Pace Hindi ako makapaniwala na sa loob ng limang taon ay walang nangyaring kakaiba sa buhay ko at nasanay na ako sa bagong pagkatao. Tapos ngayon, mabilis ang pangyayari at tila nayanig ang mundo ko. Malaki ang tsansa na hindi iyon lahat totoo. Sinasabi ni Poseidon na hindi ako si Dessa, kung hindi ay si Goddess Salacia Figueroa. Katulad na katulad sa pangalan na nakasulat sa pader doon sa basement. Kung ako nga 'yon, ano ang koneksyon ko kina Señorita Farrah? Apelyido pa lang ay masasabi ko nga na magkamag-anak kami. Ibig sabihin ba, pati ang pagiging katulong ko sa kanila mula no'ng bata ako ay hindi totoo? O inampon ba nila ako at napagtanto na ayaw na nila sa akin kaya ginawa akong kasambahay? Ang daming nabubuo na kuro-kuro sa utak ko at kahit isa ay hindi ko tinanggap para hindi

