Jace pov
Bago ko imulat ang aking mata naramdaman ko na sobrang lamig ng kuwarto parang naka full ata ang aircon dahil sobrang lamig maski ang ang unan ko na sobrang lambot at comforter ay napakalamig.
Pero teka comforter wala naman kaming comforter dito sa bahay ang mayroon lang kami ay manipis na kumot dahil mag iisang taon ko ng gamit ito na di pa napapalitan ng bago, at maski aircon ay wala din, hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata pero nakakapagtaka bakit nasa malaking kama ako.
"Hmmmm" ungol ng lalaking nakahiga din sa kama. Napagtanto kong may katabi pala ako.
Natulog akong may katabi? eh simula noon mag higschool ako ay humiwalay na ko ng kwarto sa mga kapatid ko. Kung noon ay nakikishare pa ko ng higaan sa baba ng double deck katabi si bunso. Ngayon na may sarili na kong kuwarto simula noon ay wala ni isa sa kanila nakitulog sa higaan ko. Ano ba tong nangyayari kaya dahan-dahan kong iminulat ko ang aking mga mata nang may mabigat, matigas na bisig at braso ang dumantay saking tyan.
Nagulat ako nang makita ko ang tulog na si Grecko na nasa tabi ko. Muli na naman akong nabighani sa kanyang kagwapuhan sobrang tangos ng ilong niya, makakapal ang mga kilay at ang kanyang pilit mata ay nakakaaliw mahahaba ito kahit manipis ang tubo. Di rin nakatakas ang maliliit na tubo ng kanyang balbas sa kanyang baba na lalo nakapagbigay ng emphasize sa kanyang jawline.at ang kanyang labing mamumulamula kahit may pagka moreno.
Napakasarap siguro dumapo ang mga labi at balbas nito kung iimagine mong hinahalikan ka ni Grecko. Naakiliti pa ko sa leeg nang maimagine kong hinahalikan niya ko. Patuloy pa ko sa pagtingin kay Grecko nahagilap ng mga mata kong nakalitaw ang malapad na balikat at likod nitong maskuladong-maskulado dahil namumutok ang mga muscles nito.
Teka bakit siyang damit pang itaas marahan kong iniangat ang comforter na tumatakip sa nakadapang si Grecko. Wala rin itong suot na brief. nanlaki ang mga mata ko ng mabatid kong wala din akong suot kahit ano. Nashock ako at napasigaw pero mabilis kong natakpan ang aking bibig upang hindi siya magising.
"Hmmmm," muling ungol ni Grecko na patuloy na natutulog dahil doon sa takot kong magising siya at matuklasan na ganoon ang ayos namin. Umusog ako ngunit nalaglag ako dahil nasa dulo na pala ako ng kama. Ang sakit ng sahig. Sinalo nga ko ni sahig sa pagkakahulog ngunit ang sakit naman.
"Aray ko, ang sakit ng balakang ko," daing ko.
Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahulog nakita ko na may bahid ng dugo ang nahigaan kong bathrobe. Kinuha ko yun at sinuri ko saan galing yun mula sa sahig ay naupo ako biglang kumirot ang aking pang upo.
"Aarrgh ang sakit ng puwit ko,"
"May nangyari ba samin ni Grecko,"
Inalala ko ang nangyari kagabi, tama lasing na lasing si Grecko ng ihatid ko siya dito sa kuwarto. Nang ihihiga ko siya sa kama ay bigla na lamang niya ko hinalikan, hindi ako makapaniwalang hahalikan ako ni Grecko ang sarap ng kanyang mga labi masuyo at malikot ang kanyang labi. Napaka passionate at napakainit, kinabig niya ko palapit nang idiin pa niya sakin ang kanyang mga labi, mabuti na lamang ay nakayakap ako sa kanya dahil lakas ng pwersa niya at bigat ng katawan dahil sa kalasingan. Naging mas mainit pa at malikot ang kanyang mga labi. Tangay na tangay na kami ng init ng aming katawan na aming pinagsasaluhan lalo ng gumapang ang kanyang mga labi mula sa aking mga panga hanggang leeg .
"Grecko," sambit ko ng kanyang pangalan ng tila para akong hinehele sa sarap na idinudulot ng kanyang mga labi.
"uhmmm," tugon ni Grecko habang ang mga kamay niya ay gumapang sa saking bewang.
Tila kinikilabutan ako sa bawat pagpihit ng kanyang mga daliri sa aking balat. Maya maya pa ay itinaas niya ang laylayan ng aking tshirt at mabilis na hinubad.
Muli niyang itinuloy ang pag angkin saking mga labi. Sunod sunuran na lang ako kay Grecko nang dahan dahan niya akong ipinipihit papalapit sa kama magkadikit pa rin ang aming mga labi nang maingat niya akong hiniga sa kama.
Lumayo sakin si Grecko at isa-isang hinubad nito ang kanyang damit. Magmula sa necktie, suit ang polong puti, naeexcite ako sa susurpresa sakin habang isa-isa nitong tinatanggal ang mga butones, una kong nakita ang maumbok nitong dibdib at malalaki niyang u***g. Tila inaapoy na ko sa lagnat nang makita ko ang kanyang alaga sa gym niyang pangangatawan, lalo pa kinasabikan ng isa isa kong bilangin ang kanyang abs.
Saglit na ngumiti sakin si Grecko na lalo kung ikinabaliw nang tila nang aakit pa ito nang tanggalin niya ang kanyang sinturon at butones ng kanyang pantalon.
"OMG" bulong ko nang tignan ko ang v-line sa puson ni Grecko nang maibaba niya ang kanyang pantalon di ko maiwasan napalunok ng laway dahil doon. nanlaki ng husto ang mga mata ko sa sobrang laki ng bukol ng pangkabuhayan showcase,
Sumampa na ang mala Greek warrior na si Grecko na handa ng sumabak sa giyera nang....
"Jccccccccccccccccc!!!!!!!!"
"Gumising ka na dyan sabi mo sasamahan mo ko magdeliver ng mga binebenta ko, kilos na magsisimba pa tayo, puyat kasi ng puyat eh," sabay yugyog sakin ni mama na dahila para akoy maalimpungatan.
"Maguumpisa pa lang ang giyera!" sabi ko ng antok na antok pa ko ni ayaw pang dumilat ng kusa ang mga mata ko.
"Anong giyera pinagsasabi mo dyan?" sabay alis ng kutinan at bukas ni Mama ng bintana para pumasok ang liwanag ng araw sa kuwarto ko.
"Inaantok pa ko Mama,"
"Pag di ka bumangon dyan ikaw lang maiiwan dito, at saka nga pala ikaw na bumili nitong sabong order sakin na bogus ako eh, di na ko sinipot mg bibili at di ko na rin makontak, maganda yan sabon na yan nakakatanggal ng mga pimples para kuminas naman pisngi mo" sabay alis ni Mama sa kwarto ko
"Naman eh inaantok pa ang tao" naupo muna ako saglit at saka inalala ang panaginip ko.
"Kaloka naman panaginip yun parang totoong totoo, hayys si Mama talaga istorbo", sabay kuha ko ng mga toothbrush toothpaste at towel para maligo.
"Magkano ba tong sabon Ma?" sigaw ko.
"China pa ata gawa tong sabon ah baka peke to,"
**********
Matapos magsimba ng buong pamilya ni Jc hapon na siya umalis ng bahay upang tumuloy sa kanyang lakad.
Dala dala ni Jace ang isang envelope na naiwan ni Manong noong maiwan ito sa bangko. Pinuntahan niya ang isang hospital kung saan idinala ito ng takihin sa puso.
"Maoricio Shau-Chen po" sagot ko sa nurse.
"Room 503 po" sagot ng Nurse na pinagtanungan ko sa information.
Sumakay ako ng elevator patungong 5th floor kung nasaan ang kwarto ni manong. nang marating ko ang 503. Napahinto ako ng tingin sa isang lalaking papasok din ng kwarto ng pasyente.
"Akala ko si Sir Marky, Kamukha niya lang siguro," bulong ko sa sarili.
Tatlong beses akong kumatok sa pinto, tuluyang pumasok nakatingin sakin si Manong at isang babaeng nakasuot na formal wear na naka blazer ito ng itim at may hawak- hawak na laptop at ilang folders.
Nakakunot parehas ang mga mukha nila wari'y iniisip kung sino ako kaya nagpakilaka na din ako kaagad.
"Magandang Hapon po ako po si Jc kung hindi ninyo natatandaan manong ako po yun katabi ninyo sa bangko habang nakapila, naiwan po ninyo kasi ito," sabay wagayway ng brown envelope.
"Ah ikaw nga ikaw yun katabi kong maitim na kulot na tadtad ng taghiywat sa mukha," saad ni Manong
Grabe ka na sa akin author ah mga description mo sakin ayos na ayos.
"Naku Manong napakatalas naman ng dila ninyo grabe din kayo sakin,"
"Ah Ano yun may sinasabi ka ba iho," tanong ni Manong nang marinig akong bumubulong.
"Ah wala naman po Manong buti na lang naabutan ko pa kayo dito,"
"Naabutan na buhay?" patanong na sagot ni Manong
"Ah hindi po ang ibig kong sabihin bago po kayo idischarge na, Heto na po yun naiwan ninyo," sabay abot ko ng brown envelope.
"Iho maraming salamat naisauli mo sakin itong mga dokumento, sobrang mahalaga sakin nito."
"Kaya nga po isinauli ko na sa inyo pasensya na po kung kailangan ko pong tingnan ang loob para malaman ko yun pangalan ninyo at buti na lamang po may ID ninyo."
"Maraming Salamat talaga iho, Shane kunin mo bank account niya bigya mo bigyan mo siya ng pera,"
"Naku huwag na po ang pagtulong po sa tao dapat walang hinihintay na kapalit,"
Teka pang ilang beses ko na ba sinasabi ang linyang ito noon una doon sa ginang, pangalawa kay Sir Ivler. Tapos ngayon..
"Iho di mo alam kung gaano kahalaga nitong ibinalik mo sakin kaya nagpapasalamat ako ng labis sayo,"
Mabait naman pala si Manong kala ko may pagka suplado ito.
"Ano nga pala pangalan mo iho, napakagaan na ng loob ko sa iyo sana hindi pa ito ang huli natin pagkikita, umaasa akong magkikita pa tayo,"
"Jc po Jace Christian Morales po, kamusta na po pala pakiramdam ninyo,"
"Okay na okay na ko iho tinanggalan na nang bara ang puso, ang dami na kasing cholesterol sa katawan kaya ayun pati sa puso at ugat mga nagbabara na,"
"Mabuti naman po kung ganoon, sige po hindi ko na po aabalahin ang pamamahinga ninyo magpagaling kayong mabuti,"
"Salamat iho, mag ingat ka sa pag uwi,"
"Kayo din po huwag na kayo lalakad po ng mag isa at mag ingat din po kayo," paalam ko habang papasara ng pinto.
"Di kainaman ang mukha pero napakaganda ng kalooban niya, Shane hanapin mo nga nag detalye sa batang iyan kahit ayaw niya kailangan maaubutan natin siya ng aking pasasalamat,"
"Sige po Chairman Mao,"
****************
"Sir Marky?" nagulantang ako paglabas ng pinto nang magkita kami sa pasilyo.
"Jace, bakit ka nandito? Sino binisita mo?" sunod-sunod na tanong ni Marky sakin.
Hindi ako kaagad nakapagsalita ng mamasdan ko ang mukha ni Sir Marky tila mas lalo siyang gumagwapo araw-araw, nag umpisa na naman maglaro ng tambol ang puso ko sa kaba at kilig. Pumikit ako para sanadaling makapag isip labanan mo Jace kung ano yan nararamdaman mo,
"Jace?"
"A-ah K-kakilala ko lang Sir Marky, Kayo po?" mautal-utal kong sabi.
"Ang Daddy ko nagkasakit siya pero okay na siya ngayon," aniya.
"Mabuti naman kung ganoon mahirap magkasakit,"
"Jace uuwi ka na ba o may pupuntahan ka pa bang iba?"
"Sana, pero mukhang maaga pa ata para umuwi ako ng bahay,"
"Ihatid na kita kung uuwi ka na pero gusto mo bang mag stroll muna tayo sa mall o kung saan mo gusto,"
"Hmm, Sige puwede naman."
"Yes, Yes salamat Jace yahoo!" parang bata ito nagdiriwang sa saya.
"Sir baka makaistorbo tayo ng mga pasyente,"
"Eh kasi kagabi di ba inaaya kita kaya ngayon pumayag ka masayang masaya ako,"
"Naku tara na nga Sir baka masita pa tayo dito," nag umpisa na ko maglakad baka may mga security guard o hospital staff ang dumating para sawayin kami.
"Uy saglit huwag mo kong iwan,"
Pumunta kami sa mall ni Sir Marky , inaya niya ko kumain sa isang kilalang buffet na restaurant, madami kaming nakain na eat all you can na restaurant bagamat kamay kamahalan ito sulit naman dahil samut saring pagkain ang sineserve ng pagkain nito may sushi, steak, lobster, caviar at maski peking duck ay mayroon.
Masaya silang kumakain habang panay ang kuha ng litrato ng mga ito para ipost sa kanilang mga social media accounts.
Habang sila ay kumakain ay nagulat si Jace sa kanyang binabasa sa kanyang phone.
"Oh bakit?" tanong ni Marky.
"Pinost ko kasi yun ginawa kong story sa page ko nakakatuwa ang daming reaction at comments na nagustuhan daw nila yun kwento ko,"
"Patingin nga,"
Nang maiabot ni Jace ang phone niya kay Sir Marky agad itong iniscroll ang napakaraming komento sa kwento ni Jace.
"Oo nga ang maganda ang feedback ng mga readers mo sa story mo may may mga nagrerequest na ng continiuation, tapos heto pa may gustong kumausap sayo na gusto makipagdeal, basahin mo,"
Pumapalakpak pa sa tuwa si Jace sa
ng mga oras na iyon, nang mabasa niya ang offer ng isang reading platform app ay bigla itong napahinto at nag isip.
"O whats the matter bigla ka na lang tumahimik,"
"Kasi naisip ko kasi, kung tatangapin ko yun offer baka magalit si Sir Grecko di ba pag nalaman niya."
"Alam mo Jace it doesn't matter kung malaman ni Grecko yan success ng story mo, First admin assistant ka niya sa company niya not writer, you did not signed any contract na later on lilipat ka sa pagiging writer, Second online naman yan , ang kay Grecko publishing ay gumagwa ng libro, so puwede din yan story mo maging libro talaga kung gugustuhin ni Grecko. O ng gugustuhin mong publishing company na maging libro na ang story mo.
"Aaahh na gets ko na,"
"Oo nga pala, I hope you dont mind kasi naging topic ka namin kanina sa gym ,narinig kong nakita ka daw ni Grecko umiiyak pero di naman sumasagot si Ivler kanina, You know hindi sa pagiging tsismoso but im concern about you, bakit nga ba umiiyak ka noon last night?"
Hindi makaimik si Jace sa tanong ni Marky kaya naging tahimik ito habang nasa loob sila ng restaurant, halatang halata na naging matamlay si Jace kaya nag isip ng paraan si Marky para maiba ang mood nito.
************
"Halika na dali maguumpisa na iyon," hawak ni Marky any kaliwang braso ni Jace habang tumatakbo sa gitna ng malaking park.
"Teka Sir Marky hinihingal na po ako," sabi ni Jace na halos madapa na sa pagkakahatak ni Marky
"Malapit na tayo dali mag uumpisa na," wika ni Marky
"5 4 3 2 1,"
Sabay sabay na sigaw ng mga taong naroon sa gitna ng park upang sindihan ant Fireworks display ng organizer ng event.
Napangiti na si Jace habang nalatingalang pinanunuod ang makukulay na liwanag ng fireworks.
"Buti na lang nakaabot tayo," wika ni Marky na patuloy na nanunuod ng fireworks.
Napatingin naman si Jace kay Marky sa pagkakasabi nito sa kanya, napadako ang tingin niya sa kamay niya ng hawakan ng mahigpit ni Marky ang kamay niya. Gusto man niya kumawala sa pagkakahawak ng kamay niya ni Marky, ngunit lalo pa itong humigpit ang kamay. Masaya nilang tinapos ang fireworks.
Matapos ang madiskarteng pamamaraan ni Marky sa pakikipagdate ng biglaan ay hinatid ni Marky si Jace sa kanyang bahay dahil inabot na sila ng alas onse ng gabi. Nagapapaalam na sana si Jace bago bumaba ay....
"Jace may ibibigay ako sayo," sabay bukas ng ilaw ni Marky sa loob ng sasakyan niya. Nakita ni Jace ang isang napakalaking teddy bear sa likuran ng sasakyan.
"Para sa akin yan, per...."
"Wala nang pero pero hindi mo pa halata Jace na gusto kita at heto domo-double effort na ko sayo para mangligaw,"
"Sir Marky, Ano po yan sinasabi ninyo?"
"Sinasabi ko? Na may feelings ako sayo hindi ba malinaw sayo at sana hindi ka magbago tanggapin mo na ko huwag ka nang umarte pa haha,"
Naman to si Sir Marky nandoon na eh nakakakilig na sabay umandar na naman ang kapilyuhan niya.
Napangiwi ako sa huling sinabi niya kaagad niya itong napansin kaya dali naman siyang bumawi sa akin.
"Jace, alam ko and I admit na may pagka-naughty, makulit at alaskador ako minsan because im a happy person pero yun nakikita mo sakin dati na inaasar asar kita at napakapilyo ko. Seryoso naman din akong tao and Im deeply, dead serious about you."
Hinawakan muli ni Sir Marky ang kamay ko, at nanlaki ang mata ko ng dadalhin niya sa kung saan ang kamay ko,
Omg huwag sa bukol na yun
Itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya.
Nakahinga ako ng maluwag doon
"I won't say anything more dahil baka nabibigla ka sa pagiging sweet ko sayo nitong mga nakaraang araw, I will not explain further but i hope you will listen sa sinasabi ng puso ko."
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Omg nakakamatay sa kilig ang lalaking ito parang gusto ko na siyang yakapin.
Hindi ko na namalayan na papalapit na ang mukha niya sa mukha ko kaagad akong nakaiwas ng marinig ko ang tunog ng gate namin.
"Kukunin ko na itong teddy bear ah" na pilit jong kinukuha mula sa likuran.
"Teka hindi yan magkakasya dyan buksan mo na lang yun pinto ng kotse sa likod,"
"Sorry naman excited lang,"
Napangiti na lamang si Sir Marky sa nasabi ko ipinagbukas niya ko ng pinto sa likod ng kotse at siya na din ang kumuha para iabot sakin ito.
"First time ko makatanggap ng ganito salamat Sir.."
"Marky na lang lang o babe haha, Hindi naman kita empleyado para tawagin mo kong Sir,"
"Oo nga nuh tama ka,"
"Ipakilala mo ko sa susunod sa family mo ah,"
"Ha paano hindi pa ko nagkakaboyfriend kahit kailan,magugulat sila,"
"I will remember this day na di ka pa pala nagkakaboyfriend haha,"
"Umaambon na papasok na ko, inaasar mo na naman ako,"
"Sorry na babe, pasok ka na at umaambon na,"
Nang lumalakas na ang ambon mabilis ng pumasok ng sasakyan si Marky at ganoon din ako hirap na hirap ako sa pagkarga ng malaking teddy bear na ito sa loob ng gate namin.
Kumaway ako kay Sir Marky at siya naman busina ng kanyang sasakyan at tuluyanng umalis.
Pagkapasok ko sa loob ay napanganga sila Papa, Mama at mga kapatid ko sa pagdating ko.