya. Hmm... walang screenlock, nabuksan ko agad. I smirked and started to walk away. Uuwi na ako at may pagkakaabalahan ako. Pagdating na pagdating ko sa bahay ko ay nagbihis ako at humiga sa aking kama na gawa sa kawayan. Kinalikot ko ang kaniyang cellphone. Wala ng signal dito. Napunta ako sa messages at halos mamilog ang mata ko nang makita na puno ng text messages iyon. Maraming mga nagpapakilala at puro pangalan ng babae. But then, he never replied them. Puro tungkol lang sa trabaho ang may reply niya at tipid pa. Iniwan ko agad 'yon dahil wala akong nakitang kakaiba. Wala siyang ka-text na babae na maaari niyang girlfriend. Napanguso ako at pinindot ang gallery. Lumaki ang ngiti ko nang makita agad na may selfie siya. I opened that folder and my heart almost jumped! Ang dami niyang pictures! Ang pinaka-recent ay nakasuot siya ng hard hat. Ang iba ay random selfie. May picture din ng dagat. Hindi talaga ako makapaniwala na si Poseidon na tahimik, masungit, at snobber ay mahilig mag-selfie! I never imagined it! Napahagikhik ako at tinignan 'yon isa-isa. Kitang-kita ang pagka-blue ng mga mata niya. He is not smiling. Iilan lang ang nakangiti at sobrang tipid pa. He just looks serious. I was smiling the whole time I was browsing. It made my night so happy! Hinalughog ko rin ang iba pang albums. Mayroon do'n na puro picture ng cruise, bangka, barko, at iba pang mga marine vessel. 'Yong iba drawing at 'yong iba, totoo. While I was browsing, I came to his old folders. Tumaas ang kilay ko nang makita ang lumang picture niya at may kasama siyang dalawang lalake na mga gwapo rin. Ang isa na nasa gitna nila ay malapit sa ginto ang kulay ng mata, moreno ang balat at brownish ang medyo kulot na buhok. Ang gwapo tapos mukhang nang-aakit. For sure, ang dami sa kaniyang nahuhumaling. Among the three, he is the most charismatic and attractive. Ang isa naman ay maputi rin at itim ang buhok. Gwapo at kapansin-pansin ang prominenteng panga. He looks like a devil in disguise. Alam mo 'yon, mukhang maamo ang mukha pero deep inside, there is darkness hiding. I zoomed in their nameplates. The man with a playful aura is Zephan Adolphus and the other one is Evandro. Woah, ang pogi na nga nila, pati mga pangalan, gwapo rin. Si Poseidon ay tipid lang ang ngiti pero gwapong-gwapo pa rin. Natawa ako nang may maisip. For sure talaga marami ang babae na umaaligid sa kanila pero ilang sila kay Poypoy ko. Intimidating ang mukha at presensya, eh. Itong Zephan ang marami talagang babae at sumunod 'tong si Evandro. Marami silang picture tatlo at mukhang matatalik talagang magkakaibigan. Pare-parehong matatangkad at magaganda ang tindig. Tumaas ang kilay ko at bumagal ang pag-scroll nang mapunta sa isang folder. Ang unang-una na nakita ko ay picture nilang tatlo pero dito, may kasama na silang babae. Pinalaki ko ang litrato at natulala sa mukha ng babae. She's not smiling but she looks so beautiful. Tila nagmamaldita ito at napilitan lang magpa-picture. Magka-krus ang kaniyang braso. Tuwid na tuwid ang maitim at mahabang buhok na lalong tumingkad dahil sa mala-gatas na kulay ng kaniyang balat. Her dark eyes are emotionless and her red lips are not smiling. Nilipat ko ang picture at nakita muli ang babae, dito naman ay silang dalawa lang ni Poseidon. He looks young, maybe he's seventeen or eighteen in this photo. Medyo nakangiti siya rito at ang babae ay nakatitig lang sa camera. Nilipat ko pa sa ibang litrato at umawang ang labi ko nang may mapagtanto. Ang folder na 'to ay hindi para kay Poypoy at sa mga kaibigan niya. This is for the girl! Parang natutunaw ang napakataas kong confidence habang nililipat ang mga litrato. Kitang-kita ko ang mga pagbabago sa babae habang tumatagal. Habang lumalaki siya ay lalong nagiging elegante ang dating at lalo pang gumaganda. Lalo rin siyang nakaka-intimidate habang nagkaka-edad. She's sophisticated and she looks so expensive. Napaupo ako at nag-browse pa. Sino ang babaeng 'to? Nanlaki ang mata ko. Girlfriend niya kaya 'to? I stared on the pictures again. Nanlumo ako sa naisip. Kung girlfriend niya 'to, wala na akong pag-asa. Kung crush niya naman 'to, mas lalo akong walang pag-asa. The heck! She looks classy and elegant. Kumpara sa akin na mukhang hampas-lupa. Walang-wala ang may iilang peklat kong binti kumpara sa napakakinis niyang balat. I thought I am beautiful enough for Poseidon until I saw this girl! Itinabi ko ang cellphone niya at ibinaon ang mukha sa unan saka sumigaw sa sobrang inis. Now, I am overthinking! Pinanghihinaan na rin ako at parang tinapak-tapakan ang confidence ko! For sure, Poseidon likes that very fine girl. Tapos ako, ang ligalig ko pa kumilos! "Ahh!" I shouted in irritation. Napabangon ako at umupo ng tuwid. Sinabunutan ko ang sarili. No, I am pretty and amazing in my own way! That girl is classy and expensive at ako... ako... cheap? "No way!" I shouted and covered my face with my hand. Hinilamos ko ang mukha gamit ng palad at pilit kumalma. Okay. Inhale, exhale. Naalala ko pa ang dibdib ng babae na kahit bata pa ay palaban na. Napatingin ako sa dibdib ko na katamtaman lang. Manlulumo na sana ako nang may maalala. I think Poseidon doesn't base his preference on this! I shouted in frustation. Pumadyak-padyak ako at inilabas ang inis. Nang kumalma ay tumayo ako saka lumapit sa aking salamin. I looked at my face and smiled. "I am beautiful in my own way. Maputi siya, ako medyo morena. Medyo mababa siya kumpara sa akin tapos malaman, ako naman ay tall and slender. She has flawless skin, and I am scarred beautifully." I smiled at myself. Pero napawi 'yon nang maisip ang katotohanan na may folder si Poseidon ng pictures ng babaeng 'yon. Although, I think nasa sd card niya 'yon at galing sa lumang cellphone na nilipat lang do'n. The photos are old since he looks younger on those. Pero 'yong feelings niya kaya? Halos hindi ako makatulog. Pagkagising ko kinabukasan ay para akong zombie. I lazily took a bath and fixed myself. Walang gana na pinulot ko ang cellphone niya at lumabas ng aking bahay. Sa daan patungo sa barangay hall ay nakasalubong ko si Madonna. Aga-aga, pulang-pula na ang tuka. She eyed me with a disgusted expression and I rolled my eyes. "Magpapapansin ka na naman kay Poseidon? Well, naunahan na kita. He noticed me kanina—" I looked at her and shook my head. "Girl, huwag ka na umasa. Nakita ko na 'yong ideal girl niya. Walang-wala ako, lalo ka na. Kapag pinagtabi kayo, para siyang diyamante tapos ikaw bato." She rolled her eyes. Hinawi niya ang buhok at maarte akong tinignan. "Ows? Hindi ako naniniwala. Napan—" "Okay." Iniwan ko siya roon at mabigat ang katawan na naglakad paalis. Ibabalik ko na 'tong cellphone niya ro'n. Wrong move, dapat hindi ko na 'to pinakialaman. Ang hirap magkagusto kay Poseidon. Ayaw ko na! "Narito na pala siya! Salacia, may nakita ka bang ph—" Pinutol ko ang sinasabi ni Kapitana at pinakita ang cellphone. "Ayan. Wala akong ginulo diyan. Pasensya na inuwi ko," saad ko at hindi na nilingon si Poseidon na alam kong nasa gilid ko. Nilapag ko ang cellphone sa mesa at agad ng lumabas. Ngayon, hindi ko na alam kung paano magkakagusto sa akin si Poseidon. Ang taas ng babae na 'yon, parang 'di ko maaabot. Mukhang maldita at baka masama ugali pero masama rin naman ugali ko. Ayoko na talaga! I sighed and shook my head. "Salacia..." Natigilan ako nang may marinig na tumawag sa akin. Parang nagising ang buong pagkatao ko dahil do'n. The way his cold and baritone voice uttered my name sent chills down my spine. Nilingon ko siya at nakita na naglalakad na siya palapit sa akin. Dahan-dahan akong tumingala nang maliit na lang ang distansya sa aming pagitan. His dark blue eyes are staring at me intently. "W-wala akong ginalaw riyan o binura. May nawawala ba?" tanong ko at napaiwas ng tingin. "That guy last night..." he started. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. He clenched his jaw. "Nanliligaw pa ba sayo?" Napakurap ako. Unti-unting nanlaki ang mata ko. "H-hindi. N-na-basted ko 'yon last month, eh." My heart starts to beat like crazy He nodded and his expression looks like he's relieved. "So, do you like him?" he asked again and looked away. My lips parted. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang unti-unting napangiti. "Hmm..." I acted like I am thinking. He glanced at me then he glared. "Hindi ko gusto!" saad ko. He cleared his throat and nodded. Inilagay niya ang magkabila niyang kamay sa kaniyang mga bulsa. "Then... who do you like?" tila nahihirapan niyang tanong. I pouted when I remembered what I discovered. "Ikaw. Kaso may girlfriend ka na yata or may nagugustuhan," saad ko, tunog nagtatampo. Tinitigan ko siya. Tumaas ang kilay niya bago umatras. "I don't have a girlfriend and I don't like someone. Parang may magugustuhan pa lang," he said while staring at me intently. My eyes widened. Napangisi ako at ang lahat ng negatibong nararamdaman ay nawala. "Talaga? Ako ba 'yon?" I excitedly asked. He smirked. Ako naman ay natulala dahil sa unang beses ko 'yon nakita sa personal. Ni hindi ko namalayan na umalis na siya. Halos mapatili ako. Tumalon-talon ako para mailabas ang kilig. He called my name and he smirked at me for the first time! Sino ang nagsabi na mahirap magkagusto kay Poseidon? Sino 'yon, ha? Wala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD