ORAS ng hapunan at kahit naiinis ay walang nagawa si Anastacia kundi ang ayusin ang sarili at humarap sa hapagkainan. Pagdulog ay naroon na si Marsha, nasa gawing kanan ng kanyang biyenang hilaw, animo alagad na pirmis na nakakapit sa amo nito. Ang kanya namang biyenang lalaki ay sa kaliwa ng Mrs. dela Peña nakaupo. Iniatras ni Carlo ang isang upuan para sa kanya at naupo naman siya. “Dito ka na maupo, Carlo, para magkatapat kayo ni Anastacia,” ani Marsha. Napatingin siya rito. Pinauupo nito ang ‘asawa niya’ sa tabi nito para raw magkatapat sila? ‘Bangenge lang talaga?’ “No, it’s okay,” lakas-loob niyang sabad. Ayos lang na magkatabi na lang kami ng ‘asawa ko,’ Marsha. Salamat.” “Ang sa akin lang naman, maganda kung nagkakatinginan kayong mag-asawa habang nag-uusap kaysa magkatabi, h

