Chapter 6.

4155 Words
Chloe POV.     Isang linggo na ang nakaraan simula nung naganap sa, pa welcome party ng kaibigan niya. Hanggang ngayon di niya parin malimutan ang nangyari about dun. Nung umalis si Quil ng gabing yun, At dahil sa ginawa niyang yun.      Napatunayan niya na mahal niya parin yung taong yun. At nagagalit siya sa sarili niya kasi kahit sinaktan siya at pinaasa siya ng taong yun noon. May pagmamahal parin siyang nararamdaman dun.     Nandito siya ngayon sa loob ng condo niya. At wala siyang gustong gawin kundi mag mukmok at matulog. Tumawag kasi ang Daddy niya nung nakaraan na sinasabi na ipa extend ang pag tuturn over ng kumpanya sa kanya. Kasi may gaganaping party dahil din sa pag babalik niya. In short, pa welcome party ng pamilya niya sa kanya.      Ayaw niya nga pa sana, kaso ang kulit ng Daddy niya, sinasabi na gusto siyang ipakilala sa mga kaibigan at ka partner sa mga bussiness ng Daddy niya kaya no choice siya kundi, pumunta.    Lagi kasi daw kinukulit sila ni mom at dad, ng mga kaibigan nila. Bakit daw hindi man lang daw nakikita at pinakilala ang anak nila sa mga kaibigan nila. Kaya yun na daw yung oras para ipakilala siya ng parents niya, sa mag kaibigan nito. Kaya wala akong magawa kundi pagbigyan nalang sila.          Nakaupo ako ngayon sa sofa ko, na nkaharap sa glass wall kung saan makikita ang mga nag lalakihang gusali sa labas ng condo ko. Habang tinanaw ko ang mga gusali, Natinig ko naman ang cellphone ko na tumutunog, agad naman akong tumayo para kunin ang cellphone ko. Si mommy lang naman kasi ang laging tumatawag sa akin araw araw at ina update lang naman kung naka kain naba ako. At di nga ako nagkamali kasi pag dampot ko palang ng cellphone, pangalan niya agad ang bumungad, at sinagot ku naman agad. "hello mom," bungad ko kay mommy. "hello baby, san ka ngayon" mommy. " nandito sa condo mom, why" sagot ko sa kanya. "baby, umuwi ka daw ngayon, sabi ng Daddy mo, may pag uusapan daw kayo." sunod sunod na sabi ni mom. " sige mom, mag bibihis lang ako, then papunta na ako jan" sagot ko nalang.    Agad naman akong nag bihis at umalis, wala kasi si Iya sa condo niya. Nagpaalam kasi siya nung nakaraan sa akin na uuwi daw muna siya sa knila, habang hindi pa kami nag sisimula sa trabaho. Na kinapayag ko naman, para mabisita niya din ang mga magulang niya.        Habang papasok na ako sa gate ng village namin, nakita ko agad ang guard at pinag buksan ako ng gate. Pag karating ku nang bahay pinarada ku naman agad yung sasakyan ko at agad lumabas at pumasok ng bahay namin.       Nakita ko naman yung mga kasambahay na nag aayos ng pag kain sa garden. Simula kasi nung umuwi ako, kpag nandito ako gusto ku sabay kaming lahat pati mga kasambahay. yun nga lang masikip kasi kpag sa loob kaya ang ginawa namin nila mom. nag usap kami na mas mabuti sa garden gawin yun, kasi maganda kpag nandun, maaliwalas at nakakaganang kumain pa. nag pagawa rin kami ng lamesa na mahaba na kasya kaming lahat.  "mom san si dad" sabi ko kay mommy. "nasa kwarto, bababa nadin, kakain daw muna tayo, bago tayo mag uusap" sagot ni mom. "sige " tugon ko nlang. At agad pumunta sa garden kung san yung ibang kasambahay na nag aayos din. "yaya leni, ayos naba," tanong ko sa pag kain. " oo anak tapos na, hinihintay nalang mama at papa mo" yaya leni. "tawagin nyo na po yung iba yaya, bababa narin daw sila mom and dad" sagot ko, at agad naman tinawag nila yaya yung iba niyang kasama. at nag si datingan nmn sila. Ganun din sila mom and dad. kaya nag simula na kaming kumain.      Nandito kami ngayon sa library room, kung saan ginawa ng opisina ni dad, dito siya nag tatrabaho. kapag ayaw niyang pumasok o may hindi pa sya natatapos sa opisina, dito niya dinadala.  "anak may sasabihin sana kami sayo, sana naman wag kang magalit" pasi una ni mommy, na kinakaba ko. "about bussiness ba to mom and dad" tanong ko sa knila. kinakabahan na kasi ako. "yes, involve din ang bussiness, anak" tugon din ni dad, na kinakunot ng noo ko. Kasi sa pag kakaalam ko, wala namang problema sa mga negosyo namin ah. "anak kailangan mong mag pakasal, sa anak ng kumpadre ko" biglang sabi ni dad sa akin, na kinatigas ko. "WHAT," tanong ko ulit. bka kasi nag kakamali lang ako ng dinig.  "baby, pinag kasundo ka namin sa anak ng kumpadre namin" malumanay na sabi ni mom. "mom bat nyo naman ginawa yun" napasigaw ko nang tanong sa knila. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang dahilan nila bat nila ginawa yun sa akin. "anak pag ginawa kasi natin yun, mas lalakas pa yung negosyo natin," sabi ni mom. "kung about bussiness lang naman pala ang pinoproblema mo dad, dodoblehin ku ang pag trabaho sa negosyo natin, kung pwedeng dun na ako tumira sa kumpanya, gagawin ko basta wag nyo lang naman pakialaman ang buhay ko,." umiiyak na sumamo kay Daddy. "di lang din naman yan yung dahilan baby. kaibigan namin pareho ng mom mo, ang parents ng pakakasalan mo. bata palang kayo, napagkasundo na namin kayo anak, na pag dumating ang tamang panahon, ipapakasal namin kayo" malungkot at nakayukong sabi ni Dad. "pero Dad malaki na ko, hindi naman tama na pati sa pag aasawa pakikialaman nyo, di pa ba kulang yung sinakripisyo ko sa pamilyang to at sa kumpanya natin" sumbat ko kay dad, at biglang lumabas sa kwartong yun, kahit pinapabalik pa ako, this time kasi di ko na mapigilan ang maging emotion, sino ba naman kasing gusto nito. Arriange Marriage?? panahon pa yun ni kupong kupong. Bat ba nakikisabay pa dun yung pamilya ko. Kaasar.      QUIL POV.      "WHAT" di ko makapaniwalang tanong ko sa mga pamilya ko.        Dito kasi ako ngayon sa loob ng opisina ko, pumiperma sa mga papeles na di ko natapos permahan. Tapos biglang pumasok tung dalawang matandang to, then sasabihin kailangan kong pakasalan ang kaibigan ng anak nila. Ano yun, di ko nga kilala yung tinutukoy nila tapos mag dedicide sila para sa sarili ko. "Quil, need mong pakasalan ang unica iha ng kumpadre ko sa ayaw at sa gusto mo" final na sabi ni Dad at lumabas agad ng opisina ko, na kina hilamos ku sa mukha ko.    s**t, ano bang nangyari sa parents ko. Bat ba sila nag kakaganito. Sobrang iba na ng henerasyon ngayon. Di na uso yun. Dami ko na ngang iniisip dadagdag pa tung mga gurang na to, haisssttt. Biglang tumunog ang cellphone ko, kaya tiningnan ko kung sino,  isa lang pala sa mga kaibigan ko. "dude, sama ka" bungad agad ni Qen sa akin pagka sagot sagot ko. "saan" tipid kong sabi. "home party dude, tama na yan munang trabaho, mag relax kadin naman at mag saya, paminsan minsan" sunod na sabi niya.      Tama siya this time kailangan ko talaga ng mag relax muna kasi sa sobrang daming nangyari ngayong araw na ito.  "sige e send mo ang lugar pupunta ako." sabi ko agad sa kanya. gusto ko munang mag relax at makapag isip isip naman. "yun oh, ang bilis ah, anyare dude" chismosong sabi ng kaibigan ko. "dyan ko nalang sasabihin dude" walang ganang sabi ko. "sige, dun nalang tayo mag kita, dala ka ng extrang damit dude," pahabol niyang sabi, at pinatayan agad ako, napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano yun, swimming party. haiisssttt, bahala na nga. basta ako gusto ku muna mag relax. Natanggap ko naman ang text niya kung saan gaganapin yung sinasabi niyang party. at agad umuwi na at nag bihis, gaya nga ng sabi ni Qen nag dala nlang ako ng extra damit.            Pagkarating na pagkarating ku dun, tama nga si Qen home party nga to.Pero sa labas ginanap hindi sa loob. Sobrang ganda ng ginanapan na party. Sa garden, tapos sa gitna may fountain. Relaxing talaga. Agad na akong pumasok at nakita ko naman na marami rami nadin ang naroon, nilinga linga ko ang mata ko para hanapin ang mga kaibigan ko, di naman ako nag kamali at agad ko naman nkita, nakaupo silang pareho sa stoll sa harap ng bartender. Lumapit naman ako sa kanila. "oh dude, dito kana pala" bungad ni Drake sa kin. "kanina pa kayo" sabi ko. "hindi pa naman, masyado dude, sinadya talaga naming mauna dito, dahil alam mo na, di kami maubusan ng mga girls." natatawang sabi ni Giben.  "tsk," kahit kailan talaga tong mga to, napaka babaero talaga. Nag order nalang ako ng inumin at agad tinungga pag kabigay agad sa kin.  "hello handsome" pang aakit na sabi ng babaeng ewan ko kung sino. Nilingon ko naman kong sino, si Francine pala isa sa mga babaeng lumalandi sa akin. "tsk" irap ko sa knya, wala akong time para patulan siya kaya hinayaan ko nalang. kahit naman paalisin ko yan, hinding hindi rin yan makikinig. "honey, baka naman pwede mo kong samahan mamayang gabi" malandi niyang sabi sa akin. dko nlng pinansin, at mas lalong nag lambitin pa sa leeg ko. at nkaupo sa kandungan. haiisst, habang yung mga kaibigan ko ng tingnan ko, nakatingin din pala pareho at napapailing. Sa totoo lang kasi, maganda naman talaga si sofie, kaso lang may pagka childish minsan na pinaka ayaw ko sa lahat.  "sure" yun na lang nasabi ko. Lalaki din ako, may pangangailangan din, nag rerelax nadin naman ako bakit di ko lubusin dba!! Habang nag iinuman kami, may nag sulpotan naman ang mga barkda din ni sofie, at agad ding nag si pwesto, sa mga barkada niya.  Syempre tong mga kumag naman na ito, abot teynga yung ngiti. kaw ba naman palay na yung lumalapit sa manok, d mupa ba tutukain, except kay Drake. loyal yan sa jowa niya eh, "sorry baby, i have a girlfriend ,so please leave me alone" irita niyang sabi sa kaibigan ni sofie. "whatever baby, wala naman siya dito eh" sabi pa ng malanding babae at gaya sa kanya. Naupo pa sa kandungan ni Drake at nilingkis pa yung parehong kamay sa kanyang leeg. Hinayaan nalang din niya.        CHLOE POV. "sayaw tayo mga bessy, sobrang ganda ng tugtog, nakaka ingganyong sumayaw" sigaw sa amin ni Trisha. Nandito kasi kami sa pinaka dulo nag iinuman, nung umalis kasi ako ng mansyon kanina, tumawag si Trisha, pupunta daw sila ng home party. Dahil din sa nangyari sa bahay, sumama nalang din ako sa kanila. At si Iya naman dinaanan lang namin sa bahay nila kasi malapit lang sa kanila dito. Knina pa kami dito. Nag sasaya, nag iinuman, wla ding makakapansin sa amin dito kasi nasa madilim kaming parte, medyo hilo na nga kaming lima, kasi kanina pa kami umiinom. Lalo na ako, dahil sa problema, kaya lagok ako ng lagok. Kinuwento ko na din sa mga kaibigan ko ang desisyon nila mom and dad, awang awa sila sa akin, pero sabi ko nalang ,hayaan nlng wala nga akong magawa sila pa kaya dba,  "mga bessy, punta muna tayo ng rest room, naiihi na kasi ako," reklamo ni  Belle sa amin, "kayo nalang tatlo, maewan nalang kami ni Iya dito. nahihilo nadin ako" sagot ni Arrianna, kaya no choice kami kundi ewan sila, naiihi nadin kasi ako, kaya iniwan nalng namin sila dun.      Habang nakasunod ako sa kanilang dawala. Nauntog pa ang ulo ko sa likod ni Trisha dahil bigla nalang silang huminto.  "bakit" tanong ko sa knila, na hanggang ngayon di manlang ako nilingon kundi naka pokus ang mata nila sa tinitingnan nila, sinundan ku nalng din, At nanigas ako sa kinatatayuan ko, nakita ko lang namn ang grupo nila Drake, na nag iinuman kasama ang mga baabe nilang nakalingkis sa mga leeg nila. Mas nanlaki ang mata ko sa  nakita kong dalawang tao, na naghahalikan na parang wala ng bukas. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko, dahil sa nakita ko. Nagagalit ako sa sarili ko kasi bakit nararamdaman ko pa to. Wala na kami, pero bakit nasasaktan ako kapag nakikita kong may kahalikan siyang ibang babae. Di ko namalayan, may lumabas na luha saaking mga mata. Pinahid ku naman agad yun, para di mapansin ng mga kaibigan ko. Pra kaming pinasok sa refrigarator nung uras na yun, pareho kaming nanigas at naka tingin lang sa limang lalaki na besing busy sa pakikipag landian sa mga kapartner nila.  "bessy di mu ba alam na pumunta si Drake ng party" tanong ni Trisha kay Belle, na ngayon palang natauhan. "alam ko bessy, katunayan nag paalam naman siya sa akin na pupunta siya ng party. Gusto ko pa nga sanang sumama sa kanya, kaso ayaw niya, ang sabi niya lang uuwi siya pag katapos, kasama niya naman daw yung apat niyang barkada eh. Kaya pala ayaw niya akong isama mga bessy kasi may kasama na siyang iba. Ang sakit sakit kasi ito pala yung ginagawa niya kapag di niya ako kasama, putang ina niya. Minahal ko siya ng sobra sobra pero ano ang ibig sabihin nito mga bessy, na pampalipas uras lang ako." hagulgol na ni Belle na habang niyayakap kaming dalawa, naiintindihan ko siya kasi kung anong nararamdaman niya ganun din sa akin, ang mas sobra lang sa akin kasi nag seselos ako sa taong hindi ko naman boy friend ,di gaya ni Belle na may karapatan siyang mag selos at mag eskandalo. Pero kilala ku tong kaibigan ku na to, ayaw niya ng eskandalo. kaya hinimas himas ko nalang ang likod niya.         Napatingin ako kay Trisha na ngayon ay galit na galit na nakatingin parin dun sa lima. " bessy pakawalan muko, susugurin ko talaga yang boyfriend mo at yang haliparot na kasama niya. bwiset siya, sino siya bessy para ganyanin ka niya. Umayos ka, ganyang boyfriend ba ang dapat iyakan, di mo dapat yan minahal kung niloloko kalang naman pala. Halika dito bessy. pupuntahan natin siya. Ikaw ang sumampal sa jowa mo, kami naman bahala ni chloe sa haliparot na yun, kakalbuhin ko tlga yun" nanggagalaiti na sabi ni Trisha, habang pinipigilan namin na sugurin sila Drake.  "bitiwan nyo ko mga bessy, ipag tatanggol ku lang to si Belle. nakakabwiset eh, sa dami daming lalaki na nagkakarandapa sa knya, dyan pa napunta sa ugok na yan" singhal sa amin ni Trisha. Iba din kasi to si Trisha, kung ayaw ni Belle ng eskandalo siya naman eskandalusa, basta about sa mga kaibigan niya ,wla yang inuurungan. Kaya mahal ko yan, kasi sobra kaming halaga niyan sa knya. "bessy tama na, hayaan nlng natin sila. Bumalik na tayo. sobrang sakit na ayaw kunang dagdagan, ayaw ku ding mag pakita kay Drake na ganito ang itsura ko. Hayaan mu nalang ako bessy kahit sobrang nasasaktan ako, di ko ipapakita sa knya. na mahina at nasasaktan ako. Hihiwalyan kuna siya mga bessy. kasi sobrang sakit na nakikita siyang may ibang kasama,ayaw ku na. ayaw ku na kasi ginagawa niya pala akong tanga. bwiset siya. Siya lang ba marunong mag hanap ng iba ako din" nang gagalaiti ring sabi ni Belle. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit kasi ramdam ko talaga yung sakit sa kanyang mga mata. Naramdaman ko nalang na kinuha ni Belle ang cellphone niya. "anong gagawin mo" tanong ko sa knya. "kukuhanan ko lang bessy, remembrance kumbaga" mapait niyang sabi, alam ko may binabalak to eh, pero di ko nlng inusisa, kasi nasasaktan parin siya. kinuhanan nga niya ng litrato at binalik sa bulsa niya at agad kami hinila pabalik kung saan sila Iya na naiwan. Habang pabalik kami, nagulat kami kasi may bumuhos na tubig sa amin na kinagulit naming lahat. "what the hell"  "f**k " " what the f**k"  sari saring mura ng mga taong malapit sa amin. Nang maka get over na kaming lahat, napagtanto pala namin na wet party pala ang napuntahan namin kaya agad agad kming lumapit sa pwesto nila ni Iya, at kinuha yung inumin namin at nilagok.       3RD PERSON.       Sa pwesto nila Quil nagulat din sila sa tubig na galing fountain na bumuhos sa knila,  At napag tanto nila na wet party pala ang napuntahan, maliban kay Qen na alam niya sa simula palang na wet party ang dadaluhan nila. Mas lalo pang nag saya ang mga taong nandun na para bang nakatakas sa bilangguan sa sobrang saya.  "sayaw na tayo mga bessy, wag na muna natin isipin ang problema mag enjoy na muna tayo ngayon, ipakita natin sa knila na sila lang ba marunong mag enjoy tayo din" pasigaw na sabi ni Arrianna sa mga kibigan niya, at hinila na ang apat na kaibigan nito papuntang dance floor, dahil din sa basa na ang mga damit ng limang babae, habang patungo sila sa dance floor, napapatingin nalang sa knila ang nararaanan nila lalo na yung mga lalaki na na parang maputol na ang leeg sa pag sunod sa knila, sino ba namn kasing di mapapalingon sa mgakaibigan na nakakaagaw ng atensyon yung ganda nila , at di lang yun dahil narin sa mga katawan nila na hubog na hubog na yung porma ng mga damit nila sa katawan, lalo na kay iya na mapapanganga ka talaga dahil malaki din ang dibdib nito na mas lalong nakaagaw ng atensyon ng iba at sobrng sexy tlga nila.        Nung nakarating sila sa gitna, binigyan nmn sila ng space ng iba. At nag simula na silang lima na sumayaw, mas lalo pang nagkagulo at nag hiyawan ang mga nasa paligid nila dahil sa sayaw nila. Kembot doon kembot dito, giling doon , giling dito lang naman ang ginagawa nila. Na mas lalo pang nag sigawan ang mga tao dahil sa pang aakit nilang sayaw, wala ng pakialam ang lima sa paligid nila dahil sa may mga tama narin sila ng alak. Kaya di nila napansin na may lima ding lumapit sa kanila at nakipag partner, mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga taong nandun , dahil sa ginagawa nilang pakipag sayaw sa mga partner nila. Dahil sa pang aakit nilang sayaw,  Dahil na rin sa epekto ng alak, di na nila napapansin na nagiging malikot nadin pala ang mga kamay ng mga kapartner nila, habang si Chloe, Trisha at Arrianna naman nakikipag sa halikan na sa mga partner nila at kapag nag hiwalay ang mga labi nila, sinasayawan na namn nila iyo.     Habang sa pwesto namn nila Quil. Knina pa sila di mapakali dahil lang sa hiyawan sa dance floor. Nag tataka na nga sila, lalo pa at kanina pa sila inaaya ng mga kasama nilang babae. Habang si Drake naman kinuha niya ang cellphone niya, dahil gusto niya sanang kumustahin ang girlfriend nito, nag aalala kasi siya nito, baka nag tatampo dahil lang sa di niya sinama ito. Pag kuha niya palang ng cellphone niya, napangiti siya kasi may mensahe pala ito sa knya, di niya man lang napansin dahil sa ingay ng tugtog dito sa loob. Agad niyang binuksan ang mensaheng pinadala sa knya ni Belle,  Na kinamutla niya sa upuan bakit hindi eh. Nakikipag hiwalay ang girlfriend niya sa kanya, mas lalong Nanigas siya sa kinaupuan niya dahil sa  picture na pinasa nito sa kanya, picture lang nmn ito ngayon ngayon lang na hinahalikan siya ng katabi niya, "what the f**k" mura niya, na kinalingon nilang lahat, " what happen" tanong ni Qen sa kanya. Pero di niya nlng pinasin yun at nilinga linga niya nalng ang paligid, pero di niya mkita ang hinahanap. "grabi pare, sobrang sexy at gaganda nila, swerte talaga nila max, grupo nila ang naging kapartner sa mga babaeng yun, type ku pa namn sana yung isa dun," " kaw naman kasi pare eh, hinihila na kita papuntang dance floor, pabebe kapa, kitam naunahan tuloy tayo." naririnig nilang nag uusap na mag tropa na dumaan sa harap nila.  " alam nyo, parang familiar sa akin yung isang babae dun, di ko lang alam, kung san ko nakita"  " gago sino ba hindi nakakilala nun eh, si chloe sanchez lang namn yun, yung sikat na model sa ibat ibang bansa" narinig nila sa mag tropa.          Pag karinig nila sa pangalan ni chloe agad agad silang tumayo at nilingon ang dance floor na mas lalong lumakas ang hiyawan, umangal pa nga yung mga katabi niya dahil nabitin sa pag hahalikan habang si sofie namn at partner ni Drake ay bumagsak sa sahig kasi nakakandong lang namn sila sa lalaki, na biglang tumayo. Di na sila nag isip isip pa at nag uunahan pa silang pumunta ng Dance floor habang naka sunod namn sa knila yung mga babaemg katabi nila. nag taka din kasi sa mga kinikilos nilang lima. Pag dating nila dun sa gitna , Napanganga at natulala lang naman sila sa nadatnan, Nakita lang namn nila sina chloe at mga kaibigan nito na may tig iisang partner at sinasayawan nila ito.         Di talaga makapaniwala sina Drake sa mga nkita, lalo na kasi ang nadatnan nila dun, si chloe, Arrianna at Trisha, nakikipag halikan na habang hinahawakan sila ng mga lalaki sa bewang nito. Habang si Belle at Iya naman, napapamura pa ang mga kapartner nito. Ginigilingan lang namn nila ito na patalikod na kina estatwa ng mga partner nito. Sino ba namn di makapag mura kung kada giling nila sumasayad sa umpok na bahagi ng lalaki.        Natauhan lang ang mag barkada nina Quil ng bumuhos na namn ang tubig na mas lalong kinabasa nila. Nung maka get over silang lima, Agad naman napalitan ang rumihistro ng galit sa mukha nila. Nakita lang naman kasi nila na basang basa na ito at ang mga damit nito nakadikit na sa sariling katawan nito na mas lalong nakita ang hubog ng mga katawan nito.       DRAKE POV.     Inis na inis ako dahil sa nadatnan ko, nakita ko lang namn ang girlfriend ko na pinapaligaya ng sayaw ang puta niyang kapartner kaya di na ako nag isip at bigla kong hinila si Belle paalis sa tabi ng kasayaw niya at di ako nag dalawang isip, dahil sa sobrang galit ko, sinuntok ko ng sinuntok ang lalaki, agad naman nag hiyawan ang mga taong nasa paligid, wala akong pakialam sa hiyawan nila ,galit ako ngayon at gusto kung lumpuhin tung putang to, sino siya para hawakan ang pagmamay ari ko, f**k him. "tama na, anong ginawa mo kay gerald"  sigaw ng girlfriend ko sa akin na kinatigil ko. Ano?? tama ba ang naririnig ko, kinakampihan niya ang putang to. Puta nakakinsulto talaga ako yung boyfriend niya pero bakit iba yung kinakampihan niya.  " gerald okey kalang" lalapitan niya pa nga sana ang lalaking yun, pero agad ko na siyang hinila palabas dun, nakita ku rin namn yung mga kaibigan ko na binigyan din nila ng leksyong ang mga partner ng mga kaibigan ni Belle, agad akong pumunta sa kotse ko at pinapasok ko siya. " pasok "timpi kong sabi sa kanya, pero siya galit na nakatingin lang sa akin. At nabigla ako sa sunod niyang ginawa. binigyan lang nmn niya ako ng sampal, na kinamanhid ng mukha ko. "bat mu ginawa yun kay gerald, inaano kaba namin, di ba wla, sino ka para umakto ka ng ganyan, simula ng may babae kang kalampungan, hiwalay na tayo. dinamay mo pa yung tao na walang ibang ginawa sayo. Nasasaktan ka dahil may kasayaw ako, pwes, bakit ako hindi, hindi ba ako galit nung nakita kitang hinahalikan nang ibang babae, kung naiinsulto ka dahil sa ginawa ko sayo, pwes kung anong nararamdaman mo, ganun din ako" sunod sunod niyang singhal sa akin at napagtanto ko na umiiyak na pala siya. Lumapit ako sa kanya para yakapain sana siya kaso humakbang siya paatras para di ko siya mayakap, parang dinurog yung puso dahil sa ginawa niya. Kitang kita ko rin sa kanyang mata yung sakit, Kung ibang tao lang siguro ang dahilan ng pag iyak niya, siguro pinatay kuna ,kaso ako eh, nangagalaiti siya sa galit sa akin. "alam mu Drake, nag sisi ako na minahal kita, di ko alam kung san ako nag kamali bakit mu ginawa sa kin yun. Nagkulang ba ako.!! Sumobra ba ako!! sabihin mu para malaman ko, at alam kuna kung saan ako lulugar sa susunod, in 5 years, naging okey namn tayo sa pagkaka alam ko. O sadyang ako lang yung nag isip na  okey tayo. Ang sama sama mu, ang sama sama mo," hagulgol niyang sabi sa akin at pinagsasusuntok ako sa dibdib ng mapagod napasalampak siya sa sahig habang iyak parin ng iyak, gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa kasi kapag lumalapit  ako sa kanya, tinitingnan niya ako ng masama.       Ngayon kulang din napansin na nasa harap na pala namin ang mga pareho naming kaibigan at nakatingin sa akin. Natauhan lang ako ng lumapit sa pwesto namin ang kaibigan ni Belle at hinihila siya patayo. Nakita ko namn sina chloe na ang sama ng tingin sa akin.    **Hinihingi ko po ang inyong pag unawa at mahabang pasensya. Dahil sa maraming Grammatical errors, and wrong spelling. Paumanhin kasi baguhan pa lang po ako.**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD