Kabanata 5.
"Alam mo onti na lang masasapak ko na
yang Emihl na yan!" Nakasimangot akong naka upo sa bench ng school namin,Medyo malayo ito sa building ng mga classroom namin.
"Haynako,Sis. Bat ba galit na galit ka jan kay...Renzo eh wala ngang ginagawa yung tao sayo." Sabi ni Jerome habang kinain ang mga binili niyang pagkain.
"Ehem,Baka sa ngayon walang ginagawa si Renzo....Maybe my past kayo? uhm..Ex mo sya no?" Makahulugang tumingin si Andeng sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. Past? gusto niya bang makatikim ng tadyak mula saken? Past nya mukha niya! eh kelan nga lang kami nag kakilala ng Emihl na yan. Ewan ko ba nabwibwisit ako! feeling ko ang yabang-yabang niya! kala mo kung sinong gwapo!
"Ham-PAST in kita you want?." Wala kaming past,Pero kinakapatid ko sya at ninang ko ang mama niya. Should i respect him kasi Ninang ko yung Mama nya?
Nilagay ko na ang bag ko sa sa aking likuran at hinintay ko ang mag susundo sakin,Si Dad.
"Balita ko dito na rin nag aaral si Renzo." Bungad ni Dad sakin bago ako maka pasok ng tuluyan sa kotse. Hindi ko ito pinansin ng ilang segundo kasi siguro halos sa lahat ng oras ko rito sa school ay hindi mawawala ang pangalan na RENZO na yan! nakaka irita!
"Well,Yeah. Classmate ko sya and Seatmate na ren" Walang ganang humiga ako sa upuan ng kotse namin.
"Good. Isabay na kaya natin siya sa pag-uwi? pupunta naman Mama niya dun mamaya eh." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. WHAT?! Ayokong maka sama at maka sabay yung mokong na yon dito sa kotse no!
"No,Dad. My mga friends na sya,kasabay nya umuwi." Pag sisinungaling ko rito,Wag lang maka sabay yung mokong na unggoy na yun dito.
Palabas na ng gate ang kotse ng mamataan ko si Renzo na nag hihintay ng jeep na masasakyan nya. Nilibang ko si Dad para hindi niya mapansin si Renzo.
Thank God at hindi naman niya napansin.
Huminga ako ng malalim at sinandal na lang ang ulo sa my bintana. Bat feeling ko sobrang pagod ako?
Dumiretso na ako sa kwarto ko para mag palit ng damit. Tinawagan ko si Jerome para sabihin na sa isang araw ko na lang ibabalik ang damit nya na hiniram ko dahil lalabhan ko pa ito.
Humiga ako sa kama ko at nakalimutan ko nang mag palit ng damit.
Damn! Im tired.
"Hi babyy!" bati ko sa pinsan kong baby dahil bigla syang pumasok sa kwarto.
"What are you doing here? Lets go outside and eat some sweets" malambing kong sabi dito pero hindi nya ko pinakinggan,tumuloy siya sa tabi ko.
Ayoko kasi lumabas eh,I know party yun at kailangang mag saya pero ayoko kasi ng ganun, weird.
Buong pamilya ay nandoon,Nandoon si Lola,Tito,Tita at iba ko pang pinsan. Nag kakantahan sila sa labas at nag sasaya samantalang ako eto naka hilata at nag babasa ng libro.
"Ate." Tawag ni Baby Atasha sakin at my iniabot na papel. Kumunot ang noo ko dito,Paper?
"Wow! Nag drawing ka ba?" Kinuha ko ang papel sakanya ngunit walang drawing pero my sulat na pamilyar sakin. Kay Renzo na hand written to.
Hi Vern,Im here outside,Sa labas ng bahay nyo,Nakita ko ang pinsan mo kaya sabi ko ibigay nya sayo tong letter. Mukhang my Party jan sainyo ah? Can i join? Mag papakilala na kong manliligaw mo. Yes mag papaalam na ko kay Ninong at Ninang na liligawan kita.♡
-Renzo Emihl Marines.
What the f**k?! Ginamit nya pa ang pinsan ko sa kalokohan niya, Alam kong Loko-loko nya lang tong ligaw na to! sus andami nya kayang babae,At isa pa nilalandi niya na rin ang mga kaibigan ko kaya never ever akong maniniwala na gusto nya kong ligawan! ayokong umasa!
Tinapon ko ang papel kung saan at Humiga na lamang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.
Biglang bumukas ang pinto pero hindi ko nilingon ang nag bukas,Baka si Tita lang at susunduin na si Atasha.
Ilang segundo at walang boses akong narinig kaya lumingon na ko sa pinto. OMG! It's Renzo.
Nilingon ko agad si Atasha at kinuha ito patungong kama,Baka kung anong gawin ni Renzo eh.
Pinatay ni Renzo ang ilaw kaya nag pupumiglas sakin si Atasha.
Tumakbo si Atasha patungong labas kaya lumaki ang mga ngisi si Renzo.
Nilock nya ang pinto ng kwarto ko kaya nanlaki ang mga mata ko.
"What the heck are you doing?!" Kinagat nya ang labi niya at bahagyang lumapit sakin.
Nakaka ilang atras ko hanggang sa madama ko na ang dulo ng higaan ko.
"Shit." bulong ko ng ilang inch na lang ang pagitan ni Renzo sakin.
"Shh." Nakatingin sa mga labi ko si Renzo kaya tinikom ko ang bibig ko.
Ano na lang ang sasabihin ni Mom at Dad pag nalaman at nakita nilang magkasama kami ni Renzo sa iisang kwarto at kama?!
Gusto kong itulak si Renzo ng maramdaman ko na ang hininga nya.
Tinignan ko sya,Bakit parang my pumipigil sakin na itulak sya?
Pinikit nya ang mga mata nya at umawang na rin ang bibig nya. He want to kiss me.
Nanatiling mulat ang mga mata ko hanggang sa dumagan na sakin si Renzo and we----
"ATEEEE!!" Napamulat ako sa tumawag sakin.
"YOWN! Salamat at nagising ka na." Tinignan ko si Marvin sa gilid ng kama ko,Naka uniform na sya at ready nang pumasok sa school. Samantalang ako kakagising pa lang.
"Mag breakfast ka na muna,Ate at mauuna na lang ako sa school,see u." Nginitian nya ko at tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.
Nilagay ko ang unan sa my mukha ko at bahagyang sumigaw!
ahhhhh!!!! ANONG PANAGINIP YUN??? BAT YUNN? BAT GANUN? SHIITT!!
Pinadyak ko pa ang paa ko.
Hindi ko alam kung nadidiri ako sa nangyari o Kinikilig eh. BWISET!
Tulala akong kumain ng Almusal at Tulalang naligo.
I cant believe that! Si Renzo,ako? gagawin yun? kadiri! aish.