Hindi agad nagsalita si Tito Felan matapos akong tapunan nang makahulugang tingin. Sumenyas siya sa isa sa mga kasamang bodyguard na lumapit. "Pakisamahan sa immigration briefing iyong empleyado ng MH at CEH na kailangang sumailalim sa session," utos niya sa tauhan. "Hindi kasi pwede si Alex dahil may pag-uusapan kami." May pinalidad sa boses niya kaakibat nang tila paghahamon sa sinumang gustong kumontra. Nagkatinginan naman ang mga empleyadong kasali sa magaganap na orientation. "Don't worry, guys," mahinahon kong kausap sa mga ito. "You're in good hands. Ito nga po pala si Tito Felan," pakilala ko sa kanya sa lahat. "Pinsan po siya ni Daddy at dito naninirahan sa Austramica." Pasimple kong siniko si Tito Felan bago siya mahinang inutusan, "Ngumiti ka po... kahit plastic," pabulong

