Chloe POV.
Naalimpungatan akong may naririnig na katok sa labas ng aking kwarto. Kaya kahit antok. Bumangon na lang ako. Kahit na tinatamad pa sana ako. Ngayon na lang kasi ako ulit nakatulog ng mahaba kahit 2 hours lang.
Nito kasing linggong to, simula ng tumawag si daddy na pinapauwi ako. Dalawa kami ni Iya. Nag over time kami, dun na kami natutulog sa opisina para lang matapos ang dapat tapusin sa trabaho bago kami pupunta dito sa pinas. Kaya kahit papano gumaan din ang pakiramdam ko.
Agad kung tinungo ang pintuan at agad kung binuksan, bumungad naman sa akin ang isa sa kasambahay namin na nakayuko parang nahihiyang tumingin sa akin. Naalala ku tuloy si Iya, kumusta kaya yun, sana naman nakapag pahinga din yun. Kagaya ku din kasi pagod din yun.
"mam pinapatawag na po kayo ng daddy nyo, nakahanda na po kasi yung pagkain kayo na lang po hinihintay" mahiyain niyang sabi sa akin. Na kinatuwa ko, di ku nga alam sa sarili ko, kapag kasi may nakikita o makaharap na mahiyaing tao, naaalala ko si Iya, ang cute kasi nila. Ito ngang isang to. Parang second version ni Iya sa pag ka mahiyain.
"bat kaba nahihiya sa akin, dapat nga sanayin muna ang sarili mo na lagi nyo kong mkakasama at makikita ang mukhang to" turo ko sa mukha ko at sinabayan ko ng tawa, na siya namang kina tulala at kinamangha niya na para bang ngayon lang nakakita ng masayahing babae.
"eh kasi po mam, di lang po ako makapaniwala na yung taong hinahangan at nakikita ko lang sa mga magazine at telebisyon ay nasa harap at nakakausap ko" nahihiya niya paring sabi at uumuko, ang cute talaga niya hahaha. Kaya naman pala nahihiya.
"para maniwala ka, baka naman may dala kang cellphone jan, selfie tayo" masaya kong sabi sa kanya na kinaningning ng mata niya.
"talaga po mam" manghang sabi niya, na kinatango ko, agad naman niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at hinarap sa amin, pero bago yun hinablot ku yung cellphone sa kanya at inakbayan ko siya at hinarap ko ang cellphone niya sa aming dalawa at ngumiti bago ko pinindot ang bilog na nasa screen. Nag selfie kami ng nag selfie, siguro umabot ata ng mga nasa 15 pictures lahat ng nakuha ko, bago ku binigay sa kanya ang cellphone niya.
"tara na, sabay na tayong bumaba" inaya kuna siyang bumaba na di ko parin kinukuha ang pagka akbay ko sa kanya, na kinatango niya lang. Naiilang padin kasi siya kaya hinayaan ku nalang para maging kumportable nadin siya. Habang papunta kami ng kusina nakita ko naman si mommy at Daddy kasama si Iya. Na nakaupo na sa lamesa. Thankful naman ako kasi nakakasabay na siya kina mom and dad, na kinatuwa ko.
"hello mom, hello dad, hi Iya. kumusta, nakapag pahinga kaba?" tanong ko kay Iya.
"hello anak, maupo kana at kakain na tayo" sabay na sabi ni daddy.
"okey lang naman bessy, at oo ganda ng tulog ko" nakangiti niyang sagot sa akin. na kinangiti ku din at pinagpasalamat ko kasi nakapagpahinga siya ng maayos.
"mam, dad saan po sila yaya leni" tanong ko kina mommy at daddy.
"nandun anak sa labas tinutulungan yung ibang kasambahay sa pag lilinis" mahinhin na sagot ni mommy.
"yaya leni" tawag ko. Agad namang may pumasok sa pinto at nakita ku nga ang hinahanap ko.
"bakit anak" magalang na sagot niya.
"yaya kumain na ba kayo" tanong konsa yaya ko.
"hindi pa anak, pag tapos na kayo, sunod naman kami" magalang paring sabi ni yaya. Tumingin naman ako sa parents ko na nakatingin na pala din sa akin. Tiningnan ko sila na okey_ lang_ ba_ look. at nagkatinginan at nagkangitian naman silang mag asawa, at humarap sa akin at tumango.
"yaya pakitawag lahat ng mga kasamabahay at security guard natin, simula ngayon kapag nandito ako gusto ko, sabay sabay tayong kakain lahat" maawtoridad kung sabi kay yaya na kinalingon niya sa parents ko.
"sige na manang, parang di kapa sanay sa alaga mo, eh dati niya pa namang pinapatupad na patakaran yan" masayahing sabi ni mommy, kaya dali dali namang umalis si yaya at tinawag yung mga ibang kasambahay namin. Di naman nag tagal nag si datingan naman sila.
"pili nalang po kayo, saan kayo komportable maupo dito sa lamesang to" sabi ko sa kanila, nahihiya pa nga sana silang sundin ang utos ko, nag si upo naman sila at agad akong tumayo na kinabigla nilang lahat. Pati parents ko. Alam ko kasi yung hirap nila dito sa paglilinis ng mansyon. At gusto ko kasi kapag nasa poder ko, Gusto ko pantay pantay kaming lahat. Yung kahit ako yung amo. Pero gusto ko komportable sila sa akin at Di sila naiilang pakitunguhan ako dahil lang sa pinanganak akong maharlika kaysa sa kanila. Gusto ko dito puro kami pamilya.
"kumain na kayo, simula sa araw na to, gusto ko ituring natin ang isat isa na pamilya okey po ba yun, at gusto ko kung nandito ako, wag nyo naman akong itrato na iba dahil lang sa ako yung amo, gusto ku kasi maging komportable kayong pakitunguhan ako" sabi ko sa kanila, na di parin sila makapaniwala. Tiningnan ku naman yung mga magulang ko na nakangiting nakatingin din sa akin, na para bang sinasabi na proud kami dahil ikaw ang naging anak ko.
Habang kumakain kami, nung una nag hihiyaan pa talaga sila, at nagpapakiramdaman. At ako naman tung gusto na mapalapit sa kanila. Inisa isa ku talaga silang kinausap hanggang sa di pa nag tagal nagkapalagayan din at nag simula nadin silang mag kwento na kinasaya ko.
3rd PERSON
Sa isang hotel. Sobrang busy naman ng mga kaibigan ni chloe na sina Arrianna, Trisha at Belle sa pag dedecorate o pag aayos ng mga kailanganin nila dahil gusto nilang e surprisa ang kaibigang kababalik lang. Si Arrianna ang nakatuka sa pagkain, at Belle naman sa mga taong dadalo at Trisha sa dedecorate sa event. Nung nalaman kasi nilang uuwi na si Chloe, gusto nilang e surprisa ng welcome party kaya todo effort sila, lalo na at bukas na ng gabi gaganapin yung pa welcome party nila.
Habang si Quil naman nasa loob siya ng opisina niya. Na nalulukot ang itsura, sino ba naman kasing hindi eh, kung yung mga kaibigan mo nasa opisina mu lagi. At ginawa na atang tambayan ang opisina niya. Nag ku kwentuhan lang naman kasi sila about kay Drake kasi muntik na siyang mapasugod sa police station kanina at mag rereport na nawawala yung jowa niya, umalis lasi ito ng walang paalam, kaya tawang tawa sila. Habang tumatawa sila napatigil sila dahil sa tunog ng cellphone. Agad namang kinuha ni Drake ang kanyang cellphone na nasa bulsa, at bigla siyang kinabahan nung nakita ang pangalan sa screen niya. Si Belle lang naman ang tumatawag hanggang ngayon kasi di niya pa alam kung saan pumunta yung jowa niya. Na kina inis niya.
Mahal niya lang kasi ang jowa niya kaya daming pumapasok sa isip niya baka kasi may iba na to. Kaya ganun nalang. Advance lang talaga siya mag isip. masisisi mu ba siya. Ganun siya katakot na iwan ng jowa niya. Kahit kinakabahan sinagot niya naman yung tawag.
"hello babe" narinig ng sabi ng jowa niya sa kabilang linya.
"hello din babe, saan kaba!! kanina pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot, muntik na akong pumunta ng police station kung di lang akp nabigilan ng mga kaibigan ko" sabay lingon sa mga kaibigan niya na nagpipigil parin sa tawa.
"may pinuntahan lang babe" sagot naman ni Belle.
"naku babe huh!! baka iba na yan, mababalitaan ku nalang na may kalagoyo kana, wag mo lang mapapakita sa akin yan babe, naku mapapatay ko talga yan" nakapout na sabi ni Drake, na di niya alam na si Belle sa kabilang linya. Parang mapatay patay na sa kapipigil ng tawa.
"wag kana mag hinala Mr. Smith kasi kahit anong mangyari loyal to sayo. Baka nga ikaw pa jan yung magloko eh ,hindi ako" sabi ng nasa kabilang linya.
"tsk, never to babe" agad na sagot ni Drake.
"siyanga pala babe, may pa welcome party kami bukas, pumunta kayo ng mga kaibigan mo huh, umuwi na kasi yung isang kaibigan namin kanina lang, kaya yun ang dahilan bakit nawala ako, sumama kasi akong sumundo sa kanya tapos naisipan namin nila Arrianna na e surprisa namin ng pa welcome party" sunod sunod na sabi ni Belle. Na kinatango tango lang ni Drake na para bang nakikita ng jowa niya.
"sige babe, sasabihan ko sila" sabi niya sa jowa at nag paalam naman yung sa kabilang linya dahil dami pa siyang gagawin at tatawagan sa dadalo bukas. Binalik niya naman agad ang cellphone niya sa knyang bulsa at tiningnan yung mga kasama niya na hanggang ngayon. Nakikiramdam parin kung anong napag usapan nila ng jowa niya.
"mga dude, pwede ba kayo bukas, may pa surprise welcome party kasing pakolo sila ni Belle at mga kaibigan niya. Baka naman pwede tayong pumunta at makisaya rin dun. Kakauwi lang daw kasi kanina ng isa nilang kaibigan kaya gusto nilang e surprisa" pagmamakaawa na sabi ni Drake sa mga kaibigan. Kilala niya na kasi to. Pag mga ganyang event, kadalasan di talaga sila umaattend.
"sige na nga pupunta ako dun dude, basta dami naman kayang mga chikababes dun dude" sabi ni Arkin. haiisstt, kahit kailan talaga babae parin.
"di ko lang sure dude kung marami" sagot ko sa kanya.
"pupunta tayong lahat, may babae man o wala, pag bigyan nyo na kaya tong kaibigan nating to. minsan lang to hihingi ng pabor sa atin para sa jowa niya, bkit di natin pagbigyan"sunod sunod na sabi Qen kaya napapayag din yung iba. Na pinagpasalamat naman ni Drake.
---thank you po sa mga readers ko. Sana subaybayan nyo pa ang next episode kasi sa chapter na yun, magkikita na sila sobrang ganda po ng episode na yun, bawal umiyak at bawal kiligin---