Pagkababa ko sa sala ay nadatnan ko si Vaughn na kausap ang triplets. Maaliwalas ang ekspresyong nasa mukha ni Vaughn habang tumatawa naman ang tatlo kong kapatid. Kumunot ang noo ko at bigla akong naging interesado sa kung anong pinag-uusapan nila. Napahinto ako sa paghakbang pababa ng hagdan nang mapansin ang sinasabing red roses ni Rusca. Nakalapag ito sa center table namin. Dahil nakasunod sa'kin ang usyosero kong mga magulang ay muntikan na nila akong nabangga mula sa likod dahil sa pabigla-bigla kong paghinto. Narinig ko pa ang pag-aray ni Daddy Xander dahil nauntog sa kanya si Daddy Zach. Sinaway lang sila ni Mommy kaya parehong nanahimik. Dahil sa komusyon ay agad naming nakuha ang atensiyon ni Vaughn. Pagkakita sa'min ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at awtomatikong ngumiti

