Kabanata 12

875 Words
Kabanata 12 "Malay mo ibang boy yun." Ani ni Andeng Pagkatapos kong ikwento sakanya ang napanaginipan ko kagabi. "Panong iba? eh kitang kita naman yung mukha." Nagkibit balikat na lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad sa hallway. Bumuntong hininga ako at sinundan siya. Ewan ko pero natatakot na ko matulog este baka kasi kung anong gawin sakin nung lalaking yun. Baka nasa paligid ko lang yun at napapaginipan nya rin ako. Creepy diba? tas baka binabalak niya akong irape. Charot. Pagpasok namin sa classroom ay bumungad samin ang blankong room. Walang tao. Syempre lunch break,Haynako self. "Uhm..Vern?" Sabi ni Andeng sakin habang nag pu-puppy eyes.Ang cringe kaya napangiwi ako sakanya. "Pwedeng palit tayo upuan?...Alam mo na..." eh? Para makatabi niya si Renzo? Better! Good! Tinanguan ko siya kaya nag sisitalon na siya sa tuwa. Bakit ba baliw na baliw to sa unggoy? "Hindi ka ba nagwa-gwapuhan sakanya?" Napalingon ako dito at umiling. "Hindi. Never." Naiimagine ko palang nadidiri na ko. Well kahit umiigting ang panga niyan kahit maugat ang mga kamay niya at kahit mapupungay ang mata nyan kung ayaw ko siya,AYAW! Natigil sa pagkilig si Andeng ng dumating si Renzo habang humahalakhak sa tawa. See? Mukhang Unggoy na nababaliw. Sumulyap to sakin pero binaliwala ko lang. Panget niya! Mukhang Unggoy na masiyahin pag tumatawa. Dumaan siya sa harap ko para kunin ang tubigan niya sa bag niya pero sa hindi inaasahan na pangyayari ay naharang ko ang paa ko sa dadaanan niya kaya AYUN! Napatid ang unggoy! "Aray!" Hinawakan niya ang tuhod niya. Aww mukhang unggoy na kawawa. "Paharang-harang kasi." Bulong ko at tumingin sakanya. Nagpipigil ako dito sa tawa! Mukha kasi siyang unggoy na hindi nabigyan ng saging. Hahaha! Umiwas na ko ng tingin sakanya at pinagpatuloy na lang ang pag iisip sa napanaginipan kong lalaki kagabi. Hindi malinaw ang itsura ng lalaki dun pero alam kong siya yung napanaginipan ko nung nakaraan. I must say pogi pero creepy. Sumusobra na yata ang pag o-overthink,Buti at natauhan ako ng kalabitin ako ni Andeng. "Absent daw prof natin." Tumango ako at humilig na lang sa desk ko. Hindi naman ako puyat o ano. "help mo naman ako ipic si Renzo.." Iniabot ni Andeng sakin ang Camera niya. Gusto kong tumanggi,Baka akalain pa netong Renzo na to na my gusto ako sakanya at Ipagkalat pa niya. Never ho akong magkakagusto sa unggoy! Binalik ko kay Andeng ang Camera niya at sinabing my gagawin akong assignment kahit wala. Ayoko lang mapalapit o ano jan sa Renzo na yan. Bumukas ang pinto nang classroom namin at iniluwa ang prof namin. Akala ko ba absent? Dire-diretso itong naglakad papunta sa Smart Tv ng classroom namin at isinaksak niya ang usb niya dun. Manonood pa yata kami ng movie. Nang mag start ang movie ay pinatay na nila ang mga ilaw. Kanya-kanyang pwesto ang mga kaklase ko samantalang ako ay inaantok. Sa gitna ng panonood ay my babaeng dumaan sa harap ko. Hindi ko mamukhaan dahil madilim. Tumungo ito sa upuan ni Renzo at hiniram niya ang Jacket nito. Aba't my Jowa na si Renzo? Ang unggoy my Lover? Pwede rin naman. Umayos ako ng upo at nag focus na lang sa movie kahit inaantok na talaga ako at giniginaw. My nag abot sakin ng blue jacket at kinuha ko iyon,Wala na akong pake kung kanino yon,Basta't sinuot ko agad dahil ginaw na ginaw na talaga ako. Napalingon ako bigla sa gawi ni Renzo,Naaaninaw ko lamang ang mata niya dahil sa ilaw ng TV dito. Mukha talagang Unggoy! Bakit ba andaming nagkakagusto dito? Nagulat ako ng biglang magtawanan ang mga kaklase ko dahil sa movie. Nakatingin pa rin pala ako kay Renzo! s**t! Nahuli niya ba ako? Ano nangyari? Pinilig ko na lang ulit ang ulo ko sa Desk at tuluyan na kong nakatulog. Ang antukin ko naman! "Vern,Tuloy pa ba tayo sa kmerch shop?" Onti-onti kong minulat ang mata ko at iniangat ang ulo. Medyo nasilaw pa ko sa ilaw,Tapos na ang movie. "Feel ko bukas na lang." Antok na antok ako this past days,Ano bang nangyayari sakin? Nag Jeep na lang ako pauwi dahil feel ko hindi ko na kayang hintayin si Dad para sunduin ako dito sa school. Day off rin kasi si Dad ngayon kaya mas maganda kung magpahinga muna sya,Same with Mom na pagod dahil galing Bakasyon at Byahe. Bumalik na rin ang kapatid ko jan na kung ano-ano ang naiisip sa buhay. Buti pa ako puro tulog at aral lang nasa isip,Charot. Tahimik ang bahay,Mukhang tulog nga si Mommy at Dad At ang kapatid ko ay busy nanaman sa kung ano-anong bagay. hays. Natigil ako sa pag bukas ng pinto sa kwarto ko ng maalala ang isang scene sa panaginip ko. Hawak kamay at akbay? Sino naman yun? Di ko maalala! Pumikit ako para maalala ko pero hindi talaga. Tumuloy na ko sa kama ko na para bang mahihibang at mababaliw kung hindi maaalala ang panaginip. My lagnat ba ko? Ang weird na ng kinikilos ko eh. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba,Wala rin akong Asthma o Ano. Ang weird lang nang nararamdaman ko Alam nyo yung feeling na inaantok pero hindi makatulog? Eh? Yung my gusto kang kainin pero hindi mo alam kung ano yun? Argh! bat ko ba kinakausap sarili ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD