Hindi naman ako nahirapang magpaalam kay Mommy. Pumayag agad ito sa pagpunta. ko ng Austramica at may mga bilin pa na dumalaw ako sa mga Lola at Lolo ko roon pati na sa iba kong mga pinsan. Hindi yata inisip ni Mommy na trabaho iyong dahilan nang pag-alis kong ito. "Sabihin mo kay Tito Felan iyong pangako niya sa'kin sa pasko ay i-advance niya na lang," bilin sa'kin ni Clara. Nandito sila ngayon sa bahay dahil day off nila sa CEH. Kahit naman parusa nilang tatlo ng mga kakambal niya iyong pagtatrabaho roon ay may day off pa rin sila lalo na at matatapos na iyong suspension nila sa paaralan. "Iyong pasalubong ko pag-uwi mo, Ate, huwag mong kakalimutan," dagdag naman ni Bella. "Ate, sabihin mo kay Tita Yolly na size seven ako," dagdag naman ni Ava. "Ang dami ninyong bilin," kunot-noo ko

