Akala ko ba royalty itong si Thara pero bakit nagmukhang nakisabit siya sa amin? Iyong mga kasama naming empleyado ay halatang ingat na ingat sa kilos nila. Para tuloy nagsimula na iyong trabaho nila kahit wala pa. Ni hindi nga nila na-enjoy ang biyahe at maging ang libreng pagkain pagkalapag namin ng Austramica dahil sa presensya ni Thara at Jera. Kahit naman kasi nakisabit lang ang mga ito ay umasta pa ring mas nakakataas sa lahat. Talo pa nga nila si Vaughn at maging si Dax na nakihalubilo sa mga empleyado upang maging palagay ang loob ng mga ito. May ilan kasi na first time tumapak dito sa Austramica. Protocol ng bansa na sasailalim sa orientation ang mga first timer kaya ako ang nagpresentang sumama sa mga ito para na rin makalayo sa dalawang asungot. "I'll go with, Alex," saad n

