Magkatabi kami nina Dax at Vaughn na nakaupo sa mahabang couch sa loob ng study room habang nagpalakad-lakad naman si Tito Felan sa harapan namin. Hindi ko maiwasang makaramdam nang kaba habang pinapanood ang tila pamomroblema ni Tito. Kanina habang papunta pa kami rito ay mukha naman siyang kalmado, bakit ngayon parang biglang aburido na ulit na ewan. "Tito, ako na po ang nahihilo sa inyo," reklamo ko matapos ang ilang minuto. Hindi ko na natiis ang panonood sa kanya. Habang hindi siya nagsasalita ay tumataas iyong level ng tensiyon na nararamdaman ko. Ngayon ko lang nakitang ganito si Tito na tila ba hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung magsisimula sa balak niyang sasabihin. Marahas na napabuga ng hangin si Tito Felan bago huminto sa harapan namin. Tumalim ang tingin niy

