Halos kalahati na ng mga nakatambak na papeles sa mesa ko ang natapos kong review-hin. Kailangan ng approval iyong iba at mga report naman karamihan kaya kailangan ko lang basahin bago ipadala sa office ni Zandro. Ilang minuto na lang at lunch break na kaya pinahinga ko muna ang mga kamay at mga mata ko. Habang hinihintay ang lunch break ay naisipan kong buksan ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang mapansing may ilang mga mensahe galing sa hindi pamilyar na numero. 'Good morning, sweetheart.' Kumurba ang mga labi ko nang agad kong naisip kung sino ang taong tumatawag sa'kin niyon. Komportable akong sumandal sa kinauupuan ko at itinuloy ang pagbabasa ng mga text ni Dax. 'Daddy said hi.' Umikot ang mga mata ko dahil sa sunod kong nabasa. 'May pasok ako ngayon. We already miss y

