Episode 6 Memories

3239 Words
Door knocking.... Jace POV   "Mama!"   "Mama!"   Ilang beses kong katok sa pinto halos mabasa na ako sa lakas ng ulan, ano bang laban nitong payong kong nagpapagewang gewang na at halos tangayin na rin ng hangin.   "Parang bagyo na ito".   "Oh Anak, bakit ka sumugod sa ulan! Ayan tuloy basang-basa ka", bungad ni Mama sa akin ng pagbuksan niya  ako ng pinto.   "Dyan na po ako sa kanto nang abutan ako ng ulan, eh gusto ko na po makauwi agad dahil bukas may pasok na naman,"   Ani ko habang nagtatanggal ng medyas at sapatos, isinampay ko ang payong sa sabitan.   "Naku gusto mo nga makauwi agad eh, Bata ka magkakasakit ka naman sa ginagawa mo," ipinatong sakin ni Mama sa ulo ko ang towel at pinunasan ako.   "Sorry po Mama," tugon ko.   "O siya maligo ka na at tamang-tama nagluto ako ng bulalo mami paborito mo yun hindi ba."   Tumango lang ako at naglakad habang bitbit ang bag ko.   "Nak mukhang matamlay ka kung sasama pakiramdam mo inuman mo agad ng gamot ha."   "Opo Ma," muli kong tugon.   Pagkapasok ko sa kwarto agad kong inilabas ang mga gamit ko sa bag, medyo tumagos ang tubig sa luob ng bag ko kaya naman nabasa ang papel, resibo maliban lamang sa phone ko na binalot ko ng plastic,  dead battery na pala ito  kaya nag charge na ko ng phone saka ako naligo.   Pagkabalik ko sa aking kwarto naroon na sa study table ko ang isang malaking mangkok puno ng mainit na sabaw ng bulalo mami.     "Si Mama talaga napaka maasikaso sa aming magkakapatid talagang sinuguro niyang kakain ako".    Humigop ako ng kunti sabaw at sobrang init nito. Kaya itinabi ko muna ang pagkain. Napagmasdan ko ang isang box na natatakpan ng mga photo album ko. Hindi ko na matandaan kung ano nakalagay dito,  natatandaan kong inilagay ko ito sa cabinet ko. Nang buksan ko ang box. Natuwa ako sa mga laman nito mga alaala noong nakakasama ko si Grecko. Nagbalik lahat sa aking ang mga masasayang alala ko noong grade 4 ako at siya naman ay  nasa Grade 6.   "Ito yun tamagochi na pinahiram ni Grecko sakin pero hindi ko na naibalik,"    Inisa-isa ko lahat ang gamit na nasa loob ng box, narito ang pogs na  may sulat ng mga pangalan namin, maski itong  boyscout hankerchief slide kinuha ko sa kanya ito ng walang paalam dahil bumili siya ng bago. Ganoon din itong bilog na pin sa backpack niya ay kinuha ko din, nuong hinatid niya ko dito sa bahay dahil hindi ako nasundo ni Papa nuon.    "Ano ito? Hindi ko ata natatandaan may sobre akong nilagay dito!"   Kaagad ko kinuha ang isang sobre naiwan sa box. Binuksan ko ang sobre may litrato sa luob, picture namin dalawa ni Grecko nakasuot siya ng barong samantalang ako ay naka PE uniform dahil calisthenics lang naman ang ginawa namin. Ito yun may event kami sa school, si Manong jerry na photographer ang kumuha nito. Flashback   Nagpapalakpakan ang mga tao ng tawagin ang mga grade 6 students upang magperform ng folk dance na cariñosa. Napakadaming tao ang nanunuod hindi lamang sa mga parents at mga estudyante kundi dahil na rin sa kasikatan ni Grecko.    Pilit akong tumitingkayad pero dahil sa liit ko ay hindi ko makita si Grecko. Naisip kong umakyat sa 2nd floor ng isang building pero nakita kong punong-puno na rin ang corridor. Tinatangay na ako ng dagsa ng tao lalo na mag umpisa na ang tugtog ng cariñosa. Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko sa kawalan ng pagkakataon mapanuod ang crush ko.    "Jc halika dali dito sa pwesto namin!" sigaw ng kaklase kong die hard fan ni Grecko na si Sheryl.   Pinilit kong makalapit sa grupo nila sheryl hirap makasingit sa mga tao nagkakatapakan at nagkakasikuhan na ang madla, ngunit ginawa ko ang makakaya ko makalapit sa kanila,  hanggang sa hinatak ako ng bading kong kaklase na kasama nila sheryl. Sa wakas nakalapit din ako sa kanila. Tumingkayad ako ngunit di ko pa din makita ang mga nagsasayaw  patuloy na nagigitgitan at nagkakatulakan ang mga tao hanggang sa makarating kami sa unahan ng mga tao.        Tila may mga kislap ng mga liwanag sa paligid, pabagal ng pabagal ang pag galaw ng mga nagsasayaw, bumabagal ba ang ikot ng mundo? Ang mga mata ko'y parang lente ng sniper gun at pilit na hinahagilap ang target na walang iba'y si Grecko.   "Greckooooo!!" sigaw ng grupo kung saan napabilang ako.   Ganoon din ang kabilang grupo kung saan naroroon ang mga madalas mang bully sakin. Nang mamataan nila si Grecko habang nagsasayaw, napuno ng tilian at pagtawag kay Grecko ang mga manunuod, kaya napatingin sa dako namin ang crush ko at nginitian kami ng pagkatamis-tamis. Lalong naging wild ang mga estudyanteng may crush kay Grecko kaya nagdulot ito ng harutan at tulakan. Sa hindi inaasahan nadapa ako malapit sa kung saan nagsasayaw si Grecko.    Isang kamay ang nakalahad sakin upang tulungan akong tumayo, di ako makapaniwala nasi Grecko ito, tinulungan akong tumayo banaag sa mukha nito ang pag alala   "Okay ka lang ba Jc?"   "Ayos lang ako" sagot ko.   Mabilis na bumalik si Grecko sa kanyang kapareha at ako nama'y patakbong bumalik sa dati kong puwesto. Tinapunan pa niya ako ng napakatamis na ngiti kaya halos kuyogin ako ng mga bakla at babaeng fans ni Grecko dahil sa nanyare.   "Alam mo namumuro ka na talaga samin!"   "Nakakainis ka na Jc epal ka talaga kahit kelan!"   "Umalis ka na nga dito, ikaw lang pinansin ni Grecko my loves namin!"     Saad ng mga nang bubully sakin na sobrang inis maya-maya ay nakaramdam ako ng may bahagyang nanabunot sa akin at may isa naman pumingot ng tengga ko kaya lumayo ako sa kanila. Sumama ang loob ko sa ginawa nila sa akin, naramdaman kong nangingilid ang luha sa mga mata ko kaya naupo ako sa isang sulok ng quadrangle. Pinahiran ko kagad ang aking mga mata dahil baka makita ako nila Mama at Papa umiiyak.   "Nak, nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap ng Papa mo," napatayo ako kaagad ng marinig ang boses ni Mama.   "Anak natuwa ako sayo ang galing galing mong mag calesthenics, ang galing mong kumembot manang mana ka sama mo hahaha,"sabi ni Papa sabay yakap sakin.    Mabuti na lamang at hindi nahalata nila Mama at Papa ang pamumugto ng mga mata ko.   "Jc pa picture tayo!" boses ni Grecko kasama si Manong Jerry   "O pa picture daw kayo ni Grecko, nak," sabi ni Mama.   hinawakan ni Grecko ang kamay ko  pumuwesto sa isang magandang lugar na maraming mga halaman para magpa picture.   "Oh anong nangyari sa iyo, parang iiyak ka?" napansin ni Grecko ang mga mata ko.   "Hindi napuwing lang ako," sagot ko.   "Inaway ka na naman nila ano? ituro mo kung sino sila para hindi ko na sila papansinin, Oh smile ka na,"   "Panget ka sa picture sige ka! Smile ka na".   Natuwa naman ako sa pagpapagaan ng loob ko ni Grecko. "Manong Jerry dalawang shut ah," sabi ni Grecko.   Pagka akbay ni Grecko agad na pumuwesto si Manong jerry upang kami ay litratuhan. pagkatapos noon ay nakipag apir sakin si Grecko. End of flashback     Pagkatapos kong alalahanin ang nakaraan ay sinimulan ko ng kumain, tiyempo na ng maalala ko ang phone ko ay full charge na ang battery nito. Pagka open ko sunod-sunod ang dating ng mga messages ni Gab sa akin. Kaagad ko itong tinawagan.    "Hello Best"    "Naku Best, buti naman marunong ka pa gumamit ng phone mo" saad ni Gab sa kabilang linya.   "Sorry Best na dead bat na phone ko,kaya now lang ako nakatawag sayo".   "Kala ko kung ano na nangyari sayo, hindi mo sinasagot messages at call ko sayo".   "Jc gotta go now" boses ng isang lalaki sa background bigla akong natigilan at nagkaroon ng ideya na si Grecko ito, tila may kumurot sa puso ko.    "Wait Best balikan kita ah, hinatid kasi ko ni Grecko hanggan dito sa bahay, promise babalikan kita".       "Sige, Go Best"     Bigla kong na press ang end call, nanuyot ang lalamunan ko na parang may nakabara, pinagpatuloy ko ang pagkain bulalo mami at unti-unti lumalabo ang aking mga mata dahil pamumuo ng mga luha ko. Nakaramdam ako ng pagseselos kahit alam ko naman sa sarili ko na malabong mangyari na maging sila ni Grecko at ng bestfriend kong si Gab.    Iginigiit ng isip ko na malabo mangyari ito saka naman ang pagragasa ng luha ko habang kumakain.                                  **********   Maaga akong pumasok sa office dahil nakatanggap ako ng message kay Maam  Anna dahil maraming at maaga daw magsisimulang magtrabaho ang mga taga Fit & Glam Magazine , bukod doon ay ipi-print ko daw ang bagong memo at ipapamamahagi sa mga empleyado pati na rin sa publishing, kaya agad kong binuksan ang desktop sa lamesa pati na rin ang printer. Phone ringing    Sinagot ko ang telepono sa table ni Maam Ana.   "Hello, Good Morning"   "Good Morning, May tao na ba sa Magazine?" magandang tinig ng lalaki ang nasa kabilang linya.   "Sir wala pa po, May i know who's on the line please?"   "Ako to, Ang Boss mo, Nasaan si Anna at sino pala kausap ko?" ma- awtoridad na ang dating ng kausap ko sa kabilang linya.   "Sir, Ako po si Jace bago pong admin assistant" sagot ko naman.   "Okay" sabay baba ng telepono.    Bigla naman akong kinabahan doon, wala man lang paa-paalam bigla na lng ibinaba ang telepono. Sabagay ganoon naman mga amo kadalasan masusungit, strikto at akala mo laging naghahabol ng oras. pagka open ko ng mga documents nakita kong may email sakin si Maam Anna.   "Ito na kaya yun memo?" pagtingin ko'y ito nga memo para sa mga taga magazine at publishing kaagad kong nagprint ng mga copy.   Pagkabukas ng pinto nakarinig ako ng mga boses ng mga babae at beki maiingay sila at may pagka conio o yun mga taglish magsalita na may paarte-arte pa in short mga sosyalera sabagay mga nasa lifestyle magazine sila. Yun mga ganitong attitude pa naman ako madalas nayayamot minsan ,  hindi ko alam kung bakit marahil na rin siguro hindi ko kaya makipagsabayan sa kanila. Ang mga iniisip ko tulad sa kanila ay biglang nagbago ng lumapit na sila sa table ko. Napatulala ako saglit at napahanga sa mga itsura nila. Ang gaganda at napaka-ayos ng mga postura nila, masasabi kong bagay na bagay nga sila sa kanilang propesyon sunod sila sa fashion, napaka prim and proper nila kumilos basta nakakabilib at nakakaenganyo sila tingnan.   "Hi, wala pa si Ms. Anna?" sagot ng sexy na babae.   "Wala pa po Maam," sagot ko.   "Dont call me Maam, Im not matanda ah just call me Janice na lang".   "Naku hindi daw," singit ng beki na naka scarf na floralat naka suot ng white polo at maroon pants na naka heels.   "Excuse me ha, Im only 25 nuh umaapela ka eh 40 yrs old  ka na coming from you ha" bato naman ng nag ngangalang Janice.   "Over sa 40 ah, Im only 37 kaya" sagot ni beki.   "Naku magsitigil nga kayo, Im Porsie   managing editor ng magazine natin , yan si Janice sa at ito naman strawberry fashion consultant namin, I think your new here, Am i right?" pakilala sakin ni Porsie.   "Ako po si Jace bagong admin assistant po," sagot ko.   "Wow welcome here ah"sabay lahad ng kamay sakin ni Janice para makipagshake hands at sumunod din ang iba para makipag shakehands sa akin.   "Bisitahin mo naman kami sa kabila,  alam mo gusto kita, gusto mo ba ng make over ayusan kita?" alok no strawberry.   "Naku nakakahiya naman po baka po maka abala ako sa inyo," saad ko.   "Okay lang yun basta ha gora ka doon ah". pilit ni strawberry.   "Eto nga pala yun memo," sabay abot ko sa kanilang tatlo.   "Thanks Jace, see you round" paalam ni Janice.     Maya- maya pa ay may sumunod pang tatlo mga empleyado mula sa Fit & Glam Magazine ganoon din sa Publishing House.   "Hi Jace kmusta ka?" bati ni Barbs.   "Good Morning heto nga pala yun copy ng mga memo,"  pagbati ko kanila Carla, Rebecca at Marlo.   "Im good, how about you Barbs?" tugon ko kay Barbs.   "So so beautiful pa din" nakangiti ito ng nanlaki ang mga mata sa memo.   "Anong nakalagay sa Memo?" tanong ni Carla.   "Naku doon niyo na basahin sa mga desk  ninyo yan Memo at nagmamadali ako, pasahan na ng synopsis ngayon nakalimutan niyo na ba"?    "Tapos ko na dyan kuya Marlo kaya pa easy easy na lang ako ngayon." sagot ni Barbs.   "Same here ipri-print ko na lang pa-print naman ako Jace," ani ni Carla.   "Sure tapos na ko magprint ng Memo,"  sabay alis ko sa table ko para makapagpa print si Carla.    "Oh my God nakalimutan ko kulang pa ko ng isang chapter," bulalas ni Rebecca na nagdudumali maupo sa station niya.   "Naku Good luck Girl sabon ka mamaya sa Demonyong nakaupo sa silid na yun," turo ni Barbs sa opisina ng Editor-in-chief ng Magazine.   "Matanong ko lang Barbs bakit di ko ata masyadong nakikita ang Boss natin?" tanong ko.   "Well, Thank you for the wonderful question and that question deserves a wonderful answer, Sa pagkakaalam ko never pa talaga lumabas ng silid na yan ang Boss natin ni hindi pa tumapak yan dito sa ating lumang opisina na made of wood pa ang sahig. Pero ang sabi ni strawberry ay lagi daw silang sinusupervise  at nakakahalubilo si Boss kaya kung iisipin mo parang unfair na di ba , sila ganoon ang treatment pero tayo parang di ko ramdam na may malasakit si Boss," kwento ni Barbs.   "Ganoon ba, baka may ibang dahilan naman bukod dyan sa naiisip mo?" ani ko.   "Ang sabi kasi matagal na gustong i give up ni Boss itong publishing dahil mababa daw ang sales, Si Madam s***h Mommy ni Boss ang ayaw na itigil ito dahil para sa alala ng mapayapang asawa niya gusto niyan buhay pa rin ang publishing, Pero may kumakalat na tsismis noon pero nakalimutan na  ngayon dahil wala na ang mga pioneer employee nakaalama nito,ang nakaabot na lang ng tsismis na yan si Kuya Marlo. At ang tsismis na yun nabaon na sa limot.   "Ahh" ako napa uwang ang bunganga ko.   "Mars ang bunganga mo ganyan ba talaga maka ahh ka naman bilog na bilog ang bibig mo iba kasi ang dating sakin,"   "Ano yun Barbs di kita magets"   "Im sorry Mars, yun bibig mo kasi pag naka buka ang sagwa para kasi yun gumaganoon ka. Yun ganoon sumusubo ka ng ano,"  sabay senyas ni Barbs ng kakatwang kilos.   "Mars payong kapatid lang iwasan mo yan ganyan, i hope your not angry sa sinabi ko," patuloy ni Barbs.   "Naku mabuti na lang sinabi ko pangalawa ka pa lang sa mga  nakapansin ng bibig ko," saad ko   "lunch out tayo mamaya itre-treat kita, mag usap tayo mamaya ha tyaka mag eenjoy ka doon madami poging waiter sa restaurant na kinakainan ko minsan napapasarap ang kain ko doon kasi ang sasarap talaga ng mga nakahain doon."   "Okay, okay sige back to work na tayo naaaliw na ko sa iyo" masayang sabi ko.    "Bye for now" habang lumalakad sa pasilyo si Barbs kumendeng pa ito na parang gumawa ng hugis bilog ang pwet,napansin ko din ang suot niya ngayon naka polo na yellow na naka tuck in with matching teturon pa.   Pagka upo ko sa chair ay hinarap ko naman ang desktop ko nakatanggap ako ng email kay Maam na hindi daw ito makakapasok ako na muna bahala  sa lahat ng gawain sa opisina, nakapag paalam na din daw siya kay Boss at ilang araw na di papasok. may hininingi din daw na documents si Sir Marky paki ready ko na lang daw. At may PS note pang kasama     PS: Kapag nagmeeting sila Boss, Sir Marky at Lance sumama ka irecord mo lahat ng mga napag usapan nila.   "Haayy ano ba to pangalawang araw ko pa lang dito ang dami na agad trabaho, ang toxic naman!!!!"   "Dalawang company kung tutuusin itong hinahawakan ko bilang Admin staff, Ano ba tong napasukan ko".   Teka ano yun naka sticky note sa lamesa ko binasa ko kaagad to:    Jace,         Paki papirmahan sa lahat ng employee itong payroll report bukas, at gawin mo na din ang payslip.   "Wahhh nakaka loka ang dami kong trabaho ano ba to , laban lang Jace laban lang kaya mo yan!" ani ko.   "Wow that's the spirit gusto ko yan, ganyan attitude keep it up!"   "Ay kabayong nagsasalita" gulat ko ng bumungad sakin si Sir Marky.   "Grabe ka naman sa akin mukha ba kong kabayo?" si Sir Marky na medyo nakaismid sa pagkakagulat ko.   "Sorry Sir bigla na lang po kasi kayo sumusulpot nakakagulat po kayo?"   "Hindi mo lang ako napansin kanina pa ko nakapasok sa lobby at pinapanood kita how efficiently you work kahit mag-isa ka dito,"   "Basta Sir Marky huwag niyo po akong gugulatin natataranta po ako," saad ko.   "I admire you a lot alam mo ba yun?" sabi ni Sir Marky na nakatitig sa akin nakaka akit.   Sir Marky huwag po bata pa po ako at virgin pa "Isunod mo sa akin yun project IlD, Hanapin mo na lang sa document files," natauhan ako ng magsalita siyang muli nakakainis bakit natatangay ako ng panglalandi sa akin ni Sir Marky.   "Yes po Sir Marky,"   "Sunod mo na agad ha para makita mo na yun kabayo ko!" kumindat pa ito bago pumasok sa silid ng Boss namin.   "Loko loko talaga isang yun lagi na lang ako inaasar!"   Kaagad kong ginawa ang pinapautos sakin ni Sir Marky matapos makapag print ay dinala ko na ito sa kanya. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko ng makita ang malaking picture frame sa mababang cabinet na nasa likod ng chair at desk ng editor in chief.   Natulala ako si Grecko Sandoval ang nasa picture frame, bukod dun ay binasa ko din ang name naka ukit sa desk kay Grecko nga ang opisina na ito at ibig sabihin noon siya ang Boss ko, siya ang tinatawag nilang demonyo sa silid na ito.   "Anong nangyare sa iyo Jace" tanong ni Sir Marky   Galing siya sa isang pinto nakakaloka naman opisina na ito ang daming pinto, pinto papunta sa publishing at may tatlo pang pinto pero si Sir Marky ay galing ata sa CR dahil inaayos pa nito ang zipper niya.   Hindi ako makapagsalita tila may nakabara sa aking bibig nakaturo lang ako sa picture frame hindi ako makapaniwala sa nakikita ko napaatras ako ng dalawang hakbang ng mabangga ko ng likod ang isang tao, saglit kong napagtanto na oozing physique, grabe ang hulma ng katawan nito ang macho.   "Puwede malaman kung bakit mo tinuturo ang litrato ko?" boses ng lalaking nasa likuran.   Omg si Grecko Sandoval ang ultimate crush ko noong nasa elementary pa ako ang nasa likod ko.    Ramdam na ramdam ko ang t***k ng puso ko sa mga oras na yon halos dumagundong at nagwawala ang mga cells ko sa katawan ng magdikit ang katawan namin, dahan-dahan akong humarap nang...    "Ikaw?" sabay pa kami ng pagkakasabi ni Grecko pero mas nagulat siya ng ako'y makita niya Diyos ko nabisto na ata ako ni Grecko....                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD