Grecko's nightmare
Kaharap ko si Jc habang masaya kaming nagkukuwentuhan biglang nagbago ang paligid dahil sa pag guho ng gusali. Halos takasan na ko ng bait dahil nilamon na ko ng takot sa lakas ng pagyanig. Umaagos ang aking luha at pilit kong inaalis ang malalaking tipak ng dingding na nabuwal at ibinaon kami ng buhay ni Jc.
Lalo pa ko pinagsakluban ng takot ng makita ko si Jc na katabi ko ay nagbago ng anyo at siya'y naging si kamatayan. Halos mamaos ako sa kakasigaw sa tindi ng takot na aking nadarama, upang maibsan ang aking pagkahilakbot sa takot minabuti kong ipikit ang aking mata.
Tahimik ang paligid ni wala man lang akong naririnig na ingay ng mga tao. Mga taong sana ay tutulong samin o mga rescuer upang iligtas kami sa bingit ng kamatayan ,ang paghikbi ko ay tila umaalingawngaw sa kawalan. Hanggan sa marinig ko ang boses ni Jc.
"Huwag kang matakot, Nandito ako sa tabi mo makakaligtas tayo magtiwala ka lang,"
At dahil sa sinabi ni Jc nagkaroon ako ng tapang umalis ako sa sulok na siniksikan ko kanina noong makita ko si kamatayan ,pag tingin ko kay jc nagbago ang kanyang at naging si Jace.
"Grecko, Anak gumising ka," boses ni Mama ng imulat ko aking mga mata nasa tabi ko siya at nakahawak sa aking braso.
"Binabangungot ka ata narinig kitang sumisigaw dito sa kuwarto mo," patuloy ni Mama habang nagsasalin ng isang basong tubig sabay abot sakin.
"Ang sama ng panaginip ko Ma, it' not just a dreame its a nightmare" habang iniinom ko ang tubig ay pinunasan ng kamay ni Mama ang pawis sa nuo ko.
"Napaginipan ko Ma yun earthquake na nangyari noon nun Bata pa ko,"
"Panaginip lang iyon Anak, huwag kang matakot."
"Parang totoong totoo kasi Ma, ano kaya ibig sabihin ng nightmare ko nakita ko si Kamatayan," hawak ni Mama ang balikat ko at panay haplos sa aking likod.
Napayakap ako kay Mama kung kailan ang huling yakap ko sa kanya ay di ko na matandaan dahil sa alitan namin tungkol sa plano ko pa noon ipasara ang Publishing House.
"Matulog na tayo Anak hayaan mo sasamahan na kita dito sa kuwarto,"
Pagkahiga ko ay sinapinan ako ni Mama ng comforter at tumabi sa akin. Gaya noon bata pa ko hinahaplos niya ang aking noo at buhok hanggang sa ako'y makatulog.
*********
Jace Pov
"Magandang umaga sa inyo," bati ko sa grupo nila Barbs at ibang writer ng publishing at ganoon din sa grupo nila strawberry ng mga taga Fit & Glam Magazine.
Inunahan ko pa sila sa pagpasok upang mauna makapasok sa loob ng opisina dahil bubukasan ko pa ang aircon, desktop computer at printer.
"Ang sipag-sipag talaga ng bago natin admin wala na akong ma-say sayo," saad ni Barbs.
"Exactly napaka sipag," sang-ayon ni Strawberry.
"Oo nga pala Jace naasikaso mo na ba mga salary namin?" tanong ni Janice.
"Mamaya after nito pupunta na ko sa bangko para magkalaman na mga Atm ninyo, For sure mga hapon may sweldo" sagot ko naman.
"Oh that's really nice keep up the good work ha," papuri ni Janice.
Matapos ko ang mga daily task ko kausap ko si Kuya Marlo nang sumilip sa pintuan ng office si Grecko.
"Ano kaya kailangan ni Sir?" tanong ko.
"Puntahan mo na at hindi yan makakatawid dito sa publishing," nakangiting sabi ni Kuya Marlo.
"Po, bakit naman?"
"Ating lang ito ah, Si Sir Grecko ay nadiagnosed noon ng seismophobia o may phobia sa lindol, eh kasi naman tingnan mo kasi itong office natin kunting lindol na lang parang guguho na,"
Naalala ko tuloy noong mga bata kami napasama kami sa pag guho ng gusali ng school namin noon. Takot na takot si Grecko ng mga oras na yun pinilit ko siyang pakalmahin at pinapangako ko sa kanya noon na makakaligtas kami ng buhay.
"Kaya pala hindi siya pumpunta dito," saad ko.
"Puntahan mo na at baka ma-sermonan ka pa," sabi kuya Marlo.
Dali-dali kong pinuntahan sa kanyang opisina si Grecko, pagkapasok ng pinto magkausap sila ni Sir Marky at ni Sir Grecko.
"Sir may ipapautos po kayo?"
Lumapit ako kay Sir Grecko pero agad na iniharang nito ang kanyang kamay at sumenyas ito ng lumayo ako.
"Remember I told you 5 steps away yan ganyan!" saad ni Sir Grecko ng maka atras na ako.
"Tapos ka na ba sa trabaho mo?" tanong niya.
"Sir pupunta lang po ko ng bangko para sa payroll, para mailagay na po mga salary nila sa atm cards nila,"
"Okay so bumalik ka kagad and iassist mo ang magazine team, gingawa nila ngayon ang soft copy ng iisue natin for december release, and nakikita mo ba tong kalahating rim ng bondpapers na to?"
"Opo Sir,"
"I would ask a favor kung okay lang sayo?"
"Ano po yan Sir?" tanong ko.
"Mga Survey form yan, Gusto ko kumausap ka ng mga buyers ng magazine at pasagutan mo yan, In that way malalaman natin kung ano gusto ng mga nagbabasa ng magazine. Para ma improve natin ang magazine natin is it ok to you?
"Yes po Sir ako na po bahala"
"Okay, Good. You can go now para makapunta ka na ng bangko."
"Sige po Sir, alis na po ako."
Kaagad kong umalis ng opisina dala ang payroll sa bangko.Pagkapasok ko ay sobrang dami ng tao sa loob.
Naku naman bakit ngayon pa kung kelan kailangan ko makabalik agad sa office. Ang dami ko pang gagawin
Wala na ako nagawa kaya pumila na rin ako. Mabuti na lamang mabilis ang pag galaw ng pila, upo, tayo, upo tayo para na din akong nag eexercise nito.
"Iho puwede ba akong mauna na sayo, medyo nagmamadali kasi ako, Maari ba?" tanong ng isang matandang tingin koy nasa edad na 60 mestisuhin ang mukha nito pero ang pananamit ay parang wala man lang nag ayos dito.
"Naku nagmamadali din po kasi ako, pano ba to?"
"O sige na nga po mauna na kayo," nang mapansin ko tila namumutla ito at may panginginig ang katawan.
"Bahala na si Lord sakin lord, teka teka po Sir, Manong, kuya ano pong nangyayari sa inyo," nang makita kong hawak-hawak ni Manong ang kanyang dibdib.
"Diyos ko po guard, kuya patulong po dito si Manong mukhang aatakihin" sigaw ko para makahingi ng tulong.
Pinaypaypayan ko si Manong at kaagad naman nakalapit Branch Manager upang lapitan kami ni Manong. Bukod sa akin ay wala man lang lumapit para saklolohan si Manong.
(Ano ba to author napapadalas na mga eksenang ganito lagi akong sumasaklolo sa mga nagkaka emergency, gawin mo na din kaya kong Darna o superhero tagapagligtas ng nalalagay sa panganib nakakaloka na ha..)
Pinainom ng tubig si Manong ng Branch Manager.
"Manong, Manong kamusta na po pakiramdam ninyo," tanong ko kay Manong habang may lumapit sa kanyang mga rescuer. Nakatingin lang ito sa akin habang dadalhin palabas at isasakay ng ambulansya.
Naiwan ni Manong ang dala niyang brown envelope dahil nailapag niya sa dokumentong dala ko. Naku pano ba ito ano ng gagawin ko dito. Namalayan ko na lang na kinakalabit ako ng nasa likuran ko para tumungo na sa counter. Binigay ko lahat ng dokumento para sa payroll. Nang makatapos na ko. lumabas ako ng bangko at tinanong ko ang guard kung saan dinalang hospital ang matanda.
**********
Pagkabalik ko ng office naalala kong kailangan ko pala iassist ang Magazine team, pagpasok ko sa silid ng Fit & Glam Magazine. May tatlong galit na galit na staff ang sumalubong sa akin at halos umuusok ang mga ilong ng mga ito sa galit.
"Alam namin na sinabihan ka ni Sir Grecko na iaasist mo kami pero anong oras na lunchtime na kasalanan mo ito kung hindi namin magagawa ang soft copy ng mgazine!!" saad ng isang beki na kulay blue ang buhok sa tuktok at kulay green naman ang dulo na hanggang leeg , maitim payat at kung manamit ay sobrang tingkad na high fashion ang datingan nitoy mala vice ganda na nagngangalang Aria.
"Naku pasensya na nagka aberya kasi sa bangko kanina?" paumanhin ko sa tatlo.
"Ano pa man ang dahilan mo mananagot ka kay Sir Grecko, ihanda mo mamaya sarili mo pagbalik ng boss natin." saad naman ng isang pang beki na nedry ang looks at maliit.
"Tama na yan nababawasan pa ang oras natin sa confrontation ninyo, naghahabol nga tayo di ba. We cannot afford to waste time." Sigaw samin ni Porsie na halatang naiinis na at salubong na ang kilay.
"Ayusin mo naman trabaho mo balita ko pag nagtagal ililipat ka daw dito sa Fit & Glam Magazine malabo mangyayari yun," sabi ng lalaki na lay out artist.
"Sorry po di na mauulit" muli kong hingi ng tawad.
"Jace come over here may ipapagawa ako," tawag sakin ni Porsie.
Mabilis akong lumapit sa table ni Porsie binigyan niya ako ng mga flyers from restaurants, and isa-isa ko daw lapitan ang team para kunan ng order at para magpadeliver. Kaagad kong kinuhaan ng order sila Porsie , Janice, strawberry ganoon din ang tatlong nagalit sa akin huli kong kinunan ng order si Aria at nang pupunta na ko sa table na may landline nadapa ako dahil may tumisod sakin.
"Oh My God, Di na nga maasahan lampa pa!" sabi ni Aria na nakapamaywang pa sa harap ko.
"Tanga-tanga di tinitingnan dinadaanan." sabi ng maliit na beki na na nerdy.
"Get back to work ano ba!?" muling sigaw ni Porsie.
Mabilis akong bumangon naramdaman kong nananakit ang kanang braso ko na tumama sa sahig. Pati ang kaliwang pisngi ko ay nakaramdam ng pamamanhid dahil sa pagkakadapa.
Pagkatayo ko'y tumawag ako sa mga restaurant para maideliver na ang order ng mga pagkain.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Strawberry.
"Oo okay lang ako," sagot ko.
"Kahit namumula yan pisngi mo ipatingin mo yan ha baka mamaya mamaga yan, may ice cubes sa ref ng pantry natin lagyan mo ng yelo yan para di magkapasa."
"Sige strawberry gagawin ko mamayang breaktime,"
"Mag iingat ka sa tatlong yan mga bully ng Fit & Glam mga yan palibhasa mga dikit kay Sir Lance mga pet kasi niya. Halika may ipapagawa ko sayo kailangan ko ng help mo mag cut tayo ng mga pictures na ilalagay sa soft copy ng magazine natin."
Sumunod naman ako sa table ni Strawberry at tinulungan ko siya sa pag cut ng mga pictures na kuha ng mga photographers, napakarami nito dahil kada story at may ikakabit na pictures per pages. Nilingon ko ang iba at talagang napaia busy nila yun iba ay nag eedit ng ng kanilang mga articles , si Janice naman ay kumokontak sa mga brands and product para sa sponsorship ng mga bawat articles.
5pm
Bumalik ako sa desk ko na nasa silid ng publishing ipinamahagi ko naman ang mga payslip nila sabay tanggap ng mga printed chapters ng mga isinulat nilang mga novel. isa-isa ko itong ininsert sa mga catalogue ng mga novel nila. Matapos nilang magpaalam ay pinatay ko na ang mga ilaw at aircon sa publishing house. Bitbit ang aking gamit ay lumipat naman ako sa silid ng Fit & Glam magazine.
Pagkapasok ko ng silid ng Fit & Glam Magazine nagrequest sa akin si Strawberry at Janice na ipagtimpla ng coffee, narinig din ng iba ang pasuyo nila Janice sa akin kaya nagsipag gayahan na rin sila at nagpasuyo na ipagtimpla ko ng kape.
Grecko Pov
"Oh what can you say sa alaga ko, ang sipag di ba?" nakatayo si Marky sa two-way glass. Ito yun nakikita namin ang lahat ng galaw ng mga empleyado samantalang reflection lang nila ang nakikita nila sa salamin.
Kitang-kita ko nga kung paano magtrabaho itong si Assistant, mabilis ito na tila di napapagod, magiliw pa makipag usap at palaging nakangiti sa mga katrabaho. Napansin ko na may benda ang kanang kamay niya na kanina naman habang kausap ko siya ay wala naman.
"Marky halos lahat ng employee masisipag, nagpapa impress dahil baguhan pero let us see if ganoon parin performance niya kapag piahirapan ko na siya, sooner aalis yan dito." saad ko habang naupong muli sa desk ko.
"And just what i knew it, hindi niya magagawa itong survey. Mark my Words Marky."
"Grabe ka naman i think hindi mo na chinachallenge yun tao, pinagiinitan mo na. Bakit ba ganyan ang treatment mo sa kanya?"
"Why? Simple because i dont like him to become part of my company," madiin kong sabi.
********
It's 7pm na natapos ng magazine team ang soft copy ng magazine halata sa itsura nilang na stress at pagod silang uuwi ng kanilang mga bahay, I decided na dalhin ang manuscrift sa bahay for cooyreading and proofreading at baka may makita akong mali.
Kasama ko si Marky niyaya niya ako magcoffee sa isang kilalang coffeeshop para pag usapan ang isang business tycoon who's celebrating his birthday next month. Kilala itong taong to sa kanyang charity work lalong lalo na tuwing magbi-birthday ito ay ganoon parati niya sinecelebrate ang birthday niya ang pagtulong sa kapwa.
"What do I have to do with it Marky? makikitulong ako sa mga charity niya!" inis kong sabi.
"Hindi yun, Ang plano niya this year is mag invest sa mga small company who's willing na makapag expansion ng growth,"
"So ang lagay mang lilimos ako? No way!"
"Grecko its not like that business conference ang mangyayari ang lahat ng sasali ay magkakaroon ng chance na makapag meeting sa kanya."
"Ayaw ko pa din,"
"Hindi ka na makakapag back out dahil nairegister ko na ang Fit & Glam at ang Publishing House," sabi ni Marky.
"Bakit mo naman ginawa yun?"
"Mamili ka Grecko back out or loose the chance to save your company,"
Nag isip ako ng malalim about sa business conference manaka naka pa kong humigop ng kape ng makita ko ang isang imahe na pinakaaayaw kong makita , kulot ang buhok, maraming pimple ang mukha at baduy pumorma.
"What the..,, Si Assistant nandito!"
"Huh sinong Assistant?" nilingon ni Marky ang lugar kung saan akong nakatingin.
Tatayo sana si Marky upang tawagin si Assistant, kaagad ko siyang hinatak para maupo at sabay bulong...
"Huwag mong tawagin baka makita tayo,"
"O di ba sabi ko sayo eh sobrang sipag ni Jace, o ano nagkamali ka ngayon."
Tinakpan ko ang mukha ko ng magazine upang tingnan kung bakit naparito si Assistant , baka magkakape lang din ito. Ngunit nakita kong namimigay nga ito ng survey form.
"O di ba kung nagpustahan tayo panalo na sana ako," aniya.
"Oo na panalo ka na tara alis na tayo dito,"
"Huh pero di ko pa nga naiinom itong kape ko."
"Wala ng pero, pero alis na tayo"
Tumayo ako habang takip-takip ng magazine ang mukha ko bahala na kung magpapaiwan si Marky basta ako kailangan ko maka alis.
"Sir puwede po kayo maabala magcoconduct lang po ng survey saglit lang naman po ito please, Sir Grecko??" gulat na sabi ni Assistant ng makita niya ako papaalis na sana.
"Oh Sir Marky narito rin kayo?"
Too late at nahuli na ko ng kabuting ito na kung saan-saan talaga bigla na lamang sumusulpot habang nilamukos sa inis ang mukha ko, Si Marky naman ay tuwang-tuwa.