Kabanata 18
Aray!" Nabitawan ko ang hawak ko na bulak dahil sa hapdi na naramdaman mula sa noo. Kailangan kong takpan ito bago makita nila Mommy! Ayoko namang malaman nilang dahil kay Renzo ay nag ka ganito ako, Lalo't napaka taas ng tiwala nila sa unggoy na yun.
Tiniis ko ang hapdi at nidampian ito ng bulak na my betadine. Hindi naman ganun kalaki ang sugat pero malalim ito,talagang bumaon.
Nilagyan ko ito ng band aid at humilata sa kama. Oo nga pala late na umuuwi si Mommy dahil madalas Ot sya tas si Dad nasa office nya pa. Kelan ba kami mabubuo ulit?
"Pwede hawakan?" Ani ni Renzo sa Tabi ko pero inirapan ko lang siya. Hindi naman sa pagiging marupok pero eto na,Eto na talaga ang oras na parang nahuhulog na ko sakanya. It's dangerous.
"Sorry ulit." at inakbayan ako. Bwiset na puso to,Nag hahargumento! Wag,Bawal.
Nakita kong my tumabig sa kamay niyang naka akbay sakin,Si Zyeon. Nakikita ko ang inis niya habang hindi nag patinag si Renzo sa pag akbay sakin.
"Tanggalin mo nga!" kinurot ko ang kamay niya at tsaka niya ito tinanggal. Nakakainis na nakaka inlove!
Ilang araw ang lumipas na ganun lagi ang nangyayari. Inlove pa ba ako kay Zyeon? Nalilito na ko,Hindi ko na alam ang definition ng salitang inlove. Gwapo si Zyeon at hindi rin maipagkakaila na ang bait niya at sweet,Kaso nagmumukha na siyang bakla sa paningin ko. Hindi sa Judgemental pero ganun na ang nakikita ko.
One time he calls me "Girl,Teh,Be" i dont know pero yung tono ay pang bakla. While Renzo naman is---s**t! Oo s**t! sa loob ng ilang araw na yon ay nahuhulog na ko,Onti-onting nahuhulog sakanya. Natatakot lang ako na mainlove sakanya dahil baka sa huli at sa oras na umamin ako sakanya na nahuhulog na ko biglang iwasan at hindi na niya ko pansinin kahit kelan.
"Feel ko my gusto si Renzo sayo.." Kalabit ni Jerome sakin,After kong malaman na my gusto si Jerome sakin eh madalang niya na lang ako kinakausap. Nung una ayokong maniwala dahil nga sa bakla siya pero,Hays. Akalain mo yun?
"Imposible. Halatang si Nix ang gusto niya." Ani ko at nilingon si Nix at Renzo na nag haharutan. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Sa oras na mahulog ako sakanya ay sobrang masasaktan ako.
Walang pag asa dahil mukhang sa iba siya nahulog.
Para akong nasa isang bangka na biglang umalon at walang magawa kundi mahulog at magpaka lunod. Magpaka lunod sa pagmamahal ko sakanya.
Napabuntong hininga ako dahil umalingawngaw ang tili ni Nix sa classroom namin.
"Author ka pala huh?" Naabutan ko kasi si Zyeone dito sa my bench habang nag u-update ng story niya.
"Yea." Malamig na aniya.
"Anong story yan?" Sumilip ako sa cellphone niya at agad niyang tinagi iyon. Anong problema nito?
"Nah. Wag. Bat ka nandito?" Naka titig siya sakin. Malamig. Tinabihan ko siya at sinandal ang ulo sa balikat niya. Friend na lang siguro ang tingin ko sakanya. Sabi na eh Ambilis ko mainlove kaya minsan ayokong sabihin na inlove ako kasi sobrang bilis mawala ng feelings ko.
"Wala lang,Malamig na kasi sa Classroom." Pag sisinungaling ko kahit na umalis ako roon dahil nakaka irita na ang tili ni Nix habang hinaharot siya ni Renzo.
Bumuntong hininga naman siya kaya tinanggal ko na ang ulo kong naka sandal sa balikat niya.
"Anong story ginagawa mo? anong genre?" Pag iiba ko ng usapan. Ewan ko pero nakaka ilang kung itutuloy pa namin ang usapan kanina.
"Romance." Ang cold talaga niya! Nakakainis. Kung dati naman ay sobrang energetic niya at nakikipag biruan pa sakin. tsk.
"Same." Sagot ko. Pero matagal na kong hindi nag u-update sa story ko,Marami na nga rin ang nag rereklamo dahil sobrang bitin daw ng last update ko. Nakaka walang gana na mag update.
"Ok." Ani ni Zyeon kaya tumayo na ko at iniwan siya sa bench na mag isa. Nakakainis ang pagiging cold niya! Dumiretso na lang ako sa Restroom at tinitigan ang sarili sa salamin. 'Panget ba ko?' Umiling-iling ako sa naisip ko at dahan dahang tinanggal ang band aid sa noo.
Tuyo na ang sugat at parang gasgas na lang na maliit. Good. Dahil baka pagalitan ako ni Mommy pag nakita niyang malaki pa rin ang sugat ko.
Lalabas na sana ako ng cr ng biglang pumasok si Nix. Oh she's here.
"Hi Veronica!" Nginitian ko lang siya kahit gusto ko na siyang sipain at sabunutan,Chos. Mabait ako kaya kahit nag seselos ako sakanila ni Renzo ay mag pipigil ako.
Para akong nabunutan ng tinik ng maka layo ako kay Nix. Tapos na pala si Maglandian. Dumiretso na ko sa classroom at hinayaan si Zyeon sa bench na natatanaw ko mula dito sa building na ito. Naka hawak pa rin siya sa cellphone,Baka nag u-update pa rin.
'Bakit ba ang lamig niya?'
"Uy! Nandito na!" Napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Renzo. Anong problema nito? Literal na nagulat ako.
Hindi ko siya pinansin at umupo na lang habang hinahabol pa rin ang hinga. Nagulat talaga ako. Balak yata akong patayin netong unggoy na to. Hindi niya alam na Patay na patay na ko sakanya. Yiee! Bwiset! Sariling banat sariling Kilig na lang eh no?
"San ka nagpunta? Hanap ako ng hanap sayo! Wala ka naman sa library at sa cafeteria." Nagkibit balikat ako sa biglang sumulpot na si Andeng. Oo nga pala inlove rin siya kay Renzo.
Sabi ko never akong mai-inlove sakanya. Pero ito. Paniguradong marami ang magagalit sa oras na malaman nilang gusto ko si Renzo. Unang una na dun na si Andeng tapos si Nix,Lalo na si Anj na pinangakuan kong Tutulungan siya kay Renzo.
Hays. Itutuloy ko naman ang pag tulong sakanya na mapalapit kay Renzo,Kahit masakit.
'Ipagpapatuloy kahit masakit.'
'Tutulong kahit mag seselos'