Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang usapan sa study room. Kung hindi ako nakalabas ay hindi ko man lang napansin na parang pinipigilan pala ng tensiyon sa loob iyong nararamdaman kong kaba. "Hindi na kami magtatagal, kailangan pa naming i-check ang mga kasama naming empleyado," paalam ni Vaughn kay Tito Felan. Mabilis na dumako sa'kin ang atensiyon ni Tito bago ito bumalik kay Vaughn. "Mag-iingat kayo," saad ni Tito Felan. "Call me if may problema," bilin pa nito sa'kin. "Of course, Tito," sagot ko bago yumakap sa kanya. "Parang tumanda ako bigla dahil may boyfriend ka na," mahina nitong usal habang gumanti ng yakap sa'kin. Kumawala ako mula sa kanya bago siya binigyan ng masayang ngiti. "Gwapo pa rin naman po kayo kahit tumatanda na." Pinabilog ko pa ang mga mata ko up

