Kabanata 16

1071 Words
Kabanata 16 Nakakatakot ang mga tingin niya,Tagos sa likod ko kapag naka talikod ako. Ewan ko kung matatawa ako sa inaasal niya pero wala talaga akong pake. Kasalanan niya namang uto-uto siya. Kausap ko ang adviser namin sa faculty Room, Mag papasa ako nang requirments para pumasa this quarter. My pumasok dito at padarag na sinarado ang pinto kaya lahat ay napatingin dito,Its Renzo. Ang pag kakaalam ko ay 'No Pets' allowed dito sa school,Bat my nakapasok na unggoy na dito? Pinigilan ko ang tawa ko at yumuko na lang. Galit na galit pa rin ang tingin nito sakin. Parang nauto lang tas ganyan. Napangiwi ako sa inasta niya at lumabas na ako nang Faculty Room. "Bat ngayon ka lang lumabas?" Tanong ni Zyeon. "My Unggoy na kasi sa Loob,Si Renzo" Bulong ko habang sabay kaming nag lalakad sa hallway. Sabay na daw kasi kaming lumabas dito sa school,Parehas naman daw kasi ang way namin. Ngayon ko lang nalaman na same way pala kami,Sabi niya pa ay lagi niya kong nakikita na hinihintay ko ang sundo ko which is si Dad. Ganun na ba ko ka-walang interes na pati mga kaklase ko ay hindi ko kilala. Kung hindi pa yata nag concert ay hindi ko makikilala ang ilan pa sa mga kaklase ko. Nakipag high five si Zyeon bago ako sumakay sa kotse, Sa simpleng apir namumula na ang pisnge ko? Shemz. Sana hindi mahalata ni Dad,Mukha akong ewan dito na nakangiti habang naka tingin sa bintana nang kotse. "Musta?" Tanong ni Dad habang naka tingin sa salamin.Lumunok ako bago sumagot sakanya. "Hmm..Ayos lang po,After this punta ka na sa work,Dad?" Napansin ko kasing naka uniform na si Dad. "Oo eh, Dun na ko babawi nang tulog. By this month naman ay mababago na ang sched ko sa work." Namilog ang mga mata ko sa narinig,Mababago na? So Pwedeng sabay na uwian nila ni Mommy? at sa 5pm makakasama ko na ulit sila? Napangiti ako nang abot tenga. "Inlove ka na pala sakin bat ngayon mo lang sinabi?!" Patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko. Di ako maka paniwalang aabot kami sa ganito,Sa ganitong luluhod siya sa harap ko. Sa ganitong sitwasyon na wala akong magagawa kundi ang iwan siya. iiwan ko siya kasi mahal ko siya. Puta! Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang sinabi sakanya na mahal ko siya,Matagal na kong inlove sakanya! Nakakainis! Na sa buong taon na ayaw ko siya sa mga araw na kinakawawa ko siya ay mahal ko na pala siya! Bakit ganito? Bakit nahihirapan kami nang ganito? Hindi ba dapat ay my happy ending? Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinayo siya sa harap ko,Niyakap ko sya kahit patuloy ang pag hikbi ko. This is the last time,Moment with him. Eto yung Time at Moment na mahal ko siya,Mahal na mahal ko siya. Humikbi ako at kumalas sa pag kakayakap. Ang hirap pala no? iiwan mo yung taong mahal mo nang luhaan. Hindi naman ako patay,Pero yung puso ko! Sirang sira na! "Ate" Minulat ko ang mata kong namumugto. Umiiyak ako? s**t! Anong klaseng panaginip yun? Umayos ako nang upo at tinignan ang kapatid ko. Kinakabahan ang mukha nito. "What's Wrong?" Tanong ko rito at tinabihan ako sa sofa. Confused ang mukhang pinakita nito sakin bago sumagot. "Pumunta ka dito sa sofa nang umiiyak then habang tulog ka umiiyak ka pa ren. At tsaka bat ako tinatanong mo nang what's wrong? Haynako,Ate. Ikaw nga jan eh Ano ba nangyari sayo?" Tumayo ito at puma-mewang pa sa harap ko. Napaka Matured talaga netong kapatid ko,Akala mo ay isang Tatay o Nanay na nag sesermon sakin. Nagkibit balikat na lang ako at sinabing pagod lang. Sinarado ko ang pinto nang kwarto ko at siniguradong naka lock,Baka sundan kasi ako nang magaling kong kapatid. "Bakit ka umiyak?" Tanong ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin. Sobrang pula at literal na namumugto talaga ang mata ko. Napahilamos ako nang mukha at bumuntong hininga. Sino iyon? Hindi ko matandaan ang itsura nang lalaki dahil sobrang labo na nang mata ko dahil sa mga luhang gusto pang lumabas sa panaginip ko,Kanina. Hindi naman sa first time akong umiyak nang dahil sa panaginip pero this time hindi ko kilala ang iniiyakan ko at hindi malinaw sakin ang dahilan kung bat ako iiyak at bakit ganun kalala ang iyak ko. "Drama naman." Ngumiti ako sa salamin kahit pilit. Pinuyod ko ang buhok ko tsaka nag palit ako nang sando at shorts. Gusto ko lang maging kumportable sa galaw ko. "Pano ba malalaman kung inlove?" Wala sa sariling ani ko. Inlove na ba talaga ako kay Zyeon? Pinunasan ko ang natitirang luha sa mata ko at humiga. "Yow?" Panimula ni Micha ng tawagan ko siya. Napaka Kumportable ko kasi pag si Micha ang kausap ko, Although nanjan naman si Andeng or Jerome..Mas nakakausap ko pa rin si Micha about this. ewan ko ba. "Inlove na ba ako?" Kinagat ko ang labi ko,Ano ba namang klaseng tanong yan? Eh hindi nga ata alam ni Micha na inlove ka kay Zyeon eh! This past few weeks kasi ay inlove ako sa fictional character at hindi sa totoong tao. " i dunno. Ano nanaman ba nabasa mong story?" Narinig kong napahalakhak ito sa tawa kaya ngumuso ako. "Wala. Sa Classmate ako inlove" Paliwanag ko dito at ilang segundong hindi nag salita,Ano nanaman nasa isip nito? "O.M.G! AS IN?! INLOVE Ka kay RENZO?!" Napamura ako nang mahina sa sinabi niya. Aba't never akong maiinlove sa unggoy! kahit si Renzo na lang ang natitirang hayop este tao na lalaki sa mundo ay hinding hindi ko yan magugustuhan! Panira naman nang Moment tong si Micha. "f**k,Hell,NO!" Umismid ako at binago ang posisyon sa kama. " Diba hate mo si Renzo? Omayghash! The More You Hate, The More You Love Nga! yieee!" Panunukso pa nito sakin. "Tsk." Nakakainis talaga. "Ay,Sino ba?" Huminga ako nang malali. bago ito sagutin. "Si Zyeon." Hindi ito sumagot kaya binaba ko na ang call. Kilala niya ba si Zyeon? Base kasi sa nalaman ko medyo malayo ang bahay ni Zyeon sa school kaya imposibleng mag kakilala sila. Baka Internet friends? Hays. Wag na nga isipin yan! Sumagi bigla sa isip ko ang panaginip kanina. Ano kaya meaning nun? Hindi ko nama pwedeng isipin na baka iwan ko nang jowa ko kasi wala naman ako nun,Diba? Sarili ko ngang crush hindi ako magustuhan. Hays. Buti pa sa panaginip my Jowa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD