Pero sa bawat love story talaga ay hindi maiiwasan iyong kontrabida at iyon ang role ni Thara sa buhay ko. Pabuntonghininga akong kumawala mula sa yakap ni Dax nang mahagip ng tingin si Thara na palapit sa amin. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Pati ba naman dito ay naamoy niya kami. May ipagtatapat pa nga sana si Dax pero mukhang maantala dahil eeksena na iyong isang extra! Hindi naman ito imbitado pero bakit bigla itong sumulpot ngayon dito? "Iyong nanay mo," mahina kong pagbibigay-alam kay Dax. Nakatalikod kasi siya mula sa direksiyon ni Thara kaya hindi niya agad napansin. Kasabay nang pagpihit ni Dax paharap sa ina ay tuluyan nang nakalapit ang huli sa amin. Direktang nakatingin ang bruha sa anak at hindi man lang nag-abalang tapunan ako ng sulyap. "Dax, your grandfather i

