Episode 7 Hey its me

2927 Words
Grecko pov    Kulot ang buhok, tadtad ng pimple ang mukha, maliit,  payat, magaslaw kumilos in short "eyesore" bakit ko ba lagi nakikita itong taong to. Im sure he is the stupid earthling na nakita ko sa park and if not mistaken siya din yun nakita ko sa hospital na dumalaw kay Ivler and he is also the one ng mamataan ko sa restaurant with Jc, ano ba tong taong to kung saan saan na lng lumilitaw, he's an eyesore for me, rather a headache to me.   "Sino siya Marky? At bakit nandito siya sa office ko?!" tanong ko sa bussines manager ko at the same well trusted friend   "Siya si Jace, Our new Admin Assistant," sagot sakin ng kaibigan ko while itong eyesore sa paningin ko parang tanga na tinatakpan niya ng folders ang mukha niya.   "Get out of my office now!!!" sigaw ko   Nataranta naman ito halos maihagis ang mga folders kay Marky at lumabas ng opisina.   "Grecko, calm down ang aga ang init ng ulo mo kawawa naman yun tao kabago bago lang magkaka phobia na sayo" sabay paypay sakin ni Marky ng mga folders na bigay ng taong iyon.   "Let me tell you this, lifestyle and high fashion magazine ang Fit & glam, bakit ka nagtanggap ng ganoon klase. Unang una walang sensesa fashion nakita mo ba yun itsura nun?" alam kong  nagsasalubong ang kilay ko at feel ko tumataas ang presyon ng dugo ko.   "Bago ko sagutin yan tanong mo maupo ka muna at mag relax okay?" pagpapakalma sakin ni Marky.   Sinunod ko naman si Marky dahil higit sa lahat siya lang ang nakakapagpapa sunod sakin, I follow his advises dahil siya lahat nag hahandle ng external projects ng mga business ko. Malaki ang bahagi ang ginagampanan ni Marky kung wala siya matagal ng nagsara itong dalawang company ko, makakabawi naman sana ako ng losses kung maibebenta ko na publishing o totally dissolve na kaso pinipigilan ako ni Mama to do this.    "Bago ko sabihin ang good news ko para sayo, dahil alam kong may bad news ka din sasabihin sakin kaya umuusok ka na sa galit, pakinggan mo muna ito," huminga muna ng malalalim si Marky bago magsimula   "Inalok ko siya magwork dito not just because of me or my own decision, it was tita also push me na bigyan ko ng work. Siya lang naman kasi yun nakakita at nagmagandang loob sa Mama mo noong bigla siyang nawala at umalis ng bahay and upon my observation napaka galing niya ang dami niyang task na nagawa agad this morning, at madami pang siyang task na gagawin because Anna is on leave," patuloy ni Marky.   "Bakit ngayon pa nag leave si Anna?" tanong ko.   "Why dont you check your phone naaksidente sa pagdrive ng motor ang asawa niya."   "Hindi ko nga pala nacheck ulit ang phone ko" sabay sandal ko sa swivel chair at tumingala.   "Ang baba ng sales kasi ng Fit & Glam Magazine ngayon malapit na mag end of the month, timing naman na naaksidente na si Ivler ma pag asa natin para magka sales man lang, im burn out with this unproductive trash," saad ko.   "Hey man lahat naman ng business dumadaan sa ganito, ang tamang solution lang niyan , right approach , chill , and learn how to surpass it."    "Okay, ill listen to you," saad ko. "Start you day right, so heto tapos ko na ang project ILD, and before ko ididiscuss yan kailangan ko natin si Jace para i-jot down notes ang lahat ng mapaguusapan natin. Jace pov   Lumabas ako ng opisina ni Boss halos manginig ako sa takot. Never ko pa na experience ang masigawan sa trabaho, nang makaupo na ko sa desk ko ay agad ko naman hinarap ang payroll at papirma sa mga employees. Bagamat mabibilis ang mga daliri ko sa pagtype sa keyboard pero di mawala wala sa isip ko si Grecko na siya pala ang Boss ko, at bakit ganoon na si Grecko ngayon malayong malayo   na kumpara mga bata pa kami, mabait at lagi ako ipinagtatanggol ngayon demonyo taguri sa kanya ng mga empleyado niya.   Matapos ko magawa ang payroll nag umpisa na akong umikot para papirmahan sa kanila ang payroll, inumpisahan ko sa mga writers ng publishing.   "Excuse me po, pa sign po para sa payroll,"   "Thank you" sabi ni Carla na nauna ng pumirma.   "Ang sipag-sipag naman ng bago natin Admin," si Kuya Marlo na sumunod na pumirma.   "Mars, Bakit ganyan ang mukha mo may problema ba?" saad niya habang nakayakap sa baywang ko.   "Ako, wala naman bakit anong itsura ko? tanong ko.   "Para kasing namumutla ka kanina hindi ka naman ganyan" sagot ni Barbs.   "Okay naman ang pakiramdam ko,"   "Sure ka Mars ha,"    Naputol ang usapan namin ng bigla kaming nakarinig ng sigaw mula sa office ni Grecko.   "Naku ayan na nag aalburoto na naman ang Mt. Mayon"sabi ni Carla.   "Pano di magagalit si Boss eh ang bagal bagal kasi ni Rebecca magtrabaho hindi pa focus sa trabaho." saad ni Kuya Marlo.   "Diyos ko ako na susunod na magpapasa ng synopsis," tumayo si Barbs at nag sign of the cross pa habang inihahanda ang report.   Lumabas si Rebecca na umiiyak naupo ito sa desk niya. Todo pamper naman si Carla at pinapayuhan ng mabuti si Rebecca na ayusin ang trabaho niya.   "Huhuhuhu lagi na lang akong pinapagalitan"humihikbi ba ang mataba na si Rebecca.   "Babalik na lang ako pag magaan na kalooban mo rebecca maya mo na lang pirmahan itong payroll"  Aalis na sana ko ngunit naabot ni Rebecca ang payroll.     "Now na, pera din to" sabay pirma nito sa payroll.   "Tahan na wag mo ng masyadong dibdibin, papanget ka niyan," sagot ko   Lumipat ako sa silid ng Fit & Glam Magazine, Napahanga ako ng buksan ko ang pinto, sementado ito well painted ang mga dingding nakakabit pa ang mga frames na top selling release issued kaso ang napansin ko bakit last year lang ito.    "Nagtataka ka nuh kung bakit last year pa mga yan?" Si Marky na nasa likuran ko pala.     Tumango lang ako sa kanya.   "Until now kasi di na ulit nag top sales ang Fit & Glam Magazine lagi na lang ito nasa huling listahan ng top selling magazines , kaya ayun laging mainit ang ulo ni Grecko, Boss mo kaya yun kanina ako na humihingi ng dispensa kung nabigla ka kanina."   "Wala naman po yun sakin Sir Marky, nagulat lang po talaga ako,"  paliwanag ko.   "Kaya kung ano man maririnig mo kay Sir Grecko mo hayaan mo na lang at magtrabaho ng maayos, Kailangan kasi niya ng tulong natin para maingat natin ang Magazine at ang Publishing okay ba?"   "Yes, Sir Marky pero kasi bakit yun..."'   Itinuro ng isang daliri ko ang silid ng Fit & Glam Magazine. At itinuro naman ng isang daliri ko ang silid ng Publishing.   "Alam mo ang cute mo Jace nakakatuwa ka may paturo turo ka pa ng mga daliri mo, Alam ko matalino ka at mahihigitan mo pa mga ibang empleyado dito, sa galing mong yan malalaman mo rin kung bakit magkaiba ang ayos at istura ng silid ng Magazine at Publishing,"   Oo nga bakit sementado at maayos itong office ng Magazine samantalang wood ang flooring ng Publishing ito hmm naalala ko tuloy ang sinabi ni Barbs sakin kanina tungkol sa pagkakaiba ng mga silid.   Pagkatapos mo dyan sa payroll katukin mo kami sa office ng Sir Grecko mo, may lunch out at meeting tayo mamaya.   "Ok po Sir Marky," pagkatalikod ko kay Sir Marky hinampas ako sa puwet ko pero nang lingunin ko siya nakahakbang na ito ng malayo at nagkukunwaring walang kinalaman sa paghampas ng pwet ko.   "May pagka manyak talaga isang to!" nakakainis!"    Matapos kung mapapirma ang lahat ng employees both magazine at publishing, nasa tapat ako ngayon ng pinto ng Office ni Sir Grecko , atubili akong kumatok, huminga pa ko ng malalim. Nanay ko po ito naman makakaharap ko na naman si Grecko, makakatagal ba ko dito sa trabaho ko? ultimo masamang titig sakin ni Grecko ay hindi ko matagalan lalo pa kaya kung may magawa akong mali at  sigaw sigawan na.    Mababaliw na ata ako sa kakaisip wala sa loob kong aalis nang biglang magbukas ang pinto.    "O, Jace your ready na ba?tara aalis na tayo," si Sir Marky na papalabas na ng office kasunod si Sir Grecko.    "Bring this!" walang kagatol gatol na utos ni Grecko sakin ng ibigay niya ang laptop pero malayo ang tingin.     Pagkalabas namin ng two-storey building ay tumungo kami sa parking  akma sanang aayain ako ni Sir Marky na sumakay sa kanya nang....    "No, Dito ka sasakay sakin Assistant!" ma-awtoridad na utos nito.    "Sir d-doon na l-lang po ko sasa.." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng magsalitang muli si Grecko.    "I said sakin ka sasakay, nakakaintindi ka ba ng tagalog?" galit niyang sabi.   Kaya wala akong nagawa kundi sumakay na lamang sa kotse ni Grecko. Habang binabagtas namin palabas ng Ortigas Avenue, nakatingin lang ako ng deresto sa daan ni hindi ako makalingon kay Grecko tila pinagpapawisan ako ng malamig at tinuklaw ng ahas na di na makagalaw galaw.       "Your Lucky dahil nakapasok ka sa company ko kaya ayusin mo ang trabaho mo, ilang araw na naka leave si Anna kaya make sure na walang magiging problema sa office or else, you will be miserable, kung sabagay mukhang di naman magtatagal mga ganyan katulad mo sa company ko,"   Tila may nakatutok na shotgun sa ulo ko ng marinig ko ang pagbabanta niya sakin, masakit yun para sa akin na hinuhusgahan na niya ang pagkatao kahit di pa niya nakikita 100% ang performance at lalong masakit kung bakit ang init-init ng ulo niya saakin.    "Opo Sir, gagawin ko pong maayos ang trabaho ko,"    "Tandaan mo din nga pala itong sasabihin ko  5 steps away ka palagi tuwing mag uusap tayo, huwag na huwag ka din makikipag eye to eye contact sakin dahil honestly naiirita talaga ko sayo, so better be good always,"     Sa narinig kong yun kay Grecko tila sinasaksak niya ang puso ko, ako to Grecko si Jc , ako to....   Nang marating na namin ang restaurant kung saan kami magla-lunch meeting, pumunta kami sa table ng isang lalaking pamilyar sakin. Ang lalaking kinuktya kutya ako at pinagbintangan may masamang balak sa isang ginang na nakasulubong ko sa daan. Nakayuko ito habang nagbabasa ng isang magazine. Nakangiti ito nang makita si Grecko ngunit biglang naging tigre ng makita ako.     "What the?!, bakit niyo kasama ang taong yan?" sabay duro nito sa akin.   "Hey nasa public tayo manners please!" Saway ni Grecko ngunit ang mukha niya'y nagtataka sa inaasal ng lalaking masungit.   "He is Jace nagtrarabaho siya as Admin Assistant natin," pakilala ni Sir Marky.   "Akala ko ba meeting ang ipinunta ko dito, Where is Anna nagdala pa kayo ng masscot," saad ng nakakabwisit na lalaking ito.    Grabe ka magsalita sakin naku naku napahiya ka lang nung huli kaya ka ganyan.    "Puwede ba let settle down at marami tayong aayusin problema, please stop muna sa mga nonsense  na issue merun kayo?"   "Marky ikaw ba bahala umorder ng lunch natin, Ito si Sir lance mo business partner ko at the same time accountant sa company ko."    "Good Afternoon po Sir Lance,"   "Kanina good ang araw ko ngayon hindi na," sabi ng baliw na atang lalaking to.    Naupo ako sa tabi ni Sir Marky dahil nga may protocol na 5 steps away ako kay Grecko kaya no choice mapapalapit ako sa bruhong epal na to, pero napatingin ako ng iusog ng lalaking bruho na to ang silya niya papalapit kay Grecko. "Ehemm" tikhim ni Grecko na nakatingin sakin kaya nailayo ko kaagad ang mga mata ko sa kanila. "Jace gusto mo ba nitong Shrimp and potato salad?" sabay lapit nito ng menu sakin ni Sir Marky.   "Ok lang po ko kahit ano Sir Marky?"   "How about drink, ito masarap itong cucumber at watermelon juice?" alok nito.   "Water na lang po okay na ko, May allergy po ko sa pipino," sagot ko.   "May allergy ka sa cucumber?" napataas ang tono ng pagtanong sakin ni Grecko.   "Opo" sagot ko habang nakayuko.     Naiorder na lahat ni Sir Marky ang para sa lunch namin. nagumpisa ng magsalita si Grecko. kaya agad kong binuksan ang laptop para irecord ang important details na mapaguusapan nila.   "Our Company is in deep trouble halos hindi na narereach ang sales every month,  Kaya mainit ang ulo ko this morning because alam na nang competitors ko nangyayari sa company ko, that bullshit Mr. Tan is giving me a chance na makabawi sa losses ko balak niyang bilhin ang Fit and Glam Magazine and ang Publishing House,  So we really have to take this seriously bago pa mawala ang lahat,"    "I will talk to tita na ipasara ang publishing dahil pabigat lang ito sa Magazine.    "Okay if you can, kung mapapayag mo si Mama tungkol dyan,"    Naku paano na sila Carla,Rebecca, Barbs at Kuya Marlo na maraming pinag aaral kawawa naman sila kapag ipinasara na ang publishing.   "Give me One day para makapag isip ng magiging solusyon, alam mo naman ako Grecko nakakagawa ako ng paraan in an instant pero pag aaralan ko overnight ang tungkol dyan, asahan mo  makakahanap ako ideas lalo na inspired na inspired ako ngayon," saad ni Sir Marky sabay pinisil ng madiin ang kaliwang hita ko.    Nagulat ako sa ginawang iyon ni Sir Marky kaya natabig ko ang phone ko at nahulog sa ilalim, kaya agad kong yumuko at inabot ang phone ko sa ilalim napako ang mata ko sa pwesto nila Sir Grecko at Sir lance kitang kita ko na binawi ni Sir lance ang kamay niyang nakapatong sa hita ni Grecko at napansin ko din ang bulky sa gitna ng mga hita niya dahil doon nauntog ang ulo ko sa ilalim ng lamesa.     "O okay ka lang Jace?" pag aalala ni Sir Marky.   "Next be careful nga at huwag clumsy" saad ng bruhildong Lance   Kapa-kapa ang ulo ko at sa peripheral vision ko ay nakatingin sa akin si Grecko.   "Sorry po sa abala,"  at muli kong hinarap ang laptop at nagtype sa keyboard.   "Anyway may mga naisip akong idea kailangan ko ng opinion ninyong dalawa..." napakasarap sa pandinig ng boses ni Grecko ibang iba na siya ngayon kung noon mga bata pa kami ay cute ang boses niya nagbibinatilyo noon , ngayon ay malalim, nakakakit ang mga intonations niya at lalaking lalaki ang boses. patulot ako sa pagtipa sa keyboard buti na lang at may pagka multi task ako habang  tinatype ko ang mga napag uusapan nila heto ang puso at isip ko ay nakatuon sa glow up transition ni Grecko. Marami rami na din pala silang napag usapan napansin ko na lang na nakatingin silang tatlo sa akin. Tumigil muna kami saglit para kumain at ng makatapos kaming kumain naiwan kami ni Sir Lance sa table.    "Uunahan na kita, FYI ex ko si Grecko, he is the man of the dreams ng lahat ng nakakakilala sa kanya at napaka lucky ko ng maging akin siya noon, Hindi na bago sakin ang mga katulad mo. Hindi ako naniniwalang just a coincidence kung pano ka napunta sa kumpanya namin, wala akong tiwala sa mga katulad mo sinadya mo mapalapit kay Grecko. Kaya kung may binabalak ka at naniniwala ka sa fairytale romance pwes ako ang magiging evil wicked antagonist mo sa pinapangarap mong love story, sana hindi ka bobo at naintindihan mong lahat ng mga sinabi ko sayo!!" babala sa akin ni Sir Lance.    "Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, alam ko po katayuan ko sa buhay at alam ko pong pangit po ako sana din po malinaw ang mga mata niyo at malabong mangyari ang mga sinasabi ninyo,Excuse me po gagamit lang po ko ng cr."   Masyado makapagsalita tong lalaking to yun pala bakla naman din pala. Nakakaloka mga pinagsasabi halatang adik sa mga telenovela at mga palabas sa TV, Habang sinasabi ko ito sa loob ko papasok na ko ng comfort room. Dere-deretso ako sa cubicle nang...    "Ano ba hindi ka ba marunong kumatok" nabosesan kong si Grecko ang nasa loob. Tinamaan ko ata siya ng pinto ng cubicle.   Paatras sana ako at tinangkang makalabas ng CR ngunit nakita na niya ko.   "Sorry po Sir Grecko di ko sinasadya akala ko walang tao," paliwanag ko.   "Puwede naman kumatok di ba o baka intensyon mong silipan ako!" sabi ni Grecko.   "Sir hindi po," sabi ko.   "Are you sure sa sinasabi mo? Next time kumatok ka!" nakasalubong na mga kilay at masama ang tingin sa akin.   "Opo Sir tyaka bago po kayo magalit ng tuluyan sakin at lumabas isara niyo muna zipper niyo," saad ko kay Grecko.   "Dali-dali naman niyang tinakpan ang kabuhayan package niya at sabay talikod upang isara ang zipper pagtapos noon ay naghugas ito ng kamay,"   "Natatawa ako sa reaksyon niya at kitang kita ko pamumula ng mestisong mukha niya".   "Anong tinatawa tawa mo dyan!?" "Wala po Sir," Yumuko ako ng humarap siya sakin at padabog na itinapon sa trashcan ang paper tissue na ginamit niya. At nang bumalik kami sa office ay wala na itong imik at hindi ko na nakita dahil hindi na din ako sumaglit sa opisina ni Grecko.     Hanggang bago ako matulog ay hindi ko maiwasan mangiti sa tuwing maaalala ko ang nakakatutuwang reaction niya.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD