Episode 14 Laban lang

3562 Words
     Alas kuwatro pa lang ng madaling araw nang tawagan ako ni Marky para gisingin, upang maagang makapaghanda sa pag alis namin ni Sir Grecko. Ganito daw talaga ang amo ko, very punctual at naniniwala sa kasabihang  "An early bird catches the worm." at maagang lumalarga kapag may mga out of town business meeting at mga conference na dinadaluhan.     Nakaka in love ang bedroom voice ni Sir Marky, nakakagising ng diwa ang mga napaka sweet na pagsabi niya ng pangalan ko sabay i love you. hindi ko tuloy maiwasan na magkagusto na sa kanya at nadedevelop na ko ng husto sa kanya.     Sa paglipas ng mga araw, masasabi kong hindi na hindi ba niya ko pinagtritripan dahil sa mga todo effort na ginagawa niya; lagi niya ko inihahatid pauwi at araw-araw may nakikita kong chocolates sa desk ko. halos yakapin ko ang unan ng paulit-ulit ang mga i love you naririnig ko kay Marky sa kabilang linya.     Maya-maya ay  parang lumalalim ang paghinga ni Marky.       "Jace, I really love you," pabulong na sabi ni Marky sa kabilang linya       "Oo na paulit-ulit talaga,"    "Jace, I need you badly,"    "Marky ene be nekekeinis ke ne," naiihi na ko sa kilig na nadarama ko.     "Im so horny right now Jace, Come to my pad please,"      Huh ano daw bulong ko sa isip ko.    "Aaaaghhhhh," ungol ni Marky.    "Bwisit ka! Ang manyak mo talaga, makaligo na nga!"    "Jace, Joke lang yun hindi ka na mabiro,"    "Bwisit ka may ginagawa ka pa lang milagro kainis ka,"     Pinatay ko kagad ang phone ko para hindi na siya makatawag ulit,  sabay bangon  ko sa kama upang maghanda ng gagamitin ko sa pagligo. Mabuti na lamang at pinahiram ako ni Best ng maleta ang ilang magagandang damit, dahil two days  kami ni Sir Grecko sa tagaytay. Sadyang napakabait ng bestfriend ko.     Biglang sumagi sa isip ko kagabi ng  makita ko ang lip balm at ang  paalala sakin ni Best. Flashback     "Best huwag na huwag kakalimutan gumamit ng lip balm dahil alam mo ba pagkatapos kang titigan ng isang lalaki, sunod na titignan niya yun labi mo, kasunod nun yun ganito," sabay nguso niya.      "Kaya kailangang masarap ang labi mo, heto cherry flavor yan para matamis pag hinalikan ka ni Grecko.     "Grabe ka Best walang magaganap na ganoon, diring diri nga sakin yun taong yun asa naman ako at saka,"     Biglang napansin ni Best Gab na nagbago ako ng mood marahil naalala niya din, Ang gabing hinalikan siya ni Grecko.     "Pasensya na Best sa nakita mo nabigla ako sa ginawa ng maldito mong Boss, Hindi kita nahabol agad kasi tinuldukan ko na ang lahat-lahat,"    "Huh paano?" tanong ko.    "Sinabi ko aalis na ko kinakabukasan at pupunta na nang Canada, O di ba tapos ang problema natin, tsug tsug o yeah , o yeah," sabay sayaw ni Best Gab na na iwinawagay  ang mga kamay sa ere.     "Kaya hindi na mangungulit yun na mag aya ulit.    "Kaya Go Bes! Nararamdaman ko magkakajowa ka na" sabay gulo ni Best Gab ng buhok kong kulot-kulot.        "Sa panget kong to, Asa pa ba ko Best?"     "Maganda ka Best magtiwala ka lang sa sarili mo."                                    ********** Bago mag ika anim ng umaga.         Ibinaba ako ni Papa malapit sa isang covenient store kung saan daw kami magkikita ni Grecko. Luminga-linga ako sa paligid upang tingnan kung dumating na Sir Grecko.     Di ko maiwasan ang kabahan at mangatog imagine dalawang araw ko siyang makakasama sa Tagaytay. Naalala ko yun kahapon, kung paano nangyaring ako ang makakasama ni Sir Grecko sa Business Conference. Flasback     Isa isang nilapitan ni Strawberry ang mga staff ng Fit & Glam Magazine upang tipunin ang mga papel na sinulatan namin ng mga pangalan. Nagdadalawang isip ako kung ihuhulog  ko ba ang papel na hawak ko ngunit bigla niya itong hinablot sakin.      "Wish you luck girl," sabay ngiti ng nakakaloko ni Strawberry.     Matapos maipon ni Strawberry ang mga pangalan, inalog-alog na niya  ang box na hawak niya.     "All right guys ang maswerteng makakasama ng Boss natin ay si," Nanlaki ang mga mata ni Strawberry sa tuwa.        Ang mga ngiti naman ni Marky ay nabago samantalang umasim ang mukha ni Sir Grecko nang tingnan nila ang papel na inabot ni Strawberry.      "Congratulations Jace," masayang pagbati ni Strawberry     Nilapitan ako nila Porsie, Janice at Strawberry para batiin samantalang sila Aria ay bumalik na upuan, Biglang sibat naman ng alis si Sir Grecko nang magtama ang aming mga mata.         "Sana pala nagback out na lang ako, kainis naman eh," nayayamot ako.    Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala gusto at kakayanin makasama si Grecko. Parang gusto ko pang maglupasay at sabihin na..    "Ayaw ko naman talaga eh dapat iba na lang,"    "Excuse me anong sabi mo?" boses ng isang lalaki sa aking likuran, nanlaki ang mga mata ko kilala ko kung sino yun.     "Hwahhh Diyos ko, N-nandyan ka na pala Sir," sigaw ko sa gulat  pagharap ko.      "Ayaw mo tama ba rinig ko? Let me just remind you na  mas lalong ayaw ko sayo pero no choice ako, I will suffer two days with you dahil ikaw ang nabunot right?, Sana hindi ka na lang sumali sa raffle draw di ba para hindi nabunot ang pangalan mo!"     Ngunit tila wala akong naririnig sa kanyang mga sumunod pa niyang sinasabi, napagmasdan ko ang pag galaw ng mapang akit na mga labi ni Grecko, nakasuot siya ng shadow grey polo na naka unbutton ang tatlong butones kaya kitang kita ang malapad nitong dibdib at tailored jogging pants (soft na tela pero ang cut ay parang formal pants) , black na snickers at naka shades. Di ko maiwasan mangiti sa kanya at matulala sa kagwapuhan niya.        Napakaguwapo mo talaga Grecko bulong ko sa sarili kahit tuloy tuloy ang sermon niya sakin.     "Nevermind!" sabi ni Sir Grecko sabay alis at sumakay sa  blue top down car mercedez benz model 2017 (nabubuksan ang bubong).     Broooommmm....    "Kung wala kang balak sumama talaga okay lang," sigaw ni Sir Grecko     Ito ang gumising saking pananagainip, nagkandarapa ako sa paghatak ng maleta ko ng makita kong papaalis na ang sasakyan ni Sir Grecko.      "Sir Grecko saglit lang po,"      Sumasakit na ang aking leeg dahil hindi ko maibaling baling ang paningin ko kay Sir Grecko nahihiya ako sa nagyari. Pagbalik ko ata sa Manila magkaka stiff neck ako nito.          Pero napansin kong napaka bango ng kotse niya at ang personalized features at equipment ng loob ng kotse niya ay makikita mong may karakter ni Sir Grecko. Maalaga siya sa gamit, very finest at  fashionable kung manamit kaya bagay na bagay talaga sa kanya ang pagiging chief editor ng Fit & Glam Magazine. Hindi ko maiwasan mapadako ng tingin sa jogger pants ni  Sir Grecko namumukol ang kanya.  bakit ba ang mga pananamit ng mga tao ngayon kung hindi kita na ang kaluluwa ng mga babae , bakat na bakat naman ang mga pututoy ng mga lalaki.       "Ahemmm," tikhim ni Sir Grecko kaya nailayo ko kagad ang mukha ko at tiningnan ang daan.   Grecko pov       Sana si Jc na lang isinama ko at hindi itong kasama ko ngayon, Ano kaya mangyayari sa dalawang araw kong ito, damn!!!         Kasalanan to ni Marky at Ivler kung di lang talaga mag iinvest itong dalawa grrrr!!! may araw din saking yun dalawang yun.     Mahaba haba na rin ang aming byahe kaya nang ibaling ko ang paningin ko, tulog pala itong si Assistant pabaling baling pa ang ulo niya na hindi man lang nagigising.      Saglit ko siyang tiningnan,  napansin ko ang buhok niya parang hindi man lang ito nagsusuklay. Ngayon ko lang talaga natitigan ng maigi ang kanyang buhok, parang patay na buhok lahat. Kala mo yun lumang steel wool na pangkukos ng kawali so eeuuwww.      Tulog ka ng tulog ah teka lang. Sabay kong pinindot ang busina at break kaya biglang nagising si Assistant. napabalikwas pa ito ng gising sa gulat, halos matawa ako sa itsura niya, sayang di ko sinetup ang phone ko para ma videohan siya. Nakakatawa talaga itsura niya.     Hindi ko mapigilan ang tawa ko kaya kunwari ay may sinigawan ako sa kalye.     "Nabangga ba tayo Sir?"     "Muntik na," sabi ko tinakpan ko na lang ang bibig ko para mapigilan ko ang pagtawa ko.     Pagdating namin sa bandang Indang malapit na sa tagaytay binuksan ko ang roof ng kotse ko para makasagap ng sariwang hangin.      Muling nagising si Assistant bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin. Amaze na amaze siya sa nakikita niya dinedma ko na lang baka mabangga pa ko sa pagddrive.      Sa wakas makalipas ang 2 hours na byahe narating din namin ang Golf Country Club Hotel Highlands. I was thinking bakit dito napiling venue ni Chairman Mao na magdaos ng event. May pa golf tournament kaya mangyayari?       Naka buntot sakin si Assistant pagpasok namin ng lobby ng hotel napaka grandiyoso ng hotel na ito, madami kaming guest na pumapasok, sa sobrang dami ng guest ni hindi man lang napupuno itong lobby.     Very organized ang event sinalubong kami ng hotel staff and organizers ng event sa lobby, they are very well coordinated,     Ibinigay ko ang invitation ko,     "Shau-Chen Incorporation event" wika ko.     "Welcome here, Sir can i have your ID for verification."     Ibinigay ko ang ID ko narinig ko nagtype ito sa keyboard,     "Sir your Guest code is 356 and it is also your room no. pakisabi na lang po sa organizer yun code ninyo."     "Miss magche-check in ako for another room,"     "Sorry po Sir wala na pong vacancy lahat po naka-intend po sa mga guest."     I know this will gonna happen ang magsha-share kami ni Assistant ng room for two days parang ganito sa Baguio pag holiday puno lahat ng hotels. Chineck ko ang browser ko if may malapit at natuwa akong mayroon nga.     Inilayo ko ang tingin ko kay Assistant at lumapit sa mga organizer ng event kaagad naman siyang nakasunod sa akin. Para kong mababaliw sa mga tingin ng ibang guest na aattend din ng event na ito.     Yeah i know ng nawe-weirdohan kayo sa kasama ko. Im hoping that iniisip nilang yaya ko sya.     Pagkaabot sa akin ng programme ng mga organizers natuwa naman ako dahil puno pala ng activities itong event at least may mapagkaka abalahan ako this two days, akala ko  ay may mga oras kaming magtitigan ni Assistant na malapit na kong magka sore eyes kakatingin sa kanya.      Kinuha ng roomboy ang aking luggage na punong puno ng mga damit ko.     "Pakisama na din ng maleta niya," sabay simangot ko.     Pagpasok namin ng elevator ay hindi makatingin ng diresto si Assistant sakin. Kaya pagkapasok namin sa room ay kaagad ako nag set ng guidelines.       "Hindi tayo pumunta dito para magpakasarap, trabaho ang ipinunta natin dito, maliwanag,"     Pagkatango niya ay inilatag ko ang mga bagahe ko sa kama, naghanap ako ng maisusuot halos matabunan ko ng mga damit si Assistant. At nang makapili na ko hinarap ko si Assistant.      "Nakalagay dyan sa program 10:30 ang conference kaya within 10 minutes kailangan mailagay mo na sa closet ng maayos ang mga damit ko and also paglabas ko ng bathroom nakabihis ka na din okay," Sabay pasok ko at padabog kong isinara ang pinto ng bathroom.                        ************          Nakakainis iniwanan talaga ko sa room namin, heto ako ngayon binabagtas ang napakahabang pasilyo nitong hotel, Bwisit talaga itong lalaking yun may araw ka din nakakagigil.     Nasaan na ba siya,? Nang makababa na ko sa ground floor ng Hotel ay hinanap ko siya sa bawat sulok ng hotel. Nahirapan ako sa paghanap sa kanya dahil halos lahat ng mga guest ay naka formal attire, karamihan ay nakasuot ng suit ang mga kalalakihan.      Humakbang pa ko papalapit sa isang bahagi ng hotel kung saan may fountain sa gitna ng napakalaki at napakagandang garden. Nakatayo siya doon nag iisip saktong huminga pa ito ng malalim paglapit ko.     "Sir,"     "2 mins please," aniya.     "Sir Kaya niyo yan, Alam kong magtatagumpay kayo,"     "Shut up! Ano bang alam mo," masungit na sabi niya sakin.     "Mababa ang tingin ninyo sakin Sir, pero ginagawa kong mabuti ang trabaho ko, alam ko ang sakripisyo at paghihirap ninyo para mag number one ang Fit and Glam Magazine hindi po ba,"      Nabago ang reaction ng mukha ni Sir Grecko dahil sa mga sinabi ko, Kung kanina ay nakasimangot ito mukhang nahimasmasan ata kaya nagpatuloy pa ko sa pagsasalita.     "Sir kaming mga empleyado ninyo naniniwala kami na magagawa ninyong magtagumpay sa mga plano ninyo, sabi nga nila Porsie laban lang!" sabay taas ko ng braso ko.      Wala sa loob kong kinuha ang kamay ni Sir Grecko para itaas ang braso din nito. Sabay sabi ulit ng...     "Laban lang, Go lang Sir Grecko!"     Napangiti ako sa reaction ng mukha ni Sir Grecko alanganin itong magsabi din ng laban lang.     Kaya hinatak ko na si Sir Grecko dahil narinig kong mag uumpisa na ang business conference.     Punong puno ang Convention hall ng hotel ng mga guest, Medyo inantok ako sa naturang programa, kung sino- sino ang mga guest speaker ang nagbigay ng mensahe tungkol sa takbo ng negosyo ng business sector. Upang hindi ako tuluyan makatulog pinagmasdan ko na lamang ang tatlong malalaking chandelier na ubod ng ganda.   Grecko pov      "kkkkooooorrrrrkkkkk"      Dinudunggol ng balikat ko si Assistant dahil dinig na dinig sa buong conference ang paghilik nito. Pero no effect ang gingawa ko. Patuloy pa rin itong humihilik sa tabi ko. Napapangiwi na ko sa kahihiyan dahil may mga naririnig na kong bulungan sa mga katabi namin upuan.     "Assistant, Assistant, gumising ka," bulong ko pero di pa rin ito magising gising. Ayaw mong magising ah, tinakpan ko na bunganga nito dahil nagsisipag lingunan na ang mga nasa harap namin.      Sa wakas nagising na rin siya at kumakawala pa sa pagtakip ko sa bibig niya.     Natigilan kami nang halos lahat ng mga tao sa conference ay nakatingin samin, kapwa kami nanhihingi ng pasensiya sa mga naistorbo namin, namumula na ako sa kahihiyan sa sinapit namin dalawa.      "Gentlemen, hayaan niyo lang magpahinga ang ating panauhin marahil sobrang pagod niya sa pagtrarabaho, i Admire him kahit na pagod na pagod ay nagawa pa niyang maka attend ng event na ito, lets give him a round of applause."     Whaat the f*ck, Whats happening at pinapalakpakan pa kami ng mga kapwa ko guest. Seryoso ba sila sabi ko sa sarili ko.     Kaya dahan-dahan na rin akong nakisabay sa pagpalakpak samantalang ang mukha naman ni Assistant ay di mawari sa pagkabigla.     Matapos ang dalawang oras na conference nakalabas na rin kami sa wakas, Hindi ko naman din masisisi si Assistant dahil nakakaantok nga sa loob ng conference room aside from that ay maaga nga kaming bumiyahe.     "Assistant ano next activity?" tanong ko sabay lingon ko sa likod ko dahil sumusunod lang sakin ito dahil may usapan kami na always maintain 5 steps away from me.     "Sir 1pm pa po yun next  one-one- one meeting kay Chairman Mao,"      "1pm pa...?" napahinto ang pagsasalita ko ng tumunog ng malakas ang tyan ko.      "Sir oras na po para..."      "Para kumain hahaha, Tara maglunch na tayo 12 noon na pala,"      "Oo nga Sir, nagrereklamo na tyan ninyo," nakangiting sagot ni Assistant.            Napatitig ako sa kanya, napansin ko na maaliwalas ang itsura niya, marahil kaya dahil masaya siyang kausap ako. Hindi katulad dati na mukha siyang ewan pag nakikita ako. Inalayo ko ang tingin ko at nagsimulang maglakad nakadama ako ng awkwardness sa aming pagtitigan kanina.                  ************          Nakaupo ako naghihintay ng tawag mula sa secretarya ni Chairman Mao. Isa-isang tinatawag ang mga guest na makikipag one-on-one meeting.    Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakadama ng kaba, never pa ko kinabahan sa pakikipagmeeting sa ibat-ibang klase ng tao, sa pakikipag deal ng business and even noong nag aaral pa ko pero ngayon sobrang kaba nadarama ko. Napansin tuloy ni Assistant na di ako mapakali sa kinauupuan ko.     "Kaya niyo yan Sir laban lang, laban lang!"     Natulala ako kay assistant para akong nag time travel ng marinig ko ang  mga salitang laban lang, laban lang. Flashback     "Grecko!"        "Grecko!"     "Grecko!"     Naka puwesto ako sa court para mag free throw shoot, tumatagaktak ang pawis ko, hindi magkamayaw ang mga kapwa ko estudyanteng sumisigaw sa pag cheer sakin, inilibot ko ang mga mata ko hinahanap ko si Jc , ang sabi niya sakin ay manonood siya pero hindi ko siya makita sa paligid.     Ilang segundo na lang kailangan ko maishoot itong bola. Kaya ubod lakas kong ibinagsak ang bola para magdribble. Habang nagdri-dribble ako nakarinig ako ng isang sigaw na naiiba ang cheer sa lahat.     "Grecko,Laban lang, labang lang!"      Hinanap ko ang pinanggagalingan nun, iisang tao lang ang parating nagsasabi sakin noon, Si Jc! Nakita ko siya sa gilid ng score board. Patuloy na sumisigaw, ang akala ko ay hindi niya matutupad ang pangako niyang manonood siya ng last game ng team namin.  Lumakas ang loob ko para ishoot ang bola ng isang puntos sa score na 72:72. Pasok prrrrrtttt.     "Mr. Grecko Sandoval of Fit & Glam Magazine," boses ng secretary mula sa pinto.     "Sir halina po kayo, tayo na ang susunod, labang lang, laban lang " bulong nito sa likod ko.  nakasunod pala sakin si Assistant.      "Good Afternoon, Chairman Mao."      "Good Afternoon too, please be sitted Mr. Grecko Sandoval" bati nito sakin.      Hindi man lang ako tiningnan  dahil nakayuko ito sa binasabasa ang company profile ng Fit & Glam Magazine.      "I know this Fit & Glam Magazine hindi ba ito yun binibili ni Mr. Tan ng TransAsia, Im sorry i cannot help you," tuloy tuloy na sabi nito sabay tingin samin.     Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko, ito lang ba mapapala ko sa pagpunta dito. Sana ay di na lang ako nagpunta at nag aksaya lang ako ng oras. Nanginginig ang kamao ko sa narinig kong iyun kalat na pala ang pagbili ni Mr. Tan ng Fit & Glam Magazine.     "Manong?, Kayo nga Manong, nakalabas na pala kayo ng hospital?"     "Panget ikaw ba yan?"     "Oo ikaw nga,"     Naguguluhan ako sa nangyayari. lumapit si Assistant upang salubungin ang yakap ng matandang bilyonaryo na ito.     Para silang mga tanga, ang saya- saya nila, sabay na sabay pa ang pagtalon nila habang magkahawak ang kanilang mga kamay.    Magkakilala pala sila, magkaano ano kaya sila mistula silang mga teletubbies na na masayang masaya sa pagkikita.      "Teka,teka napagod ako pahingi tubig," sabi ni Chairman Mao kaagad naman napatakbo si Assistant sa water dispenser at binigyan ng maiinom ang matanda.         "Pasalamat ka Mr. Grecko Sandoval, I've change my mind, kasama na sa napili kong bibigyan ng support na 10 Million at dahil yan kay Jace malaki ang utang na loob ko sa kanya, kung wala siya baka namatay na ko ng wala sa oras.     Napaawang lang ang bibig ko sa nangyayari, sumakit ang ulo ko. lumalabas sa ngayon na dapat akong magpasalamat kay Assistant dahil sa tumatanaw ng utang na loob kay Assistant.     Panay naman ang pasalamat ni Assistant kay Chairman Mao at balik na naman sila sa pagsabay na pagtalon.        "Mr. Grecko would you like to say thank you sa employee mo?"     Nakasimangot ako na dahan-dahang lumapit sa kanila at humarap kay Assistant kinamayan ko ito sabay pasalamat at mabilis kong niyakap si Assistant sa sobrang saya ko.     Halos mapiga ko na sa yakap si Assistant.     "Ahahaha sama ako dyan group hug," Maharot na sigaw ni Chairman Mao.     Magka group hug kami ng mga oras na iyon hindi ko na rin namalayan nakikitalon talon na rin ako sa dalawang teletubbies na ito.     "Jace ang sarap yakapin ng amo mo ang tigas, tigas.... ng mga muscle hahahahaha," ani ni Chairman Mao.     "Arrghh hindi ako makahinga," sabi ni Assistant.     "Yakap palang mamatay ka na sa sarap hahaha."     Isang minuto din kaming magkakayakap habang patalon-talon pa dahil sa sobrang tuwa ko. Wala na din akong pake kung nananantsing na si Chairman at napipilipit na ng yakap ko si Assistant.      "See you later sa party ha," masayang sabi ni Chairman.                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD