Best sundan mo ko sa cr mag usap tayo
Message na galing kay Best Gab ng tingnan ko ang phone ko, kaya ang kaba ko na nasa dibdib ko ay umabot na hanggang ulo o anit ko.
Pagkatapos ko basahin ito napatingin ako kanila Grecko at Ivler na magkausap, Nagpaalam si Best kay Grecko na magpupunta ito ng Cr atubili akong sumunod dahil parang alam ko na hindi maganda ang sasabihin ni Best sakin. Tila nababaliw na ata ako sa mga oras na ito. Nagpaalam din ako kay Ivler na magsi Cr din. Magmula kanina pa ay hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko.
Nagdadalawang isip pa rin ako kung susunod ba ko o hindi, mabait si Gab pero pag seryoso ang mukha niya o di maipinta ang pogi niyang mukha masama na ang tinatakbo ng mga bagay bagay kapag ganoon.
Napahinto ako ng masalubong ko ang isang waiter o server, umatras ako para magbigay daan, ngunit sa halip siya naman ang umatras para ako'y makadaan. Sumulong naman ako para sundan si Best Gab pero nag aalinlangan talaga ako kaya napahinto ako. Napatingin ako kay kuyang waiter na umaatras at umaabante na ngayon ay nagpapatawa na sa mga kapwa waiter. Tila sumasayaw na ito ng Chacha sa lagay namin. Nagsisipagtawanan naman ang mga katrabaho niya kaya...
"Ano ba kuya, natataranta na nga ko eh," sabi ko habang nakangiwi ang mukha kong susunod kay Gab.
Pagkapasok ko sa Cr nakasandal si Gab sa sink nakabusangot ang mukha kaya naman mabilis akong nagpaliwanag sa kanya.
"Best pasensya na hindi ko alam na dito din ako dadalhin ni Ivler yun yun kasama ko," mautal utal kong sabi.
"Nawalan din ako ng load kaya hindi kita nasabihan na magkakakita kita tayo," saad ko na parang hinahabol ng aso sa bilis ng aking pagsasalita.
"Best wait lang, itigil na natin ito puwede," huminga pa ito ng malalim ramdam ko na tense na si Best Gab sa mga nangyayari.
"Can't you see Best sa mga mata ng Grecko mo ang lagkit-lagkit na niyang tumingin, tapos may bigay na naman siyang necklace,"
"Ayaw ko mag conclude at mag assume Best, sabihin na natin ang totoo na nagpapanggap tayo na ako ikaw bago mapunta pa ito sa kung saan," aniya
"B-best di ko kaya baka magalit siya sakin, wika ko
"Ano gusto mo magalit siya sayo ngayon o magalit siyang matagal mo nang niloloko? Gulo to Best may jowa ako. Ano sasabihin niya kapag nalaman niya itong kalokohan natin, pangalawa sinasabi ko na nga ba eh yun maldito mong Boss ay si Grecko na yan.
"Pasensya na Best ipinasok kita sa problema na ito, hindi ko lang kasi talaga kayang nakikita kong malungkot si Grecko,"
"Best hindi ako nagagalit, sorry kung napagtataasan kita ng boses ngayon, ayaw ko lang na masaktan ka at later on ikaw din ang mahihirapan, pumayag ako sa gusto mo kaya huwag ka mag alala parehas natin aayusin ang gusot na 'to,"
"Sorry talaga best," sabay punas ko sa namumugto kong mga mata.
"Kaya natin to Best, ayusin mo na sarili mo baka makahalata pa yun kasama mo, mauna na ko baka makahalata na sila,go na."
Iniwan ako ni Gab sa Cr kaya nag ayos na ko ng sarili ko, pinunasan ko ang mga luha ko pati ang salamin sa mata ko. Huminga ako ng malalim, sabay wisik-wisik ng mga kamay ko at mga daliri.
"Kaya mo to Jace, hihingi lang ako ng tawad kay Grecko, Sana magawa ko to."
Sabay labas ko ng Cr.
Pagkabalik ko ng table kung saan kami kumakain ni Ivler, napagdesisyon pala nilang mag sama na lang sa iisang table sapagkat habang natagalan kami sa cr ni Best panay pala ang pag uusap nila.
"So I was saying uumpisahan na natin gawin yun december issue," sabi ni Grecko.
"Ahm puwede ko ba irequest na si Jace ang gusto kong maging personal assistant ko during na ginagawa natin ang magazine," nakangiti pa si Ivler habang sinasabi ito.
"Y-yeah of course if you really want, pero madami naman sa staff ko puwede mag assist sayo so why si Jace pa, na wala pang working experience sa magazine."
"Hindi kasi ko comfortable sa ibang staff mo, si Jace kasi sobrang bait and at ease ako sa kanya. palagay ko matutunan niya din ang trabaho sa magazine mo."
"Magaling naman yan kaibigan kong si Jc, kayang kaya niya yan at ibinibigay niya lahat ng best niya sa work niya," wika ni Gab na halos gusto ko ng mawalan ng malay sa pag lift up niya sakin ni Best.
Lagi naman ganyang ang bestfriend ko ibinibida niya ko sa lahat ng mga kakilala. Shock lang talaga ako dahil mukhang desidido at na ata maawat para ipaalam amg katotohanan.
"What did you say? kaibigan mo si Jace?" paglilinaw ni Grecko.
"Yes, Grecko matagal na kaming magkaibigan kami ni Jc,"
Habang nagsasalita si Gab ay parehas naman nakatingin samin si Grecko at Ivler.
"Pasensya na kung di ko po kaagad nasabi sa inyo Sir Grecko, magkaibigan po kami," dugtong ko.
"Your acting weird guys, magkakakilala pala kayo pero di ninyo agad sinasabi," at this time medyo nagiba na ang itsura ni Sir Grecko.
Basta talaga may kinalaman sakin bad shot palagi hayyys.
"Great reveal ah nice one, you make this night a little bit shocking haha, pero napakaliit na bagay lang naman yan,"
"Grecko may sasabihin sana ako importante, can we talk in private," sabi ni Gab.
Muntik na kong mabulunan nabigla ako sa tinuran ng bestfriend ko, sumabit ata sa lalamunan ko yun steak na di ko masyado na slice.
"Uhm sige," sumilay ang ngiti ni Sir Grecko at na-weirdohan ako sa reaction niya.
"Uhm water oh, dahan dahan lang Jace," sabay abot sakin ng tubig na sa baso ni Sir Ivler.
"Salamat Sir Ivler,"
"Are you okay now?" tanong niya sakin ni Sir Ivler habang hinihimas himas ni best ang likod ko.
Nang makatapos na kaming kumain. Halos hindi ko pa rin magawang pakalmahin ang sarili ko.
kitang kita ko sa mukha ni Gab na determinado siya sa gagawin niya samantalang ako ay parang tila babasahan ng parusa ng korte dahil sa ginawa ko. Madami ang puwedeng mangyari at siguradong gameover na ang istorya kong ito, sa pangarap kong lovelife na hindi na matutupad kailanman.
Matapos makapag bill out ay nagpaalam muna si Ivler na magsi-cr.
"Doon na lang tayo sa parking may sasabihin din ako,"
Kaagad na lumakad si Grecko palabas ng restaurant at patungo sa parking.
"Best kinakabahan talaga ko sa gagawin natin puwede bang hindi na lang tapos hindi na natin gagawin ang makipagkita pa sa kanya,"
"Tapos kukulitin mo na naman ako, hindi mo ba narinig kanina may sasabihin din siya parang alam na niya sikreto natin kaya halika na,"
Lumakad na rin si Gab patungong parking habang ako naman ay nilingon ko ang parte ng restaurant naroon ang cr, nakita ko kasi iniwan ni Ivler ang phone niya sa table namun. Kaya hinintay ko pa si Ivler na makalabas na ng Cr para mabalikan nito ang phone niya. Kung susunod kasi ako kay Gab baka may ibang kumuha ng phone niya.
**********
Pagkarating ko sa parking ay kaagad kong inilibot ang aking mata para hanapin sila Best at Sir Grecko, ayun naroon sa may dulo ko sila nakita. Nakasandal si Sir Grecko habang papalapit si Best. Nang makarating na si Best sa kinatatayuan ni Sir Grecko, huminto muna siya at hinahanap ako dahil ipapaalam na namin ang totoo kasabay ng paghingi ng tawad ko. Nagulat akong kinabig si Best ni Sir Grecko at bigla niya itong hinalikan sa labi. Hinawakan pa ni Sir Grecko ang magkabilang pisngi ni Gab habang ginagawaran ng halik.
Heto na naman ang slow motion na eksena, lahat na ata ng palabas at storya sa nobela ay may ganitong pa slow motion. Pero ito na ata pinakamasakit sa lahat ng slow motion ang makita mong hinahalikan ng pinakamamahal mong tao ang kaibigan mo, bakit sa lahat ng tao ang kaibigan mo pa ang nagustuhan niya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ko ang kanilang halikan, Hindi ko malaman bakit ang tagal ng halik na iyon, ano bang nangyari kay Gab sa bestfriend ko. Bakit hindi siya kumakawala kay Grecko. Nakikita ko silang magkadikit ay parang kutsilyo bumabaon sa puso ko, halos manuyo ang lalamunan ko at di ako makapagsalita. Pati ang mga paa ko ay di ko magawang maihakbang para awatin sila gusto ko sila lapitan para magprotesta pero wala naman ako karapatan para gawin yun, napakasakit ang nakikita ko maya-maya nakaramdam na lang ako ng panginiginig ng mga braso at balikat ko, umiinit ang mukha ko tila kakapusin ako ng hininga sa dibdib. Isang iglap rumagasa ang napakaraming luha ko pababa saking pisngi walang tigil ito sa pagdaloy sobrang sakit nang nasisilayan ko. Tila may sasabog na bomba sa dibdib ko nang di ko na makayanan ay saka na lamang ako nakagalaw.
Pagtalikod ko saktong nasa likuran ko si Sir Ivler. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wari'y nagtatanong kung ano ang nangyayari. Pinunasan ko ang mga luha ko paulit-ulit habang humihikbi bigla na lamang hinawakan ni Ivler ang mga kamay ko hinila niya ko palayo sa kanila.
Hindi ako alam kung saan ako dadalhin ni Sir Ivler patuloy niyang hawak ang kamay ko, hindi ko inaalintana ang mga taong nakatingin sa akin na aming nasasalubong. Isang malapit na park ang hinintuan namin, naupo kami sa isang bench katabi ang malaking puno na may napapalamutian ng parol at christmas lights.
"Sir baka hinahanap na nila tayo?" ani ko.
"Sa palagay mo ba tama yan iniisip mo, haharap ka na ganyan na namumugto ang mga mata mo?"
"Dito muna tayo, ihahatid na kita sa inyo kapag okay ka na," patuloy ni Sir Ivler.
"O panyo,"
"Salamat Sir," wika ko na walang tigil ang pagpatak ng kuha ko.
Napatingin ako sa kanya na tumutipa sa screen ng phone niya.
"Sino ba sa kanila iiniyakan mo, huwag kang mag alala mapagkakatiwalaan mo ko,"
Ngunit umiling lang ako at nagsalita.
"Alam ko na si Sir Grecko mo nuh?"
Lumapit sakin si Sir Ivler sabay akbay niya sa balikat ko.
"Ganyan talaga pag first time mo ma broken heart sobrang sakit dahil unang experience sa buhay mo to eh, pero heto ang maipapayo ko sayo, sa susunod na magmamahal ka gamitin mo din ito (turo niya sa ulo ko) at huwag parating ito (turo naman niya sa puso ko), Gets mo ba,"
Matagal akong tinitigan ni Sir Ivler. Muntik na kong mawala sa sarili dahil sa napakagandang mga mata ni Sir Ivler.
"Kailangan mo siguro nito,"
Niyakap ako ng mahigpit ni Sir Ivler ng mahigpit, nahihiya man ako pero nakatulong ito para mapagaan ang hirap na nadarama ko.
"Alam mo Jace hindi mo deserve ang umiyak ng ganyan, Maganda ang kalooban mo sigurado akong makahanap ka ng taong magmamahal sayo, Huwag ka lang magfocus kay Grecko. Malay mo pagdating ng panahon magugulat ka na lang ibinigay na siya sayo ng Diyos,"
"Ano okay na ba pakiramdam mo, alam mo kanina pa ko nagtatanong di mo ko sinasagot,"
"Medyo okay na pakiramdam ko," sagot ko.
"Medyo lang hindi pa sapat yakap ko, siguro kailangan ko pa higpitan at tagalan yakap ko,"
Hindi na ko nakaiwas ng muli akong yakapin ni Sir Ivler pero at this time mas mahigpit na ang pagkakayakap niya sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan ang kiligin kay Sir Ivler, naamoy ko na din ang pabango sa suot niyang damit. Nasa gitna kami ng nakakilig na tagpo ng may mga dumaan na magkakaibigan sa aming harapan.
"Yuck dalawang lalaki nagyayakapan," sabi ng isang lalaki
"O bakit naiingit kayo? magyakapan din kayo kung gusto niyo,"
"Tara maka alis na nga dito," saad namang isa.
"Inggit lang kayo eh, masarap kaya ako yumakap, gusto ninyo pa ata halikan ko itong kasama ko eh," sabi ni Sir Ivler.
Di ko tuloy maiwasan mangiti sa mga sinabi ni Sir Ivler.
"Mabuti naman nakakangiti ka na, yang ngumiti ka lang Jace,"
"Salamat Sir Jace sa pagpapasaya at pagdamay ninyo sa akin,"
"Sinusuklian ko lang yun ginawa mong pagliligtas sakin, kaya magmula ngayon kung kailangan mo ng karamay, ill be your shoulder to lean on,"
************
Grecko's Pov
Nakasandal ako sa kotse ko naghihintay sa pag dating ni Jc, Im excited sasabihin niya at same with me. Excited din akong sabihin about my feelings to.
When i see him getting near, my heart is pumping like it was happen so long ago back when ng nasa States pa ko. Nainlove ako kay Trish, i think it was 4 years ago. She was a fil-am transferee siya from another school , we met in a party while drinking and we shared glances at each at ayun naging kami. Oops i have to end my reminiscing my past dahil tragic na nangyari. Saradong aklat na ito.
Malapit na si Jc kaya nagready na ko itinago ko na sa pocket ko ang breath freshner.
"Grecko may dapat kang malaman.."
Jc pause for a minute at tumitingin tingin sa paligid i dont know why, baka nahihiya siyang maunang magtapat sakin kaya ako na ang nag first move nilapitan ko siya ng husto.And saying...
"I really like you, I think im falling in love with you Jc,"
Lumapit pa ko para abutin ang kanyang mga labi at swak na nagtama ang aming labi, I was kissing him gently, his lips are so soft , it taste like a sweet cherry for me. Na parang lalo pang nagiinvite to kiss him more so i hold his face to kiss him passionately. Hindi man siya nagrereciprocate sa halik ko pero enough na for me na magtagal ang halik namin ng ilang segundo.
Tulala lang si Jc nang bitawan ko siya iniiexpect ko na maganda ang maririnig ko but..
"Nakita nila tayo," aniya habang nakatakip ng kamay niya ang bibig niya.
Inaalala ko paulit ulit ang nangyari kanina, Happy ako sa part na nahalikan ko si Jc sa wakas at nasabi ko sa kanya ang feelings ko pero kinda sad and puzzled after we kissed, wala naman na siya nasabi sakin at worried na worried pa ng makita kaming dalawa ni Ivler at ni Jace.
Speaking of an eyesore hindi ko maintindihan kung bakit nanunuod ang isang iyon, para talagang naive ang isang yun , how dare niyang manood ng dalawang taong may intimate moments. Parang ewan,
Bumangon ako sa kama para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade. Pagkahiga ko ay inunan ko ng mga braso ko at saka tumingala sa kisame.
Sunday pala bukas ayain ko kaya sila Ivler mag gym feeling ko na fully recharge ako sa kiss namin ni Jc. Matawagan ko nga si Marky. Pagka dial ko it wa busy and then i try again, busy pa din sino kaya ang kausap ni Marky.
***************
"Sa wakas sinagot mo din Jace, kanina pa ka tumatawag ah" boses ni Marky sa kabilang linya.
"A-a sorry busy kasi ako," sagot ni Jace.
"Busy ka pa din? May energy ka pa din buong araw na nagtrabaho tapos date after ang sipag mo talaga,"
"Oo Sir ganoon nga," di maiwasan mapasinga si Jace habang kausap si Marky sa linya ng phone.
"Teka okay ka lang ba, you sound parang galing sa iyakan crack voice kasi dating mo," tanong ni Marky.
"Hindi Sir, sinisipon lang ako,"
"Okay take med right away ah para gumaling na agad nagaaalala ko," napansin ni Jace na napaka sweet ni Marky.
"Yes, Sir at saka sipon lang to nuh,"
"Kahit na please take care of yourself, kasi i care about you,"
"Anong nangyayari sa inyo Sir at bakit nagpapaka cheezy kayo sakin,"
"Huh bakit masama lagi naman akong sweet sayo ah,"
"Hindi kaya lagi ninyo ko inaasar at saka napaka naughty ninyo,"
"luh kailan at saan naman nangyari yun,"
"Naku Sir sa daming ng beses mo ko inaasar baka abutan tayo ni haring araw sa dami,"
"Na ooffend ka ba sa gingawa ko?"
"Hindi naman gaano Sir kunti lang, kunting kunti na lang papataying ko na kayo," medyo naiinis na sa kakulitan ni Marky si Jace.
"Grabe naman sa papatayin talaga, papatayin mo agad leading man mo, di pa nga ko dumidiskarte sayo,"
"Ha ha ha o ayan na Sir natawa na ko sa patawa o joke ninyo,"
"Jace look pano kung seryoso ako?"
"Huh anong seryoso?"
"Na seryoso ako ngayon, I think i like you," biglang natigilan si Jace sa sinabi ni Marky kala mo ay parang pinitik ito sa tengga ng ilayo ang phone ng marinig pang muli pang magsasalita si Marky.
"Ano yun Sir Wala akong naririnig?" sabay pindot ng end call
Muling tumawag si Marky..
"Sir magpahinga na po kayo kailangan niyo ng tulog okay po,"
"Jace pakinggan mo muna ko o kaya kita tayo tomorrow," aniya.
"Sir Marky, huwag ninyo ko pagtripan at saka gusto ko na din po magpahinga,"
"Nakukulitan ka ba sakin?"
Malalim na hinga lang ang tinugon ni Jace kay Marky. Nakita ang folder mula kay manong na inatake sa bangko, naisipan niyang isauli na iyon bukas.
"Malay po kasi ko bukas ng hapon."
"I see, pero kung gusto mo lang magkita tayo message mo lang ako, uhm sige pahinga ka na nighty nighty sweetdreams,
"Gudnyt din Sir," sabay end ulit ng call
"Ang kulit talaga ng isang iyon, hayy nasaan na ba ko sa ginagawa ko,"
"Hehem ay ito dito ko sa page ko ipopost ko ang story ko ang Blind Date With My Evil Editor ayan sayang kasi kung itatapon ko lang tong gawa ko sa basurahan, Yan Grecko na yan, napaka sama ng ugali akala mo kung sinong guwapo, halikan ba naman si Best sa harapan ko.
Isang patak ng luha sa pisngi ni Jace ang kanyang pinunasan agad habang gingawa niya ang kanyang likhang istorya.