Ilang sandali munang nakipagtagisan ng tingin sa'kin si Jera bago ito humakbang palapit sa'kin. Bahagya naman akong gumilid upang bigyan siya nang daan para makaalis na siya. Hindi ako magpapakita ng reaksiyon nang huminto siya sa harapan ko. "The arranged marriage between me and Daxton was already set by our families," seryoso niyang ulit. Ang sarap niyang alugin para matauhan at magising sa katotohanang hindi na uso ang pinagdiinan niya. "A tradition we must uphold for the sake of our both families' stability and future," matigas niyang dugtong. "You're funny, marrying for family's sake," sarkastiko kong wika. "Kailangan na pala ngayong may sapilitang mangyayari para sa stability at future?" "Whatever you say, it's old tradition," matapang niyang sagot. "You can't go against traditi

