"We are not hiring".
"No Hiring".
"No vacancy".
"We will call you after the evaluation".
Yan lahat ang sagot ng mga pinasahan
ko ng resume,
Halos hilahin ko na mga paa ko palabas ng opisina dahil sa panlulumo. Habang naglalakad ay napaka lalim ng iniisip ko, iniisip ko na kailangan makahanap agad ako ng trabaho dahil pano sa bahay , pano ang pamilya ko. May ipon pa naman ako dahil nagtatabi ako kahit papano para makaipon ako mula sa sweldo ko , may sasahurin pa ko ng pang isang buwan at backpay. Huminto ako saglit at sinilip aking dalang folder na may mga resume, pang anim na company na itong inaapplyan ko sana man lang may tumanggap sakin.
"De bale Lord alam kong malakas ako sa inyo kaya pakiramdam ko magkakaroon na ko ng work itong week na to, o kahit next week o kahit next next week" bulong ko sa sarili ko.
Binabagtas ko ang kahabaan ng ortigas avenue pagod , gutom sobrang init pa ng kalsada parang nagliliyab sa init dahil tirik na tirik ang araw sa katanghalian. Pagliko ko sa kanto may masasalubong akong isang matandang babae , hirap ito sa paglalakad at tila matutumba pa. Tumakbo ako para agapan ang kanyang pagkatumba.
"Naku Ginang ano pong nangyayari sa inyo?"
"Okay lang po ba kayo?"
Sunod sunod kong tanong habang pinagmamasdan ko ang matandang babae.
Hindi naman siya pulubi magara at maayos ang kanyang damit may suot pa na alahas ito.
"Nahihilo ako iho" aniya
"Naku ganoon po ba!"
Luminga ako sa paligid upang humanap ng lugar na malilim ngunit nasa lugar kami na maraming establishment. Nagkaroon ako ng idea ng makakita ako ng isang sikat na food chain.
"Tama duon po tayo sa kainan na yun magpahinga Ginang". ani ko
"Kaya niyo pa po ba ninyong tumayo?" tanong ko.
Tumango lang ito sa akin at inabot ng kanyang kamay aking maliit na mga braso may katabaan ang matandang babae kaya pinilit kong tatagan ang aking katawan para maalalayan ko ito sa paglalakad.
Sa wakas nakapasok na din kami sa food chain na yun naupo kami malapit sa pinto. Nagtaka ako sa sarili ko ayun kaya yun adrenaline rush sa nipis ng katawan ko na nakaya kong alalayan ang halos tatlong beses pa ang laki sa akin. To think na pagod at gutom ako kanina na habang naglalakad kami ay nakakapit pa sa akin ang matandang babae.
"Kamusta na po pakiramdam niyo Ginang?"
"Nauuhaw ako anak maari mo ba kong ibili ng maiinom" habang dumudukot ito sa bulsa niya.
"Naku ako na po bahala maupo lang po kayo dyan heto po pakibantayan po itong mga resume ko po"
Agad ako umorder ng burger fries at spaghetti for two dahil sobra sobra na gutom ko, feeling ko nga may world war 3 na sa luob ng tyan ko. Pagkabalik ko ay nabigla ang matanda na may isinilid pa ito sa kanyang bulsa .
"Ginang kumain na po kayo tinging ko kasi nanghihina kayo?"
"Salamat po sa biyaya Lord".
"Game attack!"
habang pinagsisilbihan ko ang ginang sa pagkain sa wakas sumilay na ang ngiti sa labi ng matandang babae
"Kain lang po ng kain Ginang".
Hay salamat napawi din ang aking gutom at naginhawaan ang pakiramdam ko sa air con sa tuwing mapapatingin ako sa matandang babae ay nakangiti ito sa akin at sinusuklian ko naman ng ngiti.
"Ginang San po kayo pupunta at bakit po nag iisa kayo?"
Sasagot pa lang ang matandang babae ng tumunog ang phone nito.
"Iho paki sagot nitong phone ko di kasi ako marunong gumamit nito?"
"Ahh sige po"
"Hello" sagot ko.
"Hello sino ka ba't ikaw sumagot ng phone ng Mama ko?"
"Snatcher ka no o holdaper!"
"Nasaan ang Mama ko ipapakulong kita kapag may ginawa kang masama sa mama ko!"
isang lalaki sakabilang linya nagtataglay ng buo , malalim at malamig na boses ang galit na galit na nagbabanta. Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko dahil halos matanggal ang mga tutuli ko sa tenga sa mga sigaw nito.
"Wait, relax lang po. Nandito po ang Mama ninyo kasama ko po nakita ko po siyang nahihilo sa daan".
"Hindi ako naniniwala sayo ipakukulong kita!"
Agad ko ng ibinigay ang phone sa matandang babae dahil mukhang nag flare up na sa galit ang anak niya.
"Hello Anak sunduin mo na ko dito ayoko makasama si luigi, ayaw ko sa kanya!"
"Ma nasaan ka ba?"
"Pinag aalala mo ko".
"Bkit ka umaalis ng bahay?"
"Ayoko nga yun mga tao sa bahay gusto ko ikaw kasama ko".
Patuloy ako sa pakikinig sa matandang babae, nang mapansin kong may cute na bata sa labas na nakaturo sa matandang Babae. May kasama itong magandang babae at isa pang lalaking may itsura pero ang tabas ng mukha ay yun mga kontrabida maldito sa pelikula , lahat sila ay mukhang mamahalin ang damit. Dali- dali pumasok ang bata habang nakasunod ang magandang babae.
"Lola, Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap" sabi ng bata na kulot kulot ang buhok na akala mo pansit canton.
"Kulot kelan pa kau dumating?"
"Ma galing kaming airport isu-surprize ka sana namin pero kami ang sinurpresa mo".
"Na-miss kita kulot sobra wag na wag na kayo babalik sa States" sabi ng matandang babae sa bata
"Opo lola miss na miss din kita". sagot nito
"Ahhh excuse me po, Nakita ko po si lola na nahilo kanina at muntik na matumba kaya dito ko po siya dinala"
"Naku maraming salamat ah kung wala ka baka napahamak na si Mama heto this is my reward for your kindness" sabay bunot nito sa pitaka
"Huwag na po tyaka di naman po kelangan may kapalit sa pagtulong sa kapwa , sige po mauna na po ako".
"Ginang sa susunod po wag na po kayo aalis, mahirap na po kasi sa panahon ngayon mapanganib mag isa sa labas lalo na sa edad niyo".
Agad na hinawakan ng matandang babae ang aking mga kamay.
"Maraming salamat talaa sayo Iho ha hayaan mo Jace magkikita pa ulit tayo".
"Po, Pano ninyo po nalaman pangalan ko?"
"Hoy san ka pupunta huluhin ninyo ito maman pulis!"
Laking gulat ko ng hawakan ako ng dalawang pulis sa magkabilang braso.
"Teka bat ninyo ako hinuhuli ano kasalanan ko?"
Sa presinto
"So ikaw si Jace ayon sa statement mo nakita mo si Mrs. Rosalinda Sandoval na nahilo at matutumba sa kalye pagkaliko sa Otigas Avenue".
"Opo" maikli kong sagot
"Ulitin ko lang ah sabi mo sa statement mo nakita mo si Mrs. Rosalinda Sandoval na nahilo at matutumba sa kalye pagkaliko ng Ortigas Avenue".
"Oo nga po Sir ano po ba to recording studio na kelangan ulit ulitin".
"Eh kelangan kasi namin siguraduhin totoo sinasabi mo". Sagot ng pulis
"Sir pang limang beses ko n po sinagot yun tanong niyo, Ano pa ba sir kelangan niyo patunayan?" nakalamukos na mukha ko sa pagkayamot sa mga pulis
"Chief ok na po yan si..."
Naputol ang sinasabi ng isang bagitong pulis sa biglang pagsulpot ng ginang na aking tinulungan.
"Iho pasensya ka na sa abala maari ka nang makauwi ito kasi tong mga pulis na ito napaka OA ninyo eh" sabay hampas sa balikat ng pulis ng matandang babae.
"Kamusta po kau tita?" tanong ng isang lalaking patakbong papalapit sa amin.
"Ok naman ako iho ayaw nila maniwala sakin na iniligtas ako ng batang to kapahamakan".
"Jace, iho gusto mo ba ihatid ka na namin sa inyo naabala ka na namin masyado" saad ng matandang babae.
"Huwag na po salamat na lang po". Sabi ko
"You look familiar , di ko lang matandaan kung saan" sabi ng lalaking kararating lang kanina.
"See mukhang may intensyon na mapalapit satin tong panget na lalaking ito eh , Ano ba alam mo sa pamilya namin?" sabay turo nito sa pagmumukha ko.
"Enough Luigi, this is a whole mess!"
"Wala ka naman napapatunayan sa mga hinala mo nagmagandang luob na nga yun tao tapos eto pa igaganti natin" sabi ng magandang babae.
"Im sorry im just concern to tita" sagot ni Luigi.
"Iho pumayag ka ng ipahatid kita".
"Marky, favor ihatid mo sya". insist matandang babae."
"No problem tita shall we?"
"Mr.?"
"Jace na lang po" sagot ko nang nabigla akong yakapin ng matandang babae
"Di pa pala ako nakakapag pasalamat sayo Jace mag ingat ka sa pag-uwi".
"Maraming-maraming salamat".
Nahihiya man ako napayakap na rin ako sa kanya habang masayang nakangiti sa akin lahat maliban lamang sa nag ngangalang Luigi.
Nang nagkahiwalay hiwalay na kami , tahimik lang ako sa sasakyan nang basagin ng lalaki ang aming katahimikan sa luob ng sasakyan.
"Alam ko na naalala na kita ikaw yun lalaking sumubsob sa bus".
Napaawang ang bibig ko at tiningnan ang ang mukha ng lalaking kasama ko sa sasakyan.
"So its really you di mo ba ko naaala-ala small world".
"Opo ako po yun".
"Ang tipid mo naman sumagot inaantok tuloy ako sayo". Aniya
"Di po kasi ako masyado nakikipag- usap sa di ko po kakilala".
"Wow interesting ah now lang ako nakakita ng gay na napaka hinhin masyado at suplada pa".
"Di po ko suplada sadyang tahimik lang po ko sa ibang tao".
"Sabagay may ganoon klase naman talangang tao kinda aloof or something".
"Anyway buti na lang at di napahamak si tita ano nga pala ginagawa mo doon?" patuloy ni Marky.
"Naghahanap po kasi ng work timing na nakasalubong ko si..."
"Tita Rose anyway medyo natutwa ako sayo here's my business card kung sakali gusto mo lang ako makita ulit". nakangiti ito sakin sabay abot ng calling card niya
"Di rin po kayo flirt nuh". saad ko
"I mean work Hahaha" palusot nito
"Sige po salamat".
"Sir tingin po kayo sa kalye muntik na po tayo mabangga!" napataas ang boses ko dahil sa pagkabigla.
"Chill dati akong racer". mayabang na sagot nito.
At nang matapat kami sa stoplight bigla itong lumapit sakin at may inabot sa aking tagiliran , matapos niyang hatakin ang seatbelt matagal niya kong tinitigan na halos isang dangkal lang ang pagitan ng mukha namin.
"Sir naka Go na po" sambit ko.
humawak ito sa manibela at tumawa
"Sir para po kayong baliw napaka hype niyo po". inis kong sabi.
"Nakakatuwa ka kasi". excuse niya
"Sir joker po ko sa totoo lng pero di po ko nagpapatawa eh baka po iba na yan".
"Hahahahaha you know ang sarap mo din asarin".
Hay naku napaka flirt naman nitong isang to kung ano ano pinagsasabi kaya nilagay ko ang earphones ng phone ko sa tenga ko at di ko namalayan nakatulog na pala ko.
"Jace andito na ata tayo hanggang dito na lang sinasabi ni waze".
"Huh sorry sorry nakatulog ako".
Nakita kong nasa tapat kami ng bahay namin at nasa labas lahat sila Papa, Mama mga kapatid ko.
"Sige po sir Marky salamat po" sabay alis ko ng seatbelt.
"Alam mo name ko"pagtataka niya.
"Nadinig ko po kanina gaya ninyo din narinig ninyo kanina name ko, sige po salamat" sabay baba ko ng sasakyan.
"Uy si kuya may jowa na may tagahatid na" sabi ni bunso
"Tumigil ka nga nakakahiya naririnig ng tao". sita ko
"Eh sino siya anak at saka bat ginabi ka na?" tanong ni Papa.
Beep beep tunog ng sasakyan nito sabay kaway samin bago umalis.
"Ang Pogi nak ah bat di mo siya pinakilala sa amin".
"Naku sa luob ko na po sasabihin at di ko pa po alam kung paano ko ikukuwento sa inyo lahat lahat".
pumasok kami sa luob ng bahay halatang excited sa ikukuwento ko na akala nila ay isang bagong simula ng love story ko pero mawiwindang sila sa maririnig nila mamaya.