"kabanata 2."
Kakarating lang namin ni Mommy sa mall at nagsimulang maglakad sa maraming tao,Syempre mall ito.
Nakita kong my kinawayan si Mom kaya sinaksak ko na ang earphone sa tenga ko,For sure puro chikahan lang ang magaganap sa ilang oras kaya mag mabuti pang manood na lang ng mga Music Videos ng paborito kong kpop girlgroup.
Sandali akong nag mano sa ninang ko at hindi pinakinggan ang Compliment nya sakin. Naka tingin lang ako sa Cellphone ko buong oras,Actually mukha na ata akong ewan dahil tawa na ko ng tawa sa pinanonood kong video. Music video lang dapat panonoorin ko eh.
Medyo nagsawa na ko kaya tinanggal ko na ang earphones ko at nilingon sila ninang sa harap ko. Nasa restaurant kami.
Nag lalaro ng mobile legends ang lalaking anak ni ninang kaya di ko masyado maaninag ang mukha nito,gwapo ba? umiigting ba panga nito? mapungay ba mata nito? Hays nakagat ko ang ibabang labi ko ng maalala na sa w*****d lang pala nag e-exist ang mga ganoong lalaki.
Pumikit ako saglit at naalala ko ang panaginip ko kanina kaya namulat bigla ang mata ko. Medyo nahiya ako dahil naka tingin sakin ang anak ng ninang ko.
Yumuko ako saglit at inalala ang panaginip ko,Sino yung boy na yun? Omg! Seryoso ba yun? Sayang naman naputol agad yung panaginip ko,Kung hindi siguro naputol yun baka nagawa na namin yung sa kubo---Charot!
"Veronica." Napa balikwas ako sa pag kaka upo ng tinawag ako ni Mommy.
Tinaasan ko na lang si Mommy ng kilay at kinagat ang labi ko.
"Kanina pa kayo tahimik nitong anak ko,Mag kasing edad naman kayo bat di kayo mag usap? Balita ko nag lalaro ka rin naman ng online games.." Ani ni ninang.
Sus paki ko sa anak niya,Halos ayaw na nga mag salita oh! busy sa pag lalaro,baka sabihan pa kong cancer nyang mokong na yan. ni hindi ko nga masilayan ang mukha niya,Hmm baka panget sya kaya ayaw niya ipakita mukha niya.
"No need,Ninang..Look--Mukhang busy sya sa pag lalaro and busy rin po ako sa---sa pagbabasa" nginitian ko si Ninang at yumuko ulit ako.
"Ma,Asan mask ko?" Narinig kong sabi ng anak ni ninang,Hindi ko ito nilingon at Kinwento ko na lang sa kaibigan ko ang nangyari sa panaginip ko.
Baka daw yun yung ultimate crush ko ,Well.. maputi at matangkad sya pero yung nasa panaginip ko is Kayumanggi ang kulay nya,hays! Bat kasi ganun?! na e-explain ko kung ano meron sya pero hindi ko malaman kung ano ang exact nyang itsura!
"Wala daw tayong class!" Sigaw ng class president namin. Im so Sleepy! Hindi kasi ako natulog kagabi kakahanap dun sa lalaking nasa panaginip ko,Good to know na walang class dahil my seminar ang mga teachers, Iginaya ko ang ulo sa ko desk and slowly closed my eyes. Im very sleepy.
"Vern! Veronica!" napalingon ako sa tumawag sakin,sus si Andeng lang pala! Yung kaibigan ko dito sa school.
Nilapag ko ang hawak kong papel sa ibabaw ng lamesa. My mga booth kasi ang bawat classroom at level kaya eto ako ang nag aayos ng booth namin.
"Bakit?" nilapitan ko ito habang naka kunot ang noo ko,She's Weird. Ngiting aso tas parang kamatis sa sobrang pula ng pisngi.
"Ehem..Ikaw ah my manliligaw ka pala!" Tumili ito kaya napa ngiwi ako. Sinong manliligaw? Si Crush na ba? OMG!!!
"S-sino?" nilingon ko ang booth namin sa di kalayuan.
Hinila nito ang kamay ko at tumakbo sa my gate ng school namin.
"Hoy babae ka!wag mo kong idadamay kung mag cu-cut ka ng class!" Sabi ko rito habang patuloy pa rin siya sa pag hila sakin.
"Uy ang pogi ah!" bulong nito sakin sabay nguso niya dun sa lalaking naka motor sa harap ng school namin.
Sino yan?
Yung lalaking nasa panaginip ko nung isang araw! he's so hot and----
"VERONICA!" Napamulat ako sa pag kakapikit ko ng my tumawag ng pangalan ko,I give a death glare at my friend,Andeng. Pinutol niya ang panaginip ko! 30 minutes pa lang ata ako natutulog eh.
"Puro ka tulog! tara na mag lunch na tayo!" Tamad akong tumayo mula sa pag kakaupo at sinundan na lang si Andeng habang papunta sa Cafeteria
"Huy bakla! kanina ka pa tulala" Pumalakpak ito sa harap ko kaya natauhan ako.
"inaantok lang ako" Yun naman talaga eh inaantok pa ko tas Iniisip ko kung bat yjn pa rin ang lalaking nasa panaginip ko.
"Yan kasi! w*****d pa more!" Nilapag niya ang tray sa harap ko at umupo na rin sya sa harap ko.
"Yan na lang inorder ko sayo,baks.Maarte ka kasi sa pag kain" tumango-tango lamang ako rito at sinimulan nang kumain.
"Bakla," Tawag ko rito kay Andeng,Ewan ko ba kung bat bakla---Kasi nainpluhensyahan daw kami ng mga kgirl groups hahaha!
"Oh?" Ani nito habang my laman na kanin ang bibig nya. Napangiwi naman ako.
"Hindi ba't ang weird kung mag kakaron ng boy sa panaginip mo then you dont know him." Medyo sumeryoso na ang tono ng pananalita ko.
"Well for me,Hindi naman...Baka kasi napadaan lang yung boy,Nangyari na sakin yan one time,kala ko nga yun na magiging jowa ko kaso wala eh isang panaginip lang sya,siguro napadaan nga lang. bakit?" Ani nito.
"Nothing." Pinagdikit ko na ang kubyertos ko,Sinyales na tapos na ako kumain.
Naka palungbaba pa rin ako habang malalim ang iniisip. Ambagal kumain ni Andeng.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko,Its already 8pm tapos na ko maligo at kumain tanging pag tulog ko na lang ang hindi ko pa nagagawa,To think about that boy at my dream.
First time kasing nangyari sakin to,Madalas ay ako ang bida sa panaginip ko,Minsan nga i can control my dream,Lucid dream daw. At this time iba ang bida sa panaginip ko and boy pa?
I dont want to think na Yun yung jowa ko or magiging jowa,ayoko nang umasa.
Gusto ko rin namang isipin na baka schoolmate ko lang yung lalaking yun,kaso impossible kasi wala namang umiigting ang panga sa school namin.
Hmm? maybe transferee? aish! Bahala na nga siya sa buhay niya kung buhay man sya! basta ako matutulog na lang! Im tired.