Kinabukasan ay una kong sinilip pagkagising ang kalmot ko sa pisngi. Effective iyong binigay sa aking cream kaya unti-unti na itong naghilom at mukhang malayo na sa inpeksiyon. Konting concealer lang at make-up ay hindi na ito mapapansin kaya pinasya kong pumasok sa trabaho. Pagkarating ko sa hotel ay agad sumalubong sa'kin ang assistant kong si Yza at inilahad ang schedule ko ngayong araw. Tinawagan ko siya kanina na papasok ako ngayon kaya pagkarating ko ay naihanda na niya lahat ng mga kakailanganin ko. "Miss Alex, tumawag pala ang representative ng Mercer Hotel, magse-set na raw ng panibagong schedule para sa contract signing," pagbabalita sa'kin ni Yza habang inisa-isa ko ang ilang importanteng papeles na kailangan kong pirmahan. "Bakit may reschedule?" kunot-noo kong tanong. W

