Force "PSA ang tawag ngayon sa gano'n, Dessa. Pero malayo sa atin ang office nila kaya bakit hindi ka humingi ng copy direkta sa Local Civil Registry?" suhestiyon ni Ate Loisa. Kakapasok niya lang muli dahil sa wakas ay magaling na ang anak niya. Tinignan ko ang lumang-luma na birth certificate na hawak ko. May iilang punit na 'yon sa gilid at may mga bahid ng mantsa. Doon nakalagay ang pangalan ko na Dessa pati na rin ang pangalan ng mga patay ko ng magulang. "Para saan mo ba gagamitin?" takhang tanong ni Ate Gloria. Napakurap ako bago siya nilingon. "Uh... gusto ko magpa-rehistro bilang botante," pagdadahilan ko. "Baka naman tatanggapin pa 'yan..." Tinitigan ko lang 'yon saka napabuntong-hininga. Alam ko naman na kumikilos na si Poseidon pero parang gusto ko rin gumawa ng sariling

