Episode 13 Magazine Cover

3409 Words
   "Good Morning Everybody," bungad samin lahat ni Sir Grecko.    Nakatayo ang lahat ng Fit & Glam staff palibot kay Sir Grecko eksaktong ala sais pa lng ng umaga ngayon kaya nagpautos sakin ang ibang staff na magpatimpla ng kape.    "Good Morning Sir,"   "All right guys, Im very thankful at maaga kayong pumasok ngayon para matapos natin ang una nating activity for today." ani ni Sir Grecko.    "Porsie, nakaready na ba yun studio, Naka set up ba yun mga lights and equipment? Yun photographer na si Mike naka standby na ba?" Medyo nate-tense na si Grecko sa gagawin cover photoshoot.        "Yes Sir si Sir Ivler na lang po ang hinihintay,"  sagot ni Porsie.     "Strawberry, how about the  wardrobes, yun mga brands na ibinigay ng mga Sponsors isusuot ni Ivler, Okay na ba?"     "Yes Sir, Sing bango ninyo ni Sir Ivler yun mga isusuot niyang mga clothes,"     "That's great,"     "Assistant! Nakapagpareserve ka na ba na ba sa fine dining restaurant na kakainan natin mamayang lunch,"     "A-a-ah opo Sir Grecko," mautal-utal ko pang sabi dahil parang nakakahawa kasi ang tensiyonadong boses ni Grecko.       Matagal niya kong tinitingnan, makahulugan ang kanyang mga titig, nagtataka ko dahil noon halos hindi niya ako matignan habang kinakausap ako.     "Okay, I want everyone na magtrabaho ng maayos, ito na ang huling baraha natin para makabawi sa loses ng company ko, gusto kong mag pursige pa tayo sa pagtatrabaho dahil kung magiging #1 top sales ang magazine, itutuloy ko na ang bagong nati lilipatan na building. Biglang binuksan ni Sir Grecko ang projector. Lumitaw ang isang 5 Storey building na plano sa kaliwang  bahagi ng projector habang sa gitna ipinapakita na papatapos na ang buong building.     "Wow magkakaroon na tayo ng bagong office," sigaw sa tuwa ni Strawberry.     "Ang shala ng magiging bagong office natin," wika ng Janice umiinom ng kape.    "So guys alam niyo why I'm pushing all of you to do your best para makalipat na tayo ng bagong building, It' a make or break, kung matatalo tayo ibebenta ko na lang itong property pero with the help of Mr. Ivler Concepcion Im sure we gonna win this.     "Laban tayo Sir!" Sabi ni Porsie.     "Fighting!!" wika ng iba.    Bumukas ang pinto pagkabuka noon ay pumasok si Sir Ivler kasama ang matandang beki manager at si Sir Marky.      Una kong napansin ang kagwapuhan ni Sir Ivler napaka graceful ang mga kilos niya tila may mga nagkikislapan mga maliliit na liwanag na nang gagaling sa kanya parang thai ang datingan niya ngayon naka suot siya ng eyeglasses na bagay na bagay sa kanyang mga mata. Naka suot siya ng napakaluwag na long sleeves na kneeted style yun parang ginantsilyo ang tela pero design lang pala, cream ang kulay nito at naka buka ang tatlong butones nito, bagay na bagay sa black shorts nito at snickers na nike na kulay grey. may dala-dala itong mga pasalubong para sa aming lahat.     Hayy bakit kaya ang mga artista, singer, mga superstar na katulad niya ay parang literal na kumikinang mga bituin na bumaba sa lupa. Sumunod ko naman napansin ang kagwapuhan ni Sir Marky naka black polo ito ng na may christian dior trademark design with brown pants at white na rubber shoes. Hindi ko din maiwasan ang mapahanga kay Sir Marky napangiti ako sa kanya ng magtama ang aming paningin ngumuso ito sakin na parang hahalik sabay ngiti. Kaya napatawa ako ng bahagya.    "Okay Guys lets prepare for the cover shoot," saad ni Sir Grecko.    "Wait check niyo muna guys itong pasalubong ko," ani ni Sir Ivler.    Mga imported chocolates at mga pastries from zambales. Kanya-kanyang kuha ang mga staff ng Fit & Glam Magazine. Halos di na ko maka singit sa kanila ng ilagay ito sa lamesa.     "Nag abala ka pa Brad,"     "Wala naman kasi ako kasama sa pad ko baka langgamin pa yan kaya dinala ko na dito," ani ni Ivler.     "O nga pala Jace may ibibigay ako sayo," iniabot ng driver s***h bodyguard ang isang paper bag na punong puno ng chocolates at isang bouquet ng may iba't ibang bulalak like roses, star gazer, malaysian moms.     "For you," sabay abot ni Ivler sakin ng napakaganda bouquet.    "OMG!" sabay-sabay na sabi ni Porsie, Strawberry, Aria at isa pang beki na buntot ni Aria palagi.    "Go Girl take the flowers, take it," nakakabibinging sigaw ng sosyalerang si Janice sa gitna ng katahimikan dahil natulala ang lahat sa ginawa ni Sir Ivler.    "P-para s-sa akin iyan," mautal-utal kong sagot habang tinatanggap ang bulaklak.    "Salamat, p-pero para saan ito?" tanong ko.    "Pasasalamat ko sayo iyan Jace,"    Napatingin ako sa kanilang lahat ni wala silang kakilos kilos ang iba ay nakangiti maliban na lamang kay Sir Grecko at Sir Marky na di makapaniwala sa nakikita.    "Anong nangyayari dito? Akala ko ba may photoshoot ngayon?" masungit na bungad ni Sir Lance ng lumitaw ito sa pinto."    "Kaagad na nagkulasan ang lahat ng staff at nagispagbalik sa kanilang tables at gagawin for photoshoot.    "Let start to work guys,"sabay aya ni   Sir Grecko kay Sir Ivler papunta sa studio.     Ako naman ay mabilis na kumilos upang ilapag muna sa desk ko ang flowers na ibingay sakin ni Sir Ivler. Nakasunod naman agad sakin si Sir Marky narinig kong sinabi niya...     "Sana pasasalamat lang talaga niya sayo ang pagbibigay niya ng mga bulaklak,"     "Sir Marky?"     "Ako na maglalagay niyan sa desk mo sundan mo na sila sa studio kailangan kanila doon," volunteer ni Sir Marky nakita kong nakatanaw sa akin si Sir Grecko kaya napagpasyahan kong ibigay sa kanya ang bulaklak at kailangan ko ng sumunod kay Sir Grecko.                                       ******** Sa luob ng studio...         "Okay 1 2 3 project," malakas na sabi ni Porsie.    "Another one Ivler, 1 2 3 project,"     "Excellent nice!"     Maning mani lang sa pagpro-project si Ivler dahil nga naman isa itong international model, Sa tangkad na 5'9, lean ang katawan, hindi maputi but not so moreno pero clear ang skin at napaka flawless nito mula ulo hanggan paa, his face is like a masterpiece kumabaga sa drawing, iginuhit talaga ang mukha niya sukat na sukat ang alignment ng kanyang kilay, mga mata, ilong at bibig, very attractive, charming and yet boyish look ang mukha niya kaya nagugustuhan siya ng brands na ineendorse niya.       He is sizzling hot sa kanyang ayos his wearing sports wear na suot ng muay thai (mixed martial art sa thailand) expert. Maiksi at masikip ang shorts kaya kitang kita ang bumubukol na muscles nito sa kanyang legs at red sando, he is really on fire while showing his abs and flexing muscles on his biceps and triceps.        Di maiwasan mag paypay nila ng ibang staff ng magazine sa loob ng studio. Sobrany hot ni Ivler halos tumulo na ang mga laway ni Aria at strawberry sa guwapong modelo, Eh pano pa kaya ang lagay ni Jc na ilang dipa lang ang layo niya kay Ivler dahil siya ang humahawak ng reflectorize  na ginagamit sa pagbabalanse ng liwanag.     "Assistant yun reflector mo igilid mo pakanan," utos ng photographer.    Hindi malaman ang gagawin ni Jace sa paghawak ang malaking bilog upang magreflect ang liwanag kay Ivler.Hindi maintindihan kung natataranta o naiilang siyang nakikita malapit sa kanyang harapan ang hottie na si Ivler. Sa pag galaw-galaw ni Jace  habang nakaupo ay ma-oout balance na siya...     "Jace," napalakas ang boses ni Marky ng makita niyang mapapahiga ito sa sahig dali niyang tinakbo para makalapit ngunit naunahan na siya ni  Ivler sa pagsagip kay Jace.     Napapikit pa si Jace sa nangyari nang imulat niya ang mata niya hawak hawak na siya ni Ivler.     "Be careful," saad ni Ivler kay Jace kitang kita niya na seryoso ang mukha nito.    "Jace, Okay ka lang," tanong ni Marky. At tinulungan makatayo si Jace sabay tango lamang ni Jace    "Rest muna tayo," sabi ni Grecko nang matiyak niyang hindi naman nasaktan si Jace.    "1O minutes," sabi ni Porsie.    "Sir Ivler retouch ka na muna," sabi ni Aria kasunod ang beki kaclose nito at nagsimulang iretouch si Ivler ng mga ito. Nailang si Ivler ng pagkatapos lagyan ng foundation ang mukha niya ay ang abs naman ang pinuntirya ni Aria.    "Guys kailangan natin ulitin hindi kasi nakalitaw ang garter ng brief ng model natin, wardrober paki ayos ilitaw ninyo yun brief ni Ivler,"Sigaw ni Porsie.     "Or else magrereklamo ang brand sponsor natin," sang ayon ni Grecko.     Atubili naman si Strawberry sa pagsunod ng utos ni Porsie ngunit hinarangan siya ng masamang ugali na si Aria at...     "Ako na lang Sir Ivler mag-aayos sa inyo," tangka ni Aria na hahawakan ang baywang ni Ivler.    Ngunit umiwas si Ivler at humarap kay Jace...     "Ikaw na lang Jace, pakibaba ng kunti itong short ko para lumabas brief ko,"     "A-a-a-a e-eh ano po," nanlaki ang mga mata ni Jace sa nadinig.     "Sabi ko pakibaba ng kunti itong short ko para lumabas brief ko," sabay ngiti ni Ivler.    "Nyeeek hindi ka bet ni Sir, bida bida ka kasi," kantiyaw ni Strawberry kay Aria.    "Lets start again, bakit ang tagal naman niyan sigaw ni Porsie,"    "Naku si Jace po kasi ang arte arte," ani ni Aria sabay alis sa puwesto nila Ivler.     Wala nang nagawa si Jace pikit mata nitong at nanginginig pa ang mga kamay ni Jace na hinatak pababa ang shorts ni Ivler natagalan siya sa pag gawa nito.          "Ibaba mo pa Jace," malambing na bulong ni Ivler, nakatitig ito ng husto kay Jace sabay nagpakawala ng matamis na ngiti.        Lalo tuloy nanginig ang mga kamay ni Jace dahil dito.     "Ano ba yan girl, ang tagal naman virgin pa ba? Hindi sanay manghubad ng lalaki," umuusok sa galit na sabi ni Aria.     "Hey watch your words, We are all professional here," sita ni Grecko.     "Its true naman Grecko ang arte, arte ng assistant ninyo feeling virgin si bakla eh ang pangit pangit naman," inis na sabi ni Lance.    "Enough, di naman nakakatulong yan mga sinasabi ninyo," inis na sabi ni Marky, naiinis na ito hindi lamang sa nangyayari pati na din sa pagiging magkadikit nila Ivler at Jace.    "Virgin pa ata si Jace eh" ani ni Ivler.    "Hala di nga Jace, mag usap nga tayo mamaya iseseminar kita para matuto kang umawra, Joke lang,"  sabi ni  Strawberry.    Natawa silang lahat sa sinabi ni Strawberry samantalang hiyang-hiya na si Jace sa mga nadidinig.     "Okay tama na yan magtrabaho na tayo," sabi ni Grecko na nakaismid.       Muli na naman pinainit ni Ivler ang buong studio sa makalaglag na panty at signature pose nito. Sa tuwing magpoproject si Ivler ay madalas itong tumitingin kay Jace. Hindi ito nakatakas sa paningin ni Marky kaya medyo ikinasira ito ng mood niya.                                         ********    Lunchtime          Sa isang fine dining restaurant nagpareserve si Jace para makapag lunch out ang magazine staff at mga taga publishing, first time itong mangyari na isama sa ganitong pagkakataon ang mga taga publishing  dahil malayo nga ang loob ni Grecko at matagal na niya itong gustong idissolve. Kaya sobrang saya ng atmosphere,  isang buong napakalaking pamilya sila na ngayong lamang nagkabonding.       Sa loob-loob ni Grecko ay masaya siyang nagkatipon-tipon ang lahat ng employee lalo na kong matutuloy ang paglipat na sa tinatapos na building. Wala naman kasing iba pang hinahangad si Grecko kundi ang magtagumpay ang business niya.          Minamasdan ni Jace sa malayo na may sumisilay na ngiti sa bibig ni Grecko, Noong mga bata pa sila noong huli niyang nakitang nakangiti si Grecko. Nang mapatingin sa kanya si Grecko at bigla niyang nailalayo ang kanyang paningin.      Nagsipag upuan na ang mga lahat ng employee lahat ng lamesa pang anim na tao lamang. papalapit si Jace sa grupo nila Porsie kaso puno na, ganoon din sa lamesang kinauupuan nila. Isang bakanteng upuan ang nasa lamesang kinauupuan ni Aria kasama ang kanyang sidekick, ang lalaking masungit na layout artist. Alam ni Jace na hindi maganda ang trato ng mga ito sa kanya pero nagbakasakali siyang maki share ng table sa kanila, sapagkat hindi naman niya dinadamdam ang mga ginagawa nito sa kanya.     "Hi guys puwede makishare ng table sa inyo?" nakangiti pa si Jace ng sabihin ito.     "Ano kamo? You makikishare with Us ng table? hindi ka nababagay kasama namin," masungit na sabi ni Aria.      "Dito uupo si Sir Lance kaya shu, shu!" saad ng lay out artist na sumesenyas pa ang kamay na lumayo si Jace.     Kaya lumayo na lang sa kanila si Jace at habang patungo sa pang two sitters na lamesa o pang couple naririnig niya ang mga sinsabi nito. sadyang hindi talaga siya tanggap ng mga taga Fit & Glam Magazine.      Nag umpisa na silang lahat kumain, masaya pa silang nagkukuwentuhan tinatanaw sila ni Jace na masayang nagkukuwentuhan. Samantalang siya ay nagiisa at walang kasama.    "So take my advice, Grecko pumunta ka na sa business conference and bring the proposal,  malaking tulong din yun kung maibibigay sayo na ipamimigay na support ni Chairman Mao," kumbinsi ni Marky     "Pinagiispan ko pa nga ng mabuti, puwede ko naman din kasi ibenta itong property na kinatatayuan ng office natin nasa 12 Million din yun,"     "Yan ay kung papayag si tita sa plano mong yan, Good luck, at taning masasabi ko na lang save your company not your pride,"     "Okay Brad lets have a deal kung pupunta ka  Grecko ng Business conference, Im willing to join in your team, mag iinvest na rin ako sa company mo," wika ni Ivler.     "Brad no way, seryoso ka ba?"     "Ako din, Bilang magkakaibigan tayong lahat,  mag iinvest na rin ako, pero Brad pumayag ka na kasi its for your own good , imagine the 10 Million support sayang di yun,"      "Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ba talaga kayo eh sige na nga pupunta na ko,"      "Sa wakas napilit ka din," wika ni Ivler.         "I think nakapag usap na tayo ng maigi about this, excuse me at may iba pa kong business na aasikasuhin," Kinuha ni Marky ang kanyang plato at baso at lumipat sa lamesa ni Jace.     "Anong business mayroon ang dalawa?" tanong ni Grecko nang makita niyang nag uusap si Jace at Marky.     "Teka mukhang aagawan pa ko nun ah, maiwan muna kita dito Grecko," ganoon din ang gagawin ni Ivler.     "Crazy guys!" sumimangot si Grecko ng lumipat ang dalawa papunta kay Jace. Samantala...      Takaw na takaw na kumakain si Jace sa napakasarap na rosy steak at salmon na first time niya makatikim na sobrang sarap na pagkain at may kamahalan ang presyo.    "Hi Babe pasensya na ngayon lang kita nasamahan dito nag-usap pa kami nila Grecko,"    Halos masamid si Jace sa pagkakabigla sa pagdating ni Marky sa table niya.    "Oh dahan-dahan lang kasi," wika ni Marky.    "Mind you if I join you here," sabi ni Ivler.     Nagugulat si Jace sa pagdating pa ni Ivler, nahihiwagaan siya ikinikilos ni Ivler hindi na nga niya alam ang gagawin kay Marky daragdag pa itong si Ivler , Nauutal siya sa dalawang gwapong lalaki na nasa harapan niya ngayon na nagpapakita ng sweetness at binibigyan siya ng special attention.     "Nakakagulat naman kayong dalawa," wika ni Jace.     Dobleng kaba ang nararamdaman ni Jace kaya idinaan na lang niya sa pagkain ng steak upang maging kampante sa harap ng dalawa. Kahit sino man ay kakabahan kapag nasa harap niya ang dalawang crush niya.     "Sarap na sarap ka sa steak ah, kung gusto mo kainin mo lang din itong akin," sabi ni Ivler.     "Itong akin na lang ang kainin mo Jace,  mas masarap yun akin kaysa kay Ivler hehe," sabi ni Marky sabay ngiti ng makahulugan.     "Tol iba na ata yan sinasabi mo eh, tandaan mo virgin pa daw si Jace,"     Napangiwi naman si Jace sa tinatakbo ng usapan ng dalawa.     "Dinig ko nga kanina," sabi ni Marky.     "Ano ba yan mga Sir topic ninyo, nakakaloka po kayo," protesta ni Jace sa dalawa.    "Totoo nga ba Jace?" tanong ni Marky.    Hindi pa rin sinasagot ni Jace ang tanong sa kanya.    "Ibahin na lang natin ang tanong naasiwa na ata si Jace," saad ni Ivler.    "Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend Jace," tanong ni Ivler.     Namumula na si Jace sa harap ng dalawa habang ang dalawa naman ay excited sa isasagot ni Jace.     "Naman Sir eh kailangan ko ba sagutin mga tanong na yan,"    "Gusto lang namin malaman," serysosong tanong ni Marky.    "Kayong dalawa talaga Sir eh, A-ano ahmm,,," halos matunaw na sa kaba , hiya at kilig si jace sa dalawa.   "So Wala pa nga, at ibig sabihin niyan virgin ka pa nga hahahaha" sabay na wika ng dalawa sabay hagalpakan pa ng tawa,  di maintindihan kung pinagkakatuwaan na ba nila si Jace o natutuwa sila na sila ang makakauna dito,"       Sa lakas ng tawa ng dalawa napatingin sa paligid si Jace. Nakuha pa mag apir ang dalawang loko loko.    Kainis nakakahiya na pinagtitinginan na ko ng lahat dito nakakaasar tong dalawang 'to.    Akmang tatayo si Jace na pinigilan ng dalawa. Grecko pov     "Ang landi talaga tingnan mo oh," wika ng side kick ni Aria.    "Kala mo ang ganda ganda eh ang pangit pangit naman if i know pinagkakatuwaan lang nila Sir yan panget na yan," saad ni Aria.    "Ano siya mascott ganoon?" singit ni Porsie.    "Excuse me ha maganda ang kalooban ni Jace kung titingnan mong mabuti maturuan lang ng tamang pag aayos sa sarili si Jace at mawala lang ang pimple niya cute siya."     "Actually baks kumukunti na pimples niya hindi katulad noon mag umpisa siyang magtrabaho ang dami talaga,"        "Maganda ang kalooban ni Jace hindi katulad ng iba dyan panget na nga pangloob pati din panglabas na anyo," mataray na sabi ni Barbs.     "May pinariringan ka ba baklang bansot," wika ni Aria.     "Wala naman sana lang tumitingin din tayo sa salamin bago pumuna ng iba," patuloy ni Barbs na pa simpleng sinasaway nila Carla at  Rebecca.     "Ah basta pag magkaroon ako ng time aayusan ko yan si Jace imamakeover ko sya," patapos na sabi ni Strawberry para matigil na ang namumuong tensyon.     Masakit na sa tenga ko narinig ko.     "Itigil niyo na yan, nandito kayo sa company ko para magtrabaho hindi sa ano pa man ibang bagay," saway ko sa kanila dahil naiinis na nga ko sa nakikita kong pagiging madikit ng dalawa.     Ano bang mayroon sayo Jace at natutuwa sila sayo bakit hindi ko magawang hindi mainis sayo.     "Magtrabaho na ulit tayo!!!," sabay alis ko sa kinauupuan ko umiinit ang ulo ko sa nakikita ko.                                   ************ Next chapter (sneak preview) Scene 1:      Nabunot ang pangalan ni Jace ang nag iisang empleyadong makakasama ni Grecko sa business trip sa Tagaytay dahil hindi makakapunta si Marky. Scene 2:     "Manong Bakit po kayo nandito?" nakalabas na po kayo ng hospital?"     " At  dahil may utang na loob ako sayo at gusto kitang pasalamatan ibibigay ko sa inyo ang 10 million support sa company ng amo mo.    "Mr. Grecko would you like to say thank you sa employee mo?"       scene 3: (The bed Scene)     "Sir Grecko tama na sa pag inom lasing na lasing na kayo ang bigat ninyo,"         "Sobrang saya ko lang kasi lets celebrate pa,"    "Sir matutumba tayo sa kama!!!"     "Aray ko Sir ang bigat ninyo!"    "I love you, Jc bakit ayaw mong sabihin ang totoong ikaw si Jc," pagkasabi nito sinabasib ng halik ni Grecko ang mga labi ni Jc. Next chapters      "Si jace ba yan bakit ang pogi na niya ngayon? Wika ni Janice.      "Gaga maganda bakla kaya siya," Pagtatama ni Strawberry,"                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD