Chapter 5.

3091 Words
CHLOE POV.   Nandito ako ngayon sa bago kong nilipatan na condo. Ayaw ku kasing mag uwian sa mansyon kasi malayo sa kumpanya ko. Nakapag usap na kasi kami ng Daddy ko at sinabi niya na next week ako na muna daw ang pan samantalang hahawak ng kumpanya namin.      Kasi gusto niya magpahinga muna at bigyan ng oras si Mommy na masulo siya. Lagi na lang daw kasing nag e emote si mom kay dad na wala na daw oras, Kaya sino ba naman ako para hindian ang gusto ng mga magulang ko diba!!    Katatapos ko lang maligo at nag sisimula ng mag blower ng buhok at nag apply na ng kaunting make-up. Nang matapos ako sa pag make up kinuha ko na casual dress na hanggang hita lang ang haba. At may desinyo sa baba na bulaklakin.      Sinuot ku naman agad ito at pinaresan ng sandal na 4 inches ang takong. Nang matapos kung maisout ay pumunta na ako sa harap ng salamin at tiningnan ang kabuoan ko. Napangiti naman ako kasi kuhang kuha sa taste ko. Simple lang pero elegante naman tingnan.     Nang magsawa ako sa harap ng salamin. Lumabas na agad ako at tinungo ang pinto ng condo ni Iya.     Kumatok ako ng tatlong beses, bago niya binuksan at lumabas sa pinto. Nakita ko naman ang kabuoan niya na kinangiti ko. Bagay kasi ang suot niyang pulang plain casual na hanggang gitnang hita din ang haba. Simple lang din ang design pero sobrang ganda tingnan para kay Iya. Para siyang barbie.      At dahil sa suot niya. Kitang kita talaga ang hubog ng katawan at mga makinis niyang hita. Katunayan, sabay kasi kaming bumili ng isusuot namin, at ako ang pina pili niya kasi kapag siya daw, wala siyang alam about sa damit. First time niya din kasing gumala gala, sanay kasi siyang bahay at opisina lang umiikot ang buhay niya. "ang ganda mo, tara na" compliment kong sabi sa kanya.  "thank you bessy" nahihiya niyang sabi.    3RD PERSON    Habang palabas ang mag kaibigang Chloe at Iya. Di naman maiwasan ng mga taong nadadaanan nila na mapahanga sa ganda nilang dalawa. Lalo na at kilalang kilala nila ang isa ang isa, na sa telebisyon lang nila dati nakikita ngayon nasa harap na nila. May nag kukumpulan namang grupo na nag bulong bulongan na kina ngiti nilang magkaibigan. "O M G, di ba si chloe yan" "grabi sobrang ganda nila" "grabi di lang siya maganda sa tv, mas maganda pa siya sa malapitan" "ai puta, nginitian niya ako, lord pwede muna akong kunin"  "artista din ba yang kasama niya"  Yan lang naman ang ilang bulong bulongan ng nadadaanan nila, na kinangiti ni chloe, habang si Iya. nakayuko kasi first time talaga sa tanang buhay niya ang pag suot ng ganung damit at yung ngayon lang siya naka rinig ng compliment ng ibang tao.         Kasi simula pa naman dati, oo may nag sasabi na maganda daw siya kaso tinatago niya. Sanay kasi siya na ang laging suot ay pang office attire.Nakarating naman agad sila sa parking area at agad agad sumakay at pinatakbo na ni chloe ang sasakyan niya.         - P A R T Y.-     Sa party naman, marami rami narin ang nandun. Nag iinuman, nag kwekwentuhan at nag uusap about bussiness. May kanya kanya ding table ang mga bisita. Habang sina Arrianna, Belle at Trisha ay nag aasikaso sa mga bisitang dumadating pa.      Di naman nag tagal ay may namataan si Belle na apat na lalaking papasok ng pinto. Agad naman siyang lumapit doon at hinalikan ang isa sa mga panauhin na dumating na walang iba, kundi ang boy friend niya. "hello babe, buti pumunta kayo" na nguso niyang tanong sa boy friend niya. Habang sinisinyasan ang dalawang kaibigan na lumapit sa kanya at agad naman sila tumungo kay Belle. "matitiis ba naman kita babe" sagot naman ni Drake.  "siya nga pala babe, ito pala yung mga kaibigan kong lagi kong kinukwento sayo. si Arrianna at si Trisha. Maya kuna din ipakilala yung isa, di pa kasi dumadating eh" Belle. "hello ladiest, i'm drake, boyfriend ni Belle, at ito nga pa lang nasa tabi ko mga kaibigan ku din. Si Qen, Giben at Arkin" sunod sunod na pakilala ni Drake sa mga kaibigan na nakatingin pa rin sa dalawang dilag. "hi!!"sabi na lang ni Arrianna na nkangiti sa tatlo, ganun din si Trisha.      Kahit na nagulat silang tatlo ay d naman nila pinakita yun, kasi kilalang kilala nila ang dalawang to, small word un yung pumasok sa mga utak nila. At sana nga wala siya dito para di sila mag kita ni chloe, pinag dadasal na lang nila. "babe hatid kuna kayo sa magiging upuan nyo" sabi ni Belle sa jowa niya. "tara mga dude" aya nadin ni Drake sa mga kaibigan na di parin mawala ang tingin sa dalawang nasa harap nila. Na natauhan din naman pag karinig sa boses ni Drake. Na kina iling nalang din ng isa at pumunta na sa table na para sa knila at sumunod naman din yung tatlo. "grabi dude, na estatwa kayo ah" nakangiting sabi ni Drake sa mga kaibigan niya.  "tama lang talaga yung desisyon ko na sumama dito dude," sabi ni Arkin na ang mata kay Arrinna parin.  "ito na ata ang naging desisyon ku na di ko pag sisihan" gatong namang sabi ni Giben na ang mata kay Trisha din. Pucha, tinamaan tung mga kaibigan ko, nasabi nalang ni drake sa sarili, sabagay mga magaganda din kaya ang kaibigan ng girlfriend niya, pero para sa kanya, wala paring makakalamang sa mata niya kundi si Belle lang nag iisa. "maka order na nga" nasabi nalang ni Qen, habang kinakawayan ang waiter na papunta sa kanila. Binigay naman agad ang gusto nila. Nagandahan din naman si Qen sa tatlong babae kaso sobra ata ang tama ng dalawang kaibigan niya sa kaibigan ni Belle. "pupunta ba dito si Quil mga dude," tanong ni Drake sa tatlong kaibigan na nag iinuman na din. "tinawagan ko malapit na daw siya" sagot ni Qen.      Papasok na si Quil sa gaganaping okasyon. Pero di siya mapakali, para bang kinakabahan siya na parang ewan. Kanina pa siya nakakaramdam ng kaiba. Para bang nanlalamig siya na ang lakas ng t***k ng puso niya.        Agad niya naman nakita ang kwartong sinabi ng kaibigan niya sa knaya at agad pumasok, Sumalubong naman sa kanya ang maingay na tugtog. Nilinga linga niya ang paningin at nakita niya naman ang mga kaibigan niya na nag iinuman habang naka kaway na naka upo sa round table na, naka reserve ata para lang sa kanila. Agad naman siya lumapit dun at umupo sa bakanteng upuan. "kala namin dude di kana darating" sabi ni Arkin. "traffic lang dude, bakit nag sisimula naba" tanong ni Quil sa mga kaibigan. "di pa dude, di pa kasi dumadating yung celebrant eh" Drake. "ganun ba ,edi okey kasi nakahabol pa pala ako" sabi ni Quil.     Tinawag niya naman agad ang waiter para mag order para kahit papano mabawasan man lang tong nakararamdaman niya. Simula kasi ng maupo siya mas lalo siyang kinakabahan na di niya ma explain kong bakit.         Habang ang mag kaibigang Arrianna, Belle at Trisha. Nag reready na kasi nasa labas na daw si chloe. Habang si chloe kung ano ang nararamdaman ni Quil ganun din siya. Nanginginig na siya sa kaba habang hinahanap yung kwartong sinasabi ng kaibigan niya. Kinakabahan din siya.        Agad naman nilang nkita at pumasok agad nag taka pa nga siya kasi pag pasok niya sobrang dilim, iisipin niya na nga sana na baka nag kamali sila ng pinasukan. Di nag tagal bigla nalang bumukas ang ilaw at sabay sabi nilang. "WELCOME BACK" na kinatigil niya.      di niya kasi enexpect na may pa surprisang welcome party ang mga kaibigan niya.      Habang si Quil, Giben at Qen. Na estataw sa nakikita at agad silang napalingon kay Quil, na hanggang ngayon pino proseso pa ng utak niya kung sino ang nakikita, baka lang kasi namamalikmata lang siya.        Nanigas siya sa kinakatayuan niya at tinitingnan ang babaeng nasa b****a ng pinto na nagulat din dahil sa ginawa ng mga kaibigan niya sa kanya. Na ngayon ay may lumalapit sa kanya at hinila siya sa ibabaw ng stage.    Di parin makapaniwala si Quil sa nakikita hanggang nagayon. Nasa babae parin ang atensyon niya. Oo aminin niya sobrang miss niya ang babaeng nasa itaas ng stage. Tama si Arkin sa kwento niya. Kung maganda siya dati mas lalong maganda siya ngayon. Na kahit bakla nga seguro mapapalingon talaga sa ganda niya.     Gusto niya itong takbuhin at yakapin at halikan sa bawat parte ng mukha. God knows, Kung gaano niya kamiss ang babae. Na wlang araw di dumadaan sa isip niya. In 8 years. sobrang laki na ang pinagbago nito.      Habang si Qen naman nakatulala parin sa babaeng kasama ni Chloe, oo dami na siyang naka fling's na babae pero ito lang ata ang naka kuha ng atensyon niya na parang kahit nakayuko ang babae, para bang may mga spark na nag hahagisan sa paligid niya.     Sobrang ganda nito sa damit niya at mas lalong kumintab ang ganda niya dahil sa buhok niyang may kulay na nakalugay lang. Grabi siguro kahit araw araw niyang titigan ang mukha ng babae di talaga siya mag sasawa.        Nakuha lang ang atensyon nilang lahat ng magsalita si Belle na nasa stage kasama ang mga kaibigan kasama narin si Iya. Na mas lalong kinakuha ng lahat ng atensyon, kasi sino ba namang di mapahanga na yung limang babaeng nasa harap nila eh , parang mga anghel na bumaba sa langit.     Di pa nga naka recover yung iba dahil lang sa nasa harap nila ang pinaka sikat na modelo sa ibat ibang bansa, tapos dadagdagan pa na nagsama ang limang nag gagandahang babae na parang ngayon lang sila nakakita sa tanang buhay nila. "hello guys, this night. E cecelebrate natin ang pag uwi ng isa sa aming kaibigan, na walong taon na nanirahan sa America. Na alam namin na kilalang kilala nyo din. Walang iba kundi si Chloe Sanchez. Ang pinaka sikat na modelo sa ibat ibang bansa." hiyaw na sabi ni Belle na kinapalakpak ng iba.    Habang si Chloe naman, wala na siya sa sarili kong naiintindihan paba ang sinasabi ng mga kaibigan niya, isa lang kasi ang nasa atensyon niya. Walang iba kundi ang taong ayaw niya ng makita pa.     Nanigas siya sa kinatatayuan na habang nakatingin kay Quil na nakatingin din sa kanya. Para bang nag susukatan sila sa pag tingin sa isat isa. Di niya ma explain ang nararamdaman niya ngayon.      Na para bang ilang sandali nalang bibigay na ang mga tuhod niya para mapasalampak sa sahig dahil lang sa nawalan ng lakas. Pinipigilan niya ring tumulo ang luha niya.       Gusto niyang tumakbo palayo kasi di pa siya handa na harapin ang taong nanakit sa kanya 8 years ago. Kaso parang pinako ang mga paa niya kasi kahit gusto niyang igalaw di niya magalaw ang mga paa niya.      Napatunayan niya na sa sandaling ito, di parin pala siya nakaka move on kay Quil kahit sobrang tagal na ang naka lipas. Nararamdaman niya parin na may puwang parin ang binata kahit papano sa kanyang puso, pero nangingibabaw parin ang galit.      Nailipat lang ang atensyon ni chloe ng siniko na pala siya ni Arrianna na nasa tabi niya. Na sini sinyas ang mic na kunin. Na kina kunot ng noo niya at tumingin kay Arrianna ng. Ano naman ang gagawin ko jan look.     Ganun na pala kasama ang epekto sa kanya ang pagka tulala kasi . Wala na siyang naintindihan sa sinabi ng mga kaibigan niya. Tiningnan din siya pabalik ni Arrianna ng mag thank you kana lang look. kaya no choice siya kundi kunin ang mic at mag pasalamat sa mga naroon at agad siyang hinila ng mga kaibigan sa table na nka reserve din para sa knilang mag kabarkda. Na nasa tabi lang ng table nila Quil.     Pagka upo palang ni Chloe sa kanilang table, kinawayan niya na agad ang waiter na malapit sa knila. at agad pinang dampot ang inumin at inisang isang lagok ang mga sari saring inumin na nasa kamay ng waiter, Na pinag taka at naakatinginan pareho ang mga kaibigan niya sa kanya.       Na di makapaniwala sa mga pinang gagawa niya. Kanina pa kasi gustong tumulo ng luha niya simula ng makita niya si Quil na pinipigilan niya. Habng si Quil naman nakatingin parin kay Chloe, magkalapit lang kasi yung pwesto at pwesto ng babae kasi mag katabi lang naman ang table nilang inuupuan. Nag sisimula nadin ang party at nag sasayawan narin yung mga iba. Habang si Chloe inom parin ng inom na pinipigilan naman ni Iya. bawal kasi sa kanya ang maraming alcohol. Kaso ayaw talaga mag pa awat ni Chloe.    Nakuha naman agad ng iba ang atensyon sa cell phone ni Chloe na tumunog. Agad naman kinuha ng babae ang cellphone at agad tiningnan ang naka registered name. "ALLEN CALLING" "hello sweety" malambing na sabi ni chloe sa manager niya.       Tinamaan nadin kasi siya ng alak. Ikaw daw ba sunod sunod na lagok gawin mo. At di niya rin namalayan na nasa kanya na nakatingin ang mga taong malapit lang sa pwesto na, pwera nalang kay Iya. kasi pag sweety kilala niya na nman kung sino ang kinakausap nito. Sanay na rin naman siyang laging naglalambing kay allen.         Habang si Quil naman, parang piniga ang puso niya pag ka rinig niya sa sinabi ni Chloe sa ibang linya. Kinalimutan na nga siya, isip isip niya, yan yung mga katagang gumuho pa lalo ng puso niya.       Sobrang sakit sa pakiramdam at maririnig sa babaeng mahal mo na sinasabi ang katagang yan sa iba. Kahit sweety lang yan pero ang laki ng epekto sa kanya. In 8 years kahit imposible na bumalik siya sa akin pero nag hintay parin ako.      Kasi ang pinang hahawakan ko ay yung mga pangako namin dati, na kahit anong mangyari di namin bibitawan ang isat isa. Pero bakit ganito. bakit kami umabot sa ganito. Ganun nalang ba kadali kalimutan ang lahat para sa kanya.  "guys, open tayo ngayon, kung sino ang gustong kantahan ang celebrant natin, pumunta lang dito agad sa gitna" sabi ng kaibigan ni Chloe na kinatayo ko agad at pumunta. "anong gagawin mu dude" pahabol na sabi ni Qen sa akin na di ko pinakinggan.      Pagkakataon kuna to. Gagawin ku to di lang dahil sa akin kundi dahil sa aming dalawa. Agad naman akong nakarating sa stage na kinahinto nilang lahat at tumingin sa akin ako naman lumapit muna sa banda na nasa likod ko at binulong ang kakantahin ko. Humarap na ako at tumingin sa knya na nakatingin nadin sa akin ngayon.  "hello everyone. This song is dedicate for ms, chloe sanchez" sabi ko .    Tapos narinig kuna ang music ng napili kong kantahin para sa kanya na pinapatugtog na ng banda sa likod ko. Nagpalakpakan naman yung iba. -(" HINDI KO KAYA ")- by: Angeline Quinto -- Mag mula ng, magkalayo -- unang stanza palang niyan pero parang pinipiga na ang puso ni Chloe. Nag sisimula na talagang manubig ang kanyang dalawang mata.  -- Araw gabi, nalulungkot -- -- Di matanggap, ng damdamin --  -- Na ikaw ay, hindi na akin. -- habang si Quil na kinakanta niya ang stansang yan. Di na niya napigilan ang luha na knina pa bibigay dahil sa nararamdaman. Wala naman siya intensyong paiyakin ang dalaga. Gusto niya lang naman na ipahiwatig ang saloobin niya.  -- Pa'no ang gagawin ko? -- -- nasana'y na, sa piling mo. -- -- Sana'y hindi, tayo magkalayo -- -- Sana'y naririnig mo -- -- hindi ko kaya, ang limutin kita -- -- masdan mong lumuluha -- -- ang aking mga mata --  -- pilitin ko man, ako'y nasasaktan --  -- ang katutuhanan ay Mahal parin kita -- wala na bumigay na din ang luha ni Chloe, kahit anong gawin niya di talaga mag papaawat na lumabas kaya hinayaan niya nalang. di niya ba alam pero parang feeling niya. ginawa yung kantang yun para sa kanila. Nakita niya rin na napipiyok nadin si Quil sa pag kanta dahil sa sakit at pag sabay ng tulo ng luha niya. Na mas lalo pang kina hagulgol pa lalo ng iyak ni Chloe. Dahil sa kantang yun nag flashback lahat lahat ng nangyari sa knila ni Quil 8 years ago. -- Nasan ka man -- -- sana'y dinggin -- -- Puso ko ay, muling mahalin -- -- ang nagdaan, muling balikan -- -- Muling buhayin, ang pagmamahalan -- Tumulo narin ang mga luha ng mga taong nasa loob ng kwartong yun. Nararamdaman nadin kasi nila ang sakit habang binibigkas na salita ni Quil. Dagdagan pa, makikita mo sa kanyang mga mata na sobrang nahihirapan na siya. habang kumkanta, Na kinahagulgol nadin ng sobra ni Chloe na mas lalong kinaiyak pa ni Quil. Mas lalo siyang nasasaktan kapag nakikita niyang nahihirapan at nasasaktan yung taong mahal niya. Pag katapos nito. Hahayaan na niya ang sarili mag move on at kalimutan ang babaeng mahal niya. Ayaw niya ng guluhin ang sinisinta para di na ito mahihirapan pa.  -- Pa'no ang gagawin ko -- -- nasana'y na sa piling mo -- -- sana'y hindi tayo nag kalayo -- -- sana'y naririnig mo -- -- Hindi ko kaya, ang limutin kita -- -- masdan mo ang, lumuluha ang aking mga mata -- -- pilitin kuman ako'y nasasaktan -- -- ang katotohanan ay mahal parin kita --     Tinapos na agad ni Quil ang kanta at agad ng umalis at lumabas sa kwartong yun. Di na kasi niya kayang tiisin na nkikita ang babaeng mahal niya na umiiyak dahil lang sa kanya. Sobrang gusto niya itong yakapin ng mahigpit para man lang ipararamdam sana na nandito lang siya.       Pero ayaw niyang gawin yun. kasi takot siya. Takot siyang umasa ulit. Mas mabuti na tung ganito. Na siya na lang ang lalayo. Masaya na siyang nasilayan niya ulit ang mukha ng babaeng di nawala kahit saglit sa kanyang isip.       Simula ngayon kakalimutan na niya ang ugnayan sa babae, kasi ano ba naman ang laban niya kasi yung taong mahal niya. may mahal nading iba. Masakit man isipin pero dapat tanggapin. Kasi magiging tanga ang tawag dun kung di mu pa bibitawan ang isang bagay na kahit isang bagay di pwedeng maging sayo.  --thank u po sa mga nagbabasa, haiisttt sana abangan nyo pa ang mga susunod na mga episode nito at subaybayan nyo din sana ang mga bago kong gagawing nobela. be safe mga kareaders, and i love you both. next chapter sobrang ganda po. kaya sana abangan nyo. simula na kasi ng kilig dito. thanks ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD