Episode 9 Lalaban o susuko

3198 Words
   Nangangatog ang mga kamay kong hawak-hawak ang aking kauna- unahang storya, ilang gabi din akong nagpuyat nag-aral para makagawa ng isang storya na maaring maging libro kung magugustuhan ito at makakapasa napakataas na standards ni Grecko my loves . Masusi kong binuo ang konsepto ng kwento ko, bawat detalye at mga karakter ay pinag isipan kong mabuti. At ngayon nasa tapat ako at nagdadalawang isip  kung papasok ba ko sa silid ng demonyong sinasabi nila.     "Ano na Mare!, Ipasa mo na, Grabe naman niyerbyos mo," wika ni Barbs habang  hawak ang aking mga kamay at pilit na pinipigilan ang aking pangangatog.    "Kinakabahan talaga ako Barbs," na pati ang baba at bibig ko ay nangangatog na rin.     "Kaloka ka Mare tinalo mo pa vibration ng phone ko, chill ka lang inhale exhale muna," sabay pihit sakin ni Barbs para humarap sa pinto ng opisina ni Grecko.      Naitulak ng malakas ni Barbs si Jace tiyempo naman bubuksan ni Marky ang pinto, kaya natumba si Jace kasama ni Marky.          "Gosh Im sorry Jace, Sir Marky!" bulalas ni Barbs. Grecko Pov       I was sitting in my desk and nagulat ako kitang-kita kong bumagsak si Marky habang nakapatong si Jace sa ibabaw niya. Why i am seeing this? Parang tuwang-tuwa pa si Marky sa nangyayari. Marky gave a bright charming smile  to Jace kaya naman namesmerize itong eyesore earthling sa paningin ko. it took them a few seconds looking at each other. Nakakadiri!!!        Kung hindi pa sila tulungan ni Barbs ay hindi pa tatayo si Assistant na nakapatong kay Marky.    "Im sorry talaga Sir Marky, Jace okay lang po ba kayo?" habang pinagpapagpagan ni Barbs ang mga damit nila Jace at Marky.    "Im sorry Sir Marky di po namin sinasadya," si Jace naman ngayon ang nanghihingi ng tawad.    "Pero ang swerte mo Mare nagkaroon ka ng chance makayakap kay Sir Marky," saad ni Barbs na may nakakalokong ngiti.    "Barbs!" saway ni Jace.    "Puwede naman yumakap sakin ng libre, pero huwag yun di ako prepared haha,"     "Naku, Sir Marky nakuha niyo pa mag biro," ani ni Jace.     "Ahhemm Your in my office right, so what's  the noise about?" inis kong tanong sa tatlo.    Para naman mga sundalong na alerto ang tatlo ng madinig nila ang boses ko.    "I think kailangan kong lumabas sumakit bigla ulo ko," sabi ni Marky at sabay labas ng pinto.    "Sir sorry po, sige po lalabas na me" sabay tulak ni Barbs kay Jace para mapalapit sa akin ito."    "Oopps nagkakalimutan 5 steps away,"     "Sir."     "Yes?"     "Magpapasa po sana ako ng story,"     Really gumagawa na din siya ngayon ng story , looking at his face medyo nakakaramdam na din ako ng kunting awa sa pagiging salbahe ko sa kanya but when i look at his get up , ang baduy.     tumayo ako sa kinauupuan ko at uminom munang tubig, tumalikod muna ko habang nag iisip ng sasabihin.    Damn it bakit nagkakaganito ako na speechless ako ng makita ko siya di ko alam kung ano magiging treatment ko sa taong to,naawa ako pero pinaiinit niya ulo ko sa tuwing nakikita ko siya.     "Ipatong mo na lang dyan," i said.    As if bibigyan ko siya ng chance na makapag unlock ng new skill dito sa company ko, well in fact ayokong magtagal siya sa company ko.    Akmang aalis si Jace matapos nitong ipatong sa lamesa ang folder laman ay story application niya.     "Wait,"    Napahinto si Jace sa pagbukas ng pinto.    "Tinatamad akong magbasa, ikwento mo na lang," utos ko.    "Po?"    "Are you deaf, sabi ko ikwent mo!" Napalakas ang boses ko na ako din mismo nakahalata na mukha akong iritable.      "Ikwento mo yun summary,"   "Okay po Sir. Ang story po ng Blind Date With My Evil Editor ay,,"    "Excuse me, Is this story of yours pertaining to someone?" sumalubong ang kilay ko ng marinig ko ang nakaka offend na title ng story niya.    "Po hindi, hindi po Sir," sabay shake pa ng kanyang ulo.    "Title itself is not good, not interesting anyway proceed" inis kong sabi.    Matapos kong marinig ang summary na hindi ko naman talaga pinakinggan mabuti.    "This is a trash, gumawa ka ng mas maganda pa dyan kung sa akin hindi ko nagustuhan ang kwento mo, what more sa readers,"    "Walang bibili ng kwento mo, You may go!"   Natigilan ang eyesore, fashion victim na si Assistant sa mga sinabi ko, habang ako nama'y inusog ko palapit sa desk ang inuupuan kong chair at tinutukan ang laptopko. Alam ko kahit hindi pa umaalis sa harapan ko. Nang tingnan ko si Assistant  nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya kaya bago pa ako madurog ng mga luha niyang nagbabadyang pumatak ay inilayo ko na ang tingin ko sa kanya. Muli kong tiningnan ko ang laptop ko at sabay sabi ng....    "Thats it, you may go now,"    Tahimik na lumabas si Assistant ng office ko. Habang ako naman ay nakasimangot pa rin. Hindi ako nakakaramdam ng guilt sadyang naiinis talaga ko sa kanya kung anong dahilan di ko alam. Jace Pov    Pagkalabas ko ng pinto ay agad akong tumungo sa fire exit naupo ako sa hagdanan at dito na umagos ang luha ko.    Halos namumugto ang mata ko at di na mapigilan sa pag ragasa ang mga luha ko. Ang sakit-sakit sa dibdib parang sasabog ito sa galit at sama ng loob ko kay Grecko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun kalaki ang pagbabago ng ugali niya kung noon mabait, maalalahanin, at lagi akong ipinagtatanggol sa mga nambubully sa akin. Siya naman ngayon ang nang aapi sakin. Ano bang ginawa ko para bigyan niya ko ng dahilan na makaranas ako ng masamang treatment lalo na pag susungit niya sa akin. Noong una'y iniisip ko na challenge ang makitungo sa kanya pero ngayon malinaw na sa akin lahat na ayaw niya sa tulad ko,"     "Ang sama-sama ng ugali mo!" sigaw ko.     "Mare, tahan na wag ka na umiyak," sabay hawak sa akin ni Barbs sa kanang balikat ko.    "Ganoon lang talaga si Sir di magtatagal masasanay ka din," pag aalo sakin ni Barbs.    "Hindi ata ako magtatagal sa trabaho na to', ibinibigay ko naman ang best ko pero ang boss natin nagpapa stress sa atin," patuloy pa ko sa pag iyak inabutan ako ng panyo ni Barbs.   "Hala, Ano ibig mong sabihin Mare, mag reresign ka na,"    "Dont quit Mare, Quitters are loosers lahat naman kami noon una naka experience ng kasalbahihan ni Sir hindi ka nag iisa,"    "Yun na nga eh so bakit pa ko magtatagal dito kung ganito rin lang naman mapapala ko."     "Sabihin na natin na masama ugali ng Boss natin pero look at what we have right now, Natuto na lang kami sa mga trabaho namin, at kung aalis ka mawawalan ka ng trabaho,"       "Unang sabak mo pa lang naman ihh, wag kang sumuko. Tingnan mo ah kung si Dr. Jose Rizal nga mamatay matay na sa gutom at walang-wala na siya noon pero naipublish niya pa rin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Tingin mo kung sumuko ang pambansang bayani natin magkakaroon kaya ng kalayaan ng pilipinas laban sa mga espanyol."    "At kung lahat ng mga sikat na nobela at mga pelikulang napanood ng lahat ng tao palagay mo ba mangyayari yun kung sumuko ang mga sumulat nun,"     "Kaya tahan na laban lang, sobrang aga pa para sumuko," dito ay niyakap na ko ni Barbs upang mapawi ang hinanakit ko kay Grecko. Ala sais ng gabi......    Habang papaalis na ang mga empleyado sa publishing at Fit & Glam Magazine ako naman ay nagliligpit ng gamit at sumusulat ng note para sa gagawin para bukas ng umaga. Nakapatong ang magkabilang braso at baba ni  Sir Marky sa mababang harang ng station ko.  Nakangiti ito sa akin tila nagpapa cute. Napakaguwapo nito sa suot ng dark blue long sleeve polo na ang tatak ay gawa ng sikat na fashion designer na pinoy, sa pagkakataong ito milagrong hindi ako nakaramdam ng pagkainis o pagkayamot kay Sir Marky bahagya akong kinilig pero hindi ko ito pinahalata.    "Deretso uwi ka na ba Jace? Puwede ka bang maayang mag date," aniya.    "Omg grabe na to!, nakakakilig naman," wika ni strawberry habang may ibinigay saking documents.    "Sir ah baka ma fall na si Jace niyan naku, naku, naku," kasunod naman sabi ni Barbs.    "Hindi naman Date lang, trabaho din ito may titingnan lang kami at the same time ililibre ko na din si Jace. Kaya hindi siya date pero parang ganoon na nga, gusto niyo ba sumama?"    "Ah naku Sir Marky kailangan ko ng umalis Sir nag message pala sakin Mama ko magkikita kami sa mall," ani ni Strawberry.    "Ako din Sir next time na lang kailangan ko na din umuwi," paiwas din sabi ni Barbs.   "See basta trabaho ang pag uusapan lumalayo agad mga ito hoy sama na  kayo,"  di na lumingon pa sila Barbs at strawberry na tinatawag ni Sir Marky.    "Anyway okay ka na ba Jace, lets go!"    Tumango ako sabay kuha ng aking mga gamit at lumabas ng office, lumakad kami ni Sir Marky patungo sa kotse niya sa parking. Nang bubuksan ko ang pinto ng kotse ni Sir Marky mabilis niya akong ipinagbukas ng pinto bago maupo sa driver seat. Nahihiwagaan ako sa ikinikilos ni SirMarky bakit kaya nagiging sweet ito at less na pagbibiro niya sakin.         Nang makaupo siya ay iniabot niya sa akin ang manuscript ng gawa ko kwento.     "Maganda yan kwento mo, excited na ko sa tatakbuhin ng mga daloy ng mga mangyayari sa kwento mo," aniya     "Pero rejected na po ito ni Sir Grecko," sagot ko saka ko isiniksik sa bag ang folder na nilalaman ng kwento ko.    "Believe me maganda yan kwento mo ituloy mo lang yan, Alam mo di man ako katulad ni Sir Grecko mo na forte ang pagsusulat, several times na napapansin ko ay kailangan niyang ireconsider ang mga story application ng mga writers natin , o kung minsan kailangan ng kunting revision."     "Ang nangyari kasi kanina ayaw lang niya maistorbo nate-tense siya ngayon dahil first day ng release ng magazine natin kinakabahan siya kung mag pick ba ng sales ang magazine natin, ipapakita ko sayo kung gaano nagpapakahirap si Grecko para sa kumpanyang ito,"     Pinaandar na ni Sir Marky ang kanyang kotse.    "Kung minsan sana intindihin niyo na lang kung minsan mainit ang ulo ni Sir Grecko, he just want the best for all of us, gusto niya maging successful every magazine na iniisue natin monthly pati sa publishing. Dahil pag maganda ang takbo ng kumpanya syempre pati kayo makikinabang," patuloy ni Sir Marky.     "Naiintindihan ko po Sir,"     "Kaya huwag ka na mag resign, kung aalis ka mawawalan kami ng magaling at masipag na Admin staff. Lalo pa ngayon di pa rin makakapasok si Ms. Anna at higit sa lahat malulungkot ako," malungkot ang mga mata ni Sir Marky habang nakatingin sa malayo hawak ang manibela.    Napatingin naman sa akin si Sir Marky ng napakatamis na ngiti, muli ko na naman namasdan ang magandang pantay pantay na mapuputing ngipin nito. Tila may deperensya na ata ang paningin ko ng makakita ko ng maraming hugis puso sa kanya, kasabay ng pagtahimik ng loob ng kotse "tsug" "tsug" "tsug" "tsug" nadidinig ko ang t***k ng puso ko.        Tila parang pelikula na nagrewind sa alaala ko ang tagpong; Nagpap cute siya kanina sa desk ko, Yun ngiti niya habang nakadagan ako sa kanya, at noong una ko siyang nakita sa police station at inihatid ako sa bahay.  Anong itong nararamdaman ko nagkakagusto na ba ko kay Sir Marky? Pero bakit nababaliw na ba ko? si Sir Marky na palabiro, maharot at minsan bastos ngayon nagkakaroon na ko ng feelings sa kanya. Baliw na ba talaga ako.     "Hey Jace okay ka lang ba? Ano yan sinasabi mong nababaliw ka na?" tanong ni Sir Marky.    "huuhhhhhh, Nababaliw na este wala po yun Sir okay lang po ako," sabay takip ko ng bibig ko.    "Sure ka Jace kasi tulala ka kanina tapos kung anu-ano sinasabi mo kamo nababaliw ka na,"    "Sorry po Sir wala lang po talaga yun, na aaaa sumingit lang po sa isip ko isang eksena na puwede ko isulat,"   Ano ka ba self nababaliw ka na ba talaga pinapahamak mo ko baka sabihin nila nawawala ako sa sarili ko.    "Umamin ka nga sakin may gusto ka ba sakin? Kasi everytime na kausap kita di ka mapakali para ka din nag d-day dreaming eh," ani ni Sir Marky.    "Hindi po Sir ahhh," mariin kong tanggi.    "Naaah huwag ka nang tumanggi alam ko naman ih may crush ka sakin, alam mo di na bago sakin yun mga ganto may experience na rin ako sa kagaya mo. Kaya kung gusto mo ako umamin ka na hindi ka naman malulugi sa akin eh guwapo na, magaling pa gumawa ng pera at kung di mo naitatanong daks to,"    Nyek dun ka sa sumablay sa pangatlong category di ko naman hanap mga ganoon klaseng lalaki sobrang active sa s*x.    "Ou bakit ganyan mukha mo parang  di mo ata nagustuhan mga sinabi ko, Ayaw mo ba talaga sa tulad ko," puna ni Sir Marky.    "Hehe Sir puro kasi kayo kalokohan ang mabuti pa magfocus kayo sa pagdrive baka mabangga pa tayo,"     "Anyway nandito na tayo,"    Pumasok kami sa parking ng malaking mall.    "Ipapakita ko sayo kung paano ang binibigay na dedication ni Grecko para kumpanya niya."     Pagkapasok namin sa mall dali namin tinungo ang isang sikat na bookstore, mistula kaming mga agent na nagmamasid sa loob napayuko pa si Sir Marky nang mamataan niya si Sir Grecko papalapit sa mga tumitingin ng magazines.      Hinawakan ni Sir Marky ang kamay ko nakaramdam ako ng kilig tila magka holding hands kami. Malaki ang kanyang kamay kumpara sa kamay ko na parang kamay ng isang babae. Pasimple kaming lumapit sa mga babaeng nilapitan ni Sir Grecko na tumitingin ng magazine.    "Ano kaya magandang bilhin na magazine?" tanong ng isang babaeng nasa mid 40's elegante manamit at may kasamang kasambahay sa pamimili.      "Ay eto Maam nasa front page pa paborito ninyong artista,"    "Oo nga mukhang maganda basahin itong magazine," ani ng babae.   "Wow mga bagong issue ng magazine," saad ng dalawang dalagang babae di magkamayaw sa pagpili ng mga magazine.    "Gusto ko nito Fab Metro Magazine,"          "Kailangan ko yun may updates sa mga bagong uso at style ng damit" saad ng isang babae.    lumapit si Sir Grecko sa magazine stand ay naki usyuso sa mga mamimili. Kumuha ito ng isang magazine at kinuha ang atensiyon ng mga babaeng naroon.     "Perfect itong Fit & Glam Magazine kumpleto sa features and articles, may health tips na may fashion trend plus lifestyle and glimpse sa life story from famous celebrities, kumpletong kumpleto." saad ni Sir Grecko sa mga mamimimili at panatiko ng mga magazine.   "Iho anong magazine yan?" tanong ng babaeng elegante sa kanya.   "Heto po Madam, sa loob po ata mas maraming health tips sa diet and exercise para mas lalo kayong bumata," ani ni Sir Grecko.    "Hahahaha naku Iho ah ang galing mo ma sales talk nakuha mo interest ko, ahente ka ba?"    "H-hindi po, mahilig din po ako sa magazine," sagot nito.    "The best po yan Fit and Glam Magazine every month maganda mga inirerelease nilang cover."    "Sige, sige magmula ngayon ito na palagi kung bibilhin salamat sa advise ha, halika na Ensyang ng makauwi na tayo,"    Matapos ni Grecko mag alok  matandang ginang, bumaling naman siya sa mga kadalagahan naghahanap ng bagong nauuso sa pananamit.    "Excuse me, narinig ko kasi kayo kanina na naghahanap kayo ng magazine na about sa latest update ng fashion trend,"  singit ni Sir Grecko     Nangingiti naman ang ibang mga babae dahil sa kapogian ni Sir Grecko ang ibay kinikilig at nahiya na tila umurong na ang mga dila nito.     "Try ninyong basahin itong Fit & Glam lagi po ito may update about sa mga latest fashion sa abroad like france , US and Asian style dahil doon nauuna ang uso bago makarating dito sa pinas nauuna na sila ma publish, kaya kung gusto ninyo mauna sa uso better buy this magazine , bukod doon may in house fashion designer sila na madalas magbigay ng tips about fashion and get up. Marami kayo madidiscover dito compare sa ibang magazine."    "Ah ganoon ba kuya, Sige ito na lng bibilhin namin," saad ng isa.    "Oo nga guys oh may make-up tips pa ng kpop idol natin ang galing,"    "Wow oo nga kpop idol nga natin may sneak interview pa sa kanya," wika ng isa na ang porma mahilig sa kpop.    "Thanks kuya,"       Pagkaalis ng mga kababaihan may sumunod na naman mga mamimili sa magazine stand at gaya kanina muling umeksena si Sir Grecko para ipromote ang magazine ng kanyang kumpanya. Nang ma introduce ni Sir Grecko ang Fit & Glam Magazine ay hindi niya inaasahan ang reaction ng mga mamimili.    "Excuse me nuh ang panget kaya ng magazine na yan, di ko nagustuhan yun huling bili ko,"     "Oo nga ang boring ng mga topics sa mga articles nila noong huli akong nagbasa niyan nakatulog ako,"     Tinangka pa sanang himukin ni Sir Grecko ang mga mamimili ngunit kung anu- ano di magagandang reviews ang naririnig sa mga ito.     Sa sobrang inis ko susugurin ko sana ang mga mahaderang yun. Ngunit mabilis akong hinawakan ni Sir Marky at inilayo sa bookstore na iyon.    "Teka lang bakit tayo umalis, hindi ba nila alam na dugot pawis at pinaghirapan natin gawin yun mga magazine na yun," inis kong sabi.    "Look remember customers is always right, kung ano man ang sasabihin nila its a way for us to know kung ano dapat iimprove natin," paliwanag ni Sir Marky.    "Nakakainis kasi naawa ako kay Sir Grecko kung alam lang nila yun may ari ang kausap nila di ba magiging polite at hindi mga magagaspang mga ugali nila,"    "Perhaps pero ito kasi ang purpose, why i brought you here.I want you to see with your very own eyes kung paano ang pagpapakahirap ni Sir Grecko mo na mag grow at maging successful ang company niya,"     "Yes po Sir Marky,"     "Now you know kung bakit minsan mainit ang ulo niya, he need us also Jace,"    "Alam ko na kung saan kita itre-treat doon tayo sa sikat na ice cream parlor para lumamig ang ulo mo, Ang bilis mo mag flare up," wika ni Sir Marky.    "Pero iiwan na lang natin si Sir Grecko doon?" tanong ko.       Hinawakan muli ni Sir Marky ang kamay ko kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao magkahawak kamay  nakaramdam na naman ako ng kilig sa kanya panandalian lamang ito ng tumunog ang message ng blind dating app HanapBehbEh sa phone ko. Kaagad kong binasa yun at galing kay Grecko.    Hi Jc, can we go out. I need someone to talk. Im so sad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD