Episode 10 Hurting Inside

3097 Words
Gab pov    Nakakatampo na talaga ah dalawang restday ko na lumipas di pa rin nagagawi dito si best Jc, wala na siyang oras sakin para mikipag kamustahan man lang, ano na ba nangyare sa taong yun. hindi kaya nagselos yun si Jc nun ihatid ako dito ni Grecko. Hindi naman siguro...    Naupo ako sa sofa at nakatingin sa orasan kulang na lang eh gayahin ko yun pusang Maneki-neko, yun pusang nakadisplay sa mga tindahan o hardware ng mga chinesse na walang tigil sa pagkumpas ng kamay.    Mag aalas otso na sana pinuntahan ko na lang si best, ang boyfriend ko naman di pa man lang sumaglit dito bago ilipad ng eroplano at bumiyahe na agad. Nakakaburyong na dito sa condo ko. Door knocking....     "Hay naku siya na kaya to?, o yun mga nag so-solicite lang ng mga kabataang unit owners para may pampagawa ng jersey ng team nila. Mayayaman naman sila bakit pa kaya sila nagsosolicite hmmm para siguro may kickback sila sa mga allowance ng parents nila.     Silipin ko nga kung sino 'to? Nang masilip ko ay si Jc nga, inunlock ko ang pinto at binuksan ng bahagya sapat para magkita kaming dalawa, pagkatapos nun mabilis akong tumakbo patungo sa sala sa gayon pag bukas niya ng pinto ay makikita niya akong nakatayo dito sa sala at nagtatampo.   "Best" tawag sakin ni Jc sabay pasok sa unit ko.    Kumuha lang ako ng magazine para magbasa basa kunwari.   "Best Gab, nandito na ako," wika ni Jc    Tiningnan ko lang si Jc para  ipinaramdam kong nagtatampo ako. Ngunit nakangiti pa rin ito at maya-maya narinig kong sumisipol sipol siya. Pamilyar sa akin ang naririnig ko, Ito yun kantang inaawit namin sa tuwing magkasama kaming nagbobonding dito sa bahay.  Ang awit ay  "Say a little prayer for you", inawit ito sa pelikulang My Bestfriend's Wedding na paboritong paborito din namin. Nag umpisang umawit si Jc ng unang linya ng kanta. Jc:     The moment I wake up       Before I put on my makeup       I say a little prayer for you    (habang umaawit si Jc  kumuha siya ng isang ballpen upang gawing mikropono, nakangiti itong lumapit sakin at inaabot ang ballpen sakin para dugtungan ko ang awit.) Ako:       While combing my hair, now,       And wondering what dress to.          wear, now,        I say a little prayer for you       (Dahil dito namutawi na ang mga ngiti namin sa labi at magkaharap na kaming sabay umaawit ng chorus ng kanta.)           Forever, and ever,          (You'll stay in my heart and I will love you) (Forever) Forever, and ever, (We never will part Oh, how I love you) (Together) Together, forever, (That's how it must be to live without you) Would only mean heartbreak for me, ooh    Matapos namin umawit sumisigaw kaming parang mga baliw, daig pa namin ang nasa concert sa sobrang saya. Ganito kami palagi pag inaawit namin ang mga paborito namin mga kanta.     "Namiss kita best" wika ko habang yakap ko ang nag iisa kong bestfriend.     "Namiss din kita best, pasensya sobrang busy ko ng mga nakaraang linggo, sobrang toxic kasi sa bago kong trabaho," paliwanag ni Jc.    "Hoy Jace Christian Morales nakakatampo ka, pag ako kahit anong busy ko nagagawa ko pa rin magmessage sayo para kamustahin ka," sermon ko.      "Yun bago kong trabaho bilang admin assistant best nakaka stress, biruin mo dalawang kumpanya ang inaasikaso ko isang lifestyle magazine  at isang publishing. Ang gara pa yun pinaka admin namin nagleave pa dahil nagka emergency sa pamilya niya."     "Kala ko kung ano na nangyari sayo? O nagselos ka ba nitong huli natin magkasama."     "Tingnan mo naman best heto ako o buhay na buhay, at saka para san ako magseselos namatay ang phone ko sa sobrang lobat kaya hindi na ko nakatawag," paliwang muli ni Jace.     "Best nakaluto ka na ba galing kasi ko ng trabaho at dito ako makiki sleep over hehe. nagutom ako sa concert,"     "Naku tamang-tama nakaluto na ko pero bago tayo kumain kunin mo muna gamit mo sa labas baka mawala mga yan,"        Tumakbo naman si Jc upang kunin ang kanyang mga gamit sabay sara ng pinto. Dali-dali kaming pumunta ng kusina upang kumain.                        ******    Matapos  makapag hapunan ng dalawa ay nag ready na sila para sa pagtulog.     Bumunot ng isang dalawang sachet ng facial mask si Gab upang gamitin nila habang nagkukuwentuhan.     "Best kahit anong busy mo sa work mo, huwag na huwag kakalimutan alagaan ang sarili mo," sabay pilas ng sachet ni Gab at inilagay ang facial mask sa mukha ni Jc.     "Ayan, nakaka fresh ng kutis ito kasi may moisturizer pa para sa nagd-dry na skin," wika ni Gab pagkatapos lagyan si Jc ng mask.    "Ginagawa ko kasi talaga ang lahat ng makakaya ko Best para mapabuti ang trabaho ko, kaya ayun sobrang stress sa trabaho at pati amo namin nakaka-stress din,"     "Naku Best sa pagkakakuwento mo sakin napaka salbahe naman ng amo, Sigurado kang gusto mo ipush yan pagtatrabaho sa kanya,"     "Sa totoo lang Best kung hindi lang ako nag eenjoy sa trabaho at natututo ng mga bagong gawain baka umalis na ko,"         "For improvemebt go mo lang pero kung hindi ka na masaya Best, lipat ka na lang samin," wika ni Gab     "Kapag natutunan ko na lahat ang trabaho nila, lalo pa ngayon unlock skill ko ang pagsusulat at isa may inspirasyon kasi ako sa trabaho ko eh," ///Huh sino? Si Grecko o Si Marky sure ka dyan Jace, malandi ka rin ah haha --author--///      "Wow naman kaya naman pala eh, na hohook ka sa trabaho dahil may nagpapatibok na ata sa puso ng kaibigan ko eh. Pakilala mo sakin yan ah,"    "A-e Ou ba sige Best ipapakilala kita, pero totoo yun nakakahiligan ko na magsulat may ginawa akong story at dun ko pinublish sa page ko,"   "Pabasa naman ako,"   "Saka na Best kapag complete story na siya wala pa kasi ending eh,"    "Okay basta pag natapos mo na yan pabasa mo sakin ah, Alam mo naman di ba lagi ako naka support sayo." ani ni Gab.    "Best pwde favor,"    "Kasi si Grecko....,"     "Naku yan na nga ba sinasabi ko eh, inaaya ka ulit makipag date nuh,"     "Oo best naawa kasi ko sa kanya,noon nakita ko siya last time ang lungkot niya,"     "Naku Best enough na yan isang beses lang kita puwede pagbigyan, pangalawa masama itong ginagawa natin niloloko natin siya. Nagpapanggap akong ikaw tapos ano kahahantungan nito,"     "Masasaktan ka lang sa ginagawa mo Best, Kapakanan mo lang ang iniisip ko?"    "Best gusto ko lang kausapin mo siya kahit saglit lang, bigyan mo siya ng hope na lumaban pa pabagsak na kumpanya niya,"   "Best please last na ito awang awa lang kasi ko sa kanya, pagkatapos noon iuninstall ko na yun app na yun,"   "Best hindi ako sigurado dyan halatang mahal mo na yun tao, kaya ka nagkakaganyan. One sided love na para ka pang anino nanagtatago sa likod ko,"   "Oo Best mahal ko si Grecko kahit ganito sitwasyon namin di niya nakikilalang ako yun kababata niya, pero kahit na di ba sa hubby mo gagawin mo din ang move ko,"   "Oo nga gagawin natin lahat para sa mahal natin ang tanong kayo ba?"   "Please Best masasaktan din ako kapag nabigo siya. Feeling ko ang pagkatalo niya, pagkatalo ko na din,"   "Magpahinga na tayo Best mahirap yan gusto mong gawin,"                      ********** Grecko pov   "Alright guys remember last time na cancelled ang cover issue magazine natin with Mr. Ivler Concepcion, our hope, the international model who's now very popular and very in demand dito satin at pati sa ibang bansa...."    Saglit kong binitin ang aking announcement to see the faces of my team kung ano magiging reaction nila,  Actually nagpatawag ako ng meeting to surprise them dahil nasa office ko na si Ivler Concepcion na kararating lang a few minutes ago.   "Oo nga Sir kamusta na si Ivler Concepcion?" tanong ni strawberry.       "Sir what happen na ba kay Ivler? tanong din ni Janice.    "The long wait is over guys, matutuloy na ang ang project natin with Ivler Concepcion," saad ko.   "Our Cover Model for january, My friend Mr. Ivler Concepcion,"    Nagsipagtayuan ang mga employees ko from Fit & Glam Magazine nang makita nila mula sa pagbukas ng pinto ng aking opisina, iniluwa ng pinto si Ivler. Suot nito ang latest designed suit made by Givenchy small blue colored line checkered na faded green. Parang walang kinasangkutang aksidente noon at guwapong guwapo sa hairstyle na slicked back hair with short sides. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang staff ko.   Gaya nga ng inaasahan ko natulala silang lahat nang tinawag ko si Ivler. Pero noong lumabas na si Ivler sa opisina ko para na silang mga teenagers na di magkamayaw sa pagtili at kilig sa aming cover boy.    "Sir welcome back po,"    "Kamusta na kayo Sir?"    "Masaya kaming nakabalik na kayo,"    Wika ng mga staff ko.    "Im Excited to work now, kailan ba tayo mag uumpisa?"    "Welcome back brad, maupo muna kaya tayo," ani ni Marky upang maupo muna sa long table namin,    Isa isa kaming naupo, bakas sa mukha nila ang kasiyahan.Mukhang nabuhayan ng loob ang lahat dahil inaasahan namin sa pamamagitan ni Ivler makakamit na namin ang maging no. 1 Magazine sa bansa.    "Porsie can i have the schedule ng activities and files ng concept natin for the next release ng magazine natin,"  utos ko sa aking managing editor.    "Okay po Sir," sagot ni Porsie habang papunta sa kanyang desk upang kunin ang kailangan ko.    Habang nagkakamustahan kami ng mga staff ko mula sa likuran ko ay siya naman pagdating ni Assistant na di magkanda ugaga sa mga dala- dalang order namin hot coffee and drinks from coffee shop.   "Pasensya na po kung natagalan ang dami po kasing customers sa pinuntahan kong coffee shop,"   Ibinigay sakin ni Assistant ang order kong capuccino at kay Marky naman ay latte.   "Janice ito yun order mong americano," sabi ni Assistant.   "Thanks Jace, i love you. Hmm ang bango talaga ng americano,"   "Your welcome," sagot ni Assistant.   "Strawberry ito na yun double expresso mo,"   "Thanks Jace maasahan ka talaga,"      Palihim kong tinitingnan si Jace habang isa isa dini-distribute ang mga order namin, Hindi ko talaga maiwasan maintrigue sa tuwing nakikita ko siya, but everytime na iisipin ko nasisira lang ang mood ko agad ko naman nilalayo ang tingin ko kapag napapadako ang tingin niya  sa amin nila Marky at Ivler. Masaya pa rin siya na pinamamahagi ang order namin kahit ang ibang staff ko ay sinusungitan siya. Despite of my ill feeling na obviously alam niya yun at nararamdaman niyang pinag iinitan ko siya, yet nandito pa rin siya sa kumpanya ko at nag eenjoy magtrabaho.   Ang hirap naman pasukuin itong nobody na to, eyesore talaga sa paningin ko.   Huling binigyan ni Assistant ng kape si Ivler yukong yuko pa ito at tila itinatago ni Assistant ang mukha niya  sa amin. Matapos niya kaming bigyan lahat ay nagpaalam ito na babalik na sa kabilang silid kung nasaan ang kanyang station at ang publishing.    "Wait lang," wika ni Ivler sabay tayo nito sa kinauupuan niya. Lahat kami ay natahimik ng lapitan ni Ivler si Assistant.   "Hey its you, Ikaw yun tumulong sakin noong na aksidente," sabi ni Ivler kay Assistant na nakatalikod.   Hinawakan ni Ivler si Assistant sa balikat upang maiharap niya ito sa kanya.   "Ikaw nga, ikaw yun tumulong sakin," dinig ng lahat na sabi ni Ivler   Ivler is holding the hands ni Assistant tuwang tuwa pa ito sabay pasalamat.   "Bakit di mo na ko binalikan sa hospital para makapagpasalamat ako sayo,"    "Bumisita ako sa inyo Sir one time, yun unang beses kayong nagkamalay. Kaso umalis din po ko agad dahil niniyerbyos po ako,"    "But hindi mo na ko binisita ulit, I was waiting for you pero ngayob nakita na kita at dito ka lang pala nagwo work. Maraming marami salamat talaga kung wala ka noong araw na iyon baka namatay na ko,"   Halos di kami maka react sa aming naririnig at nasasaksihan, muli kong inalala noong gabing iyon pinuntahan namin si Ivler sa hospital it was him yun nakatayo sa E.R kausap ang mga nurse at police officer. I was in the middle of recall of that night nang sabay sabay kami ng naging reaction napaawang ang mga bibig namin kasabay ng paghinga ng makita namin niyakap ni Ivler si Assistant.    "Omg! May nananalo na," Bulalas ni Strawberry.    "Really Strawberry, thankful lang si Ivler pero nakakadiri ah," sabi naman ni Aria na kung tutuusin ay dalawang paligo lang ang lamang niya kay Jace. Isa din siya sa kinaiinisan ko noon na di na nga kainaman ang mukha ganoon din kapangit ang ugali because of his efficiency and talent kaya nagtatagal din dito sa company ko.    "Can i invite you for a dinner after ng duty mo," at nakuha pang alukin ni Ivler si Assistant ano bang nakain nito.     "A, e," nauutal na si Assistant.     "That means yes to me, mamaya ha,"  nang bumalik ng upuan si Ivler sa tabi ko habang si Assistant naman ay bumalik na sa kabilang silid.                                          ******* Jace Pov    Ang hirap naman tanggihan ni Sir Ivler talagang napilit niya ako sumama mag dinner at ang nakakapraning dito pa sa paboritong fine dining restaurant ni Grecko kami nagpunta. At ang nakakaloka dito din nag aya si Grecko inay ko po sana hindi tumuloy si best Gab na pumunta, nakaka asar sana di ko na lang pinilit na pagbigyan ako ulit na katagpuin niya si Grecko.   "I hope magustuhan mo dito masarap ang mga pagkain dito," ani ni Ivler.   Sa lalim ng aking iniisip hindi ko napansin kinakausap ako ni Ivler.   Dali kong tiningnan ang phone ko nang may nagmessage sakin.   Im here na Best, last na to ah   "Naku po bakit ka tumuloy," mariin kong sabi na di maiwasan madinig ni Ivler.   "Im sorry, hindi ko ma gets, ano ulit yun,"  aniya.   "Naku sorry sorry may nabasa lang kasi ako sa phone ko, Ano nga ulit yun sabi mo,"    "Kako masarap mga food dito, I hope magustuhan mo, tara doon tayo,"    Tinuro ni Ivler ang bakanteng table, malapit sa isang table nag iisang lalaking nakaupo.    Si Grecko ang nakaupong iyon na bigla na lang nawala.    Diyos ko po ano pong gagawin ko kinakabahan ako sa puwedeng may mangyari , please Lord huwag po ninyo ako pababayaan.   "Here ang ganda ng spot natin," wika ni Ivler   Naku po wala na pala ko load hindi ko masabihan si Best na huwag ng tumuloy.   "Jace are you okay, parang hindi ka mapakali,"   "O-okay lang ako may naalala lang ako, dont mind me," saad ko habang panay punas ko ng pawis sa sentido at leeg ko kahit sobrang lamig ng aircon.    "Are you sure, hindi ba masama pakiramdam mo namumutla ka kasi,"       "I think you need some drink," sabay kaway ni Ivler sa isang server    Matapos umorder ng aming kakainin siya naman pagdating ni Grecko.    "O brad nandito ka rin pala?" wika ni Ivler.   "Yeah dito ko kasi invite yun friend ko," sagot ni Grecko nang makita ako ay bigla nagbago ang reaction ng mukha niya.    "Sinong friend, kilala ko ba?" tanong ni Ivler.    "Nope childhood friend ko ngayo na lang kami nagkita ulit,"    "I see,"  naupo ulit si Ivler sa kanyang upuan.    "Nandito na pala siya, Hi Jc!"    Halos hindi ako makalingon kay best Gab at gusto ko nang matunaw o maglaho sa lugar na iyon. alam kong magugulat din si Gab sa mga nangyayari.    "Sorry to keep you waiting ang trapik kasi," si Gab na kararating lang    "Jc i want you to meet my friend Ivler and my staff Jace,"    "Nice meeting you guys," saad ni best Gab.    "Upo ka," sabi ni Grecko ba tumawag na din ng server para maka order na ng pagkain.   Sa tagpong iyon ni hindi ko matingnan ang bestfriend ko alam kong sasabunin niya ko, sa hindi ko pagkakasabi ng boss ko si Grecko.    "Lets Eat," alok ni Ivler ng mailapag na ang mga inorder namin pagkain.    "Jace thank you sa pagsama sakin, utang ko sayo ang pangalawang buhay ko,"    Bago ko sagutin si Ivler ay humugot pa ko ng lakas ng loob sa mga ugat , body organs ko para pakalmahin ang sarili ko.    "Sa Diyos ka magpasalamat Sir, kasi kalooban niya na nandoon ako sa lugar kung saan ka naaksidente, kung hindi ako ginawi ng mga paa ko malamang hindi kita makikita doon,"    "Oo nga eh akala ko hanggan doon na lang ako at katapusan ko na,"    "Huwag na ninyo isipin na napakalaki ng nagawa ko kasi lahat naman siguro ng tao na nadoon noong gabing iyon ay marahil  tutulungan ka din,"       "Pero kahit anong sabihin mo habang buhay akong magpapasalamat sayo,"    Nakatingin ako kay Grecko paminsan-minsan sobrang saya niya na nakikipagkwentuhan kay Best Gab, ang akala  niyang kababata niya. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko nang makita kong may ibibigay na naman na gift si Grecko kay Gab.    hindi ko tuloy maiwasan isipin , Kung nagpakilala kaya ako kay Grecko noong unang nagkita kami sa park. Ano kaya magiging reaction niya? Matatanggap kaya niya ang itsura ko ngayon? Ako kaya ang ka date niya ngayon? habang iniisip ko ang mga bagay na yun naramdaman kong sumisikip ang aking dibdib. Masakit, masakit isipin na ako yun kababata mong nagmamahal sayo nandito  lang sa tabi habang iniisip mo ako yan nasa harapan mo....                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD