Kabanata 15
Pagkatapos kong ihatid si Andeng sa bahay nila ay Dumiretso na ko sa bahay.
Pagod na Pagod ako,Mabuti at walang pasok bukas. 2am na pala nang madaling araw kaya bagsak na bagsak ang katawan ko sa kama.
"I TOLD YOU TO NOT WEAR THAT SHORT AGAIN!" kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Ano ba kami?
"Teka ha? Boyfriend ba kita? o baka naman tatay? hi po!" pampipilosopo ko dito. Umirap ako sa kawalan dahil nag punta pa talaga siya dito sa bahay para pagalitan ako.
"HINDI MO BA NAHAHALATA? GUSTO KITA VERONICA! MAHAL KITA!" napaupo ito sa tabi ko samantalang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
G-gusto niya ko? mahal?
Nagulat ako sa lakas ng alarm ko. Shet! Di ko natanggal yung 6:00am na sinet ko na alarm.
Antok na antok pa ko nang icheck ko ang nag chat sakin.
"Good morning!" Napangiti ako sa chat ni Zyeon. So nag Effort talaga siyang gumising nang ganitong oras para batiin ako ng goodmorning?
Umiling-iling ako,Effort? hahaha! Baka nga naalipungatan lang yan tas naalala ka.
Wala pa sa kalahati ang tulog ko nang tumunog ulit ang cellphone ko. Inaantok na ko!
"Why?" Panimula ko sa linya.
"Wala nang Goodmorning? Why agad? hahaha!" Humalakhak ito nang tawa kaya nang ibababa ko na ang Linya..
"My pasok daw Later. Half day. Haha!" Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba walang pasok? Bwiset! Anong Oras na oh! kailangan kong bumawi nang tulog.
"Then,Fine. See you Later." Binaba ko na ang phone at Power off ang cellphone ko. Ayoko muna nang magulo.
Nafa-fall na ba ko kay Zyeon? s**t ang rupok mo self! Go with the flow na lang!
"Hi Veronica!" Niyakap ako ni Zyeon nang makita niya kong pumasok sa gate nang school. Ayoko talagang pumasok kaso naisipan kong tutulungan ko nga pala si Anj.
Antok na Antok pa ko samantalang si Zyeon ay sobrang energetic. Ang gwapo niya.
Sabay dapat kaming papasok nang classroom pero pinauna ko siya. Mahirap na at baka maissue pa kami.
Dapat ay si Andeng ang katabi ko pero umusog si Andeng sa upuan ni Renzo para si Zyeon ay maka upo sa upuan niya. So katabi ko na si Zyeon.
Teka? Asan si Renzo kung ganun?
Inikot nang mata ko ang buong classroom and---Katabi ni Nix si Renzo? Biglang nag init ang ulo ko sa nakita ko,Where's Anj?
Nakita ko si Anj na halos maiyak na sa nakikita niya,Kailangan niya nga nang tulong ko.
Suot ni Nix ang Jacket ni Renzo,Sila na? Ewan ko pero nagalit ako. nagagalit.
"Okay ka lang?" Tanong ni Zyeon sakin. Damn! Inlove nga ako.
"O-okay lang" Ngumiti ako at mag focus na lang sa first subject namin.
Hindi pa rin umaalis si Zyeon sa tabi ko. Nang sa gayon ay katabi pa rin ni Renzo si Nix,Aish! Bat ko ba sila naiisip?
What's new? Babaero at Playboy yang si Renzo,As i expect. Psh.
"Veronica Mariano?" Tawag nang guro ko sakin pero hindi ko ito pinansin.
Nakatitig lang ako kay Nix at Renzo na naglalandian sa kabilang upuan. Kawasang Anj,Mukhang walang pag-asa kay Renzo.
"Veronica!" Natauhan ako nang sumigaw si Mrs. Sanchez sakin. Napalunok ako nang makitang nakatingin na sakin lahat nang kamag aral ko. s**t na malupet!
Tumayo ako at hinarap si Mrs. Sanchez. Damn! Lutang ako sa mga tinuro niya.
"Y-Yes po?" Kinakabahang tanong ko.
"Pupunta kayong Concert--Mag iinom kayo tas ganyan!" Galit na Galit na ito at para bang kamatis sa sobrang pula.
"Parang di ka uminom nung concert,Ma'am." Nilingon ko agad si Andeng at Pinandilatan nang mata. Eh kung marinig siya ni Mrs. Sanchez? Edi na guidance pa tong isang to.
"Answer this question Ms. Mariano.." Umayos ako nang tayo at nag handa sa itatanong nito sakin.
"What is Inertia?" Ani ni Mrs. Sanchez at tumitig sakin.
Namamawis na ko nang bongga dito. Hindi ko alam ang isasagot ko,Bwiset naman kasi,Bat ang lutang ko?
"I-Inertia is t-the..." Huminga ako nang malalim at pumikit sandali. Hindi ako sigurado sa sagot ko, Matagal na kasi ito tinuro noon- Siguro'y nasa first year high school ako.
Nakatingin sakin si Nix at Renzo pati si Anj. Anong gagawin ko? Syempre sasagot! aish!
"You can't Answer Ms. Mariano? Okay then your grade is----" Hindi ko pinatapos si Mrs. Sanchez sa sasabihin niya dahil inunahan ko ito.
"Inertia is the Tendency of an object to recist Changes in its state of motion and Interia at rest is proportional to mass." Kabado akong umupo at hinawakan ni Zyeon ang kamay kong basa nang pawis.
"Kala ko di mo masasagot" Hindi ko nilingon si Zyeon pero binagyan ko na lang siya nang isang ngiti.
"I know the answer,Kinabahan lang ako." Narinig kong tumawa si Zyeon kaya binawi ko ang kamay kong kanina'y hawak niya.
Nakita kong nakatingin sakin si Anj kaya umiwas agad ito nang tingin sakin. Okay lang ba siya?
"Par,Pigilan mo ko ah sasapakin ko na yan si Nix" Napalingon ako kay Nix. Wtf? Grabe maka yapos tong si Nix kay Renzo.
Napailing na lang ako at Salamat dahil lumabas na si Mrs. Sanchez.
Nakita kong galit na si Andeng samantalang si Anj naman ay naiiyak na sa nakikita. Ganyan ba sila kaadik kay Renzo?
Tumayo ako kaya napatingin si Anj sakin,Tutulungan ko na si Anj.
Lumapit ako sa gawi nila Renzo kaya napatigil sa pag yapos si Nix at tumingin sakin. Don't Worry Nix hindi ko aagawin yan si Renzo.
"Renzo,Tawag ka nang Mama mo..Labas ka daw muna dito." Pinakita ko sakanya ang phone ko kaya dali-dali itong Lumabas nang classroom namin.
Yan ba ang kina babaliwan nyong lalaki?, Uto-uto. Hindi ko nga Kinakausap kahit saan si Ninang Emily eh.
"Ka ano-ano mo siya,Vern?" Tanong ni Nix,Nag kibit balikat lang ako at nginisian si Anj.
Unggoy na uto-uto.
Mukhang imposibleng ma fall ako dito, sus.
Zyeon or Renzo? Takte! Edi kay Zyeon na lang! Hindi mukhang unggoy at hindi uto-uto.
Natawa ako sa naisip ko. Si Zyeon ang gusto ko. Walang iba. Siya lang.
Inaayos ko ang gamit ko para sa susunod na subject. Ayoko na maging Lutang no,Mabuti at alam ko ang sagot kanina.
Ayoko namang bumagsak dahil isa iyon sa mga major subject namin.
"Kris?" Napatingin ako sa likod ko kung sino iyon. Anj?
"Don't call me Kris..Haha!" Ayoko talaga nang tinatawag akong Kristine o Kris,basta ayoko.
"Ay hehe.." Nahihiyang sambit nito.
"Salamat kanina ah,Pinag layo mo si Nix at R-Renzo." Nag papasalamat siya nang dahil dun? Eh napaka simpleng bagay nga lang nun eh.
"Wala yun,Sus." Ngumiti ako dito at pinag tounan ulit nang pansin ang mga gamit ko para sa susunod na subject. Kung sa ganung bagay ay natulungan ko na si Anj edi napaka dali na nito para sa susunod,Este..Ang simple lang kasi nang ginawa ko kanina so sa susunod na tulong ko ay hindi na ko mahihirapan pa.
"Hindi kaya nagalit si Renzo sa ginawa mo?" Nag kibit balikat lang ako at Nilingon ang bumukas na pinto. Masama ang tingin ni Renzo sakin,Haha! Uto-uto kasi. Tsaka anong pake ko kung galit siya sakin?