"Kabanata 3"
7:30am
What the heck is that?! Ang ingay sa labas ng kwarto ko,Ang pag kaka alam ko ay ilang distansya ang layo ng kwarto ko sa Living room,Bat abot dito ang ingay?!
Hindi ko pinansin ang itsura ko at lumabas agad ng kwarto to check that noisy.
Fuck! halos masabi ko na iyon ng my matapakan akong matulis na bagay way to living room.
"Ouch!" Tinignan ko kung ano ang bagay na iyon,A toy car?! sino naman ang maglalaro nito eh ang kapatid ko ay 10 years old na at hindi na naglalaro ng ganito.
"Ate,masakit ba?" Naka rinig ako ng tinig ng isang bata,not my brother. Who's this little cutie boy? Hindi ko ito nginitian at pinulot ko na lang ang laruan niyang kotse at inabot sakanya. Wala ako sa mood ngumiti.
"Umagang-umaga naka simangot ka." Hindi ko nilingon ang nagsabi non,It's my brother for sure.
"Oh anak gising ka na pala!" Bati ni Mommy sakin ng makarating ako ng living room. Wala man lang good morning.
"Good morning,Inaanak!" Bat nandito si Ninang Emily? Siya yung Pinuntahan namin nung isang araw sa mall,remember? Tumayo si Ninang at nakipag beso saakin.
Namilog ang mga mata ko ng maalala ang itsura ko,s**t! Ang panget ko pa!
"Ah goodmorning rin po pero--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil my taong lumabas ng Restroom namin kaya napalingon ako roon.
OMG! Si Ninang Glaiza! Nakakahiya na talaga tong itsura ko huhu.
"Gising ka na pala,Kristine..Nakita mo na ba ang kinakapatid mo na si Azra? malapit sya sa Room mo eh naglalaro with Renzo and with your Brother." Ayoko talaga ng tinatawag akong Kristine! Renzo? Who's that boy? bagong anak ni Ninang? Btw, Maliligo na lang muna ako.
Nginitian ko na lang si Ninang at naisipang sa Cr na lang ng kwarto ko, ako maligo. Hindi ako sanay dito maligo--Bukod sa maliit ay walang ilaw dito,Tanging araw galing sa bintana lang ang nag bibigay liwanag dito. No choice my ibang tao sa labas eh. Im not comfortable.
"Ate?" My kumatok sa pinto ng kwarto ko habang sinusuklay ko ang buhok ko,Balak ko sanang mag bangs,bagay kaya?
Halos mabitawan ko ang suklay ko ng buksan ni Marvin (brother ko) ang Pinto ng kwarto ko.
"Goddamn!,Matuto ka ngang kumatok!" Sigaw ko rito.
"Kumatok kaya ako di ka sumasagot,Dito raw muna kami sabi ni Mommy" Naka ngisi ito kaya hindi ko nagustuhan ang itsura niya,nakaka irita! bakit ba gwapong gwapo ang mga tao rito sa kapatid ko?
"Bakit hindi na lang sa kwarto--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil my isang matangkad na lalaki na biglang sumulpot sa likod ng kapatid kong unggoy.
"Bawal sa kwarto ko,My ginawa akong project dun baka masira lang namin." Tinaasan ko lamang ito ng kilay at natahimik ako dahil OMG! umiigting ang panga netong lalaking to! Ok self kalma lang! Myghadddd!
My binuhat itong bata,Si Azra--Anak ni Ninang Glaiza.
"Uhm..Mag kakilala naman na ata kayo no? nag kita na kayo nung isang araw eh,Kuya Renzo tara! My computer si Ate dito eh" Ani ni Marvin at dumiretso sa Desktop ko. Renzo? tama ba ko? Renzo ang ngalan nitong lalaking to? yung lalaking nakasama ko este namin sa Restaurant? Yung lalaking kinaiinisan ko nung araw na yun? haha! dont kidding me,Hindi nakakatuwa.
Humiga na lang ako sa kama ko at nag cellphone, I want to update my Stories kaso Walang pumapasok na kahit ano sa isip ko,Sumasagi kasi bigla sa isip ko yung panaginip..Speaking of that,Damn! naalala ko nanaman yung lalaki sa panaginip ko! bwiset!
Tumayo ako sa pag kakahiga at lumabas upang tumungo sa living room,Wag talaga nilang galawin yung mga libro ko sa kwarto baka masapok ko yang si Marvin.
Umupo ako sa tabi Mommy habang patuloy pa rin sila sa pagkwe-kwentuhan.
Ilang minuto rin akong naka tutok sa cellphone ko ng mapunta ang topic nila saken. Expected ko na to no hahaha.
"Anong grade na nitong inaanak ko?" sabay akbay sakin ni Ninang Glaiza,Sinagot iyon ni Mommy. Halos mapa ngiwi ako dahil sakin talaga sila nakatingin.
"Talaga? Gumanda ang inaanak ko ah! My boyfriend ka na ba?" Wala po akong boyfriend,Meron po akong asawa kaso di siya nag e-exist. Sige lang self w*****d pa!
"W-wala po akong boyfriend" Sagot ko rito,Please tanggalin nyo na ko sa kwentuhan nyo or change topic na please lang.
"Eh si Renzo,Mare? Wala pa ba yung Girlfriend? Lumalaking gwapo ang Anak mo ah!" Sabi ni Mommy kay Ninang Emily. Hindi naman sa Chismosa ako pero kusa kasing naririnig ng mga tenga ko ang kwentuhan nila.
Aba! pano magkaka-Girlfriend ang Renzo na yun,Eh puro Online Games lang naman ang nasa isip non or else puro panonood lang ng p**n ang alam nun! Nako talaga mga ganung itsura ng lalaki matic na yan na ganun ang bisyo.
Tsaka,Mommy? Gwapo? si Renzo ay Gwapo? porket umiigting ang panga ay gwapo na? tsk tsk.
Umiling iling ako at nahalata ata ni Mommy yun.
"Anak my problema ba?" Tumaas ang kilay ko at umiling muli at nginitian na lang si Mommy.
"My balak akong ilipat na si Renzo ng School dito sa Manila,Maganda ba sa school ni Kristine--Magkano ang tuition fee?" Ani ni Ninang Emily na ikinabilog ng mga mata ko. Wag na wag niya talagang pag aaralin si Renzo dun! Ewan ko ba naiinis ako pag naaalala ang mokong na yun! aish!
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at ayokong marinig ang kung anong pinag uusapan pa nila Mommy sa living room,baka ma stress lang ako.
Todo ngiti ako dahil sa pinanonood kong Funny moments ng paborito kong kpop girlgroup at hindi ko namamalayan na nasa loob na pala ako ng kwarto ko.
Dahan dahan akong tumungo sa higaan ng walang pag aalinlangan,Sarap humiga!
I started to laugh loudly at narealize ko agad na hindi lang pala ako ang tao dito sa kwarto! Damn!
"Ganyan na pala kalakas ang tawa ng mga babae." Napalingon ako ng my nagsalita sa tabi ko. Si Renzo?! Nasa iisang kama lang kami!
Sinamaan ko ito ng tingin kaya dumistansya sya ng kaonti.
"Sinong nagsabi na pwede kang humiga sa kama ko?!" Napatayo ito at tinaas nya ang dalawa niyang kamay,Nginisian niya lang ako at bumaling muli sa desktop ko.
Bwisit na lalaki! Kung kanina ay sinabi kong gwapo sya--Pwes ngayon hindi na! Panget na sya! Mukha syang unggoy!
"Alis muna kayo dito sa kwarto,Maglilinis ako." Sabi ko sa kapatid ko kahit hindi naman ako mag lilinis. Hindi ko lang talaga kaya na nasa iisang kwarto kami ng unggoy na Renzo na to!
Bahagya naman silang umalis,nabunutan naman ako ng tinik--Thank God