Episode 3 Finding Match

2029 Words
 Sa isang sikat na bar gumimik sila Grecko , Marky at Ivler while they are having their drinks nang mapagkakatuwaan ng dalawa si Grecko na ihanap ito ng partner.   "Alam mo Grecko paminsan-minsan wag ka puro trabaho magka- lovelife ka naman para hindi ka palaging terror sa mga employees mo. Suhestiyon ni Marky    "Well it's not time sabi nga di ba kusa na lang darating, don't rush for it" sagot naman ni Grecko.    "Eh pano kung walang dumating?" tanong Ivler.    "Eh di wala tayo magagawa that's fate"    "Pero brad kelan mo balak i-date yun mga hinanap ko pa para maka-date mo?" tanong ni marky.    "Kelangan na ba talaga busy pa ko sa magazine ,sa publishing and other stuff". alibi ni Grecko.   "FYI Grecko, busy din sila with their work nakakahiya naman nag "Yes" sila tapos ikaw walang oras, Ikaw pa tong nagpahanap sakin ng date  remember?".    "Okay, Okay, Okay. Hands Up na ko sige i'll go dating na pero ikaw ang tatao sa office kapag conflict sa sched ko ah maliwanag ba?"    "Ang daya mo talaga kahit kelan Grecko Business Manager mo ko hindi assistant o proxy pag di ka available".   "Oh common what our friends are for?" nakangising sagot ni Grecko   "Hmm tutal andito na rin tayo sa bar  dito na tayo maghanap". Suhestiyon ni Ivler.    "Good idea!" Ani ni Marky      "Whatever". sabay lagok ng alak ni Grecko.    "How about that girl wearing red dress na curly blonde hair?" sabay nguso ni Ivler sa katapat na table nila.    "Not that one kabit ng congressman yan sa province sabit tayo dyan" bulong ni Marky.    "Itong guy nag-iisa sa kanang table, What do you guys think?" patuloy ni Ivler.     "Ekis! kilala siya lahat dito bi polar ang isang yan may suicidal tendency pa, Mga new customer lang di nakakakilala sa kanya dito". sagot ni Grecko.     "Gugustuhin mo ba yan ganyan klase?" dugtong ni Grecko.    Napahinto ang tatlo sa pagpasok ng isang guwapong lalaki na dumeretso sa bar at umoreder ng drinks    "Ayan oh mukhang bago dito , Okay ang tindig may dating, Ano lapitan ko na ba?" sabi ni Marky.    "Don't you dare he is my ex. Carlos Anderson ang name niya kasabayan ko siya sa modeling my gold digger ex" nakasimangot na sagot ni Ivler.    "Alam niyo guys walang patutunguhan tong finding a match niyo sakin, Im seriously focus with my company.  Kung maghahanap man ako saka na  lang after all with my failed relationships with my past na try ko na lahat eh women , bi, gays.  Maybe ako lang talaga may problema kung may attitude problem talaga ako yun taong sana kaya akong baguhin".    "Ok lets have a toast to the success of my mentaly ill best buddy" si Marky na itinaas ang baso.    "Cheers" sabay sagot ni Marky at Ivler.    "Mga baliw" sabay lagok ulit ni Grecko ng alak.                             ********* Doorbell ringing... Jace POV    "Best na miss kita" surprize ko kay Gab na nag-iisa kong bestfriend ngayon.    "Kala ko di ka na pupunta eh, kanina pa kita hinihintay". maligayang bungad sakin ni Gab at sabay yakap nito sakin.    "May dala 'kong mga snacks" itinaas ng dalawang kamay ko ang mga junkfood na favorite namin.    Ganito favorite bonding ng kaibigan kong si Gab at maghapon kwentuhan with kain to the max ng kinahihiligan namin pagkain, Uo food trip kung food trip minsan pa nga ay nagluluto kami ng Hongkong noodles na may mga fresh na sahog like squid, carrots, cabbage pero mas malala itong friend kong si Gab nilalagyan pa niya ng wasabe ang hot noodles nito.     Nahiga ako sa couch nito fully air condition ang condo niya kaya naman  ang kutis ni Gab napaka pino at maputi, Pogi itong si Gab malakas ang dating nito napakatamis ngumiti pantay-pantay ang mga ngipin at may manipis na labi , may nunal ito sa kabilang sintido na binagayan ng makakapal na kilay. Ang built ng katawan niya ay parang sa model saktong sakto sa kanyang height, walang taba lean kumbaga.  Pinagmamasdan ko siya habang inaayos nito ang lulutuin niya  na food para samin. Sobrang bait  ni Gab kaya naman pinayagan siyang magsolo dito sa Pinas ng family niya lahat na kasi sila nasa States, Nagtatrabaho siya as receptionist sa isang five star hotel at ang jowa naman niya na isang bi din ay isang flight steward (so na imagine niyo na kung gaano kapogi itong si Gab)    "Best tulala ka dyan may problema ka ba, care to share?" habang sopas pala niluluto niya.    "Ang bango ng niluluto mo best,  sopas ba yan? iwas ko sa tanong niya.    "For a change nagsasawa na kasi ko sa noodles kaya sopas naman"aniya   "Best yun tanong ko sagutin mo!" sigaw nito sakin mula sa kusina.   "Di naman malaking problema best,  matagal pa renewal sa work ko yun lang naman". malungkot kong sagot magtapos mag-gisa nilagyan na evaporated milk ang kaserola sabay takip ni Gab at lumapit sakin.    "Gusto mo best irekomenda kita sa office ng hotel na pinapasukan ko, ang alam ko hiring sila ngayon". si Gab naupo sa center table.   "Naghahanap pa ko best kung wala pa talaga ko makuha na work inform na lang kita agad". ani ko   "Ok basta sabihan mo ko agad ha, Oh bakit sad ka pa din?"     "At saka isa pa best yun crush ko noon elementary nakita ko na".   "Oh kamusta na nagkita na ba kayo?" tanong ni Gab   "Yun nga problema best di ko kaya makipag meet sa kanya". binuksan ko ang phone ko at inopen ko ang HanapBeHBeH app saka ko pinabasa kay Gab ang palitan namin ng mensahe.    "Sumasali ka sa mga dating app?" nakakunot na nuo ni Gab.         "Nag try lang naman ako best tapos di ko ineexpect na dyan ko mahahanap si Grecko. Sagot ko    "Im still hoping na makikipagkita ka sakin" basa ni Gab sa huling mensahe sakin ni Grecko.    "Oh umaasa pa din siya na magkikita kayo" aniya    "Tulungan mo ko best pano ko siya ime-meet gusto ko din siya makausap kahit isang beses lang".    "I-meet mo na kasi what stopping you para i-meet siya." sabay binalikan ni Gab ang kanyang niluluto.    "Gusto mo sa off ko next week samahan kita?"  offer ni Gab sakin na bigla kong ikinatuwa in an instant bigla nabuhay ang dugo ko sa katawan.    "Promise yan Best ah"    "Oo naman Best ikaw pa ba?" garantiya niya. Pagkaluto ng sopas ay masaya kaming nagkwentuhan ng kung anu-anong topic hindi na namin namalayan na mag aalas nuwebe na pala ng gabi. Nagpasya na kong umuwi at di na rin ako nagpahatid kay Gab dahil maaga pa ang pasok nito. Pagkalabas ko ng condominium papatawid na sana ko ng may mga nagkakaskasang dalawang sasakyan  "eeeeekkknnnggrrreee blagggg"    Tunog marahil ng kaskas ng gulong sa sementong kalsada at huling tunog na kala mo may malaking bagay na bumangga. Hindi ako usiserong tao pero dahil mismo sa harapan ko dumaan ang dalawang sasakyan nag uunahan awtomatik kong tiningnan ang kinahinatnan na aksidente ng dalawang kotse, isang kotse ang humampas sa malaking puno. Agad ko itong nilapitan ang kotseng bumangga sa puno ngunit napaatras ako ng makita kong naroon pa ang isa pang sasakyan ng nakagitgitan nito. Sa palagay ko'y nakita niya ko,  naalerto ang nagmamaneho ng sasakyan dahil naging bato na ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko ang plate number nito bago umalis.    Agad ko siyang nilapitan basag ang salamin nito sa harap kaya kitang-kita ko mula sa liwanag ng poste ng ilaw na duguan ang ang driver nito.    "Tulong please" pilit na lumalabas ang lalaki sa kotse.    "Wait, teka lang baka napilayan ka ano masakit sayo?" tanong ko    "Masakit ang ulo ko" sabay sapo nito sa sintido nito nagdudugo    Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan ako pa mismo nagtanggal ng seatbelt ng lalaki at maingat ko siyang inilabas sa kotse. Tinulungan ko siyang makalayo sa kotse dahil may posibilidad pang sumabog ito dahil umaagos ang gasolina sa kalsada.     Maingat ko siyang inihiga sa kalsada at luminga-linga sa paligid ngunit wala kong makitang tao na puwede mahinggan din ng tulong para tumawag ng ambulansya.    "Tulong!"    "Tulungan niyo kami kailangan namin ng ambulansya!!" sigaw ko ngunit wala kong nakitang tao sa paligid.    "Dito ka lang hahanap ako ng matatawagang ambulansya" sabi ko sa lalaki ngunit hinawakan niya ko sa braso sabay sabing    "Huwag mo kong iiwan dito ka lang" sabi ng lalaki na halos di ko makibo dahil nahintakutan ako sa lagay niya, naliligo na siya ng dugo.    "Kelangan mo maidala sa hospital marami ng nabawas na dugo sayo". saad ko.    "Sir, Nakatawag na ko ng ambulansya padating na iyon, may kasama ba siya sa sasakyan?" boses mula sa aking likuran paglingon ko'y security guard pala ng condo.     Salamat sa Diyos at dininig niya ako.    "Di ko sure Sir pacheck na lang po, nataranta na po ko kaya di ko naisip kung may kasama siya" sagot ko    Dali-dali tiningnan ng security guard ang kotse.   "Wala Sir". Sagot ni manong guard   Wala pa isang minuto dumating na ang ambulansya kaagad na isinakay ang lalaking nadisgrasya.   "Sir sumama po kayo para may kasama yun nadisgrasya" sabi ng manong guard.   "Ako po talaga?" tanong ko kaya manong guard.   "Sir naka duty po ako at itatawag ko po sa pulisya ang nangyaring insidente" sagot nito sa akin   Kaya wala na akong nagawa sumama na ko sa ambulansya para masamahan ang lalaki.   Pagkadating namin sa hospital ay agad na isinugod sa emergency room.  "Ang jowa ko Doctor iligtas niyo po ang boyfriend ko gawin niyo po lahat ng magagawa ko makaligtas lang po siya!!! enk walang ganoon....   Pagkapasok namin sa emergency room kaagad akong nilapitan ng mga nurse magtatanong pa lang sila sa akin ay kaagad ko na silang sinagot     "Aaah nakita ko lang may dalawang sasakyan naguunahan tapos nakarinig na lang ako ng malakas na tunog, nakita ko na lng na naaksidente yun lalaki sa luob ng sasakyan. Di ko po kilala yun biktima." sunod-sunod kong sabi.    Nakatingin pa sakin yun lalaking nadisgrasya habang isinasara ng isang nurse ang kurtina para sa gagawin operasyon ng lalaki.    "Nurse puwede na ba ko makauwi?" tanong ko sa isang nurse na nasa nurse station.    "Sir, kakatawag lang po ng mga pulis hihingan po nila kayo ng statement about sa nangyari" sagot ng isang nurse.    Maya-maya pa'y may dalawang lalaki na paparating papunta sa nurse station kaagad kong nakilala si Grecko at si Marky. Napaawang ang bunganga ko sa pagtataka, yun childhood crush ko at si Marky na naghatid sakin pauwi sa bahay magkasama, magkakilala sila?      Agad akong itinago ang mukha ko nang makalapit na sila sakin.    "Nurse dito daw isinugod si Ivler Concepcion tanong ni Grecko sa isang nurse.    "Sir maupo muna kayo ic-check pa po namin".    Isang parating na nurse mula sa operating room ang may hawak hawak na record sa kamay nito.   "Ivler Concepcion nurse weng yun kakapasok pa lang ngayon sa emergency under kay Dr. Caperal". aniya    "Sir yun si Mr. Ivler Concepcion po yun nasa O.R po ngayon maupo muna kayo habang wala pa si Doc. " sagot ng nurse na pinagtanungan nila Grecko.    Habang ako naman mala-ninja na dahan dahan lumalayo sa kanila sa wakas nakarating na ko sa entrance habang hinihintay ko ang pagdating ng mag iinbestiga na mga pulis. Sa wakas dumating ang isang mobile car ng pulis nagtanong ito sa guwardiya hinggil sa naaksidenteng kotse. Kumaway ako para makuha ang kanilang atensiyon.    "Sir, Ako po yun nakasaksi sa nangyaring pagbangga ng kotse sa puno malapit sa condominium" paglalahad ko.    "Ah ganoon ba, Ako si Spo1 Manalong at siya naman Po2 Reyes, ibigay mo samin ang lahat ng importanteng detalye at pagkatapos hihingin ng amin mga impormasyon tungkol sayo at contact number nagsisilbi ka kasing witness sa nangyari." sabi ng pulis   Matapos makipag bigay ng statement ay pinayagan akong umuwi na ng mga pulis muli kong sinulyapan si Grecko balisa ang itsura nito mukhang kaibigan o kakilala niya yun taong naaksidente.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD