What the f**k! Hingal na hingal akong bumangon sa pagka-kahiga. Ano ba yung napaginipan ko? Urgh! di ako makahinga ng maayos!
Pumunta ako sa my pinto para lumabas at kumuha ng maiinom na tubig. Pag bukas ko ng pinto ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at ng pagtigil ng hinga ko.
"Vern!" Nakita kong nataranta si Renzo sa nakita niya. Hinawakan niya ang siko ko pero tinanggal ko agad iyon.
Huwag niya nga akong hawakan! Nakakainis!
"Tss." Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong binuhat at binalik niya ako sa kama ko.
"Mag hintay ka rito." Hindi ko siya pinansin at inayos ko na lang ang nebulizer ko. Nahihilo ako? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkahilo.
"Hindi ka nag almusal,Tanghalian at baka na rin hapunan. Kainin mo muna tong pagkain at uminom ka na ng gamot tapos tsaka ka mag nebulizer." Natigilan ako sa pag aayos ng sumulpot siya sa tabi ko. My binigay syang gamot at umupo sya sa my study table ko. Mismong table!
Ayokong mag salita,Mas lalo akong nahihirapan huminga.
"Vern?...Kris?..Kristine.." Kinusot kusot ko ang mata ko ng my marinig akong kumakatok sa pintuan. Nakatulog pala ako.
"Hmm? Sino yan?" Garalgal pa ang boses ko.
"Gumising ka na at tanghali na." Wait! Tanghali agad?! Kinapa ko ang cellphone ko para icheck ang oras at wahh!! its 12:30pm na! Literal na tanghali!
Nagplano kasi ako kanina na mag ma-mall ako before 12pm pero jusko! baka 1pm na ko makapag mall!
Naligo at nagbihis na rin ako. Naka Shorts lang ako turtle neck na sleeveless. Wala naman si Dad at Mommy kaya ayos lang na mag shorts ako ng ganito.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nagkatinginan kami ni Renzo.
Ni head to foot look nya ko. Tss. Kala mo naman tatay ko. As usual naglalaro ata siya ng mobile legends. Saksak ko sa baga niya yan eh.
"San ka pupunta?" Tinaasan niya ko ng kilay at tumayo na rin siya sa sofa. Ano bang pake niya?
"Mall."
"My hika ka pa."
"Im fine. I want to go outside." Pag sagot ko rito ay umakma na kong aalis dahil nakakainis lang na kausap siya. Baka masira pa araw ko.
"I'll go with you. Tatawag lang ako ng grab." Inayos niya ang polo shirt niyang black. Naka shorts ito na hanggang tuhod lang at naka nike shoes siya. o_O
"Nope. Ayoko." Duhhh ayoko ng kasama! Inshort ayoko siya kasama! Kaya nga ako mag ma-mall para hindi siya makasama tas eto?! &@^÷;#,
Inirapan niya lang ako at bumuntong hininga siya. Tumungo na siya sa my pintuan kaya sumunod ako.
Umupo siya sa Tabi ng driver's seat at ako naman ay sa passenger seat sa my likod. bwiset!
"Umalis ka na!" Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag. Ang usapan namin ay ihahatid niya ko dito sa gusto kong store tapos aalis na siya. pero amp ayaw umalis!
Nakatingin siya sa short ko kaya tinakpan ko agad ng bag ko iyo.
"Manyak!" Sinampal ko siya kaya tinignan niya ko ng masama.
"Ampanget mo sa tingin mo mamanyakin kita? Tsaka wag ka ngang mag suot ng ganyan kaikli!" Hagas na sabi nito tsaka umalis na at kung san na pumunta.
Pake niya sa shorts ko?! Bakla yata siya kaya inookray nya to! Tsaka ako?! panget?! eh ano pa siya? Hari ng kapangitan! pwe!