QuiL POV.
KAKAUWI ko lang ngayon galing trabaho at nag bibihis ako ngayon kasi tumawag yung mga kaibigan ko na mag ba BAR daw kami.
Umuwi na kasi si Arkin na isa sa mga kaibigan namin galing AMERICA.
**** magpapakilala muna pala ako hahaha, Ako nga pla si QUIL BUENTABENTURA, 28 years old. Sikat na negosyante. Playboy, pero dati yun. ****
****
Nakarating na rin ako sa sikat na Bar na lagi naming pinupuntahan nang barkada. Pag pasok ko pa lang, sumalubong na agad sa akin ang maingay na tugtog at mga amoy sigarilyo na galing sa paligid.
Wala narin namang bago basta tawag na Bar ganito naman talaga, maingay magulo. Okey lang sana kung simbahan to kasi ang tahimik ng lugar.
Pumunta na ako agad sa lagi naming pinapareserve na upuan. At natanaw ku na agad ang tatlo kong kaibigan na sina Drake, Giben, at Qen. Na nagsisimula ng mag inuman.
Nakita naman agad nila ako at kumaway. Katunayan pang VIP table lang talaga yung lagi naming inuupuan dito.
" kanina pa ba kayo dito" tanong ko.
" bago pa lang naman dude, mag kasabay lang naman kaming tatlong dumating dito" Drake.
"buti na lang pinayagan ka ng girlfriend mo dude" tanong ko sa kanya.
Sa aming lima kasi siya pa lang nagka jowa, di ku nga alam pinikot niya ata, kahit ganyan yan maganda at sexy ang jowa niyan, 5 years na din naman silang mag on. Kahit hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa amin kung anong nakita ng jowa niya sa kanya. hehe joke lang ,gwapo din kaya lahat ng kaibigan ko, pero mas lamang lang ako hahaha.
"ayaw pa nga sana eh, gusto niya if pupunta ako dito sasama pa, sinabi ko na lang na madali lang naman tayo dito at uuwi din kaagad," sagot niya hahaha, may pagka selosa din kasi yun.
"alam mu dude, palaisipan pa rin sa amin, anong ginawa mo sa syota mo at patay na patay sayo" tanong ni Giben.
"gago, syempre sa gwapo kong to, sino ba namang babae di mapatay patay nito" confident niya ding sabi.
"ang lakas din ng hangin nito" Qen. nakina tawa naming lahat, di naman nag tagal, dumating na rin si Arkin na ngiting ngiti.
Ano na naman kaya ang magandang nangyari dito, bakit good mood to.
"kumusta ang america dude" Qen.
"okey lang naman dude, ayon america pa rin walang pinag bago. " Arkin.
Hahaha gago din nito eh, pilosopo rin kung sumagot. Umorder na din si Arkin ng maiinom, habang kami nakarami na, ang daya kasi nitong kumag na to, ang tagal dumating.
Di naman nag tagal dumating naman agad ang order niya. At nag simula na kaming uminom.
Matagal tagal na rin naman akong di nakabalik dito. Kasi lagi akong busy sa kumpanya. Kaya kadalasan, mga barkada ku na lang ang laging tumatambay dito. Minsan tama rin naman sila na mas maganda kung paminsan minsan mag saya, kaso gipit talaga ako sa trabaho. Nag leave kasi ang sekretarya ko ng dalawang buwan, kaya ako lahat ang gumagawa. Pero okey lang naman sanay na ako.
Habang nag iinuman kami, napansin naming apat na kanina pa to, pangiti ngiti si Arkin, para bang temang lang. Kung di ku lang kaibigan to. Baka napag kamalan ko nang bakla eh, ano ba naman kasi yung pangiti ngiti na parang kinikilig o di kaya parang natatae na ewan. Ang sarap talaga batukan para matauhan.
Nagkatinginan na lang kaming apat na nakakunot yung noo, na nginunguso namin pareho si Arkin, na hanggang ngayon wala paring malay na sa kanya na ang atensyon naming apat. Si Qen naman, di na siguro napigilan nag tanong na talaga.
"mukhang masaya ka dude ah, sa sobrang saya mo, parang di ka mapakali jan, para ka namang natatae jan na ewan, open mu naman ,malay mo mahawa kami sayo" sabi ni Qen na kina ngiti ko na lang.
"kahapon pa kasi sana ako uuwi dito mga pare" Arkin.
"oh tapos" sabay naming sabi na nagkatinginan bwiset kasi tung si Arkin, pabitin eh.
"pina rebook ku ulit yung ticket ko kasi napag alaman ko na may gaganaping modeling event" sagot niya naman.
" anong connection naman dun" sabay pa rin naming sabi, isa na lang talaga babatukan kuna tung si Arkin mag kwento lang bibitinin pa eh.
"kilala nyo ba si Chloe Sanchez" tanong niya sa amin. Nakinabigla ko. Nagkatinginan kmi ni Giben at Qen. Kasi kagaya ko, kilalang kilala namin kong sino ang tinutukoy ni Arkin. Siya lang naman ang babaeng minahal ko 8 years ago.
Mag ka same kasi kami ng college university dati. Since High school pa naman, kami na talagang tatlo ang magkaibigan ni Qen at Giben. Dumagdag lang sa amin si Drake at Arkin nung 3rd year college na kmi, kaya wala yan silang alam tungkol sa nangyari about 8 years ago, wala rin naman akong balak i kwento. kaya simula nun, magkaibigan na kami hanggang ngayon.
Tiningnan ko lang yung dalawa kong kaibigan na hanggang ngayon nakatingin pa rin sa akin. Na parang binabasa ang nasa isip ko.
"oh tapos, anong meron sa kanya" walang gana kong sagot sa kanya. Simula naman kasi nung nawala na lang siyang parang bola, wala na rin akong balita kung saan na siya ngayon. At kung saan siya pumunta. Galit ako sa kanya kasi iniwan niya lang ako bigla na di man lang nagpapa alam.
"grabi mga pare, saan ba kayong lupalop ng mundo, na parang di nag e exist sa inyo ang tawag na social media?" sabi niya sa amin. Aba malay ko ba jan. Wala ako sa time para mag kalkal o mag halungkat ng kahit ano sa social media. Busy kaya akong tao. Pero infairness huh, nakaka interest ang sinabi niya. Oo i admit, may puwang pa din siya sa puso ko. Na hanggang ngayon 8 years na ang nakalipas, at umaasa paring isang araw, babalik siya, na kahit sobrang labo na.
"deretsuhin muna nga Arkin, babatukan na kita jan eh" asar na sabi ni Qen, sino ba naman kasing di maaasar kung ganito kausap mo.
"haiisstt sige na nga, siya lang naman ang pinaka sikat na modelo dito mapa labas o mapaloob man sa bansa. In short, pinag aagawan ng industriya mga pare. Tiyaka, alam nyo ba, sobrang ganda niya pare. Sa america sobrang dami ang humahanga sa kanya, hindi lang din naman dun, kundi pati sa ibang bansa, sikat siya. Nakita ku nga rin siya sa malapitan kahapon, grabi mga pare sobrang ganda at sexy niya" sunod sunod niyang sabi, nakina tingin lang naming tatlo. So, sikat na modelo na pala siya ngayon.
"at alam nyo ba mga pare, ang pinag tataka lang ng karamihan, kasi bakit daw sa ibang bansa doble doble ang nag i sponsor sa kanya habang dito sa pinas, di siya tumatanggap nang sponsor at contrata. At pag tinatanong naman siya, sagot niya lang, di pa daw siya handa kasing bumalik sa kinalakihan niya, siguro daw kapag makauwi na siya, tatanggap na siya. Yan talaga mga palaisipan ng karamihan na huma hanga sa kanya, anong meron dito sa pinas na di pa siya umuuwi" dugtong niya pa. na kina tingin naming tatlo kay Arkin. So , ibig lang palang sabihin simula ng umalis siya di pa siya bumabalik dito at sa america pala siya nag lagi.
"alam nyo din ba pare, may balita balita din dun na, kaya baka daw ayaw umuwi kasi ayaw niyang ewan ang kalive in partner niya dun" dugtong na rin niya, na kinanganga at kinatigil na rin naming tatlo.
"what? may kalive in na siya" di makapaniwalang tanong ni Qen.
Na kinangunot ng noo na rin ni Arkin, kasi basi naman kasi sa tanong ni Qen, nag papa hiwatig lang na kilalang kilala namin yung kinu kwento niya. kahit naman ako din, di rin makapaniwala na may ka live-in na siya. Oo, aaminin ko, pag kasabi niya na may kalive -in na yung taong matagal ko nang hinihintay na bumalik sa akin, parang piniga ang puso ko, kasi umaasa pa naman akong babalik siya para sa akin, pero malabo na pala.
"di ko lang sure talaga, kasi yun lang naman mga naririnig ko dun, dami rin namang picture na lumalabas na nag papatunay na nag sasama sila, kaso minsan nalilito na rin sila kung ano paniniwalaan nila, kasi nakikita rin nila sa labas lagi na kasama niya yung manager niya, at kung tinatanong naman, tinatawanan niya lang at sinasabing FRIEND DATE lang daw" dugtong niya pa.
Sa lahat ng nalaman ko, parang dinudurog ang puso ko, kasi sa pag ku kwento pa lang ng kaibigan ko, lumalabas na, nagiging masaya siya, samantalang ako dito, umaasa na parang tanga.
"anong pangalan ng ka live-in at manager niya" Giben.
Na kinatingin ko sa kanya. Ano na naman kasi ang gustong gawin ng lokong to. Kaasar at nakaka bwiset lang, nawalan na tuloy ako ng ganang uminom, gusto ko na lang umuwi.
"sa pagkakaalam ko, yung pangalan ng kalive in niya, KENNETH WALTER at yung manager niya ALLEN MARTINEZ, bat mo natanong, kilala nyo ba siya" tanong ni arkin, na kinatayo ko na lang bigla at umalis, kahit tina tawag pa nila ako.
Di ko na kasi kayang marinig ang lahat ng i kukwento niya, parang dinu durog ang puso ko.
Umalis na ako at sumakay ng sasakyan ko pauwi. Habang nag mamaneho. Di ko parin makalimutan ang nalaman ko.
Nakaka bakla man aminin pero tumulo yung luha ko. Nakaka bwiset lang kasi sino ba namang di masasaktan na sa walong taon. Kahit imposible umasa akong babalik siya pero ako lang pala yung umasa.
Na sa walong taon nagiging masaya siya sa piling ng iba. Samantalang ako dito. Kahit sobrang daming tukso, di pa rin ako nag patukso kasi gusto ko. Pag uwi niya nandito pa rin ako. Na lagi lang nag hihintay sa kanya.
Siya na nga yung nang iwan ng walang paalam, siya pa may gana mag hanap ng iba. Napa hampas na lang ako sa manubela sa sobrang galit ko habang tumutulo yung luha ko. Ganun na lang ba yun kadali sa kanya na kalimutan yung pinag samahan naming dalawa. Minahal niya ba talaga ako o ako lang nag mahal sa kanya nung time na naging kami pa.
**Hinihingi ko po ang inyong pag unawa at mahabang pasensya. Dahil sa maraming Grammatical errors, and wrong spelling. Paumanhin kasi baguhan pa lang po ako.**