Matiwasay akong naihatid nina Dax at Vaughn pauwi. Ni wala man lang kaming napag-usapan tungkol sa aming tatlo dahil sa hindi inaasahang pagsulpot ni Thara. Pero kahit gano'n ay feeling special pa rin ang pakiramdam ko. Hindi man ako binigyan ng crackers na may pasobra ay dalawa naman ang ka-date ko. Ayaw ko nang magpaka-ipokrita at aaminin na sa sarili na date ang nangyari. Nakakapanghinayang lang na higit pa sana roon ang mangyari pero may isturbong dumating. Pero mabuti na rin siguro iyon, at nakaharap ko na ang posibleng hadlang sa mga plano ko. Pagkahatid sa'kin nina Vaughn at Dax ay hindi ko na sila inimbitahan sa loob. Hindi na rin sila kumontra pa at iniwanan ako ng matamis na halik bago nagpasyang umalis. Iyong puso ko, parang tanga! Kahit higit pa sa halik ang namagitan sa a

