Parang nanadya iyong sitting arrangement dahil bigla ay napapagitnaan ako ng mag-amang Mercer. Hindi naman ako makapagreklamo dahil iniiwasan kong may mapansin ang iba naming mga kasama. Mahaba naman iyong dining table at hindi masikip iyong pagitan ng mga upuan pero pakiramdam ko ay ipit na ipit ako sa puwesto ko. Masyado akong conscious sa bawat galaw ng mga katabi ko kaya buong durasyon ng hapunan ay tensiyunado ako. Ni hindi nga ako nakikisali sa usaoan at pawang tango lang ako kung tinatanong. Nakahinga lang ako nang maluwag nang matapos na ito. Gusto ko nang magpaalam na umuwi tutal ay hapunan lang naman iyong pinunta ko rito pero gising pa ang mga pamangkin ko kays nakipagharutan muna ako sa mga ito. Excuse ko na rin iyon upang hindi na kailangang makisali sa anumang linagkukwe

