CHAPTER 35

1568 Words

PAPANHIK na ng hagdan si Orange nang tawagin ng nakakubling si Marsha. Kunwa’y hindi napansin na tumuloy siya sa pagpanhik pero mabilis itong humabol sa kanya. Nang maabutan ay agad nitong hinablot ang isa niyang braso at saka siya hinatak pakubli sa isang sulok ng pasilyo. “Ano ba, nasasaktan ako!” sikmat niya sabay bawi ng kamay. “Bakit mo ‘ko pinagtataguan ha!” singhal rin nito. “Okay ka lang? Paano kita pagtataguan eh nasa iisang bahay tayo nakatira! Timang ka ba?” “Alam mo ang ibig kong sabihin, Anastacia! Binabalaan kita! Baka akala mo ay hindi ko tototohanin ang mga banta ko!” “E ‘di totohanin mo! Ang tagal naman!” “Matapang ka na ha! Kakayanin mo ba ang mga gagawin ko?” “Alam mo, puro ka naman pananakot kaya wala na ‘kong pakialam sa’yo.” Tinalikuran niya ito pero muli niton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD