chapter 37

2032 Words

Bago pa ako nakatugon sa paanyaya ni Dax ay una nang magsalita si Yudz. "Teka, sanadali!" nagpoprotesta ang tonong singit nito. "Boyfriend mo 'to?" tanong nito sa'kin habang inaarok ng tingin si Dax. Kalmado namang sinalubong ni Dax ang mapanuring tingin ni Yudz na tila hinahanapan siya nang mali. "Yes, boyfriend niya ako," si Dax ang sumagot sa tanong ni Yudz. "Linyahan ko rin iyan noon, boy," napapantastikohang sagot ni Yudz. "Copyright ka." Inirapan pa nito si Dax bago kunwari ay inayos ang hindi naman nagalaw nitong buhok. Paano pa kaya gagalaw iyon gayong isang sako yata ng styling gel ang nilagay nito sa buhok? Narinig ko ang paghagikhikan ng mga kapatid ko at sigurado akong dahil iyon sa sinabi ni Yudz. Paano ba naman na totoong bukam-bibig nito noon ang pagiging boyfriend ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD