Kabanata 17
What if si Zyeon yung nasa panaginip ko kahapon?" Sabi ko kay Andeng habang siya ay busy sa pag kain. Wala akong Ganang kumain kaya sinamahan ko na lang sila dito sa Cafeteria.
"What if hindi?" Aniya nang hindi lumilingon sakin. Kunsabagay baka hindi lang nage-gets ni Andeng ang sitwasyon ko ngayon kasi hindi naman nya nararamdaman. Hindi ko na lang pag tutuunan ng pansin ang panaginip.
"Bumili ako ng isang Burger,Malilipasan ka ng gutom kung di ka kakain ngayon." Nilapag ni Zyeon ang burger sa harap ko at tsaka umupo rin siya sa tabi ko.
Inlove ba talaga ako sakanya? Bakit hindi man lang ako kinilig sa ginawa niya? I mean aish, nevermind.
"Ehem,Ano yan? Kayo na?" Natigilan ako sa sinabi ni Andeng. Watda--Sa Harap talaga ni Zyeon niya sinabi yun?
"Sasama kayo sa Fieldtrip?" Pag iiba ko sa usapan. Ayoko naman ng ganung usapan,Lalo't Magkaibigan lang ang tingin ni Zyeon sakin. Well Ganun rin naman ako pero nangingibabaw talaga yung salitang GUSTO at CRUSH ko sya.
"Uhm,Yeah..Tabi tayo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zyeon. Akala ko ba si Faye na ang katabi niya?
"Si Ano na kasi katabi ko eh----" Natigilan ako ng biglang sumingit si Andeng.
"Ako,Katabi niya na ko." Umirap ako sa kawalan. Wala nga akong balak sumama jan sa field trip,Unless Pilitin ako ni Mommy.
"Next Month pa yang field trip na yan." Ani ni Zyeon na tapos ng kumain. Ang Gwapo niya talaga. Kaso My Hindi maganda akong nararamdaman.
Well.Gwapo si Zyeon,Matangkad,Sweet at Caring talaga kaso hindi siya tulad ng ibang boys na Mahilig sa basketball at Puro sexy na babae ang nasa isip. Si Zyeon kasi walang hilig sa basketball.
Hindi naman sa ano,Pero bakla kaya siya? I mean karamihan sa mga ganyang gwapo na maputi ay bakla.
"Hoy! Kayo na no?" Ani ni Andeng ng maka layo si Zyeon. My Pupuntahan lang daw siya sa kabilang building,Importante.
"Tumigil ka nga jan. Walang kame,Never." Humagikhik ito sa tawa at tumahimik lang ng dumaan sa harap namin si Renzo.
Blankong mukha ang pinakita nito samin at nilagpasan. Tch. Galit pa rin ba siya sa nangyari? Pinigilan ko ang tawa ko ng maalala ko nanaman na nauto ko siya.
"Ang Pogi niya talaga no?" Umiling ako sa namumulang pisnge ni Andeng. Umiigting at mapupungay lang ang mata ni Renzo pero hindi siya gwapo.San banda? Walang bakas.
"Sus. Eh kung sabihin kong hindi rin gwapo si Zyeon!" Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. Huwag nga ako! Eh nung wala pa yang Renzo na yan andaming nag kakandarapa jan kay Zyeon. Kahit hindi ko kilala si Zyeon dati--Kahit sikat pala siya nun,My mga balita naman ngayon na my nag kakagusto at marami pang nagkakagusto jan kay Zyeon. Di hamak na mas gwapo si Zyeon kesa kay Renzo!
"Kristine! Veronica!" Napalingon ako sa likod ko kung san nanggaling ang tumatawag sakin. Pinauna ko na si Andeng sa Classroom.
"Why?" Ani ko.
"S-Si Renzo kasi" Nagtakip ito ng mukha at namumula ang mga pisngi nito. Tinanggal ko ang kamay niya na naka takip at tinignan ang pulang-pula niyang mga pisngi.
"Bakit?"
"Nahawakan ko kamay niya!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Anj. Parang hawak lang ng kamay? eh yung crush ko nga binilhan ako ng burger kanina,Hindi naman ako ganito kinilig. Ganyan na ba talaga kayo kaadik kay Renzo? 'Tss Simpleng bagay kinakikiligan.'
"Hahaha! Magandang balita!" Umirap ako sa kawalan. Akala ko pa naman kung ano nang nangyari. Sino bang makakausap ko na hindi at never mababanggit ang pangalang Renzo? Na tipong kasi kahit sa bahay at School ay bukang bibig na ng lahat yan. Nakakairita.
Pag pasok ko sa classroom ay puro tuksuhan ang nangyari. Crush daw ako ni Jerome,Aish! Bakla yun! at sigurado akong parehas lalaki ang gusto namin! Nginitian ko na lang sila at umupo sa pwesto ko.
"Hi,I'm Back!" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Si Zyeon.
"Antagal mo yata sa kabilang building?" Ani ko.
"Nope. Pumunta pa ko ng faculty." Tumango-tango ako inatupag na lang ang mag ce-cellphone habang katabi si Zyeon na my nilalaro.
"What the hell."
"Shit." Napapikit ako ng tumumba si Renzo sa mukha ko. Bwiset! Buti na lang at napa kapit siya sa pader kundi malalaglag ako sa pag kakaupo.
"s**t! Sorry." Mabilis siyang umayos ng tayo at napa sapo naman ako sa noo ko. Ansakit,Tumama yata ang kwintas nya sa my bakal sa noo ko. Mabilis na tinignan ni Zyeon ang noo ko.
"Namumula at my bakat ng bakal." Nakita kong sinamaan ng tingin ni Zyeon si Renzo. Bwiset naman kase!,Mag lalakad na lang tungo sa upuan matatapilok at babagsak pa saken.
Namumula pa rin ang noo ko habang nag di-discuss ang prof sa harap ng klase. Katabi ko si Renzo ngayon dahil nag request si Andeng na dun daw muna siya sa dulo para makatulog,Puyat daw kasi siya.
"Masakit pa rin ba?" Hinawi ko ang kamay niyang biglang dumapo sa noo ko.
"Sinong hindi masasaktan ng bumaon yang bakal na kwintas mo!" Pabulong kong sabi pero my halos galit at inis na tinuro ang kwintas niya. Ngumisi ito at hinubad ang kwintas niya.
"Hindi ko na nga to susuotin,Ayokong nasasaktan ka eh" Tinapon niya kung saan ang kwintas dahilan kaya napatingin ang karamihan sa gawi namin. Yumuko ako at nag kunwaring nagsusulat ng notes.
Yun ba ang panama niya para mainlove ang karahiman sakanya? Ang Corny! Ni hindi man lang ako kinilig.
Umiling ako. Bat ako kikiligin sakanya? Dapat nga eh masuka pa ko! ew.
"Sorry." Tinapik niya ang balikat ko bago siya tumayo at diretsong lumabas ng classroom kasabay ang prof namin.
"Ayos ka na?" Tanong ni Zyeon habang inaayos ang ibang gamit ko sa locker. Mahapdi pa rin ang noo ko,I dont know if namumula pa rin ito. Masakit masyado ang bumakat na bakal.
"Ito ba yung kwintas niya?" Pinakita niya sakin ang hawak niyang kwintas,Dahilan kung bakit napa kunot ang noo ko. Bakit nasa kanya?
"Hey! Easy. Hindi ko ninakaw sakanya to!" Humalakhak ito sa tawa.
"Diba hinagis niya to kanina? Napunta lang naman sa direksyon ko at tumama sa balikat ko." Kitang kita ang hugis na bilog,Kulay Silver na kwintas ni Renzo. Really? Baka mamahalin ito tas hinagis niya lang. Wala talagang modo ang isang yun!
Nilapag ni Zyeon Kung saan ang kwintas. Nag aalala pa rin daw siya dahil baka magkasugat ang noo ko dahil sa nangyari.