Chapter 6

4401 Words
Sinful Patuloy ang pagpaypay ko sa medyo maliit na baga na nasa uling upang mas lumaki iyon. Ulit tuloy sa pagpapaningas kasi binuhusan ni Aira ng tubig kanina, akala niya tapos na. May mga isda pa nga na iiihaw matapos ng barbeque. "Hoy!" Halos mapatalon ako nang may humila ng buhok ko. Paglingon ko ay nakita ko agad ang malaking mukha ni Kapitana. Napangiwi ako at kinamot ang anit na masakit. I rolled my eyes on her and focused again. "Hindi pa tayo nagsisimula mauubos mo na 'yang barbeque!" sermon niya at tinuro ang hawak ko na stick na kaunti na lang ang karne na nakatusok. Tinuro din niya ang tatlong stick sa gilid na wala ng laman dahil nakain ko na. "Nakakapagod kaya, Kapitana. Ginugutom ako sa pag-iihaw!" reklamo ko at inubos na ang nasa hawak ko na stick. Agad akong umilag nang akmang kukurutin niya ako. Pinanlakihan niya ako ng mata at akmang aabutin muli pero umatras ako. Hinampas ko ng pamaypay kong karton ang kamay niya. "Kapitana naman!" sigaw ko. "Ikaw na bata ka! Pangpulutan din natin 'yan!" I pouted. "Ang dami naman niyan, eh. Damot!" "Aba't—" Akma niya ulit akong kukurutin ngunit dumating si Ashton kaya nagpormal siya. Halos mapairap ako nang bumalik siya sa pagiging kagalang-galang niya kunwari. "Good evening, Kapitana and Salacia," he greeted. "Narito ka ba talaga para makisaya sa amin o para pumorma na naman kay Salacia?" tanong ni Kapitana habang naniningkit ang mga mata. Ashton smiled shyly and scratched on his forehead. "Both?" Napairap si Kapitana at ako naman ay napailing at tumutok sa ginagawa. "Hay naku!" Kapitana scoffed and left while shaking her head. "How can I help you, Goddess?" His gentle voice asked me. Sinulyapan ko siya at nginitian bago iniabot sa kaniya ang pamaypay. "Ayan, ikaw muna ang magpaypay kasi napapagod na ako," saad ko at nagpunas ng ilang butil ng pawis sa aking noo. He chuckled and accepted it. I pulled the plastic chair that I saw and sat beside him. "Kanina mo pa 'to ginagawa?" he asked. I nodded and stood when I remembered something. Lumapit ako sa 'di kalayuan na table at pasimple na kumuha muli ng tatlong stick na may barbeque saka halos patakbo na bumalik sa pwesto namin kanina. Nakatingin na sa akin si Ashton na natatawa habang tila nalilito sa kung ano man ang ginawa ko. I winked at him and handed him a stick of barbeque, ang dalawa ay akin. "Hindi ba tayo malalagot nito?" he asked then chuckled. I nudged at him. "Hindi 'yan. Utos mo kaya 'to!" "What? No!" he laughed and shook his head. I just grinned at him then I ate happily. Nang okay na ang ningas ay isinalang ko na ang mga iihawin na isda. Ashton helped me at magkasama namin iyon na binantayan. "Sigurado ka ba na kakain ka talaga ng kanin, Salacia?" nakangiwi na tanong ni Kapitana habang inaayos na ang mesa. Sa likod ng barangay hall ay may pavilion na gawa sa kawayan. Sa gitna noon ay may mahabang mesa na gawa rin sa kahoy atsaka plywood. Ang bubong ay pawid at mula rito ay tanaw ang mga kabahayan sa tabing-dagat. Dahil may mga bakanteng pwesto, makikita rin ang dagat sa malayo. Ngayon sa mesa ay maraming pagkain na siyang gagawing pulutan at may videoke pa. May iilang case na ng beer ang dumating ngunit ang inaabangan ko ay ang apat na bote ng tequila sa gitna. "Oo. Gutom na ako!" sagot ko habang naglalagay sa plato ng mga ulam. Walang sinaing na kanin, mabuti na lang ay dinalhan ako ni Diana Rose. "Iinom tayo, Salacia. Hindi 'to dinner party." I just nodded and started to eat. They all just looked at me weirdly. Si Ashton lang yata ang nakangiti sa akin at nilalagyan pa ng ulam ang plato ko. Nagsimula na ang kantahan habang kumakain ako. Nasa gitna ako ni Ashton at Diana Rose. Ang ibang nagtatrabaho sa barangay ay nakaupo na rin at nangunguna sa pagkanta. Si Kapitana ay wini-welcome ang iba pang imbitado sa munting salo-salo. "Hindi ba pupunta si Poypoy?" bulong sa akin ni Diana Rose na medyo sinasapawan ng basag na boses ni Aira. I glared at her. "How dare you call him Poypoy!?" gigil ko na bulong. She rolled her eyes to me like she's done with my nonsense words. Napanguso ako at umiling. "Hindi raw pupunta, eh. Sapat na raw ang pagsasama namin kanina," saad ko at unti-unting napangiti nang maalala ang nangyari. Her eyes widened and swallowed her squeal. Kinagat niya ang labi habang nagpipigil. Kumain muna ako habang hinihintay siyang maging maayos. "Magkasama kayo kanina!?" halos isigaw niya iyon sa tenga ko. "Oo! Ginilingan ko nga, eh. Tapos sa sobrang galing ko, nakatanggap lang naman ako ng standing ovation!" I proudly said. Kumunot ang noo niya at mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko. I just grinned at her and I focused on my food again. "Go, Kapitana!" pag-cheer ng mga sipsip na iilang trabahador. "Kakanta na 'yan!" pag-cheer pa ni Aira. Pulang-pula ang malaking mukha ni Kapitana kaya parang longganisa siya ngayon. Mukha pa siyang nahihiya na tanggapin ang mic. Mabilis kong nginuya ang sinubo ko. "Boo! Huwag na, Kapitana! Baka umulan! Pangit naman boses mo!" sigaw ko matapos lunukin ang pagkain. She glared at me. Nagtawanan ang mga naroon lalo na nang umakma siyang ibabato 'yon sa akin. Iniabot niya 'yon sa iba at tumutok na lang sa pagkain. "I saved you, guys!" I uttered and signaled them to clap for me. Natawa na lang ako nang pasimpleng ipinakita sa akin ni Kapitana ang gitna niyang daliri. Siyempre kailangan mukha siyang kagalang-galang sa harap ng iba. Sa akin lang lumalabas ang tunay niyang anyo. Nagsimula na rin ang inuman at tama-tama ay tapos na akong kumain. Mahilig talaga akong uminom ng alak kapag libre. Dati ay mabilis akong malasing, pero katagalan ay hindi na. "Kailan ba bubuksan 'yang tequila. Sawa na ako sa beer!" saad ko. "Aira is still cutting the lemons, Salacia," sabi ni Ashton saka tumawa. Umismid ako. "Kaya ko 'yan kahit walang lemon." "Ay, hindi titimplahan?" nakangiwing tanong ni Diana Rose. Nilingon ko siya at nginiwian. "What? Eww! We don't do that here. Sunog-baga rito. Okay na ang lemon. Gatas na lang inumin mo kung gusto mo ng tinitimpla!" She rolled her eyes to me. Tumungga ako sa bote ng beer na nasa harap ko. Nagkakasiyahan na lalo na ang mga may edad dahil sa kantahan. "Yosi?" Ashton asked me and handed me a stick. I bit my lip and accepted it. "Matagal na akong hindi naka-try nito. Kaysa kasi ipambili nito, idinadagdag ko na lang sa ipon," saad ko saka idinikit ang dulo ng sigarilyo sa may sindi ng hawak niya. "Just tell me, bibilhan kita ng isang kaha lagi," he uttered and grinned. "Psh! Ayoko maging adik. Paminsan-minsan lang 'to. Gusto ko lang maranasan maging tambutso minsan." "I could buy you an e-cigarette," he offered. I chuckled and shook my head. "No need!" Itinaas ko ang hawak na sigarilyo at ngumisi. "Okay na ganito." I put the stick in between my lips. Napatingin ako sa parating at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Poseidon na papasok. Our eyes met and his cold eyes became smoldering. Umiwas siya ng tingin at tinuon ang pansin sa paglapit sa kaniya ng tuwang-tuwa na si Kapitana. "Engineer, akala ko hindi ka makapupunta!" she said with so much joy. Hindi niya malaman ang gagawin at nataranta na. "I've finished my work and I decided to go here," he politely said. Pinaupo siya ni Kapitana sa tapat ko. Nasa gitna naming dalawa ang mesa. Long distance relationship kami ngayon. Luminga ako at humanap ng ibang espasyo para sana maging mas magkalapit kami kaso ay wala na. I puffed on the cigarette for the last time and threw it on the ground. Tinapakan ko 'yon at dinurog. Pag-angat ko ng tingin ay naabutan kong pinapanood ako ni Poseidon gamit ang tila galit pa rin niyang mga mata. I smiled at him and waved cutely. "Another stick?" Ashton asked after moving his face near my ear. Umiling ako habang nakatitig pa rin kay Poseidon. His jaw clenched then he looked away. Naramdaman ko ang pasimpleng kurot sa akin ni Diana Rose at hinila ang braso ko palapit sa kaniya. "Ano?" I asked. Pinandilatan niya ako bago inilapit ang bibig sa tenga ko. "Nahuli kang nagsisigarilyo. Baka ma-turn off," bulong niya. My forehead knotted. "What? Bakit naman?" Tinitigan ko siya. She just shook her head, looking so disappointed. Natawa ako at tinapik siya. "Ayos lang ma-turn off. Na-turn on naman sa akin 'yan kanina," I said and chuckled. "At para alam na rin niya na hindi ako perfect, 'di ba?" Inilingan niya lang ako muli. Nilingon ko muli si Poypoy na ngayon ay inabutan ni Kapitana ng sariling plato na may iba't-ibang pagkain na naroon. He looks formal on his seat and he is accepting it politely. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt. Fitted iyon kaya ang chiseled chest niya ay halata. I sighed dreamily. "Goddess..." Nilingon ko si Ashton na malambing ang boses na tinawag ako. He smiled at me then handed a shot glass and a lemon. Inamoy ko ang laman no'n at ang matapang na bango ng tequila ang sumalakay sa aking pang-amoy. Agad ko 'yon na tinungga at sumipsip sa lemon pagkatapos. Gumuhit ang init sa lalamunan ko pababa sa aking tiyan. Binalik ko 'yon kay Ashton at napasulyap muli kay Poseidon. He looks out of place here. Nababagay siya sa mga magagarang party at high-end club, hindi tulad sa ganito. Sa postura niya at hitsura, mukha talaga siyang naiiba. Idagdag pa ang maayos na maayos niyang upo na medyo stiff pa tignan. "Are you feeling uncomfortable, Poypoy?" tanong ko na halos pasigaw na dahil sa ingay mula sa mga kumakanta. He eyed me coldly. Sumulyap siya sa tabi ko bago umiling. "I am fine," masungit niyang sagot. Kakausapin ko sana siya muli ngunit inagaw na ng iba ang atensyon niya. Napanguso ako at pinagmasdan siya na bahagyang ngumingiti habang nakikipag-usap sa iba. Tapos sa akin, sungit effect? "Kapitana!" My eyes widened when I heard the familiar voice. Halos mapatayo ako nang makita si Madonna na papasok na rito. Her sexy top is showing a generous amount of her cleavage. Ang mahaba niyang hita ay lantad sa kaniyang maikli na ripped short. May pahawi pa siya sa maikli niyang buhok at nakangiti ang pulang-pula na labi dahil sa lipstick. "Oh, Madz?" Kapitana looks surprised with her presence. "Pwede ko pa naman tanggapin ang imbitasyon, 'di ba?" Madonna laughed with her high-pitched voice. Napatingin sa akin si Kapitana at ngumiwi. "Eh, hindi ka naman imbitado..." aniya. "Ano 'yon, Kapitana?" tanong ni Madonna na ngayon ay nakatingin na kay Poseidon na ngayon ay umiinom na ng tequila. "Ah, wala. Sige na!" Kitang-kita ko kung paano niya pinagsiksikan ang sarili sa tabi ni Poseidon kaya napilitan umalis si Eric sa pwesto niya. Napasimangot ako at inagaw kay Diana Rose ang shot ng tequila na kanina niya pa inaamoy lang saka nginingiwian. "Dapat pala pinagsiksikan ko rin sarili ko ro'n kanina!" gigil kong bulong at tumayo para umabot ng barbeque. "Are you okay?" I heard Ashton asked. Padabog akong umupo sa tabi niya at nilantakan ang kinuhang pagkain. Pag-angat ko ng tingin ay nagsisimula ng lumandi si Madonna. Si Poseidon ay para lang tuod sa pwesto niya habang may hawak din na stick ng barbeque. "No'ng nalaman ko na narito ka, pumunta na rin ako," Madonna said. Napairap ako. "Hindi naman niya tinanong." Napatingin siya sa akin at napawi ang ngiti. "Ano 'yon, Salacia?" I faked a smile. "Sabi ko 'di ka naman tinatanong!" saad ko. Ngumiwi siya at umiling. "Ayan ka na naman, nangingialam sa akin. Inggit ka talaga sa kung ano ang meron ako, 'no?" I rolled my eyes. Bilib ako kamo sa kakapalan ng mukha niya para sabihin na naiinggit ako sa kaniya. Lamang lang siya sa akin ng dede, pero maliban do'n, wala na. Medyo nawalan ako ng gana lalo na nang makita na medyo ngumiti sa kaniya si Poseidon habang dinadaldal niya. Ano, type niya na ba 'yan? Sa kada ikot ng shot ay dalawa sa akin. Ako na ang umiinom ng kay Diana Rose dahil hindi niya kinakaya ang tequila. Medyo mainit na ang pakiramdam ko at bahagyang lutang na ang pakiramdam, pero hindi pa ako lasing. "Ihahatid na lang kita mamaya sa bahay mo," I heard Ashton's gentle voice. Nilingon ko siya at nginitian saka tumango. "Sige, salamat, Ashton!" I said. Nilingon ko ang nasa harap ko a naabutan na nakatingin sa akin si Poseidon. His eyes look serious now. Inismiran ko siya at tinignan si Madonna sa tabi niya na ngiting-ngiti pa rin. Tumungga ako ng dalawang shot pa na magkakasunod at nanlabo na ang paningin ko. "Gusto mo ba akong marinig kumanta?" she asked and held him on his arm. Napalingon sa kaniya si Poseidon at umiling 'tsaka tinanggal ang hawak ni Madonna sa braso niya. Nanlaki ang mata ko at napahagalpak ng tawa sa nakita. I looked away and closed my eyes because of the sudden attack of dizziness. "b***h, he's not interested on you. Damn the guts to ask if he wants it!" I said loudly and laughed again. "Hoy, Salacia. Lasing ka na!" saad ni Kapitana. "Ano ang problema mo, Salacia?" I heard Madonna's angry voice probably because she was embarrassed. Pinilit ko na magmulat ang mata at napahagikhik. Muntik ako mawalan ng balanse kahit nakaupo, mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Diana Rose 'tsaka Ashton. "Pagpasensyahan mo na, Madz. Lasing na 'yan." "Kahit naman 'di lasing 'yan, ganiyan na 'yan. Palibhasa, kulang sa pinag-aralan. Ni hindi nga nakatapos ng junior high school." Napawi ang ngiti ko at nagmulat ng mata. Tinignan ko ang direksyon niya ngunit naagaw ng kaniyang katabi ang atensyon ko. I saw him watching me intently with indifference on his eyes. Tama nga yata si Diana Rose, na-turn off na 'to sa akin at pinapalala ko pa ngayon. Nakita niya ako na nagsigarilyo, tapos ang lakas uminom at ngayon, nalaman niya pa na kahit junior high school, 'di ko natapos. I chuckled and shook my head. Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit dahil lumalala na ang pag-alon ng paningin ko. "Tama na ang inom, ha?" I heard my friend's voice. "Baka dahil sa sobrang bobo kaya kahit junior high 'di natapos? Wala naman ibang dahilan para tumigil siya," rinig ko pang saad ni Madonna. "Can you stop?" I heard Ashton. Natawa ako at pinilit na nagmulat atsaka tumayo para ituro siya. Ang lahat ay malabo na sa paningin ko. "Sige nga, subukan mo pumasok sa school kahit naka-kadena ka sa isang basement habang may iilang sugat at pasa? I bet you can't! Ako nga 'di kinaya tumakas, eh!" I said and laughed when I imagined her on my situation that time. Akala ko tumahimik ang paligid pero dahil sa pagkalasing ko lang yata. Umupo ako muli at sumandal sa upuan. "Oh, f**k. I am already drunk!" I shouted. Napangiti ako at itinaas ang kamay. "But I love this feeling. Parang ang saya ko kahit walang dahilan!" "S-salacia, uwi na kaya tayo. Lasing ka na," I heard Diana Rose' voice. I just smiled and reached for her. Niyakap ko siya nang mahigpit saka sumiksik sa leeg niya. "I love you so much, Diana Rose." "Lasing ka na talaga. Nandito ako sa kabila. Iuwi na natin siya, Ashton," I heard her said. "Naku, lasing na talaga si Salacia. Iuwi niyo na 'yan. At ikaw rin, Madonna, umuwi ka na," I heard Kapitana's voice. I yawned and nodded. Naramdaman ko ang pagtayo ng yakap ko kaya nasama rin ako. "Dito ka na lang, Diana Rose. Ako na ang maghahatid kay Salacia. Enjoy ka na lang dito," malumanay na saad ni Ashton. "H-ha? Hindi pwede! Kasama ako sa maghahatid kay Salacia." "I'd carry her, kaya ko naman." "Let me help you. Madilim na sa daan." Napamulat ako nang marinig ang huling nagsalita. Si Poseidon iyon at nakatayo na rin. He eyed me intently. "Ay, maganda 'yan. Go, Mr. Thomas," saad ni Kapitana. "Mas mabuti pa na kami na lang ni Diana Rose," Ashton said seriously. "Ay hindi na, sige na. Kaya niyo na 'yang dalawa. Para malaman na rin ni Mr. Poypoy ang bahay ni Salacia." Napangiti ako at tumango. "Tama, tama..." I uttered. "And I would be the one to carry her. Lead the way, Mr. Ashton." "W-wha—" Tumili si Diana Rose at nag-ingay ang mga naroon. "Oo, tama 'yon Ashton kasi hindi alam ni Poseidon ang papunta ro'n." Nagkaroon pa ng kaunting pagtatalo pero maya-maya ay naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin na tila bagong kasal. Pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang asul niyang mga mata. I smiled at him and buried my face on his chest. "Lead the way," his baritone voice filled my ear. Pinakiramdaman ko ang kaniyang paghinga. I can hear the calmness of his heart. Lalo akong napangiti at isinabit ang isang kamay sa kaniyang balikat. "You smell so good, Poseidon," I whispered huskily. "And you reek of alcohol." Napangiti ako lalo. "Does it bother you?" "Titiisin ko na lang. I have no choice." "Hmm..." "And I can still smell cigarette from you," he whispered. Sa bawat hakbang niya ay marahan akong nagagalaw ngunit komportable pa rin ako sa dibdib niya. His calm heartbeat and the peaceful sound of the waves are nice for my ears. I smiled even more. "Tiisin mo na lang din." "Your mouth is sinful. Unpleasant words are coming out from it, you smoke cigarette, and they love the taste of alcohol." Napahagikhik ako. He's being talkative. "I can do another sinful thing with this mouth and it would surely please you, Poseidon," I whispered. Natahimik siya. I heard him cleared his throat then I felt how his heart beat faster. I chuckled again and tried to open my eyes. Ang perpekto niyang panga ang bumungad sa akin. Madilim ang paligid ngunit sa tulong ng liwanag mula sa buwan ay nabigyan ako ng pagkakataon para makita siya. "You look so gwapo," bulong ko muli. He swallowed hard and his heart beat faster again. Hindi man lang niya ako sinulyapan at diretso lang ang titig sa daan. Tumingin na lang ako sa tinatahak na daan at medyo nalungkot nang makita na ang bahay ko. Sa may unahan namin ay si Ashton na may dalang flashlight at tahimik lang. "You live in this small hut?" The disbelief is on his voice. I nodded. Nagpababa ako sa kaniya at agad naman niya akong inalalayan nang nakatayo na ako. Nilapitan ko ang bato sa may gilid. Agad na itinapat ni Ashton sa pwestong 'yon ang flashlight. Inalis ko ang bato at napangiti nang makita ang susi. "Charan! This is the key!" masaya kong sabi at iniabot kay Ashton para buksan na iyon. "Isn't that stupid, Salacia? Iniiwan mo ang susi ng bahay mo sa ilalim ng bato?" Rinig ko ang iritasyon sa boses ni Poseidon. Tumayo ako at agad niya akong inalalayan habang nananatili na iritado ang mukha niya. Napakamot ako at pinanood ang pagbukas ni Ashton sa kandado. Malakas ang kalansing ng mga kadena nang hinila niya iyon. "A kick from me would turn down this house," saad ni Poseidon. "Ay, grabe ka naman. Bakit mo sisipain?" tanong ko at sinulyapan siya. "Pumasok ka na, Salacia. Gabi na..." I heard Ashton's gentle voice. Lilingunin ko pa lang sana siya ngunit binuhat na ako ni Poseidon. Yukong-yuko siya nang pumasok sa bahay ko. "Andiyan 'yong lamp ko, oh," saad ko nang mahirapan siya dahil sa dilim. "Solar energy na ang ginagamit nang karamihan sa mga bahay rito. At gano'n din ako. I have an electric fan and a lamp na gumagana through solar." "I see," tipid niyang sagot. "Hindi mo pa nga nakita, eh." "Are you okay now, Goddess?" tanong ni Ashton. Nang nagkaroon na ng liwanag ay ibinaba na ako ni Poseidon mula sa kaniyang malalakas na braso. Inilapag niya ako sa kama ko na gawa sa kawayan. Tumaas ang kilay niya at umikot ang paningin sa buong bahay ko pabalik sa akin. Napangiti ako habang pinapagmasdan siya. He looks bothered about the details of my house. Lalo na sa isang parte ng pader ko na gawa sa pawid. "Salacia? Kumusta ang pakiramdam mo?" Ashton asked again with his serious voice. Napakurap ako at nilingon siya. Nasa likod siya ni Poseidon at seryosong nakatitig sa akin. I smiled at him. "Okay naman na. Medyo nahihimasmasan na," sagot ko at napahikab. Sinulyapan ko muli si Poseidon na kunot ang noo at naglakad palapit sa pinto ng bahay ko. I am already sleepy pero gusto ko pa sana siya kasama. He checked the details of my door that is made up of bamboo and some hard woods. May butas sa pader pati sa gilid ng pinto ko at doon lumulusot ang kadena para maisara kapag umaalis ako. Ngayong nasa loob ako ay hook lamang ang pansara. Pwede rin naman ikadena ko mula rito sa loob. "This house is stupid." "Hoy!" I shouted at him. Napalingon na rin sa kaniya si Ashton na nakapameywang na. "But this is pretty decent for her to live in. Kaya huwag mong insultuhin." "And you're stupid, too, to think that this is decent enough for her to live in. Can't you see how unsafe is she here? Even a boy with a frail body could barge in through this." Itinuro niya ang pader na gawa sa pawid. "Did you just call me stupid?" tanong ni Ashton. Poseidon smirked with sarcasm on his face. Namumula ang pisngi niya at tenga, malamang ay dahil nakainom siya. Pero ang gwapo niya lalo ngayon. "Yes and now, it is proven. Mas nabahala ka pa sa pagtawag ko sayo no'n kaysa sa kaligtasan niya? Do you really care for her?" Akmang magsasalita si Ashton ngunit pumagitna na ako. "Enough! Huwag niyo na ako pag-awayan. Kumalma na kayo!" saad ko. Poseidon glared at me. Si Ashton ay ibinagsak ang hawak na kandado sa sahig 'tsaka nag-walk out. Napahawak ako sa noo at hinilot iyon. "Ganda problems..." I whispered and shook my head. "That's not about your beauty, Salacia. It is about your safety that became about your stupid suitor." Nanlaki ang mata ko. "Hoy, tama na 'yan. Huwag mo na nga siyang tawagin na stupid. Don't worry, ilang taon na rin ako rito at mag-isa, walang nangyari sa akin. Mababait ang mga tao rito." He crossed his arms and his jaw clenched. "So, are we going to wait for something bad to happen before we make a move on this?" he sarcastically said. Napangisi ako at naglakad palapit sa kaniya. The emotion on his face vanished and he just stared at me intently. I scanned him then I grinned. "Ang pogi mo," saad ko. His cold stare turned into a glare like I just said something stupid. "Ano ba kasi pinaglalaban mo!?" tanong ko nang 'di na naalis ang masamang tingin niya sa akin. Nagseryoso siya. "Don't you have a safer place to stay in?" Umiling ako. "Wala na. Ako na lang mag-isa sa buhay." He sighed. "I'll look for a safer place." Nanlaki ang mata ko. Tinalikuran niya ako at handa ng umalis kaya agad ko siyang hinawakan sa braso. He faced me again with his cold expression. "Bakit? Bakit mo gagawin para sa akin 'yon? Kamag-anak ba kita?" tanong ko. "Wala akong kamag-anak na kulot," sagot niya. Napangisi ako at kinurot siya. He just glared at me then his stare dropped on my parted lips. He cleared his throat then licked his lower lip before looking away. "Don't smoke, Salacia," he demanded with his calm voice. Tumaas ang kilay ko at pilit na hinuli ang paningin niya. Nagkatitigan ulit kami. "Bakit? Pangit ba tignan para sayo?" tanong ko. He bit his lower lip and shook his head. "It is bad for your health," he simply said. Napanguso ako at tumango. "Pero minsan lang naman 'yon." He sighed. "Fine. It is your life," he uttered and shook his head. Napahagikhik ako at humawak na rin sa isa niyang braso. "Sige na, hindi na. Kanina lang 'yon. Matagal na akong tumigil." Tinitigan ko siya. Hindi na siya nakatingin sa mukha ko. Doon na sa mga kamay ko sa braso niya. Napangiti ako at pinisil-pisil ang biceps niya. "Pwede ba kitang hawakan nang ganito?" tanong ko. He stared on my hands then he slowly looked up to stare at my eyes. "Yes, you can," he whispered huskily. Napakurap ako habang nakatitig sa mata niya. Hindi sobrang liwanag sa loob ng bahay ko at dahil doon ay lalo pang dumilim ang pagka-asul ng kaniyang mga mata. Tila karagatan 'yon na ngayon ay binabagyo, nagugulo. Madilim at mapanganib. "Salacia..." My lips parted and I feel like I am being hypnotized. I felt his warm palm on my wrist. His thumb caressed my skin. Ramdam na ramdam ko ang gaspang ng kaniyang palad. Ramdam ko ang bawat detalye ng ginagawa niya kahit pa nalulunod na ako sa mga titig niya. Mabilis ang t***k ng puso ko sa mga oras na 'to. "Do you still like me?" I gasped and nodded, still staring at him. "That's good. I want to know more about you. I want you to like me more and only me, Salacia. Only me." Napakurap ako. "Y-you sound posessive," saad ko. He slowly nodded. "Because I am." Tumango ako at pinagmasdan lang siya. Can I take that feeling in my life that craves for freedom? "I need to go," he uttered, breaking the silence. I nodded again and I slowly let him go. Pinagmasdan ko ang palad niya na mabagal din ang pagbitaw sa palapulsuhan ko. Tila ayaw pa pakawalan at umalis. Lumabas na siya. Nagkatitigan muli kami. I smiled at him. "Don't you wanna know what is the other thing that my sinful mouth can do?" I joked. Bahagya lang siyang ngumiti sa akin at iba ang epekto no'n sa dibdib ko. "Lock your door, well. Good night, Salacia," he uttered then he walked away. Dahan-dahang napawi ang ngiti ko bago ako bumuntong-hininga. Halos tulala kong isinara ang aking pinto. Mukhang wala na ring epekto ang alak sa akin. Mabilis nawala. I slowly sat on my bed. Why am I suddenly having a second thought?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD