Kabanata 6.
Habang nag lalakad ako sa hallway ay naisip ko ang napanaginipan ko,The f**k! i cant believe that!
Natanaw ko na si Andeng sa harap ng classroom namin,At kumaway ito sakin samantalang ako ay ngumiti lamang ako kahit hindi nya iyon nakita.
Sana'y absent si Renzo.
"Gurl,Halika ngaa!!" Hinila ako ni Andeng papasok ng classroom at nilapag nya rin ang bag ko sa upuan ko. Pinag gitnaan kasi ako ni Andeng at Renzo.
Nang maka upo kami ay napunta ang tingin niya kay Renzo. Tss pumasok pa sya! kainis!
"hey! look at him!" hindi ko pinansin si Andeng tsaka sya umupo na rin sa tabi ko.
"Bat ba ang init ng ulo mo sa lalaking yan? Ang pogi kaya! tas umiigting pa panga,Diba you like that?" Nakapalum-babang naka tingin sakin si Andeng samantalang sumulpot naman sa likod namin si Jerome.
"Kahit umiigting pa panga nyan,My mga bagay o tao talaga tayong ayaw kahit wala naman silang ginagawang masama saatin." Yown! that's my point! yun yung nararamdaman ko!
Tumango-tango ako kaya tinapik ni Jerome ang balikat ko tsaka ito umalis.
"If ayaw mo talaga sakanya..." Nilingon ko na si Andeng. Ngumiti ito sakin na para bang kinikilig.
Ano nanaman ba balak nitong babaeng to?
"Ano kasi...Crush ko kasi si Renzo." Namumula na ang pisngi nito kaya napa ngiwi ako,Lumingon naman ako kay Renzo na nasa tabi ko laking gulat ko ng naka tingin rin sya sakin.
Hmp! inirapan ko nga.
Hindi siguro aware si Andeng na kinakapatid ko itong si Renzo at Ninang ko ang mama nito. Aish! Pake ko ba,edi my crush nang unggoy ang kaibigan kong si Andeng!
"Omg!!! hindi ka na virgin sa panaginip mo!" Halos hampasin ko na ang bibig nitong ni Micha sa lakas ng boses nya.
Kinwento kasi sakanya yung napapanaginipan kong boy before Renzo.
Tas kinwento ko rin sakanya yung nangyari sa panaginip ko na kasama si Renzo tapos nag ano.
"Hoy bruha ka! nasa coffee shop tayo! wala sa bahay,ok?" sabi ko rito.
iniskip ko na ang last subject ko dahil TLE lang naman yun at napasa ko na lahat ng project doon.
"What if sya rin yung boy dun sa isa mong panaginip?" Sumeryoso ang mukha nito at tumaas ang kilay.
What if lang naman. At kung si Renzo rin ang Boy dun sa mga naunang panaginip ay isang imposibleng pangyayari.
Marahil ay kaya ko napanaginipan si Renzo ay baka dahil nga buong araw noon ay bukam bibig si Renzo ng mga tao.
"Imposible." sabi ko rito tsaka humigop ng Ice Coffee.
"Well,Ayokong umasa ka,Vern. Pero always remember na magdasal bago matulog! yan tuloy parang bangungot na sayo yang mga panaginip mo!" Tumawa ito ng malakas kaya nahawa na rin ako.
Ewan ko ba pero kelan ba my masasabing matino tong babaeng to? Isang himala na lang kung magiging matino pa to.
"Ano ba itsura nyang...Renzo na yan?" Siningkitan ko sya ng mata kaya humalakhak nanaman ito ng tawa.
I know her,Kunwari ganyan pero gusto nya talaga makita at Akitin si Renzo.
Hindi malandi si Micha ah! Pero Ganun na talaga siguro sya. Haha! Di naman sya sumasablay at talagang naiinlove rin sakanya ang mga lalaki. kumbaga habulin talaga sya ng aso--este lalaki.
Nag pa alam ako kay Micha na mag re-restroom muna ako para ayusin ang sarili at makapag palit ng damit. Naka uniform pa kasi ako.
Nilingon ko ang glass wall nitong coffee shop at nakita kong nag lalabasan na ang mga estudyante. Tapat lang kasi nitong coffee shop ang school.
Naka yuko ako patungong Cr dahil nag chat si Mommy sakin.
"Aray!" Napa sapo ako sa noo ko dahil my tumamang dibdib sa noo ko. sino naman to?!
Inangat ko ang tingin ko at si Renzo! Pati ba naman sa Coffee shop mag kikita kami? kaya nga ako nag skip ng class para di na to makita at makatabi tas ganito pa!
"Nag skip ka ng class. Tle pa." Ani nito at hinuli ang tingin ko. Damn! Pumungay ang mga nito at kinagat nya ang mga labi niya kaya nag iwas tingin ako.
"So? Pake mo?" Tinulak ko siya at tumakbo na ko papuntang Restroom. Hays!
"Bwiset! Bwiset! Bwiset!" Hilong hilo at hingal na hingal na ko sa ginagawa ko!pa ikot ikot na ko dito sa loob ng Cr na tipong inabot na ko ng trenta minutos dito.
"Self wag kang bibigay sakanya,okay? Di ka marupok. My iba kang crush. Umayos ka! Umayos ka!" Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok.
Pinag mamasdan ko ang mukha ko sa salamin. Brown eyes,Red lips. Natural ang mga labi ko walang lipstick or liptint,Sadyang mapula..Well hindi katangusan ang ilong ko,Kilay kong natural ang kapal,at ang mga mahahaba kong pilik mata.
Hindi ako maganda,Hindi rin naman ako panget. Bwiset! my mag kakagusto pa kaya sakin? tsk.
Inayos ko ang off shoulder ko at tumigkayad ng onti para makita ang balikat. Im done!
Sana'y wala na si Renzo sa labas! please! ayoko na talaga syang makita!