Kabanata 11

903 Words
Kabanata 11 Siguro'y bukas ko na lang titignan ang mga pinamili ko. Sobrang inaantok na ko kaya hindi na ko nakapag hilamos ng mukha. Naglagay na lang ako ng face mask at nagpalit ng kumportableng damit. Humilata ako sa kama na akala mo wala nang bukas,charot. "Uwi na ko bukas." Text ni Mommy. Hays! Thank God at aalis na si Mokong! "Get in the car." sabi nitong lalaki na to habang nakatingin sakin. Sumakay ako sa kotse niya at pinag sarhan niya ko ng pinto. "Sigurado ka ba dito?" Tanong ko dahil hindi naman yata tama na magsinungaling siya sa pamilya niya. "Mukha ba kong magbibiro?" Nakatingin lamang siya sa daan. "Fine. ayos na ba tong suot ko?" Hindi naman sa hindi ko gusto yung suot ko,Siguro'y naninibago ako dahil ngayon lang ako nag suot ng pormal. "yeah." Itinigil niya ang sasakyan sa parking lot. Nandito na kami. Ipapakilala niya na ko sa parents niya. Pinag buksan niya ko ng pinto ay agad naman akong bumaba. He's wearing Black polo with long sleeves. Nauuna siyang maglakad sakin patungo sa restaurant kung saan naroroon ang pamilya niya. Tss. Pretend nga diba bakit ka naman niya hahawakan at aakbayan? Bakit ba kasi pumayag na maging girlfriend niya? este PRETEND to be his GIRLFRIEND! kainis! kung di lang ako naawa sakanya eh. Nakatingin lang ako sa likod niya ng bigla siyang lumingon sakin. Patuloy pa rin ako sa pag lalakad ng bigla niya akong akbayan. "Malapit na tayo" tumango tango ako at hinanda ang sarili. "Ma,Pa..Girlfriend ko nga po pala." Nginitian ko ang mga parents niya. Kamukha niya ang Mama niya well mukhang masungit. hehe "Hello po tita..Tito..Magandang hapon po." Nag mano ako sakanila at Umupo na sa upuan. "Buti at nagkaroon ng girlfriend ang anak ko--" "Pa.." tigil nito sa kanyang Ama. Ano ba naman to pati sa tatay niya walang galang, Nakita niya namang nagsasalita pa eh. "Hindi naman sa ganun pero kasi laging kasama ang mga lalaki,Nakakapang duda lang." Medyo natawa ako sa sinabi ng Tatay niya. Well Oo nga laging lalaki ang kasama nito. Never mong makikita na my kasamang babae--Hindi kaya bakla to? OMG! hahaha! "Haynako,Kayo talaga..Ano Course mo ahh?---" "Veronica na lang po" Sabi ko "Yun! hehehe...Anong Course mo,Veronica?" Tanong ng Mama niya sakin "Law. Law po ang Course ko." "ahh..Lawyer" tumango tango ito at nilingon ang anak niyang Busy sa pag kain. "Buti ka pa at Law. Ito kasing anak ko walang ibang nasa isip kundi arts kaya ayan.." Umiling iling pa ito kaya natawa muli ako. Hilig nga ng anak niya ang arts. Isang araw nga noon ay nakita ko ang gallery ng anak niya at puro drawing at edits lang ng pictures at videos. Maganda. "Hayaan mo na ang Anak mo yan ang gusto niya." Hirit ng Tatay nila. Hahaha! Ang cute. I dont know pero cute sila tignan. "Oh ija, Law ka diba? Gusto mo tulungan kita makakuha agad ng trabaho pag graduate mo?" Tanong ng Tatay nila. "My kakilala kasing Lawyer iyan,Pwede ka niya tulungan" Dagdag pa ng Mama niya. Tinignan ko ang anak nila at Naka tingin rin ito sakin. Umismid ako bago mag salita. "Uhm..Hindi na po..Nakakahiya naman" Nginitian ko sila at pinagpatuloy ang pagkain. "Ikaw bahala,basta ah kung kailangan mo ng tulong." "By the way ano trabaho ng parents mo?" Tanong ng kapatid niya. Nilingon ko ito at sinagot. "Si Dad ay isang IT si Mom is Isang boss sa company.." Ani ko. "Woah! IT?! Computers yun ah! Marunong ka rin ba mag ayos ng computers,Ate?" Tanong nito sakin. "Yes." sagot ko rito. Hilig ko ang pag kakalikot ng computers at cellphone noon pa man pero hindi yan ang kinuha kong kurso. Mas gusto kong mag sulat at Magkabisado ng mga batas kesa ganyan. "Wow! Kuya pwede ko ba paayos sakanya yung Computer ko?" "No." Aba't sayang naman! Gusto ko makita bahay nila eh! Bwiset talaga to! "After this hahatid ko na siya sa bahay nila. Ayoko siyang gabihin ng uwi." Magulang ko ba siya? tatay o nanay? baklang to! Hindi naman umangal ang mga magulang niya at patuloy pa rin sa pagkain. Tss kala mo naman gwapo kung maka asta. "Sayang naman offer ng kapatid mo." Ani ko rito habang nag lalakad kami tungo sa kotse niya. "Walang sayang don." Diretsong sagot nito. "Alam mo nakakainis ka na. Una offer ng Dad mo tas Offer naman ngayon ng kapatid mo!" Tumigil siya sa paglalakad samantalang ako ay diretso lang. bahala nga siya! "Ayaw kitang mapagod." Pagod niya mukha niya. Nasa bahay na ko at nag lalagay ng face mask. Biglang tumunog ang cellphone ko,My nag text ata. "Salamat sa pag pretend." Yun lang?! Wala man lang 'Tanggapin mo na offer ng tatay ko at ng kapatid ko' Wahhh!!! Gusto ko talaga tanggapin offer nila kaso eto kasi epal sa mundo ko! Hindi ko na siya nireplyan at humiga na lang ako sa kama. Hindi pa naman ganun ka lalim ang gabi kaya binasa ko muna ang mga kailangang basahin para sa course at sa magiging Trabaho ko sa susunod. Tapos na pala ang pag pre-pretend ko as girlfriend nya no? Hindi pala siya Boyfriend Material o sadyang hindi lang sakin? Hindi man lang niya kinuha yung bag ko para siya ang maghuhat,Hindi niya man lang hinawakan ang kamay ko,Kiss maybe? Umiling iling ako at nag focus na lang sa binabasa. baka hindi siya ang future boyfriend ko in real life. Hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD