Chapter 5

3601 Words
Dance Feeling ko talaga malapit na ako sagutin ni Poseidon. Sa ilang beses naming pagkikita no'ng nakaraang linggo tapos tinatawag ko siya, nililingon niya ako! Although, his face is emotionless as usual, feeling ko talaga may gusto na rin siya sa akin! Wala naman siyang pakialam sa ibang mga babae maliban sa may kinalaman sa trabaho niya. Pero kapag sa akin, sa tuwing tinatawag ko siya, nililingon niya ako. Isn't that a good sign? Lalo tuloy akong sinisipag sa bawat araw! Malalaki ang hakbang ko papunta sa barangay hall dala ang maliit na timba ko na may malalaking isda. May kaunting salo-salo mamaya sina Kapitana at mag-iihaw raw sila nito. Pagpasok ko roon ay abala sila kaya hindi muna ako umimik. Parang may hinahabol silang oras at 'di ko naman ma-gets kaya tahimik lang ako sa tabi. Maya-maya mapapansin din nila ako kapag umalingasaw na ang lansa nitong isda. "Salacia, you're here!" Awtomatikong nilingon ko ang entrada at nakita si Ashton. Sa laki ng ngiti niya habang palapit sa akin ay kitang-kita ang ngipin niya na akala mo ay nag-i-sparkle sa kaputian. Napangiti na rin ako at kinawayan siya. "Oo, narito nga ako. Hindi ko 'to aparisyon," saad ko. He laughed a bit and put his arm on my shoulder. "What are you doing here?" he asked with a smile on his lips. Nilingon ko ang dala at muling tumingin sa kaniya. "Hatid ko lang 'to tapos magtatanong kay Kapitana kung pwede ako makikain mamaya," sagot ko. His smile grew wider that his eyes are almost closing. "Invited ka siyempre. Mamaya 'yon gabi, ha?" My eyes widened. "Invited ka?" He nodded. "Yes. Inuman daw 'yon sa tabing dagat. Ang alam ko pati ang mga dayo na nasa Sta. Monica ay inanyayahan din ni Kapitana." Lalong nanlaki ang mata ko. Napatili ako at hinampas-hampas ang dibdib niyang matigas dahil sa sobrang excitement. Pupunta sina Poseidon mamaya! Oh my gosh. I really need to be there! His arm went on my waist. Nasa pagitan pa ako ng selebrasyon ko para sa mangyayari mamaya at pagsaway sa kaniya nang marinig ang pamilyar na boses. "Good morning. Nasaan si Kapitana?" His cold voice filled my ear. Napalayo ako kay Ashton at agad tumakbo palapit kay Poseidon na gwapong-gwapo sa suot na crisp longsleeve top na kulay puti at slacks na itim. His eyes are smoldering, causing my smile to be small. Parang galit sa akin 'to? "Hi, Poypoy!" bati ko sa kaniya. Tila hindi niya man lang ako nakita at nakilala dahil suplado siyang umiwas ng tingin at nilampasan ako. Napanguso ako at nagmartsa pasunod sa kaniya. Kinalabit ko siya ngunit hindi man lang ako pinansin. Dire-diretso siyang pumasok sa office ni Kapitana. "Salacia, 'yong tubig mula sa balde mo tumutulo na sa tiles," sermon sa akin ni Aling Beatrice na siyang janitress do'n. Nanlaki ang mata ko at napahinto saka tinignan ang nilakaran ko. May butas ba ang timba ko? "Sorry po! Ako na ang maglilinis!" Presinta ko at akmang aagawin sa kaniya ang mop ngunit masungit niya akong inilingan. Napakamot ako at ibinilin na ang timba para idala sa maliit na kitchen do'n. Saka ko lang napagtanto na may kausap ako kanina nang lumapit sa akin si Ashton na may alanganin na ngiti. "Ay, sorry!" saad ko at naglakad na para lumabas. He followed me silently, then he cleared his throat. "Uh, gusto mo ba ang Poseidon na 'yon?" tanong niya. Natigilan ako at tinitigan siya. Ngayong magkaharap kami ay nakikita ko ang pilit niyang tinatago na emosyon. Oh... Am I being insensitive? Alam ko naman na may feelings siya sa akin na acceptable naman dahil sa ganda ko. Tapos maharot ako kay Poseidon sa harap niya. "Oo, eh," sagot ko habang diretso na nakatitig sa kaniya. He smiled awkwardly. Tumango siya at bumuntong-hininga. "You have turned me down multiple times but I am still hoping for you, Salacia." He laughed nervously and his cheeks blushed a bit. "Medyo nasaktan ako pero ita-try ko pa rin. A bit of competition won't hurt, right?" I sighed and put my palm on his shoulder. Ashton is tall with a height of six feet. Ang medyo morenong balat ay namumula at ang mga mata ay malamlam, tila nangungusap. His dimple is deep and very attractive. He's handsome, an achiever, kind, and a real gentleman. Ngunit pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko para sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang nararamdaman ko. "Kung ako ang masusunod Ashton, I want you to stop. Pagkakaibigan lang talaga ang nararamdaman ko para sayo." Yumuko siya saglit at sa muling pagtitig sa akin ay nakangiti na. "Please, just let me. Huwag mo sanang pigilan 'to. I would never harm you, this love would never harm you, Salacia. Hayaan mo lang ako at baka sakali na mapagod ako at tuluyang sumuko. Pero sa ngayon kasi gusto kong sumubok pa rin para sa huli, wala akong pagsisisihan. Please?" he asked gently. I sighed. Ang ilang beses kong pagtanggi sa kaniya ay masakit din para sa akin pero ayoko naman sagutin siya dahil sa awa. His eyes are pleading and that is very familiar to me. I know that feeling. My heart suddenly hurts. Tumingkayad ako at niyakap siya. I closed my eyes tightly and tried to push away the awful memories. I felt him hugged me back. "You are a good man, Ashton. You deserve the best," I whispered. Pagmulat ko ay siya namang paglabas ni Poseidon sa office ni Kapitana. Nagkatitigan kami bago siya dire-diretsong naglakad paalis, nilampasan kami. I bit my lip and removed my arms from hugging Ashton. Nagkatitigan kami at mabait niya akong nginitian. Kinawayan ko siya bago halos patakbong umalis sa harap niya. Woah! Biglaan lang 'yon. Sanay naman ako mang-reject nang walang kahirap-hirap. Sadyang mahal ko lang talaga si Ashton bilang kaibigan kaya iba ang epekto sa akin at nagiging gentle din ako sa kaniya. "Poseidon!" I shouted to call him. Papasok na siya ng kaniyang kotse. Binilisan ko ang takbo at humihingal na tumigil sa harap niya. "Hay!" I sighed and catched my breath. He eyed me coldly. I smiled at him and waved my hand at his face. "What?" he asked impatiently. "Pupunta na rin ako sa Sta. Monica para magturo. May practice ulit kami roon. Baka naman pwede mo 'ko isabay!" saad ko. He clenched his jaw. Akma siyang papasok na sa kotse niya kaya hinawakan ko siya sa braso. He eyed my hand icily before looking at my face again. Dahan-dahan ko siyang binitawan. "I am in a hurry. May iba akong pupuntahan. Why not let your suitor bring you there instead?" he asked coldly. Akma akong sasagot pero umiling siya na tila sinasabi na wala siyang pake sa isasagot ko. He slid in his car and closed the door harshly. Napaatras ako at napangiwi habang pinapanood ang pag-alis niya. May topak na naman? Topakin talaga ang Poypoy ko. Napailing ako habang inaayos ang off-shoulder top ko. Luminga ako para maghanap ng tricycle. Sayang din pamasahe, pero 'di bale, babayaran naman ako ng mga tuturuan ko. Twenty-five na tao ang nasa grupo na 'yon at lima kada-isa ang singil ko sana bawat practice.  Pero nagkusa na sila na otso o 'di kaya sampung piso dahil sure win naman daw sa akin. At siyempre, bibigyan din daw nila ako mula sa premyo kapag nanalo talaga! Pagdating ko roon ay kumpleto na sila. Nag-warm up muna kami bago nagsimula. Hindi naman sila mahirap turuan kaya nag-enjoy rin ako. Wala naman silang reklamo sa hilig ko na mga kembot at giling. Mga determinado talaga manalo. "Break muna!" I shouted and I immediately walked towards the huge jug containing pineapple juice. Nagsalin ako sa baso at uminom roon. Nagsalin muna ulit ako saka lumabas sa court. Halos pahabain ko ang leeg para makita ang site na 'di malayo rito. Niyayakap ko na ang poste habang nakatayo sa harap noon. Closed area kasi ang site pero nakikita ko ang mga naka-hard hat sa labas na mukhang nagpapahangin. Nariyan na kaya si Poypoy ko? I wiped the beads of sweat on my forehead and narrowed my eyes, hoping that I could see with a clearer view. Pero halos mapatalon ako nang biglang may bumusina. Paglingon ko ay nakita ko ang sasakyan ni Poseidon na dumaraan at palapit na sa site. Napangiti ako at sinundan 'yon ng tingin. Medyo malayo na nang huminto siya. Bumaba si Colt mula roon at sumunod si Poseidon. Hindi man lang niya ako nilingon at dire-diretsong pumasok sa site. Si Colt ay kumaway sa akin bago kumuha ng hard hat tapos sumunod na rin sa loob. Medyo dismayado ako na bumalik sa loob at nagpatuloy na ako sa pagtuturo. It is quarter to twelve when I suddenly saw Madonna carrying a bag and a big plastic container. Natigil ako at kumunot ang noo habang sinusundan siya ng tingin na lumampas sa court, dire-diretso papunta sa site. "Ano 'yon?!" Napalakas ang tanong ko sa sarili. "Ano na, break ba muna, Salacia?" tanong ni Jessa. Nilingon ko sila saglit at tumango saka muling napatingin sa labas ng court. "Nagluluto ng ulam ang Mama ni Madz, 'di ba? Ayon, sila ang nagbebenta sa mga trabahador diyan tapos si Madz, biglang nagkainteres na siya ang maghatid diyan," pagke-kwento ni Sandy na taga-rito rin. "Hindi mo pala alam. Sabagay, ngayon lang tayo nag-practice nang maaga. Lagi tayong hapon, eh. Pero ayon nga, nilalandi yata niyan 'yung tisoy. Kilala mo naman 'yan." Napapadyak ako. "Aba't, hindi pwede 'yon!" Halos mapamura ako at nagmartsa palabas. May gusto si Madonna kay Poseidon at ano pa ba dahilan niya para magpresinta na magbenta ng mga pagkain? Eh, diring-diri nga 'yon sa mga gano'ng klase ng trabaho dahil ang arte, hampas-lupa rin naman. Nakasimangot ako habang papunta roon. Naistorbo ang mga alikabok dahil sa bigat ng mga hakbang ko. The construction workers are already getting ready to eat. Kitang-kita ko ang ngiwi ni Madonna na malamang ay dahil sa hindi naman talaga niya gusto ang ginagawa, may halong kalandian lang. I saw Poseidon went out from the site. Tinatanggal niya ang hard hat at papunta sa may water jug sa tabi. Pero nang makita ako ay lumiko siya at dumiretso sa may pagkain. The workers gave way to him. Ang bruha naman na naka-pulang sando, pulang-pula na tuka, at pekpek short ay todo ngiti na saka hinawi pa ang buhok. "Ano sayo, Poseidon?" she asked with her fake sweet voice. "Give me one order of this, please," Poseidon politely said. Agad naman tumalima si Madonna at may kasamang haplos pa sa kamay ni Poypoy ang pag-abot ng paper plate. "Madonna!" I shouted on the top of my lungs. Napatingin ang mga construction workers sa akin. Ang ibang nakakakilala sa akin na matatanda ay bumati samantalang ang iba ay nagbulungan. Napawi ang ngiti sa labi ni Madonna at umismid bago humarap kay Poseidon. "Ikaw!" I shouted again when I am already in front of her. Nasa pagitan namin ang mesa na kanina pa naroon at nasa ibabaw noon ang mga nakalatag na pagkain. I glanced at Poseidon who raised his brow to me. Sinamaan ko siya ng tingin at nilingon si Madonna. "Ano na naman 'yon, Salacia? Aawayin mo na naman ako? Nagtatrabaho ako rito nang matino. Pinapakialaman mo na lang ako lagi," aniya sa mahinahon na boses. My eyes widened then I scoffed. "Aba't, kunwaring mabait amputa!" "What is your problem?" tanong ni Poseidon sa akin sa seryosong boses. Naningkit ang mata ko. Madonna looks so tamed now even with her very daring clothes. Kinakampihan ba siya ni Poseidon? Well, wala namang alam ang lalake na 'to. "Tsk. Oorder ako!" saad ko. She glared at me. "Eksakto na sa kanila ang dami nito." Napangiwi ako at nameywang. Pinanood ko ang paglagay niya ng pagkain sa plato ni Poseidon. She gave him a flirty smile. "Eat well!" aniya. Poseidon glanced at her face and nodded. "Thank you," he answered politely before walking away. Nagngitngit naman ang kalooban ko. Wala naman mali roon dahil polite lang si Poseidon pero dahil kay Madonna niya ginawa, nanggigigil ako! "Bait-baitan," bulong ko at pinagkrus ang braso. She gave me a disgusted stare. "Umayos ka nga, Salacia. Wala kang class!" aniya at umismid. I raised my brow to her. "At ikaw? Sa tingin mo meron ka?" Inirapan ko ulit siya bago umalis doon. Pumunta ako sa pwesto ni Poseidon. May mesa sa tabi at doon siya tahimik na kumakain mag-isa. I pouted and sat in front of him. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin at nanatili lang ang pagtutok sa pagkain niya. "Gusto mo 'yon?" inis kong saad. "Gusto mo si Madonna?" Come to think of it, no'ng sinabi niya na parang may magugustuhan na siya, na-meet niya rin noon si Madonna. Paano kung siya ang tinutukoy ni Poseidon at hindi ako? "Ahh!" I shouted and covered my face with my palm. Bakit ba ako kakabahan sa pagiging third party ni Madonna sa relasyon namin? Kumpara naman sa babae sa cellphone ni Poseidon, walang-wala ang babae na 'yan. But then, Madonna is pretty and has a pair of big boobs. Lagi pang nakabalandra pati ang mga pisngi ng pwet niya kaya kayang-kaya niya makapang-akit agad! Pero hindi naman lahat ng lalake nakatutok sa pisikal na anyo. I think Poseidon isn't like that. Ngunit halos wala naman kaming pinagkaiba ni Madonna. Pareho kaming hampas-lupa at walang class. Hindi rin ibig sabihin na mas balot ako sa kaniya, mas nakalalamang ang pagkatao ko. Ang lamang ko lang ay hindi ako chismosa at naninira. "Poypoy ko!" I called him dramatically after removing my palms on my face. Hindi niya ako pinansin at kain lang nang kain. I bit my lower lip when I noticed that the way he moves is really manly yet classy. I sighed. "May pag-asa ba ako sayo?" Kahit pagdampot ng baso at pag-inom niya ay kakaiba ang dating. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago iyon binaba at marahan na dinampi ang tissue sa kaniyang bibig. "I don't like playgirls," malamig niyang saad. Napangiti ako at hinawi ang buhok papunta sa likod ko. "Hindi ako playgirl!" masaya kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay na tila nagsisinungaling ako. "Hindi naman talaga!" mariin kong pamimilit. He smiled without a hint of humor. Halos mapanganga ako. He looks damn hot. May pangit ba kay Poseidon? Maybe even his eggs are perfect at walang kulubot! Charot. "Hindi nga! Promise!" pilit ko pa. He drank from his glass of water again. Nangalumbaba ako at pinanood lamang ang paggalaw ng adam's apple niya sa bawat lagok. "Pupunta ka mamaya sa kainan s***h inuman?" tanong ko. He glanced at me before he put down the glass. "No, I declined it. I am busy." Nanlumo ako at ginawa ko na maganda pa rin ang mukha dahil pinanood niya ang ekspresyon ko. "Sayang naman! Pupunta pa naman ako!" saad ko. He raised his brow. "Enjoy then. No time for that." "Sayang talaga! Punta ka, Poypoy. Masaya 'yon. Naroon sina Kapitana, Ashton, at iba pa sa barangay. Masaya sila kasama at kainuman. Masarap din ang pagkain!" pagbibida ko pa. He glared before looking away. "Tss." "Atlas! Uy, Salacia! Kasama mo pala si Engineer!" Nilingon ko si Colt na parating at tumutok sa kaniya. "Atlas? Si Poseidon, Atlas din?" tanong ko. Hilaw siyang ngumisi at sumulyap kay Poseidon bago muli tumingin sa akin. "Oo! Poseidon Atlas Thomas ang buo niyang pangalan!" Nanlaki ang mata ko at nilingon si Poseidon na mukhang iritado na, malamang ay dahil sa lakas ng boses namin ni Colt. "Ako naman Goddess Salacia. Grabe, bagay kami, 'no?" saad ko at nilingon muli si Colt. He smirked at me. Biglang tumayo si Poseidon kaya tiningala ko siya. He eyed Colt with his usual cold eyes. "You have eaten your lunch, haven't you? Give her your supposed food from that girl," he simply said before walking away. I blinked twice, processing his words. Matapos ang ilang segundo ay halos mapatalon ako. Hinampas ko si Colt sa sobrang kilig ko. He scratched on the back of his head while watching me. "He cares for me! May gusto sa akin si Poseidon!" masaya kong saad. He laughed and shook his head. Sinunod niya ang utos ni Poseidon at inihatid sa akin ang pagkain. "Manood kayo sa practice namin mamaya, ha? Kapag wala kayong ginagawa!" I said to Colt before I left. Good mood talaga ako nang bumalik na sa pagtuturo. Halo-halong mga sayaw na uso ngayon ang itinuro ko at mas pinaganda pa dahil gusto ko talaga manalo. Malaki pa naman ang premyo at siyempre, fulfilling iyon. The members are very eager to do their best. Kaya naman mas lalo akong ginaganahan sa pagtuturo. Makalipas ang isang oras ay lalo akong ginanahan nang makita ang pagpasok ni Poseidon at Colt sa court. Ang mga babae na tinuturuan ko ay parang mga kiti-kiti bigla. "Wait lang!" saad ko at tumigil saglit sa pagtuturo. Tumakbo ako palapit sa dalawa. Si Colt lang ang nakangiti habang si Poseidon ay mukhang bored. "Buti pumunta kayo!" masayang sabi ko. "I really don't want to go but I have to check something at the back area of the court," paliwanag agad ni Poseidon. "Uy! Defensive!" Napahagikhik ako. Walang-imik niya akong nilampasan at mukhang pupunta nga sa may likod ng court. Nginisihan ko si Colt at kinawayan nang sumenyas siya na susunod na kay Poypoy. Masigla akong bumalik sa grupo saka pinalakasan ang tugtog. "Okay, from the top!" I excitedly said and went in front of them. Hataw akong sumayaw lalo na nang makita na pabalik na sina Poseidon at madaraanan kami. Nakangiti ako habang sumasayaw ngunit lalong lumaki ang ngiti ko nang masulyapan ang pigura nilang dalawa na nakatigil at nanonood sa may gilid. Time to shine! Kinembot ko ang bewang sa pinakamagandang paraan na kaya ko. I slowly grinded with the sensual beat of the music. My expression is changing depending to the mood of the steps and I am really like this even without Poseidon around. Nasa gitna pa ako ng pagsayaw nang biglang may naglakad paalis. Ngunit hindi ako tumigil at tinuloy lang ang pagsayaw kahit pa nakumpirma ko na si Poseidon iyon. Nilingon ko si Colt at napangiwi siya saka nagkibit-balikat. After the song, I dismissed them. Agad akong lumapit kay Colt. "Bakit umalis? May trabaho na?" tanong ko. Sayang, 'di niya nakita 'yong part na nag-twerk ako! Napakamot siya. "Ewan ko ro'n. Na-bad mood yata sa akin," aniya at alanganin na ngumiti. My forehead creased. "Ha? Bakit naman?" Pumula ang pisngi niya at umiwas ng tingin. "Sinabi ko lang naman na kapag daw dancer magaling sa kama tapos kapag magaling mag-grind, magaling mag-top," aniya at tumitig muli sa akin. "Sorry, Salacia. Hindi kita binabastos, ah? Naalala ko lang ang sabi-sabi na 'yon bigla. As in out of nowhere. Wala talaga akong intensyon. Galit sa akin si Atlas, sinamaan ako ng tingin at minura. Ewan ko kung bakit," aniya. Natawa ako. "Eh? Ang weird niyo naman," saad ko. Pero nanlaki ang mata ko nang may maisip. "Oh my gosh!" tili ko. Napapadyak ako at tumakbo paalis para habulin si Poseidon. Baka nagalit siya para sa akin dahil feeling niya binastos ako ni Colt. Hindi naman na bago sa akin ang sabi-sabi na 'yon at feeling ko naman totoo. I saw him in front of the site. Nakasandal siya sa mesa na naroon at may hawak na malaking kulay puti na papel. He looks mad while staring at the paper. "Poypoy my loves!" I shouted loudly. Nag-angat siya ng tingin sa akin sandali bago ni-rolyo ang papel. I flashed my beautiful smile to him. "Hi! Okay ba 'yong sayaw ko?" tanong ko. Hindi niya ako pinansin at tinalikuran lang. Agad akong tumabi sa kaniya habang naglalakad siya. Malalaki ang normal niyang hakbang kaya napilitan ako na sabayan 'yon. When I held him on his arm, he stopped from walking. Ngayon ay magkaharapan na kami at nadepina ang tangkad niya kumpara sa akin dahil sa bahagya kong pagtingala para lamang magtagpo ang aming paningin. "Uy, galit ka ba? Kumusta ang sayaw ko?" tanong ko. He stared at me with his smoldering eyes. "Pangit. Kaya huwag mo na 'yon isayaw sa harap ng iba," mariin niyang saad. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Then I reached for his cheek to pinch it. Ang cute, parang bata na nagta-tantrum. Maldito niyang iniwas ang mukha kaya napabitiw ako. I smirked. "Maisasayaw ko 'yon lagi kasi nagtuturo ako. Kung pangit, bahala sila magtiis na tignan," sagot ko. "Tss..." "Atsaka it is a form of expression. Iba-iba ang sinasayaw ko at isa 'yon sa mga 'yon. Ano ang gusto mo, sayo ko lang ipakita ang pag-grind ko?" Napangisi ako lalo. "What!?" marahas niya akong tinignan at masungit ang mga mata sa pagtitig sa akin. "Yiieh!" I poked his waist. Iritado niya akong tinignan at lumayo sa daliri ko. "Stop it!" saway niya nang akma ko siyang tutusukin ulit. Nag-grind ako sa harap niya bilang pang-aasar pero hindi ako dumikit at may malaking distansya sa pagitan namin. Kitang-kita ko kung paano namula ang mukha niya. He glared at me and he stepped back. "Poseidon, dito ka lang!" I said playfully and tried to hold him again. Galit niya akong tinignan at iniwasan ang mga hawak ko. I scanned him and when I discovered something, I burst into a laughter. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin at nag-walk out na. "Pangit ba, Poseidon? Pangit ang sayaw ko? Bakit may tumatayo riyan!?" natatawang sigaw ko. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng site nila bilang sagot sa pang-aasar ko. Napahawak ako sa tiyan dahil sa pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD